PAKIRAMDAM niya ay sisintensyahan na siya ng kasama niya dahil sa sobrang kabang nararamdaman niya. Alam niya na ipinangako niya sa kanyang sarili na maging matapang pero kapag ganyan ang itsura niya na parang kakainin siya ng buhay dahil sa sobrang inis ay para niya ng gustong bumili ng shield o tawagin si Thor para ipagtanggol siya.
Pinagpapawisan at nilalamig siya habang nasa sasakyan siya ni Beast. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya natakot ng ganito bukod sa mga napapanuod niyang “slasher” movie.
“Bakit ba sobrang tagal mo? Ang tagal ko nang nandito sa kotse naghihintay sa ‘yo pero inabot ka ng isang oras wala ka pa rin!” galit na sabi ni John sa kanya habang nakatingin ang mga mata sa kalsada.
“Ahh…Ehh…” sa sobrang kaba niya ay nakaramdam siya ng pagsakit ng ulo at panlalabo ng mga mata hanggang sa nakaramdam siya ng pagkahilo. “Be-Be
Sa loob ng mahigit isang buwan na kanyang pagbubuntis ay naranasan niyang pagsilbihan siya ni Beast. Hindi na rin palaging nakasigaw o nagagalit sa kanya si Beast. Minsan kahit kasalanan niya ay iniintindi pa rin siya nito.Hindi na rin siya pumapasok sa university dahil ang payo ng doktor ay kailangang niyang hindi ma-stressed at nasa bahay lang siya hangga’t maaari. Kaya naisip ni Beast na huwag na muna siyang mag-enroll ngayong 2nd semester.Sina Danella at Shaira naman ay dumadalaw-dalaw na lang sa bahay para hindi raw siya gaanong mabagot. Ang daddy naman niya ay nakalabas na rin ng ospital kaya palagi siyang pumupunta sa kuwarto nito para bumisita at sinasabayan siya nitong magpaaraw sa garden tuwing umaga.“Good morning, asawa ko!” masiglang bati ni Beast sabay halik sa kanyang pisngi.“Good morning too, Beast!” nakasimangot naman na bati ni Khrystal. 
TUMAGAL din ng ilang buwan ang mga nararanasan niyang pagbabago sa kanyang katawan. Medyo lumaki na ang umbok sa kanyang tiyan ko. Lumalapad na rin ang kanyang balakang. Palagi na rin siyang nagagalit kay Beast sa hindi malamang dahilan pero mabuti na lang ay iniintindi na lang siya nito. Kaya habang tumatagal ay napapalapit na ang loob niya sa asawa. Dahil sa pagbabagong ipinapakita ni John sa kanya.Habang nasa hardin siya at nakaupong nagpapahangin ay inalala niya ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Una na roon ang tungkol sa kanyang pagbubuntis at ang sinabi sa kanya ng daddy niya.Anim na buwan na rin kasi ang nakalipas simula noong magbuntis siya. Malikot at sumisipa-sipa na rin ang baby sa tiyan niya kahit na hindi pa ‘to gaanong buo. Sabi nila baka nga nagmana kay Beast na sobrang likot din daw sa tiyan ng Mama Lizzeth niya. Buwan-buwan ay sinas
Hindi niya naisip na gagawin niya ang lahat para sa isang babaeng mas bata pa sa kanya ng sampung taon. Pero simula nang malaman niya na magiging ama na siya ay biglang nagbago ang pakikitungo niya kay Khrystal. Ganoon siguro kapag magiging tatay ka na. Nagiging protective, mahinahon at maunawaing asawa.Isang buwan na lang din ang natitira at manganganak na si Khrystal. Kaya lahat ng mga kailangan ng bata at kailangan ng asawa ay inihanda na nila. Pati ang pangalan ng anak nila. Sa tuwing naiisip niya ang ipapangalan ay napapangiti na lang siya.Habang nakahiga ay pinagmamasdan niya ang magandang mukha ng kanyang asawa na animo’y isang anghel na nahulog sa kalangitan. Hinawi niya ang buhok nito na tumabing sa kaliwa nitong mata.“Sana lagi ka na lang ganyan. Parang anghel at hindi tayo nag-aaway,” nakangiting sabi niya habang kinakabisa ang bawat bahagi ng kanyang mukha.Kahit kail
“Ahhh…” tangi niya na lang nasabi habang nag-iisip kung ano ang maganda niyang isasagot sa asawa. “Khrystal pumasok ka muna sa loob medyo mainit na rin kasi kaya pumasok ka na muna.”Nakita niyang sumimangot at ibubuka pa sana nito ang kanyang bibig pero mukhang nagdalawang-isip si Khrystal kaya tumayo ‘to mula sa pagkakaupo.“Sige na papasok na ako! Naku kahit kailan talaga babaero ka. Kahapon ‘yong Joanverth na pulubi ang pumunta rito sa bahay tapos ngayon may pulubi na namang dumating. Ilang charity kaya hawak nitong lalaking ‘to at di nauubusan ng pulubing bisita?” malakas na bulong ni Khrystal habang naglalakad papasok ng bahay.Umiling-iling na lang siya at hinintay ‘tong makapasok sa loob ng bahay. Pagkatapos ay tumalikod na siya’t naglakad papunta sa gate kung nasaan si Marianne. Ibang-iba na ang babaeng nakilala niya five y
Isang linggo na rin simula ng ma-confine ang anak nila ni Khrystal sa ospital. Sa tuwing manggagaling siya sa kompanya upang sumilip doon ay dumidiretso na agad siya sa ospital upang dalawin ang kanyang anak. Dahil kulang ‘to sa buwan ay kailangang ma-incubator siya sa loob ng isang buwan o kung hanggang saan nito kailangan. Mabuti na lang ay naka-discharged na rin si Khrystal at ‘to ang malimit na nagbabantay sa anak nila pati si Nurse Monica dahil siya ang nag-aasikaso sa mga papeles ng daddy ni Khrystal.Habang nasa bahay ako at nag-aasikaso sa mga bisitang dumadating ay di niya mapigilang balikan ang mga nangyari noong nakaraang linggo.May sumalubong agad sa kanila na mga nurse pagdating nila sa ospital. Ang unang lumabas na lalaking nurse na may dalang stretcher ay inakay agad si Khrystal para isakay at ipasok sa labor room. Ang kamang may gulong naman ay agad doong inihiga ng dalawang nurse na lalaki ang
LINGGO, ito ang araw kung kailan ilalagak ang abo ng daddy ni Khrystal sa loob ng bahay nila kung saan nakahimlay din ang abo ng mommy nito.Habang ang magulang muna ni John ang nagbabantay sa anak nilang si Janice sa ospital dahil hindi ‘to puwedeng maiwan na walang bantay at gusto ng kanyang asawa na ipagluksa ang pagkawala ng kanyang ama. Nakatingin lang siya sa kanyang asawa habang nakaluhod na hinahaplos ang salamin sa kabinet kung nasaan ang vase na pinaglalagyan ng abo ng magulang nito.“Tama na ‘yang pag-iyak mo Khrystal! Makakasama ‘yan sa ‘yo dahil baka mabinat ka,” nagpapaalalang sabi niya sa asawa habang nakahawak sa balikat nito.Tumingin muna si Khrystal nang matalim sa kanya bago nagsalita. Puno ng hinanakit ang kanyang mata habang nakatingin at may masaganang luha na umaagos sa kanyang mukha.“NO! Hi-Hindi mo pa kasi nararamdaman ‘yong g
Katatapos lang ng meeting ni John sa Marketing Department. Mabuti na lang noong mahigit isang linggo siyang nawala sa kompanya ay naging maayos ang pagpapatakbo ng kanyang kapatid na si Sage. Kaya matapos niyang sabihin sa mga employee niya ang tungkol sa gagawin nila ngayong buwan ng Hunyo ay nakangiti na siyang lumabas. Nasasabik na kasi siyang umuwi sa bahay nila dahil makakalabas na rin ang baby nila ni Khrystal sa ospital.“Sir John, napapansin ko po simula noong mag-asawa kayo at magkaanak ay marunong na kayong ngumiti,” natutuwang sabi ni Ms. Rona na kailan lang niya naging sekretarya dahil sa walang nakakatagal sa kanya dahil sa pabago-bago ng kanyang ugali.“May kinalaman ba ‘yan sa trabaho mong pinasok dito?” seryosong tanong niya na nagpawala ng ngiti nito.“Ahhh…Ehhh…” tanging nasabi ni Rona sabay kamot ng kanyang ulo. “Wala po sir, pas
“Will you still love me if I tell you something you didn’t know about me?” tanong niya habang nakatingin sa asawa. Mukha namang naguluhan si Khrystal sa mga pinagsasabi niya. “You know what, I’m a monster. Kaya nga sa tuwing tinatawag mo akong Beast ay hinahayaan lang kita dahil alam kong bagay lang sa akin ‘yon.”Nakita niyang ibinigay muna ni Khrystal ang anak nila kay Nurse Monica para ihiga sa katabing kuwarto nilang mag-asawa. Pagkatapos ay lumapit ang kanyang asawa sa kanya at hinila siya papunta sa kanilang kuwarto.“No, you’re not a monster. Oo, noong una halimaw ang tingin ko sa ‘yo. Pero unti-unting nabago ang tingin ko sa iyo simula noong ipinaramdam mo sa akin na puwede ka pa lang magbago,” seryosong sabi ni Khrystal habang nakahawak sa kanyang mukha at diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.Dahil sa pagkailang ay hinawi ko ang mga kamay niy
Habang nakaratay sa higaan sa loob ng ospital at naghihintay na lang kung hanggang kailan siya babawian ng buhay. Wala siyang ibang nasa isip kung di ang tuparin ang plano niya bago man lang siya mawala.Pagkatapos niyang makita sa telebisyon ang larawan ni John kasama ni Khrystal habang karga nito ang anak nila na masayang nakangiti ay biglang sumikip ang dibdib niya dahil sa galit at inggit na kanyang nararamdaman.Kaya pilit niyang iniabot ang remote na nakapatong sa maliit na kabinet para patayin ang telebisyon. Kung bakit ba lahat na lang ng kamalasan ay ibinigay ng Diyos sa kanya. at sa dami ring magmamana sa pamilya nila ng sakit na Leukemia ay siya pa ang napagbigyan.Kung noon ay isa siyang masaya, mabait, malambing at puro positibo lang ang nasa isip. Ngayon ay wala na siyan
Five months later…Dumalas nang dumalas ang pagde-date nilang mag-asawa. Sa totoo lang ngayon lang ulit naranasan ni John ang maging masaya sa kabila ng sakit niya. Wala na kasi siyang rason para matakot at itago pa ang totoong pagkatao niya.Madalang na lang kasi siya kung magalit at nakakasabay na rin siya sa pagbibiro ng kanyang kapatid at ng ibang tao sa paligid niya. Kung dati ay iniiwasan siya tuwing makakasalubong siya ng ibang emplayado sa kanilang kompanya dahil sa takot tuwing makikita siya ngayon ay hindi na. Dahil tuwing pumapasok siya sa opisina ay ngumingiti na siya at bumabati na rin tuwing may makakasalubong na binabati rin siya.“Nakakatuwa na ang anak nating si Janice nuh? Marunong na siyang dumapa at gumapang. Tapos napakabungisngis din niya,” tuwang-tuwang sabi ni Khrystal habang nakatingin sa anak nilang nakasakay sa stroller na iniregalo ng ninang niyang si Danell
ISANG linggo na rin ang lumipas simula nang malaman ni John na magkapareho sila ng kanyang asawa na may sakit na Borderline Personality Disorder. Akala niya sa pelikula o sa panaginip lang nangyayari ang ganoong mga bagay pero nagkamali siya dahil mapagbiro talaga ang tadhana.“So nagagalit ka na niyan? Sa tingin mo ba kapag sinabi ko sa ‘yo agad ang tungkol doon may magbabago ba sa sitwasyon natin? Hindi mo ba ako susungitan o aawayin man lang?” inis na tanong ni Khrystal kay John. “Oo, merong magbabago. Kung sinabi mo agad ang tungkol doon edi sana hindi ako natatakot na iwan mo kasama ng anak natin,” sagot ni John pagkatapos ay tumayo malapit sa bintana. “Edi sana hindi ginamit ni Marianne ‘yon para i-black mail ako na ipapaalam ang tungkol sa sekreto ko kapag hindi ako sumunod sa kanyang gusto,” bulong na sabi niya sa kanyang isip pagkatapos ay
“Long time no see, Khrystal! Oo nga pala condolence sa pagkamatay ng dad mo. Nalaman ko lang no’ng sinabi sa akin ng Papa nitong si John. Saka akalain mo ‘yon kayo palang dalawa ang itinadhana ng kalangitan na maging mag-asawa. By the way, pasok pala kayo sa loob. Sa sobrang tuwa ko na nakita ko kayong magkasama e nakalimutan ko ng papasukin kayo,” natutuwang sabi ni Doc. Dormis sa kanila ni John.Saglit na tumingin si Khrystal sa mukha ni John upang makita ang reaksyon nito. Hindi siya nagkamali na makita ang pagtataka na mababakas sa mukha nito dahil sa nalamang kilala siya ni Doctor Dormis.“Kami rin po natutuwang makita kayo pero kailangan po muna namin ulit umalis Doc. Crystelle. Mukhang may kailangan pa kaming pag-usapan dalawa…” sabi ni Khrystal na alanganing ngum
MAKALIPAS ang isang linggo ay hindi gaanong nagpapansinan o nag-uusap man lang sina John at Khrystal. Kahit kasi iisa lang ang tinitirhan nila ay gumagawa ang asawang si Khrystal ng paraan para lang hindi sila magkasalubong sa daan.Habang si John ay hindi maiwasang mainis sa sarili tuwing nakikita ang asawa dahil sinunod niya si Marianne sa mga sinasabi nito. Kung hindi sana nito alam ang sekreto niya ay wala sanang lakas ito ng loob para guluhin sila ng asawa.Dagdag pa sa iniisip ni Jhon ang ginawa ni Marianne na pumunta sa bahay nila para lang manggulo. Malayong-malayo na siya sa dating babaeng minahal niya na isang mabait, maunawain, palangiti, mahiyain at mapagmahal. Simula kasi noong naghiwalay sila dahil sa…“Totoo ba ‘tong mga nakasulat dito sa papel na ‘to? Sabihin mo, may inililihim ka ba sa akin?” nag-aakusang tanong ni Marianne habang nakaladlad sa harap ni
Hindi mapigilan ni John ang mag-isip habang naglalakad papasok sa pinto ng kanilang bahay. Pumasok siya at umuwi na walang ibang iniiisip kung di ang nangyari kagabi. Pinagsisihan niya na nasaktan niya ang kalooban ng asawa niya at higit sa lahat ay muntik na niya itong saktan. Gano’n siguro kapag lasing nawawala ang kontrol mo sa sarili at sa sasabihin mo. Iyon kasi ang sumunod na beses na nag-inom siya ulit.Mahal na mahal niya ang asawa at anak. Wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang maging masaya ito at ‘wag mawala sa piling niya. Kaya nga ginawa niya ang lahat para lang hindi sila guluhin ni Marianne at huwag sabihin dito ang itinatago niyang sekreto.Maaga niyang tinapos ang mga gawain sa opisina para dumiretso sa Flower Shop at bumili ng isang pumpon ng pulang rosas na ibibigay niya sa kanyang asawa. Alam niya kasing paborito niya ito kaya ‘to ang naisip niyang peace offering sa kanya.
Kinagabihan ay dumiretso na agad siya sa kuwarto pagkatapos niyang patulugin si Janice. Tumingin siya sa orasan na nasa dinding at nakita niyang alas-diyes na ng gabi.“Bakit kaya wala pa si Beast? Tapos hindi pa siya nag-text sa akin. Lagot talaga siya sa akin mamaya kapag pumasok siya rito sa kuwarto namin,” nakasimangot na sabi niya pagkatapos ay pinatay ang ilaw sa kuwarto.Pagkatapos ay binuksan niya ang lampshade na malapit sa kama. Hindi mapakaling humiga siya roon habang nakatingin lang sa kisame at hinihintay na dumating ang magaling niyang asawa. Mayamaya ay nakarinig siya ng tunog ng sasakyang dumating kaya agad siyang tumayo at sumilip sa bintana.Nakita niyang bumaba si Beast sa BMW niyang kotse dala ang kanyang attache case. Pansin niyang tumin
“Good morning, my sweet lips,” nakangiting sabi ni John habang inaayos ang kuwelyo ng kanyang polong suot.“Good morning, Beast. Ba’t ang aga-aga bihis na bihis ka?” nagtatakang sabi ni Khrystal sabay ayos ng upo sa higaan habang kinukuskos ang kanyang mata.“Khrystal, you know what your voice sounds like rocks scraping across sand paper,” birong sabi ni John pagkatapos ay tumawa na animo’y nang-aasar kaya binato siya ng asawa ng unan na malapit sa kanya. “Kailangan ko kasing makipagkita sa isa sa kliyente ko. Baka gabihin na ako sa pag-uwi mamaya kaya magpahinga ka na agad nang maaga at huwag mo na akong hintayin.”Nakatanaw lang sa kanya si Khrystal habang sinusuklay ang buhok niya pagkatapos ay nagsuot na siya ng medyas.“Basta mag-text ka para alam ko kung anong nangyayari sa ‘yo ha? Kapag hindi ka nag-text sa labas ka matutu
Simula ng dumating si Marianne mula sa ibang bansa ay nagpasya siyang tumira sa pinsan niyang si Alec. Dahil malaki ang posibilidad na makita niya si John dahil nalaman niyang matalik na kaibigan nito noon si Khrystal at malapit ang bahay nito sa tinitirhan ng ex-live in partner niya. Hindi nito alam ang tungkol sa binabalak niyang pag-angkin muli kay John kaya malayang niyang nakikita ito mula sa bintana ng kanyang tinutuluyan. Pinili niya ang kuwarto kung saan makikita niya kung saan naglalabas-masok ang lalaki tuwing pumapasok at umuuwi ito galing sa trabaho.“Ate Marianne, napapansin ko lagi kang nakasilip diyan sa bintana? May hindi ka ba sinasabi sa akin?” nanunuring tanong ni Alec sa kanyang pinsan. Umpisa pa lang kasi ay napapansin niya na sa kanyang pinsang si Marianne na laging may kakaiba sa ikinikilos nito.“Naku naman Alec! Pinaghihinalaan mo ba ang pinsan mong maganda?” natatawang sagot ni Marianne