XXIRAMDAM na ramdam niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod. Ramdam na ramdam niya rin ang kaba sa kaniyang dibdib, ilang beses niya na itong nakaharap ulit pero hindi sa paraang ganun na kitang-kita nito ang mukha niya. Kitang-kita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, kung paano naging kulay pula ang buong mukha nito dahil sa galit, kung paano nito ikinuyom ang kaniyang kamao at halos maglabasan din ang mga ugat nito sa mukha. Halos hindi siya makagalaw, tila tumigil ang pag-inog ng mundo ng sandaling iyon. Tila biglang naramdaman niya ang panghihina at parang mawawalan siya ng lakas.Sinalubong niya ang mga titig nito, titig na punong-puno ng galit at pagkamuhi. Hindi nito naitago ang matinding galit nito sa mga mata."U-umuwi na tayo Debbie." Sa wakas ay natagpuan niya rin ang kaniyang dila at nakapagsalita. Hinila niya na ang kaniyang anak at tatalikod na sana ng biglang may tila bakal na kamay ang pumigil sa kaniya.Napalingon siya rito pero hindi ito nakatin
XXIIDALAWANG linggo na ang nakakaraan ng magkita sila ni Davin. At halos magtatatlong-linggo na rin siyang hindi pumapasok sa club.Nitong mga nakaraang linggo ay halos lagi siyang nakatulala, kinukulang din siya sa tulog at hindi makakakain ng maayos.Lagi na nga siyang tinatanong ni Debbie kung anong problema niya pero laging wala lang ang sagot niya.Napabuntung-hininga siya at tumanaw sa papalubog na araw. Nasa harap siya ng kanilang bahay ng oras na iyon at halos alas-singko pa lang pero papalubog na ang araw.Tumayo na siya at pumasok sa loob. Papasok na siya ngayong gabi sa club. Gusto niya ng aliwin ang kaniyang sarili, gusto niyang abalahin ang sarili upang huwag ng mag-isip ng kung ano-ano.Nadaanan niya si Debbie sa salas na naglalaro na naman, tumabi siya rito at hinagkan ito sa noo at niyakap."Kumain ka mamaya pag nagutom ka ha? Papasok na ako sa trabaho anak." Bulong niya rito habang nakayakap pa rin dito."Oo 'Ma. Huwag na kayong mag-alala sa akin, kakain na lang ako
XXIIINAALIMPUNGATAN si Astrid dahil sa ingay na nagmumula sa kanilang salas. Pupungas-pungas pa siyang bumangon at marahang kinusot-kusot ang mata at lumabas para alamin kung anong ingay yoon.Biglang nagising ang kaniyang diwa ng makita niya si Davin sa kanilang maliit na sala, kaharap si Debbie. May kapeng nasa lamesa na kalahati na lamang ang laman at nasisiguro niyang kanina pa ito.Agad napalingon ang mga ito sa kaniya at tumigil sa pagtatawanan."Oh mabuti at gising ka na." Sabi nito na may himig na sarkasmo ang tinig. Agad nitong dinampot ang isang puting envelope sa tabi nito at inilabas ang mga papel na nasa loob n'on."Ano ito?" Nagsasalubong ang kilay niyang tanong ng iabot nito ang isang pirasong papel.Gulat na gulat na nagpabalik-balik ang kaniyang tingin kina Debbie at Davin. Hindi siya makapaniwala sa nakikita at nababasa niya sa hawak niyang papel. Isa iyong DNA test! Na nagpapatunay na si Davin at si Debbie ay mag-ama pero, pero paano nito nalaman na ito ang ama ni
XXIVMAAGANG gumising si Astrid nung araw na iyon. Hindi siya pumasok sa club kagabi sa takot na baka itakas ni Davin si Debbie at hindi niya na ito makita pa kaya nagpasya na lamang siyang huwag munang pumasok. Nagpaalam naman siya kay Emma at mabuti na lamang at pumayag itong umabsent siya.Maaga siyang naghanda ng almusal nilang mag-ina.Nang bumangon si Debbie at pumunta sa kusina ay saktong nakaluto na siya kaya hinanda niya na ang lamesa para makakain na sila."Halika na anak, habang mainit pa itong sinangag na niluto ko." Nakangiting yakag niya rito at ipinaghila ito ng upuan. Agad naman itong umupo pero hindi ito gumalaw bagkus ay nangalumbaba ito at tinitigan siya."Kilala mo naman pala ang Papa ko 'Ma, bakit hindi mo siya hinanap?" Tanong nito. Bigla siyang napatigil sa kaniyang ginagawa at walang maapuhap na salita na isasagot sa anak niya.Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito. "Alam mo ang buong pangalan niya 'Ma, pero hindi mo siya hinanap. Ang tagal kong pinangarap
XXV"HINDI mo siya pwedeng ilayo sakin! Hindi mo siya pwedeng kuhanin saakin!" Sigaw ni Astrid at maluha-luhang tiningnan si Davin. Iyon pala ang pakay nito kaya nagpunta ito ng maaga sa bahay nila, ang kunin si Debbie mula sa kaniya. Ang ilayo si Debbie sa piling niya. "Ako ang ina niya." Nang oras na iyon ay hindi na napigil ni Astrid ang kaniyang luha na tumulo mula sa kaniyang mga mata. "Ako rin ang nagpalaki sa kaniya, simula sanggol----""Stop it, Astrid!" Galit na napatayo si Davin sa kinauupuan nito at biglang nagtagis ang mga bagang dahil sa galit. "Kung sana noon pa sinabi mo na may anak ako, na may anak tayo sana hindi tayo umabot sa ganito." Malumanay pero may diin ang bawat salitang binibitawan nito.Wala siyang naisagot sa sinabi nito, hindi niya nagawang sumagot dahil alam niya sa sarili niya na kapag ini-explain na naman niya ang side niya ay magmumukha na naman siyang masama, na nagtatagpi at gumagawa na naman siya ng kwento para paniwalain ito.Ang tanging nagawa niy
XXVIKITANG-KITA ni Astrid kung paano nagulat ang donya pagkakita sa kaniya. Halos lumuwa ang mata nito at bahagyang umawang ang mga labi at pagkaraan ng ilang sandali ay napalitan ang ekspresyon nito ng pagkamuhi at tila nakakita ng isang basura sa harap niya dahil sa ekspresyon nito ay halatang diring-diri.Nilagpasan siya nito at mabilis na pumasok sa loob at nagtungo sa sala. Agad itong pumunta sa harap ni Davin at hinarangan ang telebisyon. Nameywang ito at itinuro siya."Anong ginagawa ng babaeng yan dito Davin?!" galit na sigaw nito. "At yan," turo nito kay Debbie, "Sino ang batang yan?" Agad siyang lumapit sa anak at niyakap ito samantalang si Davin naman ay tumayo upang pakalmahin ang kaniyang ina."Siya si Debbie, Ma. Anak ko." Malumanay na sagot nito.Halos tumirik ang mata nito sa galit at tinapunan silang mag-ina ng nakamamatay na tingin. Nagpumiglas ito sa hawak ni Davin at naglakad sa harap nila. Sinapo nito ang sentido at marahang hinilot. Tyaka ito humarap sa kanila.
XXVIIYUN ang unang gabi nila Astrid sa pad ni Davin at hindi niya alam kung makakapasok siya ngayong gabi sa club dahil baka mahuli siya nitong lumabas ng gabi. Okay lang sana kung dadalawa lang sila ni Debbie pero ibang usapan na ito ngayon kaya agad niyang tinawagan si Emma."Mahabang kwento Emma, ipapaliwanag ko ang lahat kapag nagkita tayo." Sabi niya rito sa telepono. Nagpaalam siya na hindi muna siya makakapasok ng ilang gabi. Napabuntung-hininga na lamang siya pagkatapos na patayin ang telepono at napatitig sa kisame. Hanggang kailan niya kailangang magtrabaho sa club? Hanggang kailan niya maitatago kay Davin na siya at si Faye ay iisa?Napalingon na lamang siya sa kaniyang anak at pagkatapos ay niyakap ito. Payapa na itong natutulog dahil gabi na. Hinalikan niya muna ang noo nito bago rin siya pumikit upang matulog na.ISANG mahinang katok ang narinig ni Astrid habang nagluluto siya ng tanghalian nila ni Debbie. Pangalawang araw na nila ngayon sa pad ni Davin, lagi naman i
XXVIIINAPAPIKIT si Davin at napatingala, pagod na siya sa maghapong trabaho. Ang dami kaseng papeles na kailangang-kailangan niyang tapusin. Isang mahabang buntung-hininga na lamang ang pinakawalan niya. Ngunit biglang nag-ring ang telepono na nasa kaniyang desk kaya napilitan siyang sagutin ito.Napakunot-noo siya ng masagot ang tawag at napalingon sa orasang nakasabit sa dingding ng opisina niya. Mag-aalas sais na ng oras na iyon at halos magdidilim na rin dahil nakikita mula sa kaniyang opisina ang paglubog ng araw."Davin," Napa sandal siya sa kaniyang swivel chair ng marinig ang boses ng kaniyang ina sa kabilang linya. Napahilot siya sa kaniyang sentido bago nagsalita."What?" Walang-gana niyang tanong dito, marahil ay kukulitin na naman siya nito tungkol sa pagpapakasal kay Miya."Did you see it?" Tanong nito na ikinakunot ng kaniyang noo."See what?" He asked perplexedly, dahil hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito.Ilang sandaling hindi ito umimik bago muling nagsalita
XXXIIISANG linggo na mula ng makalabas si Astrid sa ospital. Sa isang linggong iyon ay hindi pa nagpakita sa kanya si Davin. Pagkatapos niyang lumabas sa ospital ay dumiretso sila sa bahay ni Davin. Ito raw ang nag-utos na doon sila tumuloy ni Debbie ngunit ni anino nito ay hindi niya pa nakikita.Sa unang araw niya sa bahay nito ay naging bisita niya sina Dulce at Emma.Katatapos lang nilang mag-agahan ng oras na iyon, nakaupo siya teresa ng silid niya habang si Debbie ay nasa silid naman nito.Hindi pa rin gumaling ang mga pasang tinamo niya mula sa nangyari sa kanya. Napagpasyahan niya ang tumayo at maligo na lang muna para mapreskuhan naman ang pakiramdam niya.PAGLABAS niya ng kanyang silid pagkatapos niyang maligo at dumiretso siya sa baba ng may madatnan siyang hindi inaasahang tao sa sala.Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo at agad-agad na lumapit sa kanya. Nahawakan siya nito sa kanyang balikat at awtomatikong kumilos ang mga kamay niya, agad niyang pinalis ang kamay ni
XXXIPUTING kisame ang namulatan ni Davin. Napahawak siya sa kaniyang ulo dahil nakaramdam siya ng matingding kirot, naramdaman niya na may benda ang kanyang ulo. Unti-unti siyang bumangon at ramdam na ramdam niya ang pananakit ng katawan niya. Napahawak ulit siya sa may benda niyang ulo at napamura ng ilang beses.Damn!Ilang saglit pa ay napalingon siya sa pinto nang bumukas ito at iniluwa sina Baxter at Scott."O gising ka na pala," nakangiting sambit ni Scott habang papalapit ito.Hindi niya ito sinagot at tiningnan lang ang mga ito.Iiling-iling itong umupo sa paanan ng kanyang kama habang si Baxter ay nakamasid lang sa kanya."Akalain mo yun pare akala ko talaga mamamatay kana," humagalpak ito ng tawa. "Totoo nga talaga na ang masamang damo ay mahirap mamatay," nakangising sabi nito habang nagpipigil ng tawa.Hindi lang masakit ang katawan niya ay malamang na nasipa niya na ito, pasalamat ito at nanghihina pa siya dahil sa tinamong bugbog mula sa mga lalaking iyon.Inirapan niy
XXXTUMIGIL ang sinusundan niyang sasakyan sa isang lumang building na halos nababalutan na ng mga damo at may mga nakaparadang mga sirang sasakyan.Hindi siya agad lumapit dito dahil baka makahalata ang mga ito na may sumusunod sa kanila. Sa liwanag ng isang ilaw na nagmumula sa poste ay nakita niyang binuhat muli ng lalake si Astrid at ipinasok sa loob ng building.Agad siyang bumaba sa sasakyan at dahan-dahang naglakad at nag-ingat na hindi makagawa ng kahit anong klaseng ingay.Sinundan niya kung saan nagpunta ang dalawang magkasunod na lalaki, nakita niyang pumasok ang mga ito sa loob ng gusali, hindi naman siya nahirapang sundan ang mga ito lalo na't wala namang nagbabantay sa papasukan niya.Kung dadalawa lang ang mga ito ay kayang-kaya niyang patumbahin ang mga ito dahil nag aral naman siya noon ng self-defense at martial arts.Palinga-linga siyang pumasok sa loob ng gusali at nagdadahan-dahan, nakita niyang may ilaw sa dulo ng hallway at nasisiguro niyang doon dumiretso ang m
XXIXNAPAPIKIT si Astrid at pagkatapos ay napatakip sa kaniyang mukha. Nasa club siya ng mga oras na iyon dahil para tuluyan ng magpaalam kay Emma at pati na rin kay Dulce. Naramdaman niya naman ang paghagod ng kamay sa likod niya, hindi man niya lingunin ito ay alam niyang si Dulce iyon. Kaninang dumating siya roon ay saktong nagbibihis ito at hindi pa nakakalabas kaya kinausap niya ito, kwinento ang lahat ng nangyari."Wala ka namang kasalanan Astrid, wala ka lang choice," sabi nito at patuloy pa rin sa paghagod sa likuran niya. Naramdaman niya na naman na magtutubig ang kaniyang mga mata, naisip niya si Debbie, si Davin? Paano kapag nalaman nito ang totoo?Napahikbi siya, hindi niya na mapigilang lumabas ang emosyon na pilit niyang pinipigil.Naramdaman niya niyakap na siya ni Dulce, "Tama na Astrid, maiintindihan din ng anak mo ang lahat." Sabi nito.Pero hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak. Ang bigat-bigat ng dibdib niya. Kaninang pag-alis ni Marietta ay pilit niyang kinatok