Share

CHAPTER 5

Author: 3astsea
last update Last Updated: 2021-09-24 12:26:21

"It's weekend, come on! let's go to Zambales!"

It was a stressful week. So I think I need to unwind. Ang bahay ng tiyahin ko ay malapit lang sa dagat. Walking distance only, actually. It's a good thing we're having a face time right now so I told them my idea. Tumingin ako kay Elouise na nasa tapat ko lang. Nandito kami sa may center table sa may sala. Naka indian sit kami, dala ang mga laptop namin. It was literally a face time for us.

Eris grinned excitedly on the screen. "Now, that's a great idea what are we waiting for? let's go! I need a break too!"

All of them agreed. Magkikita kita nalang kami rito sa condo, after 2 hours. Then we're off to go.

Ito ang patunay na lahat ng biglaang lakad, natutuloy.

Nag prepare na rin kami ng mga dadalhin namin. Like, food, beverages, tents mga extra na damit and many more. Pagkatapos naming iprepare ang mga gamit, tumakbo na agad ako sa banyo para makaligo na. Nasabihan ko na rin sila tita at tito na dadalaw kami roon para makapag relax ng kaonti.

At exactly 1pm kami umalis papuntang Olongapo. Medyo traffic pero okay lang.

Bale, dalawang kotse ang gamit namin. 'Yong kay Elouise at Kimberly. May mga sariling sasakyan naman sila Eris at Joseph pero parang nakakahiya kapag masyadong maraming sasakyan ang paparada do'n sa tapat ng bahay ng tita ko. Ako nalang ata at si Judy ang walang sariling sasakyan. Well, we're not that rich. Atsaka nag-iipon ako para kila mama, papa at lola. They're already at age, they need to enjoy life. I want to spoil them with my own earned money.

Sa kotse ni El kami nakasakay ni Eris. Sila Judy at Joseph naman sa kotse ni Kim. Convoy kami.

"Bakit naman kasi hindi ka sa Publishing Company ka namin nag apply? I'm sure mommy would take a good care of you two because you are my friends.." sabi ni Eris sa akin mula sa back seat. Mag isa s'ya roon.

Bumuntong hininga ako at nagpaliwanag. "Alam ko naman iyon.. But, you know how much I admire Darkheart, the author of my heart," sabi ko sabay tawa. Natawa rin sila sa sinabi ko. "Ikaw nga rin hindi ka nag work sa kompanya n'yo hindi naman ako nagreklamo.." balik ko sakanya.

Inirapan n'ya naman ako. "Nag-e-enjoy naman ako sa pagiging journalist. Mom and I has a deal."

Nilingon ko s'ya. "Well, you're the heiress..." Napangisi ako ng binanggit ko iyon sakanya at napasimangot s'ya bigla. She really hated being called 'heiress' because it was a heavy responsibility.

Nanliliit ang mga mata ni El habang nakatingin sa daan at nagmamaneho. "Ayaw mo talagang maging tagapagmana ng kompanya n'yo?" tanong n'ya kaya napabaling kaming tatlo sakanya.

"Hindi ko naman pinangarap 'yon e.. Mukha ba akong mag-e-enjoy do'n? baka pumuti agad ang mga buhok ko sa kunsumisyon sa pagpapatakbo no'n."

Natawa kami nila Elouise sa sagot n'ya. "Buti naging journalist ka kahit ayaw ng Mom at Dad mo?" tanong pa ulit ni Elouise.

Humalakhak ako. "Because she made a damn deal with her parents para payagan s'ya mag take ng masscomm no'ng college."

"Kaya pala...anong deal naman iyon? Nakataas ang isang kilay tanong ni El sakanya.

"Oh, please ba't ba naho-hot seat ako rito!" reklamo n'ya sa amin. What? nagtatanong lang naman kami. Nagtawanan kaming tatlo. Masaya at medyo maingay ang naging biyahe namin. 

Nag stop over kami sa isang Gas station pero sandali lang naman iyon. Pasado alas-sais kami nakarating kila tita. 

Nagmano kami ni Joseph kila ni Uncle Peter at Mommy Josie ko. Ayaw kasi ni Mommy na tinatawag s'yang 'tita' kasi feeling daw n'ya tumatanda s'ya kapag tinatawag ng gano'n.

Binati rin sila ng mga kaibigan ko. Nagkaroon kami ng sandaling kamustahan habang naglalakad kami papunta roon sa tabing dagat. Alas sais palang at naabutan naming papalubog na ang araw. Sa gilid habang naglalakad kami sa buhanginan matatanaw mo ang mga bundok. May isa talaga roon na pinaka malaki at kapansin pansin. 

Hinatid kami ng pinsan namin ni Joseph, si Joy. "Buti at nabisita ka, mag-enjoy lang kayo buti at naabutan n'yo pa ang sunset." ani niya.

"Oo nga e, medyo matagal na rin noong nakarating ako rito.."

"Mag set up na tayo ng tents!" Excited na sabi ni Joseph. Sabay sabay namang tumango sila El, Eris at Kim tinulungan na si Judy para mabilis. Dalawang tents lang ang gamit namin. Isa sa aming tatlo nila Eris at isa naman sakanilang dalawa. Malaki naman ang isang tent kaya siguradong kasya sila ro'n.

Nagset up na kami ng mga gagamitin sa gitna namin ang papalubog na araw.

Kami namang apat ay nag set up na ng foldable table at naghanda na ng mga iihawin. 

Sa gitna ng buhanginan ay mayroong kubo kung saan nakasilong ang dalawang bangka. 

Nanguha sila ng mga tuyong dahon at mga kahoy para magsindi ng bonfire. Sila na ang bahalang mag ihaw ng dala naming hotdog at mais kaya naman nagpunta kaming apat nila Eris sa may sea shore at naupo ro'n, nakatingin sa payapang dagat. Hinahangin pa ng bahagya ang hanggang balikat kong buhok kaya inipon ko ito sa isang side. 

Nasa gitna ako ni Eris at Kim kaya isinandal nilang dalawa ang ulo sa aking balikat. Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin at ang mahinang alon na tila inaabot kami. Napabuntong hininga ako. So calming. 

"Tara na roon, kakain na tayo.. dali tapos maglalaro tayo mamaya sa tapat ng bonfire!" may kalakasang sabi ni Joseph sa amin. Kaya naman tumayo na kaming tatlo at naglakad patungo sakanila. Naupo na kami. Nasa pahaba kaming foldable na lamesa. Nakalatag na rin doon ang mga paper plates namin. Tig-iisa kami ng paper plates na nakatapat sa amin. Nandoon na rin ang inihaw na hotdog na may marshmallow at inihaw nilang mais.

"Ang ganda rito, Ryll ah napamura tayo kasi libre at walang entrance fee," masayang saad ni Judy.

"Oo nga, wala pa naman akong pera," pabibong singit naman ni Kim.

Agad na nalukot ang mukha ni Eris. "Ulol, kailan ka pa nawalan ng pera?" Natawa kaming lahat sa sinabi ni Eris.

Pabirong binato naman ng napulot na sea shell ni Eris si Kim. "Walang naniniwala sa'yo rito, gago." Mas lalo kaming natawa.

Napatingin naman kami kay El ng magsalita rin s'ya, "Hindi ka pwedeng mawalan ng pera, gunggong uutang ako sa'yo.." aniya at humalakhak.

Nagtawanan kami at nagkuwentuhan lang tungkol sa mga kung ano anong bagay habang kumakain. Masaya dahil minsan lang kaming ganito. Dahil busy na sa kanya kanyang buhay at trabaho.

Pagkatapos naming kumain ay pumuwesto kami ng pa ikot sa may bonfire may tamang layo ito sa dagat para hindi maabot ng maliliit na alon mula sa dagat.

Naghiyawan kami nang lumabas si Elouise mula sa tent nila ang gitara n'ya kaya mas lalo kaming na excite. Silang dalawang lalaki ay marunong mag gitara. So basically, may kanya kanya silang mga gitara at para hindi hassle yung kay El nalang ang dinala.

Naupo na s'ya sa tabi ni Joseph. Nasa gitna pa rin ako nila Eris at Kim. Katabi naman ni Eris si Judy. Ibinigay naman ni Elouise ang gitara kay Joseph. 

Eris was the one singing, while Joseph was the one strumming the guitar, humming softly too. It's nice seeing my friends like this. I felt so light while staring at my friends this happy. They're also my happiness. They can also provide the warmth that I need. Everyone could lean on each other. I hope our friendship would last for a long time. 

Napa angat naman ang tingin namin ng tumayo si Eris. "Let's go for a swim!" aya n'ya sa amin. Bago pa ako maka apila ay nagsisisigaw na s'ya at tumakbo papunta sa mababaw na parte ng dagat.

Malakas naman kaming natawa sa itsura ni Eris habang tumatakbo papuntang dagat. Tumakbo pa s'ya pabalik sa amin para hilahin si Kim at Judy. "Tara na! wag na kayong magpakipot!" sigaw n'ya sa amin habang hinihila pa rin ang dalawa na nagpahila naman sakan'ya habang tumatawa pa rin.

"Ayan na'ko!" malakas na sigaw ni Judy na tumalon pa muna bago sumuong sa malamig ma dagat.

Tumingin naman sa akin si Elouise at Joseph, "Ready?.." nagtanungan pa sila bago sabay na ngumisi at walang sabi sabing binuhat nila akong dalawa!

Si Joseph ang humawak sa dalawang palapulsuhan ko at si El naman sa mga binti ko! These little traitors!

"Aaaa!! mga gago kayo ibaba nyo'ko!"

Nagbilang muna sila bago ako itapon sa dagat, "Isa, dalawa, tatlo..." 

Napatili ako ng bigla nila akong itinapon sa dagat! "Punyetaaaaa! mga traydor!" tiningnan ko silang dalawa ng matalim bago hinampas ng tubig dagat papunta sa kanilang dalawa! nakakainis! Shit! ang lamig! Mga deputa!

"Takbo! and'yan na si Ryll!" sigaw ni Joseph habang tumatawa at inakbayan pa si Elouise na nakasapo sa tiyan at parang hindi na makahinga kakatawa.

Hinampas ko ng hinampas ang tubig papunta sakanila at tinatamaan naman sila sa mukha pero tawa pa rin sila ng tawa. Nakakaasar!

Hinila naman ako ni Eris at Kim para makapag floating kaming apat habang magkakahawak ang kamay. 

Nang napansin ng mga boys 'yon ay lumangoy sila palapit sa amin at naghawak hawak kami ng mga kamay habang nagf- floating. Nakatingin sa mga bituin sa langit at sa full moon. Ipinikit ko saglit ang mga mata ko para damhin ang kapayapaan ng dagat.

Napadilat ako ng biglang nagsalita si Kim. "Let's shout! For a lifetime!" sabi n'ya iyon ang palagi naming sinasabi dahil gusto naming magtagal ang friendship namin buong buhay namin.

Suminghap kami at sumigaw, "For a life time!.." pagkasigaw namin no'n ay nagtawanan kami dahil nag echo ang mga boses namin sa buong karagatan.

Nang mapagod sila ay umahon na rin kami at nagbanlaw. May isang banyo naman dito sa may tabi ng kubo kung saan nakasilong ang mga bangka. Pa-kubo rin ang style pero mas maliit lang at pang isahang banyo lang talaga. Nauna nang magbanlaw si Eris, sunod si Kim, Judy sunod ay ako. Pagkatapos ay sila naman na ang magkakasunod.

Pumasok kaming apat sa loob ng tent para makapagbihis ng maayos at para maiayos na rin ang matutulugan namin sa loob. Nagsuot ako ng kulay blue na jumper at white t-shirt na inner top. Sinusuklay ko ang buhok ko nang lumapit sa akin si Eris at ngumiti sa akin. Ay, may kailangan ito. "Pakisara 'yung zipper, please.." nag-puppy eyes pa s'ya.

Tumawa naman ako at isinara ang zipper ng suot n'ya mula sa likuran. Pagkatapos naming mag ayos ay humiga na rin kami at ipinikit ang mga mata. Madali naman silang nakatulog. Ipinatong ko ang isa kong braso sa aking mata. Pinipilit na makatulog. Subalit lumipas na ang isang oras ay hindi parin ako dinadalaw ng antok! Fucking insomnia.

Dahil hindi pa rin ako makatulog, ay sinilip ko ang phone ko para malaman kung anong oras na. Pasado alas onse na pala. Hindi pa rin ako makatulog. I breathe heavily. It's so hard to be like this. 

Bumangon ako at maingat na binuksan ang zipper ng tent namin para hindi sila magising at tahimik na lumabas, dala ang selfie stick na ginamit namin kanina sa pag picture at ang cellphone ko.

Lumapit ako sa malapit nang mamatay na bonfire namin. Nang may nakita akong isang malaking trunk ng puno ay naupo ako roon. It's still in the sea shore. Tinitigan ko ang kalmadong dagat. Baka makatulong para makatulog ako. 

Sini-set-up ko ang selfie stick ko at ang cellphone ko nang may magsalita sa likuran ko. "What are you—" 

"Ay, tupangina!" Napasapo ako sa dibdib ko sa gulat. He chuckled. I glared at him.

"Shush, natutulog na sila ang ingay ng bunganga mo, potato.." He hushed me.

"Gago, nakakagulat ka," sabi ko, matalim parin ang tingin sakanya. Humalakhak naman s'ya. Natatawa sa reaksiyon ko. What? totoo namang nakakagulat ang ginawa niya. Akala ko minumulto ako rito.

Umupo naman s'ya sa may tabi ko. "Can't sleep?" He asked. Ngumiti naman ako sakan'ya at bahagyang tumango.

"Yeah, sort of..." Napatingin ako sa dala n'yang gitara. I think music would help me to fall asleep. 

Nag isip ako ng pwedeng itanong sakan'ya para may mapagtugtog ko s'ya. Pero habang nag iisip ako ay nagsalita s'ya kaya bumaling ako sakan'ya.

"What was that, you'll take a selfie?" He asked. I gave him a nod.

"Sama ka?" Tumango naman s'ya at bahagya kong ipinaling ang selfie stick para makita kami parehas sa camera.

"One, two, three..." bumilang ako at ngumiti kami parehas sa camera bago ko pinindot ang button sa may stem ng selfie stick. Nakatatlong kuha kami ng litrato. Mayroon ding wacky.

Pagkatapos noon ay ipinagpatuloy ko ang pag iisip ng maio open kong topic. Nagliwanag ang mga mata ko ng may maisip na ako. Bumaling agad ako sakanya at kinalabit s'ya.

He frowned at me. "What?..."

I smiled at him cutely. "I have something to ask..."

"Uh-huh, and what is it that you wanted to ask?"

"If ever you would have a chance to express your feelings through 3 songs, what would it be and why?" I randomly asked.

Nagtaas s'ya ng isang kilay sa akin. "Pageant ba ito? Hindi ako na inform.."

Sinamaan ko s'ya ng tingin. "I'm dead serious.."

Tumingala s'ya saglit at nag isip. After that, he stared at me intently. Huminga muna s'ya ng malalim at humigpit ng bahagya ang pagkakahawak sa kan'yang gitara. 

After a few moment, he started strumming his guitar softly and started to sing Lips of an Angel by Hinder.

'Honey, why are you calling me so late?

It's kinda hard to talk right now

Honey, why are you crying, is everything okay?

I gotta whisper 'cause I can't be too loud'

'Well, my girl's in the next room

Sometimes I wish she was you 

I guess we never really moved on

It's really good to hear your voice saying my name

It sounds so sweet

Coming from the lips of an Angel

Hearing those words- it makes me weak

And I never wanna say goodbye

But, girl, you make it hard to be faithful

With the lips of an Angel..'

He was just staring at me while singing. He blink a couple of seconds and sing again. With another song this time. It's 'Iris' by Goo goo Dolls.

'And I give up forever to touch you

'Cause I know that you feel me somehow

You're the closest to heaven that I'll ever be

And I don't want to go home right now..'

He closed his eyes and feel the song.

'And all I can taste is this moment

And all I can breathe is your life

And sooner of later is over

I hust don't wanna miss you tonight..'

He opened his eyes and stared intently at me while he hit it's chorus.

'And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd undsrstand

When everything's made to be broken

I just want you to know who I am..'

He smiled at me and proceed to his third song. It's 'Tonight' by FM Static. I felt my heart beating so wild. Why the hell he's so handsome while singing and strumming his guitar? 

'I remember the days we spent together

On those drives

We had a million questions 

All about our lives

And when we got to New York

Everything felt right

I wish you were here with me

Tonight..'

'I remember the days we spent together

Were not enough

And it used to feel like dreamin'

Except we always woke up

Never thought not having you

Here bow would hurt so much..'

I am staring intently at him. When he hit the chorus.

'Tonight I've fallen and I can't get up

I need your loving hands to come and pick me up

And everynight I miss you

I can just look up

And know the stars are 

Holdin' you, holdin' you, holdin' you tonight..'

Nakatitig lang ako sakan'ya. Kung hindi pa s'ya nagsalita, I could've not wake up from my reverie.

"Did those songs satisfy your questions?"

I felt a lump on my throat, so I cleared it. He's good at singing! Damn! "U-uh, that's Lips of an Angel, Iris and Tonight, right?.."

"Yes.." Aniya sa mababang boses.

"Bakit iyon ang mga kinanta mo?" I asked. Slightly confused.

Suminghap s'ya at tumingala. Inilapag n'ya sa gilid ng inuupuan namin ang gitara n'ya. Itinukod n'ya ang dalawang braso n'ya sa inuupuan namin. Then he looked up at the night sky. I unconsciously looked up too. It's beautiful.

"I sang Lips of an Angel, because I am still enchanted by only one woman.." He answered. Still staring at above.

"The second song, I sang it because I am too afraid to show my true self to anybody.. Not because I am lying to you guys all along.. No, it's not like that. What I mean was my inner self. And I want it to express to the one I love. I only want to open up myself to her. Only her. So, when everything left me behind, atleast she knows, only she knows who really am..." From my pheripheral vision ay nakita ko s'yang lumingon saglit sa gawi ko at agad na ibinalik ang tingin sa itaas. He talk again.

"Because I don't think that they'd understand me.." he murmurred. "I was frightened.."

"And about my last song, it's because I want her to know that tonight, I've fallen for her. And every night I would look up the stars, praying that she'll fall for me eventually..."

I smiled at his statement. He's really something. That was just so sweet.

"I hope that woman would fall for you hard, El.." I smiled at him. I honestly wishing that lucky woman my best friend admires would take a good care of him and his feelings. I don't want him hurt.

He smiled too. His eyes full with unreadable emotions. "I hope that too.."

"Ryll..." He called my name. I turned my attention to him again.

"Hhmmm?..." Tumingin ako sakan'ya habang nakatingin pa rin s'ya sa akin. 

"I am dead serious, too..." He said nonchalantly. He looked at me intently with his deep blue eyes. Mimicking the words I have said earlier. I just felt my heart beating so wild.

I didn't get what he meant by that. I looked at him. Confused at what he have said. 

I frowned. "Of what?.."

He just shrugged and looked up again. I sighed and looked up too.

And that night, we stared together at the sky. The night sky, together with the moon and the stars.

3astsea

No copyright infringement intended.

| Like

Related chapters

  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 6

    That weekend was a blast! Lahat kami nag enjoy. It was so refreshing and tiring at the same time. I hope we could stay like that forever, but of course we need to go back. Disappointment was dripping inside me.Tulog ako buong biyahe namin pabalik. Gumising lang ako noong nasa building na kami ng condo. Nauna na akong pumasok, dala ang color blue ko na travelling bag na pinaglagyan ng mga damit na ginamit ko.Pagpasok na pagpasok ko sa aking kuwarto ay pagod kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Nakatulog agad ako. Kahit ang insomnia ko ay hindi na napigilan ang antok ko.Days had passed like a whirl wind. Its now our fifth month working here.Tutok na tutok ang mga mata ko sa story na ini-edit ko. Minamadali ko ito dahil after ng editing ay titingnan ko pa kung kailangan pa ng revision. Of course to make the story

    Last Updated : 2021-09-24
  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 7

    After reading his Author's note, I slowly closed the book. Oh my God. I still can't belive it. How come I received this book anyway? Sino naman kaya ang may mabuting pusong nakaalala sa akin at ipinagtabi pa ako ng kopya na ito. I shooked my curious little head."Ryll, hindi ka pa magla-lunch?"Napa-angat ako ng tingin sa nagsalita. It was Jomarie. A smile plastered on his face. Sometimes, I smell something fishy with these two. Jomarie and Rio. But, well I think it's impossible. Or maybe not.They're just so close to each other. I pity him. Rio is spoil rotten. Her mom doesn't want her to work as an editor but it's her decision when she applied for the job.Dinalahan pa nga s'ya ng mommy n'ya ng mas malaking swivel chair at ng bagong laptop para mas maging kumportable s'ya habang nagta-trabaho. But of course, she h

    Last Updated : 2021-09-24
  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 8

    I ran. Parang bombang sumabog kanina sa akin ang impormasyong iyon. Paano n'ya naitago sa akin iyon? Paano? Imposible iyon, paanong s'ya si Darkheart? I stopped only when I noticed that I already got away from the building where Elouise is. Madilim na ang langit. Hinahabol ko pa ang hininga ko. Then realization hit me hard. I bit my lower lip. Nag-flashback bigla sa utak ko. Yung pagkakataong mukha s'yang stressed, iyong mga pagkakataon na wala s'ya sa table n'ya. Does it make any sense? Pero paanong kahit sinong emplayado roon ay wala manlang nabanggit na s'ya iyon? bakit parang hindi naman s'ya kilala ro'n? Mapakla akong natawa. Malamang kinontsaba n'ya ang lahat nang nandoon para walang magsalita kahit isa. Why I am so stupid? Naglalakad na ako ng biglaang bumuhos ang ulan! Cra

    Last Updated : 2021-09-25
  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 9

    "Faster, Ryll! run, faster!" I told to myself again and again inside my head! There's a man who's running after me holding a knife! Fuck this!I ran as fast as I can, until the road end. And I fell. Oh, no! I felt his hand hold my feet! I faced him, but I couldn't see a glimpse of his face.. His face was.. blank.. He was about to stab me with his knife—I opened my eyes. I could feel my sweat dripping in my forehead down to my neck. Damn. That was such a scary dream.Huminga ako ng malalim at ipinatong ko ang isa kong braso sa aking mga mata. Fuck that dream.Ilang minuto akong nanatili sa ganoong puwesto hanggang sa naisipan ko nang bumangon para tingnan kung anong oras na ba. Tiningnan ko ang digital clock na nasa bed side table ko.

    Last Updated : 2021-09-26
  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 10

    It's quarter to eight when we entered the building. Wearing a black skinny fit pants and a black smock shirt, parang normal na araw pa rin iyon sa opisina. Pero para sa akin, hindi.Paanong magiging normal kung ang lalaking naglalakad sa aking tabi ay ang Vice President at Chief Editor, hindi lang iyon, siya rin ang Exclusive Writer ng Publishing Company na ito!Sabay kaming pumasok sa elevator. Pailan ilan ang bumabating empleyado sakan'ya. Subalit kapag nililingon ko na ay nananahimik. What? they didn't know that I already knew? So they really kept it from me?Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ang ibang mga empleyado. Natira kaming dalawa ni Elouise sa loob.I was eyeing him the whole time we're inside. Ofcourse, he noticed.

    Last Updated : 2021-09-26
  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 11

    "Meeting adjourned.." Sambit ni Sir Peter nang matapos mag present ng kung ano ni Mr. Umbrella sa harap na hindi ko masyadong naintindihan.I am preoccupied by the fact that he's an author too, like Elouise. And he's that Mr. Umbrella! Nakakahiya ang itsura ko noong nakita nya ako sa gilid gilid! At magmi-meeting kami few minutes from now! What a coincidence, right?!Nauna nang lumabas ng conference room sila Ma'am Janica. Nanatili namang nakaupo si Elouise sa tapat ko. Matamang nakatingin sa kanyang maliit na notebook sa ibabaw ng table. Ganun din si Mr. Umbrella sa gilid ko.Akmang tatayo naman sila Rio at Jomarie nang muling magsalita si Sir Peter. Dahilan upang matigil ang dalawa sa paghakbang palabas."Uh, Rio and Jomarie, May I speak with you, please? I wanna clarify some th

    Last Updated : 2021-09-27
  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 12

    "Do you wanna have lunch with me?" Napakamot pa sa ulo si Read pagkatapos niya akong tanungin.Tumingin muna ako sa aking wrist watch. It's almost 12 pm already so I think it's fine.Ngumiti ako kay Read, "Sure, tara."Nauna na syang naglakad patungo sa pintuan at pinagbuksan ako. Pinauna muna nya akong lumabas. Maingat niyang isinara ang pinto."Where do you want to have lunch?" tanong ni Read sa akin habang naglalakad kami.Sasagot sana ako sakaniya ng mahagip ng aking mata ang papalapit na Elouise."Where are you going?" ani Elouise nang makalapit sa amin. Matalim ang tingin sa akin at kay Read.Si Read ang sumagot para sa tanong ni El, "Oh, we're going to have lunch to catch up."&nbs

    Last Updated : 2021-09-27
  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 13

    "Elouise.." I called him. I'm still shocked, alright. Ano ba kasing ginagawa niya sa tapat ng elevator?!"Oh, Elouise.." Si Read naman ngayon ang tumawag sa pangalan niya. "What are you doing there, man?" tanong ni Read kay El na masama pa rin ang tingin sa amin.He's like a mad man ready to pounce his prey any minute now.Elouise' jaw tightened, "Nothing.. Enjoy.."Then he left.Oh, shit. Why do I feel so guilty?I looked at Read apologetically."I'm sorry. Thank you for the meal..""Don't mention it..""And.. I'll return your umbrella some other time, okay? I'll text you when I'm free." I told him urgently.

    Last Updated : 2021-09-27

Latest chapter

  • Author's Note [ Author Series #1 ]   Chapter 39

    I got choked by her sudden question! Bwiset talaga 'tong mga ito. "A-Ano ba namang tanong iyan?!" Umubo-ubo ako, with a look of disbelief in my face. Kim pushed back her hair while waiting for my answer, seated on the sofa. Her eyes were telling that she's eager for my response. "Curious lang kami. Ano ka ba, 'wag kang Kill joy!" Umirap si Eris, pinipilit akong sumagot sa walang kwenta niyang tanong. It's not something to brag about! Her famn question is ridiculous to answer! What the hell! "H'wag mo siyang pilitin sumagot, gaga." Saway ni Kim kay Eris. "It is a private matter, gunggong ka." Nag-thumbs up ako ng palihim kay Kim, tinanguan niya ako pabalik. "Oo nga, there's a line, o." Segunda ko pa. I made a face. Nanliit ang mga mata ni Eris. "Hhmm, base sa itsura ng mukha mo, you guys didn't do the nasty pa.." Her brows shot up and down again, feeling like a detective. "Just make outs, am I right?" I frowned. What the heck? How the hell did she get that answer just from lo

  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 38

    Nagmamadali akong bumaba ng kotse pagtapos kong i-park sa parking. Habang nasa elevator ako naisipan kong i-text si Elouise to say sorry dahil pinaghintay ko s'ya at para sabihin na rin na nasa ospital ako dahil nandito si Eris. Para makasunod na rin siya kasama sila Joseph at Kim. To Elouise: Love, I'm sorry. I am at the hospital, I can't attend you right now. I send it first then message him again. To Elouise: Nandito sa ospital si Eris. Tinawagan ako ni Read kanina habang papunta ako d'yan. Sunod kayo rito :(( I text him also the address of the hospital. May mga kasabay akong pasyente, tipid akong ngumiti kay lolo na nakaupo wheel chair. Apo niya siguro 'yung kasama niya dahil medyo bata pa ito. Gaya ko ay naghihintay rin silang huminto yung elevator sa 4th floor dahil yun din ang pinindot noong kasam

  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 37

    "Thank you, ingat ka!" "You too. Kumain ka na." Kumaway ako kay Elouise bago sumara 'yung elevator. Hinatid niya lang talaga 'yung lunch ko at kailangan n'yang bumalik agad kasi marami pa daw s'yang naiwang trabaho sa opisina. "Iyan ang when." Sabi ni Lane nang magkasalubong ko ulit siya habang papunta na ako sa opisina ni Eris, dala ang lunch box na bigay ni Elouise. "Wala pa rin bang lalaki na pasok d'yan sa standards mo?" Tanong ko sakaniya. Nagkibit-balikat lang siya. "Nako, hindi mo sure." I looked at her warily. "Seriously, sino?" Her answer is neutral. Ayaw pa sabihin sa akin, parang others! "Wala nga! sige na kumain kana do'n." Pagtatabo

  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 36

    "Oh saan ka pupunta?"Rinig kong tanong ni Eris habang pababa ako ng hagdan. Nasa tabi niya si Kim, nakaupo sa sofa gamit ang laptop niya."Good morning!" Masayang sabi ko bago tuluyang makababa ng hagdan. Kinindatan ko silang dalawa kaya kumunot ang mga noo nila."Good morning, saan ka nga pupunta?" Tanong ulit ni Eris. Duh, hindi ba obvious? papasok ako sa trabaho syempre! Nakabihis na kasi ako ng pang-office. Ganoon din naman silang dalawa."Syempre, I am going to work!" Tumaas ang dalawang kilay nila sa akin. Bumaling na rin si Kim sa gawi ko.Ano ba kasing problema nila? gusto ko lang naman magtrabaho. At isa pa, kaliwang kamay ko lang ang may benda, e right handed naman ako kaya makakapag-type pa rin ako sa laptop ko.Nagkatinginan sila Eris a

  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 35

    "Anong sabi?"Eris asked curiously. Sumunod pala siya sa amin. Tumigil na ang tunog ng door bell. I felt really sad to find him feeling sorry to me for the sake of her. Well in fact, he didn't do anything wrong. I just noticed, I am being unreasonable now. He's just being nice to his friend— colleague. But Nica did this to me, my alter ego said. And he really believed that it was my fault."Should I talk to him now or tomorrow?" Tiningnan ko silang dalawa.Nagkatinginan rin sila sa tanong ko. "I think you should talk to him right now. Masamang pinapatagal ang away and besides, wala naman siya sa scene na nabuhusan ka ng bagong kulo'ng tubig.." Kim spoke. "And he tend to believe what you said on the spot kesa alamin pa ang totoong nangyari kasi, you have his full trust so he believed what you said." She sort it out calmly. I admire Kim for not being rash for circ

  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 34

    "Don't touch me."I tried so hard not to wince in pain. Mariin ang pagkakakagat ko sa pang-ibabang labi."What happened, Love?" He asked worriedly. Humakbang siya palapit sa akin at marahang hinawakan ang braso ko.I look at Elouise's worried face. I suddenly want to cry. I didn't do anything wrong, why did she do this to me? Tiningnan ko ang mukha ni Nica. She looked so started on what she have done. Binalik ko ang tingin ko kay Elouise. Masama na siyang nakatingin kay Nica."What happened, Nics?" He asked. Still looking for an answer from the both of us. I could only hear our heavy breathing."I—I was.." She went pale. I sighed."It was my fault." I told him instead. "I annoyed her, that's why." Nangingi

  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 33

    "Uh, hello." I said awkwardly.Shit. I suddenly got nervous. Hindi naman nasabi ni Elouise na may darating siyang bisita. Lumingon siya sa akin habang nagtatanggal ng sapatos si Nica. Sinamaan ko siya ng tingin. Elouise Paz, you're dead meat.He look at me innocently. Inirapan ko siya para ipakitang naiinis ako. Sana sinabi niya ng maaga na may bisita s'ya para binitbit ko rin sila Eris at Kim dito!"I'm sorry.." Biglang sabi ni Nica. "Amnnv b I interrupting something?" Nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Elouise. Yes, girl. You are obviously interrupting our dinner. I chose to keep it in. I am not that rude to say that to her face. I was just so startled to see her. And, what's with her and Elouise' doorbell?Nginitian ko siya. "No, wala naman." Gumilid ako para malaki ang dadaanan n

  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 32

    "Ewan ko ha, but I think she's trying to woo Elouise."Sabi ni Eris habang nag-aagahan kami bago pumasok sa trabaho. Kinwento ko sakaniya na pumunta si Janica sa condo ni Elouise."He told me naman na there's nothing to worry about Nica." Sabi ko habang ngumunguya.Eris brow shot up. "Well, if he say so. May tiwala naman ako kay Elouise, pare. Pero doon sa Nica, wala."I sighed. "Same, jusko."Hinaayan ko nalang 'yon at pumasok ng maaga sa opisina. Pagdating ko palang sa cubicle ko binuksan ang phone ko. I saw his text since last night. Hindi naman ako galit at nagtatampo. Nakatulugan ko lang talaga phone ko kagabi kaya hindi na ako nakapag reply sa messages niya.From Elouise:Lov

  • Author's Note [ Author Series #1 ]   CHAPTER 31

    "W-What did you just say?"He caught me off guard with what he said. I am looking at him with wide eyes! I mean, maybe I am hearing things?"Why? you think my proposal is ridiculous?" Elouise turned to me.Ridiculous my ass. Sinong nagsabi? wala naman akong sinabi. Ang sarap kaya sa pandinig ng sinabi niya to the point na hindi na ako nakapag react ng maayos."Ano nga ulit sinabi mo?""I don't want to repeat it again, it's embarrassing." I saw his ears turned red.Tinaasan ko siya ng dalawang kilay. "So you are saying that I am an embarassment?" I joked.He frowned. "What? No." Tiningnan niya ako ng masama. "I know you heard it. What I just say is just a.." Hindi niya matuloy

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status