Share

Chapter 53

Author: MeteorComets
last update Huling Na-update: 2023-08-22 17:50:44
Nagkagulo na sa hospital. Nagtuloy tuloy ako sa paglabas kahit nanghihina ako.

Iyong anak ko kasi, kailangan kong makita.

Habol ko ang hininga nang maanigan ko si PJ na pumasok sa isang pintuan.

May hawak siyang sanggol. Malakas ang kutob ko na anak ko iyon.

Pinilit kong ihakbang ang paa ko. Nagmamadali akong sundan siya, hindi alintana ang sakit sa sugat buhat sa panganganak.

"PJ..." Mahinang sabi ko habang sinusundan siya.

Paglabas ko ng pintuan, nakita ko siya naglakad palayo ng hospital. Kinain ng takot ang puso ko.

Kukunin ko ang anak ko sa kaniya.

Nagmadali ako. Tinawag ko siya ngunit hindi niya narinig ang boses ko.

Halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. Nawala na si PJ sa paningin ko.

Nawawalan na ako ng pag-asa. Naiiyak ako sa kawalang pag-asa ngunit bigla siyang bumalik.

Hindi pa rin niya ako nakikita. Hindi niya ako napapansin.

Sobrang layo na niya sa akin pero kitang kita ko siya.

Nakita kong binigay niya ang anak ko sa isang pulubi at agad na tumakbo. N
MeteorComets

Starting point. Let's continue the dots together...

| 4
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Asawa Ako ng CEO   Chapter 54

    "Bakit kilala mo si mama?" gulat na tanong ko sa kaniya. Tinignan niya ako. "Huwag mo ng alamin," iyon ang sabi niya. Pero hindi ako mapakali. Bakit niya kilala si mama? Anong ugnayan niya kay mama? Hindi. Gusto kong malaman. Pero nagsimulang umiyak si Timber kaya tumayo siya at binigay sa akin ang bata. "Babalikan kita dito mamayang gabi. Isang malaking pagkakamali na nandoon ka at nasama sa pagdukot pero masaya ako at nakilala kita," ang sabi niya sa akin. Hindi ko alam bakit pero iyong mata niya ay puno ng emotion. Para bang kilala niya ako. Naguhuluhan tuloy ako. Sino ba itong Lando na ito? Lumabas siya ng kwarto niya at naiwan kami ng anak ko sa loob. Sa tingin ko ay soundproof ang kwarto niya. Kaya kahit umiyak si Timber ay hindi naririnig ng mga tao sa ibaba ang iyak niya. Umupo ako sa kama. Sino si Lando sa buhay ni mama? Bakit niya kami tinutulungan? Paano niya nakilala si mama? Mga bagay na naglalaro sa utak ko. At bakit niya niligpit ang mga tauhan niyang dumak

    Huling Na-update : 2023-08-22
  • Asawa Ako ng CEO   Chapter 55

    LANDO REMADAVIA (3RD POV) “Ayoko mama,” umiiyak na sabi ng batang si Lando habang kasama niya ang mama niyang si Delilah. “Lando, hindi pwede. Kailangan mong umalis. Hindi kita kayang buhayin anak.” Umiling siya. “Ayaw ko po ma,. Sa inyo lang ako kasama niyo ni Rachelle at Dehlia.” Pagmamakaawa ng batang si Lando. “Lando!” Nawawalan ng pasensya na sabi ni Delilah sa anak niyang panganay. “Lando, hindi kita kayang paaralin anak. Isang kaladkarin ang mama mo. Isa akong p****k. Hindi mo ba naiintindihan yun ha? Iyong kinikita ko sa bar, hindi sapat para matustusan ang pangangalangan niyo. Hindi ba nabu-bully ka na dahil kay mama?” Ang kinse anyos na si Lando ay naiintindihan na ang sitwasyon. Isang p****k si Delilah kaya iba-iba ang ama ng mga anak niya. Si Lando ang panganay niyang anak ngunit hindi na niya kaya itong buhayin kaya gusto niya itong ibigay sa totoong ama nito na dati niyang customer. Si Dehlia ay anim na taong gulang na habang apat si Rachelle. “Mama, hindi ko po

    Huling Na-update : 2023-08-23
  • Asawa Ako ng CEO   Chapter 56

    “Ano ka ba naman. Hindi ganiyan paliguan ang bata. Hindi mo siya dapat basahin. Punasan mo lang,” sabi ko na kunot ang noo. “Sabi mo paliguan,” kinakabahang sabi niya. “Yeah but that’s not the—argh! Hindi ka ba tinuruan? Tabi. Ako na!” Gumilid naman siya. She’s really my sister. Rachelle is intelligent but sometimes dumb. Kahit no’ng bata pa kami. Pero napakalambing niya at medyo selosa. Tanda ko pa noon na ipinagdadamot niya ako kay Dehlia. Dehlia on the other hand ay maigsi ang pasensya. Laging mainit ang ulo niya sa bunso namin kaya napapagalitan ko. Syempre, bunso kaya si Rachelle ang madalas na kakampihan ko. Hindi ko tuloy alam kung may tampo pa ba sa akin si Dehlia. Nag-asawa na rin ba kaya yun? “There.. gently wipe his skin. Hindi yung bubuhusan mo siya ng tubig.” Agad naman siyang tumango. Tumabi ako, “oh ikaw na magpatuloy. Bilisan mo lang,” sabi ko. Tumango siya. Matapos niyang paliguan ang anak niya, binalot niya ito sa lampin na binili ko. Suot na niya ngayon ang

    Huling Na-update : 2023-08-23
  • Asawa Ako ng CEO   Chapter 57

    Lyrico Shein (3rd POV) “You need to rest. Tinatrack na natin ang van na dumukot sa kaniya.” “Pa, 3 days na ang lumipas but there’s no news.” Halos hindi na mapakali si Rico. Hindi niya alam kung anong gagawin. Pabalik na siya ng hospital nung tumawag si Zeym para ibalita sa kaniya na nawawala si Rachelle at ang anak nila. Nang madakip si PJ, napag-alaman na ang batang nakuha ni Zeym ay ang anak pala ni Dehlia. Hindi niya pinadala si PJ sa mga pulis. Kinuha niya ito at dinala sa teritoryo nila ng mga Shein. Tumayo si Rico. “Rico, saan ka pupunta?” hindi nakinig si Rico sa papa niya. Nagtuloy-tuloy siya sa pagpunta ng basement kung saan nila ikinulong si PJ. Binuksan niya ang selda at malakas na tindayakan si PJ na halos hindi na humihinga. Halos napuno ng sugat ang katawan. Naliligo na rin ng sariling dugo. “KASALANAN MO TONG HAYOP KA! PAPATAYIN KITA!” Sigaw ni Rico. “RICO!” Hinawakan ni Mr. Shein ang anak dahil halos hindi na humihinga si PJ buhat sa walang sawa na pambubog

    Huling Na-update : 2023-08-24
  • Asawa Ako ng CEO   Chapter 58

    LYRICO SHEIN “What happened?” I asked Zeym when Sico notified me about the news. “Master Rico, someone sent me these..” pinakita niya sa akin ang monitor at nakita ko ang mga litrato ni Rachelle kasama ng anak ko. Napasinghap si mama sa tabi. “They are fine,” ang sabi ni uncle Lee sa tabi ko. “It looks like wala sila sa kapahamakan,” dagdag ni uncle Rich. “No, uncle. They are in danger. Isa itong sindikato na gumagawa ng human trafficking.” Sabi ni Zeym. “But based on the picture, Rachelle and master Rico’s child are in safe place,” dagdag niya. “Unlike sa mga taong kinidnap gaya nito,” dagdag ni Zeym sabay pakita sa isang selda na puno ng mga tao na kinidnap no’ng sindikato. “Sinong nagsend niyan?” tanong ni papa. “Can’t locate the informant tito.. Pero sinend niya ang impormasyon ni Garzon. Ang General Surgeon at kasalukyang director sa Hambaleches Hospital. Para bang ayaw niyang malocate natin siya.” “A surgeon? Isang doctor ang lider ng sindikatong yan?” tanong ni papa. Tu

    Huling Na-update : 2023-08-24
  • Asawa Ako ng CEO   Chapter 59

    Rachelle Remadavia Matapos doon sa maliit na barko, inilipat kami sa isang malaking barko na siyang magdadala sa amin sa Spain. Kasali kami sa mga pulubi na malilipat sa malaking barko. Isinama ako ni Mang Fe sa deck na tutuluyan niya. Ang totoo ay kasama sana siya sa pagpunta ng Spain ngunit ang sinabi niya ay ako na raw ang bahalang pumalit sa kaniya. Naging delivery woman pa ako sa human trafficking na ito. Nagpaiwan si Mang Fe at babalik na siya kay Garzon. Kaharap ko ngayon itong mga manyak na puti na nagsimula ng manghila ng mga kinidnap nina Lando para gawin nilang parausan. Naaawa ako pero pinili kong ipikit ang mata ko para sa kaligtasan ng anak ko. Hindi ako pwedeng makialam. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila pero alam kong ako ang pinag-uusapan nila. May lumapit sa akin na isang lalaki. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “My workmates are wondering if Garzon mistakenly put you here for this transaction. Are you his man?” tinutukoy niya siguro kung nagta-

    Huling Na-update : 2023-08-25
  • Asawa Ako ng CEO   Chapter 60

    Hindi ko maintindihan itong si Henry at Lando, ang gaganda ng bahay pero bakit sangkot sa mga illegal na Gawain gaya ng sindikato? Nalula ako sa bahay ni Henry nang makapasok kami. Ang laki na tingin ko ay para ng 5 star hotel. “Is this really your house?” takang tanong ko. “Yeah. Why?” sabi niya habang may tinatawagan sa phone niya. Tumingin ako sa anak ko. Kung saan saan na kami nakarating ni Timber. “Look anak.. ang ganda ng bahay,” Hindi ako makapaniwala na nasa isa kaming magandang bahay kagaya nito. “Wow!” Hindi ko na yata mabilang ilang wow na ang nasabi ko. Nilapitan ako ng mga katulong kaya agad akong nataranta. “Henry!” Tawag ko kay Henry. “They won’t harm you,” aniya kaya kumalma ako. Iginiya nila ako paakyat sa taas ng hagdan para makapagpahinga kami ng anak ko. Natatawa ako kay Timber dahil nagkagulo na’t lahat, tulog na tulog pa rin siya. Dahil hindi naman kami nagkakaintindihan ng mga katulong dito, hindi nila ako kinakausap. Matapos nila akog ihatid, dinalha

    Huling Na-update : 2023-08-25
  • Asawa Ako ng CEO   Chapter 61

    “Goods then,” ang sabi ni kuya. “Sino ang papa ko?” tanong ko sa kaniya. Gusto ko malaman kahit ang pangalan niya. “Luis. Ang alam kong pangalan niya ay Luis Marino.” Luis Marino? “Tanda ko pa dati na mabait ang papa mo. Mahal na mahal niya si mama ngunit naghiwalay sila dahil sa papa ni Dehlia.” Hindi ko alam may ganoon palang nangyayari sa buhay ni mama. “No’ng maghiwalay sila, saka lang nalaman ni mama na pinagdadalang tao ka niya ngunit wala na ang papa mo. Nakauwi na ng Spain.” Tumango ako sa sinabi niya. Saka ko nalang uusisain ang lovestory ng mama at papa ko kung makaharap ko na si mama. “Sana mahanap natin siya,” ang sabi ko nalang. -------------------- Humiram ako ng cellphone ni Henry para maki log in sa social media account ko. Chinat ko si Rico na sana at makita niya lalo’t hindi na yun naglalagi sa social media account niya mula no’ng umuwi siya galing Spain. Sinabi ko sa kaniya na ligtas kami ni Timber at hindi pa kami makakauwi ng Pinas. Nilagay ko rin ang a

    Huling Na-update : 2023-08-25

Pinakabagong kabanata

  • Asawa Ako ng CEO   SPECIAL CHAPTER III- (Eli x Dehlia)

    Elizabeth Revajane Marin “Pa, why would we leave Rachelle there?” “So? She's not a family,” ang sabi ni papa na nagpalaki ng mata ko. Akala ko ba anak niya si Rachelle sa dati nitong girlfriend? Nagulat ako sa reaction ni papa habang nakatingin sa mukha niyang nakangiti. Ikinulong namin si Rachelle sa kwarto. “Saan tayo pa?” “To your mama?” “I’ve noticed, you can speak fluently Tagalog?” I’m sure na hindi. I know my father. Pero habang kaharap namin si Rachelle kahapon, rinig ko ang pagtatagalog niya. “I can’t but I know a little,” aniya. Napatingin ako sa tenga niya at may earpiece doon. So someone is dictating. Pero bakit pa kailangan niyang mag kunwari na nakakapag salita siya ng Tagalog? For the show? Pagdating namin sa bahay, bumaba ako kaagad at pinuntahan si mama pero wala siya sa kwarto. “Where’s my mama?” “Go and change,” ang sabi ni papa. I just nodded. Umalis ba si mama? 5 months ko na siyang hindi nakikita. Baka umalis. Nagkibit balikat nalang ako at pumasok sa

  • Asawa Ako ng CEO   SPECIAL CHAPTER II (Luis Marin)

    "Aalis ka sa susunod na buwan?" iyon ang pangbungad na tanong ni Delilah kay Luis matapos marinig ang sinabi ni Levi dito. Papasok siya sa bahay ni Luis dala ang dalawang anak niya nang marinig niya ang pag-uusap na iyon ni Levi at Luis. Nagkatinginan si Levi at Luis saka ito umalis para puntahan ang nobya niyang si Tere. "Tito," yumakap si Lando kay Luis. "Hello kiddo," tumingin si Luis kay Noli at naintindihan na ni Noli ang ibig sabihin ni Luis. Kinuha niya ang dalawang bata kay Delilah para maka pag-usap ng masinsinan si Delilah at Luis. "Sweetheart, I need to go back to Spain." Nag-aalalang sabi ni Luis sa kaniya. "But Luis, hindi ba sabi mo delikado doon? Sabi mo gusto kang papatayin ng kapatid mo?" nag-aalalang sabi ni Delilah. Sinabi ni Luis sa kaniya ang tungkol doon. Kaya ayaw ni Delilah na bumalik pa si Luis ng Spain. Ngumuso si Luis. Hindi niya kayang makapag salita ng tuwid na Tagalog but he can understand now about this language. "Yes but dad needs me." Nag s

  • Asawa Ako ng CEO   SPECIAL CHAPTER (Luis Marin)

    Malakas ang tugtog ng bar habang si Luis Marin—ang kilalang anak ng isang mayamang negosyante sa Spain ay naaliw na nakatingin kay Delilah Remadavia.Tuwang tuwa siya habang nakatingin sa mga hips nitong umiindayok habang nang-aakit ang matang nakatingin sa mga lalaki. “What’s her name?” he asked Noli, his friend he met when he arrived in the Philippines.“I don’t know. We can asked her later,” ang sagot ni Noli habang nakatingin sa babaeng nagsi-serve ng alak sa mga customer. Tumaas ang sulok ng labi niya habang nakatingin kay Teresita na sinusungitan ang mga manyak na gustong manghipo sa kaniya.Maya-maya pa, dumating si Levi—ang lalaking kaibigan ni Luis sa Spain. Si Levi ang kasama niya sa pag-uwi ng Pinas. Nag-aral si Levi sa Spain dahil naroon ang umampon sa kaniya.“I’m sorry I’m late,” ani ni Levi at tinapunan nang tingin si Noli na umayos ng upo nang makita siya.“Levi, what is the tagalog term of ‘You’re so beautiful?’” kumunot ang noo ni Levi sa tanong ng kaibigan. Luis di

  • Asawa Ako ng CEO   END

    “Papa! Weeeew!” Natatawa ako habang nakatingin kay Altou na nakasakay sa biseklata na minamaneho ni Kua.“We’re faster!” Ang sabi naman ni Tenour na nakasakay kay kuya Timber niya.Natatawa si Sico at Rico sa dalawa habang ako ay nailing at bumalik sa pantry kasama ni Eda. Nasa Hacienda Villaranza kami. "Be careful Kua! Kasama mo si Altou!" sigaw ni Sico. Gusto niya kasing umangkas kaya ayan sila. "Don't worry papa! I'm a good rider!" sigaw nito pabalik. "Kua, near the falls!" Sigaw ni Timber. Bahala na ang magkapatid sa mga batang yan. Si kuya Carlitos ay nasa barn kasama naman ng iba pang bata at iba pa. “Puntahan ko lang si Laris,” ang sabi ni Eda sa akin. Tumango ako at tumuloy sa pantry. We have a big celebration na gaganapin dito.. And as for Moni, she came from the hunt at kakarating lang niya yesterday. Feeling ko nga napagalitan ito ng dalawang kuya niya dahil kasama na naman niya si Kath. “Ate,”“Hmm…”“Kailan kayo babalik ng Spain?”“Bakit?”“I just asked. Wanna

  • Asawa Ako ng CEO   Chapter 98

    “Is she okay?” tanong ni Moni sa akin habang nakatingin kay Raja na umiiyak ngayon sa papa niya.I remembered when she said this to us earlier. Tinanong ko siya kung paano niya nalaman ang tungkol as bagay na yun.“Last vacation mama, a woman approached me and told me that I am her granddaughter. Sabi niya, layuan ko raw kayo dahil kayo raw ang pumatay sa totoong papa ko.” Mahina ang boses niya na para bang nag-aalangan kong sasabihin pa ba niya sa amin ang bagay na yun o hindi na.Last vacation means last year nong pumunta kami dito.Papa already went to my province para puntahan ang mga magulang ni PJ. Galit na galit si Rico at ngayon nga ay sinabi na namin kay Raja ang lahat tungkol sa pagkatao niya.Nandito si kuya at si mama ko para ipaliwanag kay Raja lahat.She’s smiling at us and I failed to noticed how broken she is. Anong klaseng ina ako.Tumingin ako kay kuya nang ilagay niya sa balikat ko ang kamay niya.Tumango lang ako at malungkot na binalingan nang tingin ang anak ko.

  • Asawa Ako ng CEO   Chapter 97

    When the priest said that Tay Noli can kiss now Nanay Tere, agad na nagsipalakpakan ang mga tao na invited sa kasal na ito. Naghagikgikan ang dalawang bata sa harapan namin. Ako naman ay napangiti habang si Rico ay nakangiti rin. The whole family is here witnessing the vows of tatay Noli and nanay Tere. They are so cute in their wedding attire. Nanay Tere is so beautiful at ang gwapo ni tatay. Despite of their age, nagpakasal pa rin sila sa simbahan and I wish them nothing but more years of being happy. Halata sa mata nila ang kasiyahan. “Pakasal ulit tayo sweetheart, sa simbahan.” Bulong ni Rico. “Yes pero next year na para iwas doon sa pamahiin..” “Kahit taon taon ayos lang,” natawa ako sa sinabi ni Rico sa akin. Minsan talaga nakakatawa itong mga lumalabas sa bibig niya. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. He kissed me—a smack. “Ganda,” sabi niya.. Naiiling kong tinabingi ang pisngi niya. “Huwag ka ngang makulit.” Sabi ko. “Mama, when kayo papakasal ni papa?” tanong ni Raja

  • Asawa Ako ng CEO   Chapter 96

    Pagdating namin ng Spain ni Rico, sinamahan niya ako kaagad sa business venue where I can meet this Sanchez. Dumiretso muna kami sa hotel no’ng una para makapagpahinga at makapagbihis. “Sweetheart, tatay Noli is waiting for us in the venue,” tumingin ako kay Rico na gwapong gwapo sa suot nitong suit sa pamamagitan ng salamin sa harapan. Inaayusan kasi ako ngayon. “Thank you,” sabi ko at tumingin sa salamin para malagyan ng lipstick. “Miss Rachelle, Butler Noli told me to give this to you.” Sabi nong nag-aassist sa akin dito. Nilapag niya ang isang box ng mga jewelries na susuotin ko kapares sa long backless gown na suot ko. Mahaba pa ang slit. Alam kong Rico dislikes it but kanina ko pa napapansin ang paglunok niya ng ilang beses. He keeps on staring at me na minsan ay iniiwasan ko dahil nakakailang. Binuksan nila ang box that full of classic, rare, and expensive jewelries. Kumikinang ang bawat diamond doon. Unang tingin ko pa lang, alam ko na kung ano ang susuotin ko. I am not

  • Asawa Ako ng CEO   Chapter 95

    Ilang buwan na ang lumipas at sa wakas, tapos na ang first semester. Last month pa umalis ang mga bata at susunod kami ni Rico ngayong buwan. “Sweetheart, nakahanda na ba ang mga gamit natin?” “Yes no’ng isang araw pa,” sabi ko sabay angat nang tingin kay Rico na nakasuot na ngayon nang itim ng turtle neck na longsleeves. “Ang gwapo,” hindi ko mapigilang komento habang nakatingin sa kaniya. Napangiti siya at hinawakan ako sa bewang. “Really?” I nodded. Ngumuso siya at hinubad ang necklace na suot ko. Kinuha niya ang pendant doon saka kinuha ang kamay ko. Pinadausdos niya ang singsing sa kamay ko. “Let’s change your last name. Pwede ba?” Nagpipigil ako ng ngiti. “Pwede pagbalik na galing Spain?” Tumingin siya sa akin at tumango. Ngumiti ako sa kaniya. He’s so sick hearing people na hindi niya ako pinagutan where in fact, noon pa nga lang, kahit may unfinished business pa kami sa past relationships namin, pinakasalan na niya ako. --------------------- Flashback (Chapter 40-41

  • Asawa Ako ng CEO   Chapter 94

    Pagdating naman sa bahay na lilipatan nila ay agad na umayaw si Eli. Hindi pa nga kami nakakapasok, ayaw na niyang tumuloy. “Ang laki,” ang sabi niya. May mga apartment si Rico na binili niya. Mga apartment na nakapangalan sa akin. “Sige na.. Hindi naman yan kalakihan,” sabi ko. Tumingin si Eli sa akin. “Rachelle, pumasok ka na,” ang sabi ko. Wala na siyang nagawa ng nilagpasan kami ni Rico habang dala niya si Kua. Mukhang nagkakasundo ang dalawa. Napailing nalang ako sa kanila. “The house ishh beeyg papa..” Kua said bago sila tuluyang makapasok ni Rico. “Rachelle— Tumingin ako kay Eli. I know anong kasunod ang sasabihin niya. “Eli, alam kong hindi tayo close. Alam kong hindi maganda ang nangyari sa mga ama natin. But please let me help you. Pinsan mo pa rin ako.” Nagbaba siya nang tingin. “Nahihiya pa rin ako sa iyo Rachelle,” aniya. Napanguso ako. “Bakit ka naman mahihiya?” “Sa lahat ng ginawa ni dad sa inyo. Wala akong alam.. I’m sorry. Ako pa ang may ganang magalit at

DMCA.com Protection Status