Mamaya ulit ang another update
“Rachelle?” tawag ni ma’am Lay sa akin habang nasa banyo ako at sumusuka. Pang ilang araw ko na ito at hindi ako nagsasabi sa kanila. Hindi rin ako pumasok sa skwelahan buhat sa masama lagi ang pakiramdam ko. Pumasok si ma’am Lay sa kwarto. Alam ko kasi naririnig ko ang yapak niya papalapit sa akin pero hindi pa rin kumakalma ang tiyan ko. “Rachelle?” Naabutan niya ako iniduro na nagsusuka pa rin. Agad niya akong dinaluhan at hinahagod ang likuran ko. Hindi ko siya maharap dahil nahihiya ako. Naiiyak na nga ako kasi hindi talaga matigil ang tiyan ko kakasuka. Nang medyo maayos na ay inalalayan ako ni ma’am Lay pabalik sa kama ko. “Kamusta ang pakiramam mo?” kunot noong tanong niya. “Ayos na po t-tita,” nahihiya kong sabi. Nakita kong bahagya siyang ngumiti. Nasisiyahan sa hindi ko matukoy na dahilan. “Pasensya na po. Hindi ko po alam bakit ako nasusuka. Sa tingin ko ay dahil napapasobra yata ang kain ko,” sabi ko sa kaniya. Nahihiya kasi ako. “Ayos lang iyan. Ano ka ba,” n
Dahil kaming dalawa lang ni ma’am Lay ang nakakaalam tungkol sa pregnancy ko kaya ngayon, takang taka ang mga tao sa mga ikinikilos ko. Kanina, tinatanong ako ni Moni kung papasok ba ako sa school, umiling ako kasi ayaw ko. Nakakahiya dahil pinapaaral nila ako pero ayaw ko talaga at baka abutin ako ng sama ng pakiramdam doon. Tapos ngayon, panay kain ko ng mga pagkain na kung saan-saan ko isinasawsaw. “Is that normal?” rinig ko pang tanong ni Mr. Shein kay ma’am Lay nang makita niyang isinawsaw ko ang fried chicken sa ketchup at suka ng sabay. “Oo naman, normal ‘yan,” nakangiting sabi ni ma’am Lay sa kaniya. Sa tabi ko naman na si Moni ay nakangiwi, tipong sobrang weird ng mga kinakain ko. Nang matapos akong kumain, pumasok na si Moni sa school at si Mr. Shein sa trabaho kaya ako nalang ang naiwan sa bahay kasama ni ma’am Lay. “Tita, ano pong gagawin natin?” tanong ko. Nasa upper town kami dito sa bayan kaya sobrang refreshing dahil wlang masiyadong ingay at puro pa puno ang nak
Kada umaga, pag magigising ako, nasa kwarto ko na si ma’am Lay para bantayan ako sa morning sickness ko. Hindi niya ako pinabayaan at hindi rin siya nagkulang sa pag-aalaga sa akin. Nahihiya na nga ako minsan. Nasa banyo ulit ako para sumuka. “Rachelle, kailangan natin pumunta ng OB,” sabi niya. “Po?” “Don’t worry, may kaibigan akong OB doon tayo,” sabi niya. “Kailangan mong matingnan para ma monitor natin ang bata sa tiyan mo anak,” sabi pa niya sa akin. Tumango ako at sumuka ulit. Ang hirap pala nitong pagbubuntis. Akala ko ay madali lang. Nagkamali ako kasi hindi naman pala madali ang lahat. Kung hindi ako masusuka ay nahihilo naman ako. Nang matapos ako ay saka ako tumayo at inakay ni ma’am Lay sa kama. “Mukhang pinapahirapan ka ng apo ko ah,” nakangiting sabi niya. Alanganin akong ngumiti at tumango. Mukhang ganoon na nga ang nangyayari. “Lady Lay,” tawag ng katulong sa labas. “Bakit?” “Dumating na po ang bagong security para magbabantay kay Ms. Rachelle,” sabi nito
“Mia, salamat sa pagpayag mo na maging OB nitong anak ko,” sabi ni ma’am Lay at ako naman ang nahiya nang sabihin niya ang salitang anak. “Ano ka ba naman Lorelay. Para namang hindi tayo magkaibigan,” sabi nito saka tumingin sa gawi ko. Nakita ko ang magaan nitong ngiti sa akin. Gaya ni ma’am Lay at pamilya ni Rico, ramdam ko ang kasiyahan sa mukha nito. Para bang hindi kaso sa kaniya na galing ako hindi marangyang pamilya. “Hindi ko aakalain na may anak na ang anak natin, Lor.” Sabi niya kay ma’am Lay. “Ako nga rin Mia. I’m sure magugulat itong si Rico.” “Sabay ba silang uuwi ni Zee dito?” “Hindi ko pa alam e. Walang balita si Zee sa akin,” sabi ni ma’am Lay. “Nga pala Rachelle, itong si Mia ang mommy ni Rico. Pwede mo siyang tawaging mommy.” “Ay hala po!” Sabi ko. “Nakakahiya naman po tita,” sabi ko. Ngumuso si Doc Mia at sinabing, “mas ikakatuwa ko Rachelle kung tatawagin mo akong mommy.” Ako na ang nahihiya sa kabaitan na pinapakita nila sa akin. “S-Sige po,” sabi ko sa
Umuwi kami ng bahay kasama ni Doc Mia. Siya kasi ang nagmaneho ng sasakyan namin pauwi. Nasa likuran ako nakaupo habang si ma’am Lay naman ay tinatabihan ako. “Rachelle, Rico is calling,” sabi ni niya. Agad akong nabuhayan at agad na kinuha ang cellphone niya. “Sweetheart?” kakalagay ko lang ng cellphone sa tenga ko, narinig ko ang malambing na boses ni Rico. Kahit nasa tabi ko ang mama niya ay tumulo ang luha ko. “Rico, miss na miss na kita,” umiiyak na sabi ko. Nakita ko ang pagngiti ng mama niya at ni Doc sa sinabi ko. Nahiya ako bigla. “Aw. I missed you too sweetheart.” Hindi ko napigilan maging emotional. “Are you crying baby?” umiling ako at pinunasan ang luha ko. “Hindi ah,” sabi ko kahit na sunod sunod ng tumulo ang luha sa mata ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Kamusta ka diyan? Kumakain ka ba ng tama?” tumango ako sa tanong niya. “You missed me so bad?” “Opo,” sabi ko sa mababang boses at narinig ko nalang ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya.
“Ms. Rachelle, bakit po kayo nandito?” nasa maid’s quarter ako. “Wala po kasi akong matutulugan e,” sabi ko. “Pero Ms. Rachelle, doon po kayo pinapatuloy ni sir Rico sa kwarto niya.” Napahigpit ang hawak ko sa unan at naiiyak na naman. Hindi ko kasi alam kung kaano-ano siya ni Rico. Girlfriend niya ba iyon? Bakit ganoon iyon makaasta? “Doon niya po gusto matulog manang,” halos mag crack ang boses ko. “Isusumbong ko siya kay Lady Lay,” “Huwag na po manang,” sabi ko. “Ayos lang naman po ako,” dagdag ko. Nakita kong nagkatinginan sila mga katulong. “Masikip po dito sa maid’s quarter Ms. Rachelle. Kung gusto niyo po, aayusin ko ang guest room para makapagpahinga na kayo.” “Huwag na po. Aabalahin ko pa kayo e,” sabi ko. “Dito nalang po ako sa inyo manang. Para din po may kasama ako,” agad na bumagsak ang balikat ni manang pero sa huli ay pumayag rin siya na makitulog ako kasama nila. Dahil isa akong madaldal na babae, ayon, nagki-kwentuhan kami ng mga katulong sa mga buhay buhay
"AKIN NA IYAN!" Malakas na sigaw niya sabay hablot ng bulaklak sa kamay ko. Sa inis ko ay agad ko rin itong binawi sa kaniya. "Akin ito. Kakasabi lang ni Rico na akin ang bulaklak na ito." Agad na nanlisik ang mata niya. "Ako ang girlfriend ni Rico kaya anong sinasabi mo?" Napahinto ako at nagulat sa sinabi niya. Anong girlfriend? Bakit siya magiging girlfriend ni Rico? Hindi ko na namalayan na kinuha niyang muli ang bulaklak at tumalikod. "Ate?" napatingin ako kay Moni. Naguguluhan ang mata habang nakatingin sa amin. "Shel," tawag ni Sico. Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang makitang lumapit si Eli sa kanila. "Sico, inaaway ako ng babaeng iyan." Kumunot ang noo ni sir Sico habang nakatingin dito. "Sino ka?" "Oo nga. Sino ka ba? Hindi pala-away si ate Rachelle." "Ako si Eli Revajane. Girlfriend ako ng kapatid niyong si Rico." Sabi niya na nagpalaki ng mata sa dalawa. "Kuya?" takang tanong ni Moni sa kuya Sico niya. "Sabi mo nakipag hiwalay na si kuya Rico sa girlfriend n
“Kuya, bakit hindi ko ma-kontak sina mama?” rinig kong sabi ni Moni habang nasa sala ako. Katabi ko siya sa kwarto niya dahil ayaw ni Eli umalis sa kwarto ni Rico. Isang linggo na mula ng nandito siya at hindi pa umuuwi sina ma’am Lay. “Mama said na may importante silang pupuntahan ni papa. Baka walang signal doon,” “Kailan daw sila uuwi?” “Na extend ang lakad nila. 2 months sila doon,” Nag-iwas tingin ako at naabutan ko si Eli na nakatitig sa akin. Nakita kong tumabi siya sa akin sa pag-upo. “Oh paano ba iyan? Nasa akin na sila,” malditang sabi niya. Hindi ako kumibo. Tahimik lang akong kumakain. “Ang kapal din naman kasi ng mukha mo. Kabit ka na nga ng nobyo ko, nagbubuhay reyna ka pa dito,” aniya. Tumayo ako para lumipat ng mauupuan. “Shel,” tawag ni sir Sico sa akin kaya tumingin ako sa gawi niya. “Rico called, hindi mo raw sinasagot ang tawag niya?” Nagbaba tingin ako. “Pasensya na po kuya,” sabi ko. “It’s fine, Shel. Naiintindihan kita.” Aniya. Tumango ako. Naging
Elizabeth Revajane Marin “Pa, why would we leave Rachelle there?” “So? She's not a family,” ang sabi ni papa na nagpalaki ng mata ko. Akala ko ba anak niya si Rachelle sa dati nitong girlfriend? Nagulat ako sa reaction ni papa habang nakatingin sa mukha niyang nakangiti. Ikinulong namin si Rachelle sa kwarto. “Saan tayo pa?” “To your mama?” “I’ve noticed, you can speak fluently Tagalog?” I’m sure na hindi. I know my father. Pero habang kaharap namin si Rachelle kahapon, rinig ko ang pagtatagalog niya. “I can’t but I know a little,” aniya. Napatingin ako sa tenga niya at may earpiece doon. So someone is dictating. Pero bakit pa kailangan niyang mag kunwari na nakakapag salita siya ng Tagalog? For the show? Pagdating namin sa bahay, bumaba ako kaagad at pinuntahan si mama pero wala siya sa kwarto. “Where’s my mama?” “Go and change,” ang sabi ni papa. I just nodded. Umalis ba si mama? 5 months ko na siyang hindi nakikita. Baka umalis. Nagkibit balikat nalang ako at pumasok sa
"Aalis ka sa susunod na buwan?" iyon ang pangbungad na tanong ni Delilah kay Luis matapos marinig ang sinabi ni Levi dito. Papasok siya sa bahay ni Luis dala ang dalawang anak niya nang marinig niya ang pag-uusap na iyon ni Levi at Luis. Nagkatinginan si Levi at Luis saka ito umalis para puntahan ang nobya niyang si Tere. "Tito," yumakap si Lando kay Luis. "Hello kiddo," tumingin si Luis kay Noli at naintindihan na ni Noli ang ibig sabihin ni Luis. Kinuha niya ang dalawang bata kay Delilah para maka pag-usap ng masinsinan si Delilah at Luis. "Sweetheart, I need to go back to Spain." Nag-aalalang sabi ni Luis sa kaniya. "But Luis, hindi ba sabi mo delikado doon? Sabi mo gusto kang papatayin ng kapatid mo?" nag-aalalang sabi ni Delilah. Sinabi ni Luis sa kaniya ang tungkol doon. Kaya ayaw ni Delilah na bumalik pa si Luis ng Spain. Ngumuso si Luis. Hindi niya kayang makapag salita ng tuwid na Tagalog but he can understand now about this language. "Yes but dad needs me." Nag s
Malakas ang tugtog ng bar habang si Luis Marin—ang kilalang anak ng isang mayamang negosyante sa Spain ay naaliw na nakatingin kay Delilah Remadavia.Tuwang tuwa siya habang nakatingin sa mga hips nitong umiindayok habang nang-aakit ang matang nakatingin sa mga lalaki. “What’s her name?” he asked Noli, his friend he met when he arrived in the Philippines.“I don’t know. We can asked her later,” ang sagot ni Noli habang nakatingin sa babaeng nagsi-serve ng alak sa mga customer. Tumaas ang sulok ng labi niya habang nakatingin kay Teresita na sinusungitan ang mga manyak na gustong manghipo sa kaniya.Maya-maya pa, dumating si Levi—ang lalaking kaibigan ni Luis sa Spain. Si Levi ang kasama niya sa pag-uwi ng Pinas. Nag-aral si Levi sa Spain dahil naroon ang umampon sa kaniya.“I’m sorry I’m late,” ani ni Levi at tinapunan nang tingin si Noli na umayos ng upo nang makita siya.“Levi, what is the tagalog term of ‘You’re so beautiful?’” kumunot ang noo ni Levi sa tanong ng kaibigan. Luis di
“Papa! Weeeew!” Natatawa ako habang nakatingin kay Altou na nakasakay sa biseklata na minamaneho ni Kua.“We’re faster!” Ang sabi naman ni Tenour na nakasakay kay kuya Timber niya.Natatawa si Sico at Rico sa dalawa habang ako ay nailing at bumalik sa pantry kasama ni Eda. Nasa Hacienda Villaranza kami. "Be careful Kua! Kasama mo si Altou!" sigaw ni Sico. Gusto niya kasing umangkas kaya ayan sila. "Don't worry papa! I'm a good rider!" sigaw nito pabalik. "Kua, near the falls!" Sigaw ni Timber. Bahala na ang magkapatid sa mga batang yan. Si kuya Carlitos ay nasa barn kasama naman ng iba pang bata at iba pa. “Puntahan ko lang si Laris,” ang sabi ni Eda sa akin. Tumango ako at tumuloy sa pantry. We have a big celebration na gaganapin dito.. And as for Moni, she came from the hunt at kakarating lang niya yesterday. Feeling ko nga napagalitan ito ng dalawang kuya niya dahil kasama na naman niya si Kath. “Ate,”“Hmm…”“Kailan kayo babalik ng Spain?”“Bakit?”“I just asked. Wanna
“Is she okay?” tanong ni Moni sa akin habang nakatingin kay Raja na umiiyak ngayon sa papa niya.I remembered when she said this to us earlier. Tinanong ko siya kung paano niya nalaman ang tungkol as bagay na yun.“Last vacation mama, a woman approached me and told me that I am her granddaughter. Sabi niya, layuan ko raw kayo dahil kayo raw ang pumatay sa totoong papa ko.” Mahina ang boses niya na para bang nag-aalangan kong sasabihin pa ba niya sa amin ang bagay na yun o hindi na.Last vacation means last year nong pumunta kami dito.Papa already went to my province para puntahan ang mga magulang ni PJ. Galit na galit si Rico at ngayon nga ay sinabi na namin kay Raja ang lahat tungkol sa pagkatao niya.Nandito si kuya at si mama ko para ipaliwanag kay Raja lahat.She’s smiling at us and I failed to noticed how broken she is. Anong klaseng ina ako.Tumingin ako kay kuya nang ilagay niya sa balikat ko ang kamay niya.Tumango lang ako at malungkot na binalingan nang tingin ang anak ko.
When the priest said that Tay Noli can kiss now Nanay Tere, agad na nagsipalakpakan ang mga tao na invited sa kasal na ito. Naghagikgikan ang dalawang bata sa harapan namin. Ako naman ay napangiti habang si Rico ay nakangiti rin. The whole family is here witnessing the vows of tatay Noli and nanay Tere. They are so cute in their wedding attire. Nanay Tere is so beautiful at ang gwapo ni tatay. Despite of their age, nagpakasal pa rin sila sa simbahan and I wish them nothing but more years of being happy. Halata sa mata nila ang kasiyahan. “Pakasal ulit tayo sweetheart, sa simbahan.” Bulong ni Rico. “Yes pero next year na para iwas doon sa pamahiin..” “Kahit taon taon ayos lang,” natawa ako sa sinabi ni Rico sa akin. Minsan talaga nakakatawa itong mga lumalabas sa bibig niya. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. He kissed me—a smack. “Ganda,” sabi niya.. Naiiling kong tinabingi ang pisngi niya. “Huwag ka ngang makulit.” Sabi ko. “Mama, when kayo papakasal ni papa?” tanong ni Raja
Pagdating namin ng Spain ni Rico, sinamahan niya ako kaagad sa business venue where I can meet this Sanchez. Dumiretso muna kami sa hotel no’ng una para makapagpahinga at makapagbihis. “Sweetheart, tatay Noli is waiting for us in the venue,” tumingin ako kay Rico na gwapong gwapo sa suot nitong suit sa pamamagitan ng salamin sa harapan. Inaayusan kasi ako ngayon. “Thank you,” sabi ko at tumingin sa salamin para malagyan ng lipstick. “Miss Rachelle, Butler Noli told me to give this to you.” Sabi nong nag-aassist sa akin dito. Nilapag niya ang isang box ng mga jewelries na susuotin ko kapares sa long backless gown na suot ko. Mahaba pa ang slit. Alam kong Rico dislikes it but kanina ko pa napapansin ang paglunok niya ng ilang beses. He keeps on staring at me na minsan ay iniiwasan ko dahil nakakailang. Binuksan nila ang box that full of classic, rare, and expensive jewelries. Kumikinang ang bawat diamond doon. Unang tingin ko pa lang, alam ko na kung ano ang susuotin ko. I am not
Ilang buwan na ang lumipas at sa wakas, tapos na ang first semester. Last month pa umalis ang mga bata at susunod kami ni Rico ngayong buwan. “Sweetheart, nakahanda na ba ang mga gamit natin?” “Yes no’ng isang araw pa,” sabi ko sabay angat nang tingin kay Rico na nakasuot na ngayon nang itim ng turtle neck na longsleeves. “Ang gwapo,” hindi ko mapigilang komento habang nakatingin sa kaniya. Napangiti siya at hinawakan ako sa bewang. “Really?” I nodded. Ngumuso siya at hinubad ang necklace na suot ko. Kinuha niya ang pendant doon saka kinuha ang kamay ko. Pinadausdos niya ang singsing sa kamay ko. “Let’s change your last name. Pwede ba?” Nagpipigil ako ng ngiti. “Pwede pagbalik na galing Spain?” Tumingin siya sa akin at tumango. Ngumiti ako sa kaniya. He’s so sick hearing people na hindi niya ako pinagutan where in fact, noon pa nga lang, kahit may unfinished business pa kami sa past relationships namin, pinakasalan na niya ako. --------------------- Flashback (Chapter 40-41
Pagdating naman sa bahay na lilipatan nila ay agad na umayaw si Eli. Hindi pa nga kami nakakapasok, ayaw na niyang tumuloy. “Ang laki,” ang sabi niya. May mga apartment si Rico na binili niya. Mga apartment na nakapangalan sa akin. “Sige na.. Hindi naman yan kalakihan,” sabi ko. Tumingin si Eli sa akin. “Rachelle, pumasok ka na,” ang sabi ko. Wala na siyang nagawa ng nilagpasan kami ni Rico habang dala niya si Kua. Mukhang nagkakasundo ang dalawa. Napailing nalang ako sa kanila. “The house ishh beeyg papa..” Kua said bago sila tuluyang makapasok ni Rico. “Rachelle— Tumingin ako kay Eli. I know anong kasunod ang sasabihin niya. “Eli, alam kong hindi tayo close. Alam kong hindi maganda ang nangyari sa mga ama natin. But please let me help you. Pinsan mo pa rin ako.” Nagbaba siya nang tingin. “Nahihiya pa rin ako sa iyo Rachelle,” aniya. Napanguso ako. “Bakit ka naman mahihiya?” “Sa lahat ng ginawa ni dad sa inyo. Wala akong alam.. I’m sorry. Ako pa ang may ganang magalit at