Kathryn
Ama ko sya pero wala syang karapatan na panghimasukan ang mga bagay na ganito.Ako pa rin ang masusunod. Lalayas na lang ako sa bahay na ito. Kaya ko namang buhayin ang sarili ko eh. May sarili naman akong ipon. Tsaka nag mo model ako na lingid sa kaalaman nito. Paano naman kasi nitong malalaman iyon eh wala itong pakialam sa akin. Puro ang kanyang negosyo na lang ang laging nasa utak nito. At kung paano pa mas yayaman. Kaya tuloy pati ako na anak niya ay idadamay nya pa sa pagiging gahaman niya sa pera. Walang ibang inisip ito kundi ang paano pa mas kikita. Kaya kahit masaktan na ang kanyang anak ay okay lang dito basta kumita lang sya ng malaki. Para sa akin ba talaga ang ginagawa niyang ito o para sa pang sarili lamang niya? Dahil kung sa akin ay ang unang iisipin nito ay ang ikabubuti ko hindi yung bigla na lang niya akong pinagkasundo ng kasal sa kung sino dyan. Nang ilagay ko na lahat ng mga importanteng gamit ko sa maleta ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto ko. Di ko naman maiwasang hindi igala ang aking paningin dito sa loob ng kwarto. Nakakalungkot lang dahil sa tagal ng pinagsamahan namin ng kwartong ito ay hindi ko na ulit siya makikita pa. Dahil hindi ako babalik sa pamamahay na ito hanggang hindi nagbabago ang isip ni Dad na ipakasal ako sa nerd na iyon. Kapal ng mukha noon. Sigurado ako na may kinalaman ang nerd na iyon dito sa kasal na sinasabi ni Dad sa akin. Malamang ay may malaking pagkakagusto sa akin iyon pero sorry na lang sya dahil di ko sya type at wala akong balak na pakasalan siya. Kung gusto niya eh di sila ang magpakasal ni Dad. Total sila naman ang may gusto nito eh. Makita ko lang talaga sa school ang lalaki na iyon mang hihiram talaga sya ng mukha sa aso. Dahil ipapa bugbog ko talaga sya kila Derick. Lintik lang ang walang ganting bwisit sya. Kala mo kung sinong mabait nasa loob naman pala ang kulo. Pero di sya uubra sa akin. Hindi ako katulad ng iba dyan na pala asa sa magulang. Kaya pag may sinabi ang mga ito eh susunod na lang dahil sa takot na mawalan ng pera at matigil ang luho nila sa katawan.Buti na lang talaga at may sarili akong pera at hindi ako aasa sa tatay ko na isang diktador. Pababa na ako ng hagdan ng nakasalubong ko si Dad sa may baba. Agad naman ako nitong sinalubong ng kanyang nag babagang tingin. Kung dati ay matatakot pa ako pag nag gaganito na siya sa akin. Pero hindi na ngayon. Buo na ang desisyon ko. Aalis na ako sa poder nya. "Saan ka sa tingin mo pupunta ha? Hindi ka pwedeng umalis Kathryn! Sinasabi ko sa iyo, huwag mo ubusin ang pasensya kong bata ka." Pigil sa akin ni Dad habang hawak nito ang maletang dala ko. "Pabayaan nyo na akong umalis Dad. Ito naman ang gusto nyo eh. Di ko kayang magpakasal sa lalaking iyon. Sana naman maintindihan nyo rin ako. Kaya aalis na lang ako ng wala tayong samaan ng loob." Matatag na sabi ko dito. Pahakbang na ulit sana ako ng bigla na lang natumba sa harap ko si Dad habang sapo sapo niya ang kanyang dibdib saka nag hahabol ng hininga. Bigla ko namang binitiwan ang hawak kong maleta at agad dinaluhan si Dad. "Dad are you okay?" Kinakabahang tanong ko dito. Habang sumisigaw na ng tulong sa mga kasama namin dito sa bahay.Maya lang ay nag si lapitan na rin ang mga kasambahay namin pati na rin si Mang Nestor ay napa hangos ng pasok dito sa loob. "Mang Nestor dalhin na po natin sa ospital si Dad." Naiiyak ko ng sabi dito. Agad naman ng binuhat ni Mang Nestor si Dad at dinala ito sa sasakyan. Nagmadali naman ako na sumunod dito. Kahit galit na galit ako ay di ko kayang pabayaan na lang si Dad sa ganitong estado ng buhay niya. Sya na lang ang natitira kong pamilya. Kinakabahan na tinitignan ko ngayon ang itsura ni Dad na todo ang putla habang naka sapo pa rin sa kanyang dibdib. Kita ko din dito ang parang papikit pikit na ito pero agad kong tinatawag ang pansin nito."Dad please huwag kang pipikit, huwag kang matutulog" Pakiusap ko dito habang panay ang tapik ko ng mahina sa kanya. "Mang Nestor wala na bang ibibilis ang takbo natin.?" Natataranta ko ng tanong dito. Labis na ang kabang nadarama ko ngayon. Ayaw ko na may mangyari sa kanya. Dahil di ko mapapatawad ang aking sarili pag nangyari iyon. "Mabilis na po ang takbo natin senorita Kathryn. Medyo malapit na rin po tayo sa hospital." Sagot naman nito sa akin. Di naman na ako umimik pa at si Dad na lang ang aking binalingan. Panay lang ang kausap ko dito para di siya makatulog. Nang makarating kami sa ospital ay mabilis naman na inasikaso agad ito ng mga nurse at doctor. Pinaiwan na nga lang ako sa labas ng Emergency Room. "Doc please gawin nyo po ang lahat ng paraan mailigtas lang po ang Daddy ko." Naluluha kong sabi sa doctor na umaasikaso kay Dad.Habang tumatagal na walang lumalabas sa ER ay mas lalo lang akong kinakabahan. Kahit di ako sanay lumapit sa kanya ay nag pray ako ng di oras. "Lord please, mabuhay lang po si Dad ay gagawin ko na po ang mga gusto nito. Hindi na po ako makikipag talo pa sa kanya. Iligtas nyo lang po ang aking ama." Naluluhang dasal ko sa kanya. Mga ilang saglit pa ay lumabas na ang doctor mula sa ER. Agad naman akong lumapit dito upang alamin ang kalagayan ni Dad. "Doc kamusta na po ang lagay ni Dad?" Naiiyak na tanong ko dito. Sobrang kaba ang nadarama ko ngayon. "Malubha ang lagay ng pasyente iha. Mabuti nalang at na dala nyo siya kaagad dito dahil kung hindi eh baka di na siya nakaabot pa." Sabi ni doc habang nakatingin sa akin ng mariin."Ang maipapayo ko lang ay sana iwasan nyo na sumama ang loob ng pasyente dahil di ko maipapangako na makakaya niya pa ang pangalawang atake sa puso. Pwede nyo na siyang pasukin mamaya. May inaayos lang sa loob ang nurse." Ani ni doc at nagmamadaling umalis sa harap ko. Bigla naman akong napa upo dahil sa sinabi nito. Nakaligtas nga sya pero huwag na daw itong bibigyan pa ng sama ng loob. Napapikit na lang ako ng dahil doon. Masaya ako at maayos na ang lagay ni Dad pero di lubos ang kasiyahan na aking nararamdaman ngayon. Mukhang mapipilitan ata ako na mag pakasal sa nerd na iyon kapalit ang di nya pag sama ng loob sa akin.KathrynNandito pa rin ako sa labas ng room ni Dad dito sa hospital. Di ko pa kasi kayang pumasok sa loob at makita ang kalagayan nito ngayon. Na kokonsensya kasi ako eh. Ako ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon at nasa ganito siyang sitwasyon. Kung sana ay kinausap ko na lang ito ng maayos kanina hindi sana wala kami dito ngayon. Kung sana ay di ako nag matigas dito at nakinig ng maayos sa paliwanag niya sa akin kanina. Baka sakali ay nag ka linawan kami ng mga saloobin nito. Kung sana ay hindi ko pinairal ang init ng ulo ko at nakipag usap ako dito ng Ama sa Anak ay baka walang mangyayari na masama. Pero wala na akong magagawa pa. May dahilan siguro ito kaya gusto nyang makipag merge ang company niya sa ibang companies. Naiinis at nagagalit lang talaga sa isiping doon sa nerd na iyon pa ako nito ipapakasal.Pero nandito na nga at nangyari na ito. Kaya kakausapin ko na lang ulit ang aking ama kung ano ang gusto na nito ay wala na talaga akong magagawa pa. Mas mahalaga ang
KathrynMag uumaga na ng magising ako. Agad ko naman kinuha ang aking cellphone at tiningnan ito kung may message galing sa hospital. Pero wala naman kaya medyo naka hinga ako ng maluwag dahil doon. Agad ko namang nag Dial ang number ng nurse na nakabantay kay Dad. Mga ilang ring pa ay sinagot na rin naman nito iyon. "Hello" dinig kong sabi ng nurse sa kabilang linya. Halata din sa boses nito na parang bagong gising din lang sya. "Si Ms. Kathryn Monte Falco ito. Gusto ko lang sana kumustahin ang lagay ni Dad ngayon." Tanong ko kaagad sa kanya. "Okay naman po ang lagay ni Sir at walang nangyaring anuman nitong nakalipas na gabi Ma'am Kathryn." Mahinahong sagot nito sa akin. "Salamat naman at maayos lang ang lagay niya. Mamaya pa siguro ako makakabalik dyan sa ospital at marami pa akong ihahanda na da dalhin dyan eh. Huwag na huwag mong iiwanan ang aking ama na mag isa lang dyan ha. Basta ako na lang ang bahala sayo kung mag exceed ka man ng oras mo." Bilin ko dito bago ko binaba n
KathrynPag pasok ko sa loob ng kwarto ni Dad ay nandoon pa rin yung nurse na nagbabantay dito. "Kumusta si Dad habang wala ako?" Mabilis na tanong ko kaagad sa nurse. "So far okay naman po si Sir. Wala naman pong nangyaring masama habang wala po kayo." Sagot naman nito. "Oh sya, tapos na ba ang duty mo?" Tanong ko ulit dito. "Patapos na rin po Ma'am. Hanggang 8am naman po ang duty ko eh. Quarter naman na siya kaya saglit na lang po at mag out na rin po ako. " magalang na sagot naman nito. "Oh sya pwede ka ng mag out ng maaga. Total nandito naman na ako eh. Ako na lang ang bahala kay Dad." Sabi ko naman dito. "Pwede ka ng umuwi. Paki sabi mo na lang doon na pinayagan na kitang lumabas." Dagdag ko pa dito. Sabay abot dito ng ilang lilibuhin. Pasasalamat ko na rin dito dahil sa pag bantay niya kay Dad.."Ay naku huwag na po Ma'am nakakahiya naman po sa inyo. Duty naman po namin na bantayan at tiyaking maayos ang pasyente." Mabilis na sagot nito sa akin. Di naman na ako nag pumili
DanielMaaga akong nagising ngayong araw na ito. Kailangan ko kasing pumasok ng maaga sa school. Need ko pa kasing ibigay ang project ni Ms. Kathryn na as usual eh pinagawa nya na naman sa akin. Sabagay sanay naman na ako doon eh. Ayaw ko lang naman kasi na pag initan ulit ako ng mga ito pag di ko siya sinunod. Mga bully pa naman mga iyon. Walang pinapatawad ang sasama ng ugali. Palibhasa mga brat na wala namang mga laman ang utak kundi ang mang waldas ng pera ng mga magulang nila. Pasalamat na lang siya sa mga magulang niya na mayaman. Dahil kung nagkataon na mahirap ito tapos ganito pa ang ugali walang aabutin ito. At isa pa kahit masama ang ugali nito ay marami pa rin ang nag kakagusto sa kanya. Dahil kahit ano pa ang sabihin ay isa itong napaka gandang nilalang. Hindi nga bagay sa itsura nito ang kanyang ugali eh. Paano napaka amo ng mukha nito na parang isang anghel na bumaba sa lupa pero sa likod pala ng mala anghel na kagandahan nito ay nag tatago doon ang isang demonyeta na n
DanielTalagang nilakihan ko na ang aking mga hakbang para lang makalayo sa demonyita na iyon. Bahala siya sa buhay niyang ma stress. Sino ba kasi nagsabi dito na tignan nya kami at pag aksayahan ng oras. Gayong nakakasira naman pala kami sa paningin nito. Hindi lang yata maldita ito eh. May pagka baliw pa yata ang di futa. Kainis na kasi ito. Siya na nga lang ang nakikinabang sa amin tapos maka lait pa wagas. Maganda lang siya at wala ng adjective pa na pwede para dito. Dapat pa nga itong mag pasalamat sa aming mga nerd eh. Kami kaya ang dahilan bakit naka pasa pa rin ito sa kanyang pag aaral kahit na puro mga walang kwentang bagay naman ang mga pinag gagawa nito. Ikaw ba naman ang taga gawa ng mga projects at activities nito eh. Malamang pasado talaga ito. Huwag mo na lang isali ang mga exam at quiz nito na halos pasang awa. Bumabawi na nga lang ito sa mga projects nya at extra curricular activities nito. Buti na nga lang at may maganda rin naman itong na contribute sa school yu
Daniel"Daniel, pwede na sabay na lang tayo mag lunch mamaya? Pero sa may garden tayo kumain?" Pag aaya nito sa akin"Pwede naman Krystal, kaya lang kailangan pa natin bumili ng pagkain sa cafeteria mamaya tapos idadala pa natin ito sa garden. Mas magandang doon na lang kaya natin kainin sa cafeteria ang pagkain bago tayo mag tambay na lang sa garden." Suggestions ko naman dito. Mas okay naman kasi ang ganun eh. Di pa kami maabala na mag bitbit ng pagkain papunta sa garden hindi ba? "Nagpa luto kasi ako kanina kila manang ng lunch natin eh. Kunin na lang natin sa may kotse ko. Iniwan ko muna kasi pansamantala ito doon. Alam mo na baka makita ng mga anak ni satanas at paglaruan pa iyon. Di sayang naman." Sagot nito sa akin. "Ay ganun ba? Sige kunin na nga lang natin mamaya. Akala ko naman kasi eh bibili pa tayo." Sagot ko na lang ditoNgumiti na lang ito sa akin at di na ang salita pa. Kaya nagpatuloy na lang kami sa aming paglakad dito sa hallway. Kita naman namin ang mga grupo nil
DanielKatatapos lang ng classes namin at nandito na nga ako sa parking lot ng school at pauwe na rin ako. Maya lang ay lumapit sa akin ang grupo ng mga basketball player at pinaligiran ako ng mga iti. Hayst ano na naman ba ang kailangan ng mga ito sa akin? Mukhang pag ti tripan na naman yata nila ako ah. Ang kaibahan lang ay hindi nila kasama ang grupo nila Kathryn. Kaya nakakapag taka lang. Madalas kasi mag kakasama ang mga ito eh. "Hey Nerdy, Pauwe ka na ba? Pwede maya ka na lang umalis at papawis muna tayo." Nakangisi na sabi sa akin ng isang mukhang hindi pahuhuli ng buhay. Hindi ko kilala ang isang ito eh. Mayayabang lang naman sila pag ganyan eh. Subukan kaya ng mga ito na one on one kami. Ewan ko lang baka patulan ko ito. "Hindi ko na kailangan pa na mag pa pawis. Tsaka hinihintay ako ng parents ko sa bahay kaya pasensya na . Nag mamadalai kasi ako eh " Sabi ko sa mga ito at nag mamadali na sana para sumakay sa kotse ko pero agad na sipanok ako sa mukha ng kung sino. Hindi k
DanielKinabukasanMaaga ako pumasok at balak ko na umiwas sa aking mga bully. Pupunta na kaagad ako sa aking first subject. Mahirap na mag pakalat kalat pa ako dyan. Lalo na nga at sumo sobra na ang mga ito. Na nanakit na talaga sila. Hindi na sila na kontento sa kanilang ginagawa na kung ano ano at talagang mananakit na ang mga ito. Nag message naman sa akin si Krystal na sa second subject na daw ito makakapasok at may ginagawa pa daw sya sa kanila. Kaya nga mauuna na ako doon eh. Pag park ko sa parking lot ng school ay nag madali an akong bumaba ng kotse ko. Dumiretso na ako sa may locker banda at kinuha ang ilang books ko doon saka nag mamadali ng pumunta sa room. Nakasalubong ko pa ang ilang janitor na katatapos langag linis ng school.Mukhang napaaga yata ako masyado eh. Ah bahala na mas maganda na ang ganito mas peaceful ako pag nasa room na ako. Hindi na kasi maka pam bully mga yan eh. Takot din na ma guidance. Lalo na pag may nag reklamo sa mga ito. Hindi rin naman kasi tin
KathrynHalos kakagising ko lang ng may tumawag sa akin na unknown na number. Hindi ko sana ito pansinin kaya lang baka importante ito. Ilang ulit kasi na tumawag eh. Kawawa naman kung hindi ko sagutin. Baka kasi isa lang ito sa nga secret admirer ko eh na hanggang secret na lang sila dahil duh may asawa na ako no at mahal na mahal ko. Tsaka sobrang saya ko kaya sa feeling niya. At wala akong plano na tapusin ang kaligayahan ko sa felling nito. Tanga na lang ako kung gawin ko pa ang bagay na yun. And speaking of my asawa. Asan na kaya yun? Hayst kainis hindi man lang ako hinintay na magising bago sya umalis sa tabi ko. Lagot ka talaga sa akin mamaya Daniel ka. Hindi kita pa iisahin. Inis na sabi ko sa aking sarili. Yap huwag na kayong umangal pa dyan kung may nangyayari na sa aming dalawa. Yung ngang hindi pa mag asawa at hindi pa halos mag kakilala ay mang nangyayari na sa kanila. Kami pa kaya na mag asawa pa. Tsaka graduating na rin naman kami nito na e pasa na rin namin ang mga
DanielHinayaan ko lang na mag kamustahan muna sila Kathryn at ang kanyang Dad. Halata ko kasi na na miss nila ang isat isa eh. Mabuti na lang talaga at niyaya ko siya na ma masyal kami dito sa kanila. Dagdag points ko rin yun dito. Malay mo naman dahil sa sobrang tuwa nito ay bigla na lang niya akong sagutin diba. Nakakainis lang kasi talaga yung nangyari sa elevator kanina. Kapal ng mukha ng mga yun ha sa harapan ko pa talaga bastusin ang asawa ko. Pasalamat na lang sila at naka harap su Kathryn dahil kung hindi ay Hindi lang yun ang aabutin nila sa akin. Talagang nag init ang ulo ko sa galit kanina. Ano sila sinu swerte na basta na lang ako papayag sa gusto nila. eh pinaka iingatan at ginagalang ko ng lubos ang asawa ko na yun tapos ganun lang ang gagawin at sasabihin nila. Hahaha mag kakamatayan na kami bago pa nila mahawakan dulo ng daliri nito. Pero hindi pa ako tapos sa kanila. Pinalabas ko na lang na ang mga police ang kumuha sa mga ito. which is true naman. Pero ang dirits
KathrynMatapos namin mag pahangin ng halos dalawang oras sa may park ay naisipan na rin namin na dumiretso na dito sa bahay namin. Medyo gagabihin na rin kasi kami ng husto kung mag tatagal pa kami sa park eh. Nangako naman din ito sa akin na pa pasyal ulit kami doon kapag naka luwag luwag ito sa kanyang oras. Sumangayon naman na ako sa kanya total okay na rin naman ako eh. Parang wala na nga rin nangyari na hindi maganda eh. Pasalamat na lang talaga ako na ang galing pala sa pakikipag laban itong si Daniel kahit hindi masyado halata sa kanya ham Hindi mo rin kasi halata dito eh. Lalo pa nga at hindi naman nakaka intimidate itong tignan. Lalo na kung naka ganyan lang siya. Pero huwag mo ng naisin pa na makita ang intimidation nito dahil pag nakita mo yun ay baka manginig ka na lang sa takot. Pero sa akin iba ang dating nun. Mas lalo lang siyang nagiging hot sa paningin ko. Inalalayan na nito ako habang nag lalakad kami pa balik sa kotse nito. Hinahayaan ko lang naman iyo sa kanyan
KathrynMatapos ang nakakatakot na encounter namin doon sa mga manyakis na yun ay nag pasya muna itong si Daniel na mag pa hangin na muna kami sa may park. Mas maganda daw na ma loose ko muna ang nararamdaman ko na bigat sa aking katawan bago daw kami pumunta kay Dad. May point naman siya doon. Hindi nga naman kasi maganda na diritso an lang kami kaagad na pumunta sa bahay. Baka ma halata lang ni Dad ang nangyari ay mag alala pa ito s aamin. Dagdag isipin pa niya kami na ayaw ko sanang mangyari pa. Kung maaari nga lang ay ayaw ko na mag alala pa ito o di naman kaya ay alalahanin pa niya kami ni Daniel eh. Maya lang ay nandito na kaming dalawa nito sa may park. Ngayon lang ako naka punta sa lugar na ito sa totoo lang. Hindi naman kasi ako dinadala sa ganito nila Mom and Dad noon eh. Always sa mga party at mga exclusive na mga beach resort at mga pasyalan ako dinadala ng mga ito eh kaya tuloy ngayon ko lang naranasan na magawi dito. Although palagi ko naman nadaraanan ang mga ganito
KathrynHabang tumatagal na nakikilala ko itong si Daniel ay mas lalong lumalaki ang pag hanga ko sa kanya. Sa mga nakalipas na buwan at linggo na naka sama ko ito ay doon ko napatunayan na mabuti itong tao na hindi siya katulad ng inaakala ko. Mas lalo lang tuloy nadaragdagan ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Naka bihis na rin ako ngayon at hinihintay ko na lang ito na lumabas sa kanyang kwarto. Pu punta kasi kami sa bahay namin upang tignan at bisitahin ang aking ama. Medyo matagal na rin kasi ng hindi ko ito nabibisita eh. Busy kasi ako sa pag bantay sa aking asawa. Maaga akong umuuwe at dapat kapag nasa bahay na ako ay nandoon na rin sya. Hindi pwede na may maka lagpas sa akin na mga malalandi na yan. Hindi ko pa nahaharap itong si Krystal na ito na palagi na lang naka aligid dito sa asawa ko eh. One time nga ay kakausapin ko ang malandi na yun. Akala siguro nito ay hindi ko napapansin ang mga pinag gagawa Niya na pang aakit sa asawa ko. kapal ng mukha nito ha. Busy p
DanielTinitignan ko lang naman si Kathryn habang busy pa rin ito sa pag read ng mga reports na ginawa ko about sa mga taong naka gawa ng hindi kanais nais sa company nila. hahayaan ko na siya na lang ang mang husga sa nga ito. kalakip ng findings kp doon ay ang mga evidence na nag paoatunay na sangkot nga sila sa ganung gawain . Hindi naman ako tanga na basta na lang mag judge kung wala akong bases no. Ano ako manghuhula na lang basta. para lang sa mga taong tanga ang ganun at hindi ako ang tao na yun. Duh ang taas ng mga grades ko no at sa dami ng na achievement ko sa buhay ay hindi ako basta basta na lang nag tuturo ng tao dahil sa trip ko lang. Malaki ang tiwala sa akin ng mga investors laoo na pag alam nila nq ako ang mag hahawak sa company na yun ay hindi nag dadalawang isip ang mga ito na mag invest aa company na yun dahil 90 percent na kikita sila ng malaki. Kaya hindi ko e tataya ang aking pangalan na sobra kong iniingatan para lang dyan. Para lang ma impressed ang inlaw k
Daniel"Alam mo naman na basta sa ikasisiya mo ay gagawin ko ang lahat. At tsaka matagal na rin nung huli nating pasyal kay Tito eh. Baka naisip ko na miss mo na siya at isa pa ay may mga e a ask lang ako about sa company. Hmmm" nakangiti na sagot ko dito. Hindi ko na naman mapigilan ang aking sarili na di mangiti ng malaki. Hayst ikaw ba naman kasi ang halikan sa pisngi ng mahal mo hindi ka rin kaya mapangiti ng wala sa oras. "Kaya nga miss na miss ko na tuloy si Dad. Alam mo bang ngayon ko napag tanto na kailangan na mas mapadalas ang punta natin sa kanya. Kasi naman unang una may sakit si Dad at kailangan niya ng support natin sa kanya. " "Pangalawa ay alam ko na medyo boring na ito ngayon doon sa bahay. Alam mo naman na napaka workaholics nun tapos biglang naka higa na lang siya doon. Sana nga ay gumaling na ito kaagad eh.""Pangatlo kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam ko na nangngailangan din ito ng pag kalinga ko. Muntik ng mawala sa akin si Dad kaya naman susulitin ko n
DanielMatapos kong ma ready ang lahat ay nag pasya na ako na pumunta na sa room ni Kathryn. Baka mamaya kasi magising na ako wala na ang pa surprised ko na breakfast in bed sa kanya. Sayang ang effort ko. Although makakain nya pa rin naman ito pero hindi na sa kanyang room. Yung romantic na pakiramdam kasi ang gusto ko na ma e pahatid sa kanya. Maya lang ay nasa tapat na ako ng kanyang room at maingat na pumasok na ako sa loob nito. Nakita ko na mahimbing pa rin ito na natutulog kaya naman inilapag ko na ng dahan dahan sa kanyang table malapit sa kama ang dala ko na tray. Nang ma e ayos ko na doon lahat ay tumingin na muli ako sa kanya. Tulog na tulog pa rin ito. Halatang puyat na puyat ah. Pero wala naman kami na ginawa na iba kakagabi para ika pagod nito. Sa isip isip ko. At dahil matagal na ako naka titig sa mukha nito ay parang naramdaman yata nito iyon kaya naman nakita ko ang unti unti na pag mulat ng kanyang mga mata. Mabilis naman na ngumiti ako dito. Para naman ang gwapo
DanielNandito ako naka upo ngayon sa may kama at hinihintay ko na lumabas mula sa cr itong asawa ko. Shit hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi mangiti ng malawak. Shit hindi ko mapigilan na kiligin. Tangina lang naman kas eh. Akalain mo yun. Mahal na rin pala ako nito. Halos hindi nga ako makapaniwala ng sabihin niya sa akin ang bagay na yun eh. Sino ba naman kasi ang maniniwala diba? Sa lahat ba naman ng ginawa nito sa akin. Yun namanpala defense mechanism lang niya yun para mag pa pansin sa akin. Ahhhhh shit lang naman kasi eh. Iba din magpakilig itong asawa ko eh. Nakakainis ang sarap e torrid kiss pero nakarami na ako kanina eh. Baka mamaya ay masabihan pa ako na manyak kapag ganun ang ginawa ko. Pero kasi naman nagalit na ito kanina sa akin. Liligawan ko naman talaga siya ah. Kahit naman hindi nito sabihin sa akin ang bagay na yun ay gagawin ko pa rin. Hayst ang misis ko talaga na ito oh. Maya lang ay nakita ko na palabas na ito sa banyo kaya naman nag seryoso na ako