KathrynMula ng dumating kami dito sa may condo ay todo na ang asikaso nitong si Daniel sa akin. Halos ayaw nga ako nitong iwan eh. At dahil doon ay mas lalo na akong kinakain ng konsensya ko sa lahat ng mga pinag gagawa ko dito na hindi mabuti. Sa lahat ng ginawa kong masama sa kanya ay ganyan pa rin niya ako e treat na oara bang isang mamahalin na kayamanan na hindi pwede na basta na lang mawala dito. Napaka maasikaso nito at maalallahanin. Ngayon nga ay nandito ito sa aking ulunan at nag ma massage ng aking ulo. Lihim naman na natutuwa ako sa mga pinag gagawa nito. Maya lang ay nag salita na ito. "Matulog ka na muna Kathryn at ba bantayan kita. Hindi kita iiwan dito. Mas maganda na makapag pahinga ka upang ma e pahinga mo rin yang katawan mo. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang nararamdaman mo ha." Malambing na sabi nito sa akin at patuloy lang siya sa kanyang ginagawa na pag masahi sa ulo ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mas lalo lang mapalapit dito. Para kasing hinahaplos nito
DanielHindi ko alam kung ano ang nangyari. Basta nakita ko na lang na naka titig sa akin itong si Kathryn at naka lip bite pa ito na para bang may ini imagine na kung ano sa kanyang isipan. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapa lunok ng dahil doon. Ngayon ko din lang naman natitigan ang maamo nitong mukha na hindi mo aakalain na sa amo ng mukha nito na parang sa isang anghel ay nag tatago ang isang mapag kunwari na ugali nito. Na ugali ng isang demonyeta na parang balak pa yatang makipag paligsahan sa kasamaan ng ugali kay lucifer. Pero kahit ganun ay napaka ganda talaga nito. ang mga pilik mata nitong mahahaba na makapal. Isama mo na rin ang kilay nito na napaka perfect at para bang iginuhit ng isang mahusay na pintor. Pero pag nag salubong na ang kilay nito ay kayang patigilin sa pag tibok ang aking puso dahil sa takot ko sa kanya. Maya lang ay ang ilong naman nito ang aking napag masdan matangos talaga ito at maliit wala din naman ma e pi pintas dito. almost perfect na nga eh.
DanielKumakain na kami ngayon ni Kathryn ng lunch namin. First time na sabay na kami na kumakain ngayon. Nagulat nga ako kanina na pinasabay niya ako eh. Sabi ko kasi kung gusto na niyang kumain ay ipag ha handa ko na siya. At sinabi nga nito na gutom na nga raw sya. Mag 1 pm na rin kasi yun eh. Medyo napa tagal din ang pag kakatulog niya. ..b.Nagulat na nga lang ako ng bigla akong kalabitin nito eh. Paano naka tutok ang buong attention ko sa mga binabasa ko na report at marami akong nakita na lapses sa unang taon pa lang sa mga pinag aaralan ko na report. Lahat ng yun ay inilalagay ko sa note ko upang mapag tagni tagni ko ang Punot dulo ng ikina lugi ng company. May mga nakita din ako na mga hindi nag pe performa ng maayos na nasa mataas na katungkulan at pina pasahod lang ito ng malaki. Nalaman ko din na kamag anak pala ito ng isa sa mga director sa company kaya kahit hindi naman ito nararapat sa position niya ay nandoon ito at nag papalaki lang ng tyan at gumagatas lang sa kita
KathrynNatatawa ako sa itsura ngayon ni Daniel na parang hindi makapaniwala sa lahat ng pinag gagawa ko sa kanya. Ang sarap pala nitong e flirt. Halatang halata ang pag ka gulat sa kanyang mukha na hindi man lang kayang e tago sa mukha nito. Lalo na ang paninigas nito ng ipatong ko pa ang aking kamay sa ibabaw ng kamay nito na nasa lamesa. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na ganito ang affect ko sa kanya. Parang gusto ko na ngayon maniwala na mukhang may gusto din ito sa akin. Sana nga lang ay totoo ang lahat ng pinapakita nito sa akin. Dahil kung same kami ng nararamdaman nito ay ako na siguro ang pinaka masayang babae sa buong mundo at sobrang mag papasalamat ako sa tatay ko na siyang dahilan kung bakit ngayon ay napag tanto ko na na mahal ko pala siya na ang pag kabog ng puso ko pag nandyan sya ay sinyales na pala yun na may nararamdaman na ako dito. Na naipagkamali ko lamang at yun nga hindi rin kayang tanggapin ng sarili ko na magugustuhan ko ang isang katulad nito. At wala
DanielNabigla talaga ako sa ipinapakiusap sa akin ngayon ni Kathryn na sa kanyang kwarto nga raw pansamantala muna ako matutulog. Naiintindihan ko naman siya sa bagay na yun. Na takot ito kaya gusto nito na may kasama. Medyo na awa pa nga ako at nagalit na naman dito kay Tarsier dahil sa sinabi ni Kathryn na sa tuwing pipikit ito ay ang mukha ng pangit na yun ang kanyang nakikita. Nung una ay nakikiusap pa ito pero nung hindi nag tagal at nainis na sa akin ay nag sungit na siya. Hindi lang naman ako naka sagot sa kanya kaagad kanina ay nagalit na ito. Napa piksi pa nga ako ng bigla na lang nag bago ang tuno ng boses nito. kaya nga bigla akong napa oo dito eh. Hayst napaka impatient pa rin talaga nito. Sabagay ang ugali talaga nito ay pinaka ayaw nya sa lahat ay yung nag uulit siya ng kanyang salita. Kaya nga kung maaari ay ayaw ko na nagagalit ito dahil natatakot talaga ako sa kanya lalo na pag nag salubong na ang perfect nitong kilay. Alam ko na kasi na galit na ito at kunting k
DanielNang matapos ko ng matuyo ang buhok ni Kathryn ay inalalayan ko na ito na pumunta sa may kama. Kahit na mukhang malakas naman na ito ay hindi ko pa rin pinabayaan na hayaan lang syang kumilos ng kanya. Nang ma e higa ko na ito ay humiga na rin ako sa may kabilang banda. Good luck talaga sa akin kung maka tulog ako nito. Sa isip isip ko. Maya lang ay umupo ako sa kama at tinignan ito. Gusto ko kasi makita ang tyan nito kung ano na ang itsura nun. Baka kasi namamaga pala ay hindi ko man lang inabala na tignan pa ito. .nNakita ko na bumaling naman ito ng tingin sa akin. "Anong problema at bumangon ka dyan?" Nag tataka na tanong nito sa akin. .Medyo nahiya pa ako na tanungin ito. Baka kasi mamaya ay ma misinterpret nito ang gusto kong ipahiwatig sa kanya. " Okay lang ba na makita ko ang tyan mo baka kasi namamaga tapos mapabayaan." Sabi ko dito habang nag kakamot ng aking ulo. Nahihiya kasi naman ako dito eh. Medyo namula pa ang aking mukha sa hiya ko dito. Hayst sana naman a
KathrynNagising ako na nasa ibabaw pa rin ni Daniel at naka yakap pa rin ang kanyang kamay sa aking bewang. Mas lalo naman akong napangiti ng malaki dahil doon. Hayst kung ganito ba naman ang magiging daily routine ko ay baka ayaw ko ng bangon pa at manatili na lang dito sa kanyang mga bisig. Ang safe kasi ng pakiramdam ko lalo na pag ganito na naka kulong ako sa kanyang mga bisig. Wala na tuloy ibang nasa isip ko lang ngayon kundi ito lamang. Nang makita ko na mukhang gumalaw na ito ay mabilis na pinikit ko na muli ang aking mga mata. Para naman hindi nito halata na kanina pa ako gising. Pero wala naman ng pag galaw akong naramdaman Buhat dito. Mukhang nangalay lang ito kanina kaya sya gumalaw. Napag pasyahan ko na bumangon na rin ng tuluyan. May plano kasi akong gawin ngayon at yun ay ang ipag luto ito. First time ko na mag luluto at mukhang madali lang naman siya. Dahil mukhang ang dali dali lang naman ang ginagawa ng mga nag luluto na napapanood ko sa social media pati na rin
KathrynNandito kami ngayon ni Daniel sa pinag dalhan ng tauhan nito dito sa sinasabi nitong hideout nya. Pumasok kami sa isang subdivision at tumuloy sa isang bahay. Kung titignan mo ay wala ka naman mapapansin na kakaiba sa bahay na ito. Para lang syang pang karaniwan na tahanan ng isang pamilya. Hindi ko alam na may mga ganito din pala itong si Daniel. Habang tumatagal ay mas nadaragdagan ang nalalaman ko dito. Pero medyo pinag hinalaan ko ito na baka ang hideout na sinasabi nito ay isang lumang building na maraming mga nagkalat na adik. Pero hindi naman pala. Pag pasok namin sa loob ay wala naman akong napansin na kakaiba dito. Sinalubong kami ng isang lalaki na mga ka edaran din lang namin. Mabilis na binati nito si Daniel. "Magandang hapon boss. Kahapon pa nag hi hintay ang salarin. Nandoon sa basement at hindi pa namin ginagalaw na ayon sa utos mo." Balita nito kay Daniel. Nang bumaling naman ito sa akin ay yumukod ito na parang isang maginoong lalaki. Ngumiti din naman ako