Naroon ang kakatwang pakiramdam niya habang naghihintay sa may lobby ng hotel, hindi niya alam ang dahilan pero kanina pa siya aligaga sa pagiging huli ni Raymond. Sa sandaling pinagsamahan nila nito ay kilala niya ang lalake at hindi niya pa naranasan na ma-late ito sa mga appointments.
Nakailang tawag at text na siya na walang sagot, kaya naman mas lalo lang nadagdagan ang pangamba niya sa kung ano na bang nangyari dito.
"Sister, ano ka ba! mag relax ka nga," sita na lang ni Paloma sa kanya.
"I now pronounce you husband and wife," buong lakas na saad ng matandang lalake. Ang mga katagang iyon ang nagdulot ng bahagyang pagtigil ng tibok ng kanyang puso, hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng iyon.Nanumbalik lamang ang bilis ng kabog sa kanyang dibdib nang masilayan na ang namumungay na mga mata at mapang-akit na n
"We’ve talked about this and we already agreed. I don’t want any fucking trouble!" ngitngit niyang singhal sa telepono. "I’m sorry," buntong hininga na lang nito, "pero sigurado ka bang sa iyo iyong dinadala niya?" alalang habol na lang ng
"Hey man, ano nanaman problema mo?" tapik na lang sa kanya ni Vincent. Kasalukuyan silang nag-iinuman ng mga ito, nagkataon kasi na nagkasabay-sabay sila ng libreng oras ng araw na iyon kaya naman napagdesisyunan nila na magkita-kita. "Parang natalo ka nanaman sa pustahan ah," natatawang saad na lang ni Jordan habang ini
"Kailangan ba talaga natin tumira dito, ayos naman tayo doon sa condo mo hindi ba," nanginginig niyang pakiusap sa asawa. Ayaw pa rin mawala sa kanyang pakiramdam ang kakaibang takot kahit ilang oras niya ng paulit-ulit na sinasabi sa sarili na wala naman dapat siyang ikapangamba.Hindi rin nakatulong ang gara ng naturang lugar dahil tila nanliliit siya ng mga sandaling iyon hab
"Sweety, kailangan mong bumaba," malambing na saad ni Raymond sa kanya habang nagbibihis ito. "Hindi ba pwedeng dito na lang ako?" nguso niya na lang sa asawa. Nasilip niya kanina ang pagdating ng ilang mga bisita doon, kaya naman mas lalo lang siyang nakadama ng takot at hiya na magpakita sa mga ito. Halos kilala niya ang ilan sa mga naroon dahil na rin ang iba ay mga politiko at sikat na mga taong lumalabas sa telebisyon. Napatigil na lang si Ray sa ginagawa
"Sweety c'mon, you need to get ready." Lambing nitong yugyog sa kanya. "Uhm Ray, pwede bang ikaw na lang sumama sa check up ko?" lambing niya na lang sa asawa. Parang wala siyang ganang kumilos nang araw na iyon, dahil na rin sa bigat ng kanyang pakiramdam. "May problema ba?" taka nitong baling sa kanya habang nagsisintas ng sapatos, "pwede kitang ikuha ng ibang makakasama mo kung naiilang ka pa rin kina manang."
"Seriously dad, do you want to give my wife a heart attack." Napapunas na lang siya nang mukha pakabulalas niya sa ama. Nanatili lang itong tahimik habang pumipirma ng ilang mga documento sa mesa nito. Hindi niya lubos akalain na matindi pala talaga ang takot ni Sheryll dito. Kanina lang ay halos himatayin na ang asawa niya nang makita ang
"Got to go sweety." Tayo kaagad ni Raymond sa upuan nang makita nitong papaalis na ang ama.Dali-dali na lang itong nagpunas ng bibig at humabol pa ng paghigop sa mainit nitong kape."Ingat." Ngiti niya na lang na paalam dito. "I'll see you later." Mabilisan itong humalik sa kanyang noo bago nagmamada
Hindi pa rin siya matigil sa kakaiyak ng mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay parang unti-unti na siyang nababaliw sa bawat pagkakataon na madidinig ang malalakas na sigaw mula sa loob ng kanilang munting tahanan. Ilang oras rin siyang nanginginig, namamawis at tuliro habang nasa labas, hindi magkandamayaw sa kung ano ba ang dapat gawin, hindi niya na nga namalayan ang bahagyang pagliwanag ng kala
Malakas ang lagapak ni Bobby sa sahig nang ihagis ito papasok ni Raymond. Wala ng malay habang nakagapos ng packaging tape ang mga kamay, paa at bibig. G
“Oh, kamusta na iyong hayop na asawa mo, nakulong na ba?” malalim na sambit ng papa niya.“Pa naman!” napabusangot na lamang siya rito, “kapag nagkataon po mga abogado na po ang makakaharap natin niyan. Isa pa, alam niyo naman po kung gaano sila kayaman at kaimpluwensya, sa tingin niyo po may laban tayo doon?” sermon niya na lang.“Oo nga
Kumaripas kaagad ng takbo si Bobby nang marinig na nakabalik na si Sheryll. Humahangos pa siya nang makarating sa may gate ng bahay ng mga ito.Wala na siyang atubiling pumasok sa loob at nadatnan niyang napapalibutan na ang naturang babae ng mga kaibigan at kapamilya, magkahalo ang iyakan, tawanan ng mga naroon
Hindi mapigilan ni Raymond ang kakasabunot sa sarili habang idinuduyan-duyan ang sarili. Hindi mawala ang matinding kaba at takot niya nang kargahin si Sheryll na walang malay kani-kanina lamang, kinailangan pa siyang hatakin ng mga kaibigan upang maihiwalay
Hindi niya mapigilan ang panginginig habang katabi si Raymond, tahimik lamang ito sa pagmamaneho pero damang-dama niya ang nag-uumapaw na galit nito. Tiim na tiim ang bagang ng lalake habang nakatitig sa harapan at napakahigpit ng hawak sa manibela, halos lumilipad na rin ang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito.
"Uy Bobby! ano na, ikaw na ba ang magdridrive para sa amin?" biglang sigaw ni Delilah sa kanya. Kararating niya pa lang sa bahay nina Sheryll ng mga oras na iyon upang maghatid ng mga paninda, iyon kaagad ang naging bungad nito sa kanya.Agad siyang napaharap sa mga kaibigan, doon niya lang naalala ang pakiusap ng mga ito noon nakaraang buwan ukol sa pagmamaneho ng sasakyan para sa plinano ng mga ito na
"Please sit down iha." Turo ng matandang lalake sa upuan sa harap ng office desk nito. Maingat naman siyang naupo na hindi pa rin ibinababa ang kanyang pagka-alerto, hindi niya pa rin mapigilan ang panginginig ng kanyang katawan lalo pa at nandoon na rin si Raymond sa m
"I'm asking you again, Natalie," seryoso at malalim niyang saad. Nagsisimula na kasing magdilim ang kanyang paningin ng mga sandaling iyon nang maulinigan ang mga naturang pangalan ng mga dating kasambahay.Halata ang takot ng dalawang babae kay Raymond dahil na rin sa parang walang emosyon na tingin nito.