Jaspher
Isang ring ng cellphone ko ang gumising sa aking isang mahimbing na tulog ng tanghaling iyon.Pagkauwi ko galing ng school ay para akong dinuyan ng antok na nakatulog sa kama. Pagdating na pagdating ko sa bahay ay agad na akong dumiretso sa kwarto ko dahil bumibigat at humahapdi ang mga mata ko kanina.Sinipat ko ang nakakabulabog na tunog ng chat alert tone ng phone ko. Binasa ko ang mensahe.>> Saan ka parr? Kasama mo ba si Jarred ngayon?Kahit kakamulat ko pa lang ay obligado akong sagutin ang chat ng kaibigan. Baka kasi importante iyon dahil bihirang magchat sa akin si Lance.>> Nasa bahay parr, sa kwarto ko. Hindi ko kasama si Jarred. Pagkakaalam ko ay may lakad sila ng jowa niya.Message sent.Matiyaga kong hinintay ang reply niya.>>Sana all. (Cute emoji). Ahmm, hindi siguro matutuloy ang birthday gala ko bukas dahil maysakit ang mama ko. Trangkaso ata parr, kaya cancel muna plano natin. Siguro next time na lang tayo gumala.Nalungkot naman ako pero wala na din akong magawa. Alam ko kung gaano nito kamahal ang ina kaya mas uunahin nito ang kapakanan niyon kesa sa ano pa man.>>Walang problema parr, naiintindihan kita. Sasabihan ko na lang si Jarred tungkol dito.>>Naichat ko na sa kaniya ang tungkol dito. Okay na. Sige parr, sorry sa istorbo.>>It is okay, basta ikaw parr, walang problema. Advance happy birthday na lang.>> Salamat. The best ka talaga.>> Haha. Sige parr, tulog na muna ako ulit. Nakakaantok e.>>Sige. Sleep well.Iyon lang at naglog out na ako. Kagigising ko lang pero sobra na namang antok ang nararamdaman ko.Muli akong nahiga at pumíkit.★★★MJKatulad ng napag-usapan ay sinundo na nga ako ni Lance sa boarding house bago pa man pumatak ang alas singko ng hapon. Bago pa man pumarada ang kotse niya sa tapat ng gate ng malawak na lugar na iyon na puro boarding house na nakahilera ay kanina pa ako nakapagayos.Masasabi kong ready to go na ako ng mga sandaling iyon. Nakasout lamang ako ng isang sky-blue na sundress at nakasout ng dull shoes na kulay red na bumagay naman sa akin ang kulay at moods.Bumagay ang sout kong iyon sa hindi naman kaputiang kulay ng kutis ko. Nakaharap ako noon sa isang matangkad na nakatayong salamin sa tabi ng maliit na sala ng boarding house ko nang marinig ko ang sunod-sunod na busina ng sasakyan sa labas.Wala naman akong dapat asahan na ibang bisita kaya kilala ko na agad kung sino iyon.Kumaway muna ako nang makita kong dumungaw siya mula sa loob ng kotse niya. Isang matamis na ngiti naman ang iginanti niya sa akin na lalong nagpapakabog ng dibdib ko sa paghanga.Kitang-kita ko ang mapuputi, pantay-pantay at pinong ngipin niya na lalong mas dumagdag sa kagwapuhan ng binata. Hindi ko tuloy mapigilang mapapitlag sa tuwa.Gayunman, sa kabila ng kakaibang saya na iyon ay pinilit ko pa ding pigilin na huwag umapaw sa dibdib ko ang lahat ng nararamdam kong iyon.Sinikap ko pa ding maging natural ang kilos habang kaharap siya. Sandaling lumabas ang binata sa kotse niya at umibis upang ipagbukas ako ng pintuan ng kotse sa kabila.Pakiramdam ko ay isa ako sa mga sikat ng bida ng Disney Princess like Cinderella, Snow White o ni Barbie kung utrati nito.Kunsabagay ay hindi naman iyon nakapagtataka. Nobya siya nito at nobyo niya ito. What any special treatment she received from him is all natural and she deserved it from her lover.Kung paano siya sweet sa akin noon nang siya ay nanliligaw pa lang sa akin ay mas dumuble ito ngayon. It happened that I have been greatly more in love with him each day.Palagay ko nga ay unti- unti ko nang nakakalimutan si Jarred. Halos wala na ang dating nararamdaman kong pananabik sa kaniya. Everything about him, memories with him are all deleted.Hindi ko namalayan na napahinto pala ako sa paghakbang na hindi naiwasang mapansin ni Lance."Why? Is there something you forgot?" Nagtatakang usisa niya sa akin na siyang nagpabalik sa parang nawala kong diwa."N-no! I mean wala naman. May bigla lang akong naalala." Pagdadahilan ko na lamang at nginitian ko siya para pawiin ang lahat ng kaniyang pagtataka."I bother to know what it is."Nagulat ako sa sinabi niyang iyon, mas lalo na ang paghawak niya sa braso ko nang akma akong papasok na sana sa loob ng kotse. Instinct na natigilan ako dahil sa pagkabigla sa naging reaksiyon.Napasulyap ako sa kamay niyang mabigat na nakahawak sa kamay ko. Ramdam ko ang bagsik ng pagkakahawak niyang iyon, bihira kasing maging ganoon si Lance sa akin.Madalas, kapag hinahawakan niya ako o hinahaplos sa kahit saang parte man ng katawan ko ay ramdam ko na puno ng pagmamahal iyon. Bawat sandaling lumalapat ang mga kamay niya sa aking balat ay naroon ang respeto, pag-iingat at naiibang pagtangi sa isang babaeng kagaya niya na bihirang-bihira lamang sa mga lalaki.But he looks different now. The way she held me and grabbed my hands is rarely different from the way he treated me in the past and early days.I even see negative emotions in his eyes! A kind of emotion I have never encountered before and I have never been expected to come from him alone!Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng takot laban sa kaniya. Isang takot na ngayon ko lang naranasan in my entire life.Parang napaso naman si Lance ng tingin ko at parang nahimasmasan kaya agad din akong binitiwan."Oh... I'm sorry for what I have done... I guess na nabigla lang ako..." Hindi magkadantutong paliwanag niya at hingi ng dispensa. Nabasa niya siguro ang mga takot sa mga mata ko kaya dagling nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya."Kindly get inside. We have a lot of time just to waste this misunderstanding." Mando niya sa akin na punong-puno ng awtoridad.Napasunod naman ako kahit shocked pa din sa naging reaksiyon niya. Tahimik akong umupo sa front na katabi ng driver seat kung saan siya nakaupo.Tahimik niyang ini-start ang makina ng kotse niya.Tahimik din ako sa isang tabi na walang kakibo-kibo. Ni hindi ko din siya kinakausap o sinusulyapan. Pabalik- balik sa isipan ko ang mga naging reaksiyon niya kanina.★★★LanceKahit man ako ay nagulat sa aking naging reaksiyon kanina. Hindi ko inakalang iyon ang maisalita ko kay Mj at maging ang ginawa ko ay kagulat- gulat din.Hindi ko alam kung nadala lang ako ng emosyon dahil sa klase ng sagot niya. Pwede din naman kasing nagselos lang ako dahil noong minsang gumala kami ay palagi niya pa ring bukambibig si Jarred. Kahit ako ang kasama niya ay madalas niya paring nababanggit ang pangalan nito.Hindi ko pa naman alam na si Jarred nga ang palagi niyang iniisip pero Hindi ko maiaalis sa sarili ang bagay na iyon. Hindi ko maiwasang isipin na baka nga mahal pa din niya ang lalaking iyon.Minsan na din niyang ikinuwento na matagal silang maging magkasintahan noon. Halos apat na taon daw ang itinagal ng pagsasama nilang dalawa bilang magkasintahan. Hindi ko nga inaakalang matagal nang may koneksiyon ang dalawa.Kunsabagay ay sapat ang nakita ko sa hospital noon. Doon pa lang ay aminado na akong may matagal nang relasyon ang dalawa at hindi nga nagkamali.Marahas kong inalis sa isipan ko ang ang mga iniisip na iyon at nagpokus sa aking pagdadrive.Paminsan-minsan ay ninanakawan ko ng sulyap si Mj na katabi ko lamang at tahimik na nakaupo habang ako naman ay tahimik na nagmamaneho.Mabagal lamang ang aking pagpapatakbo sapagkat Hindi ko naman kaylangang magmadali. Hindi naman kalayuan ang Parañaque kaya hindi ko kaylangang madaliin ang aking pagmamaneho.Nitong nagdaang araw lang ay dinala ko siya sa bahay ng mga tumayong mga magulang ko. Magiliw naman siyang tinanggap ng mga ito at malugod kong ipinakilala sa kanila.Tuwang-tuwa sina Uncle Rodrigo Auntie Estrella sa nobya ko. Nakita ko kung paano nila siya magiliw na pinakisamahan at kahit bago pa lang nila nakita at nakasama si Mj ay parang close na sila sa isa't isa.I feel they are too comfortable for each other. Inilibot nila ang nobya sa kabuuhan ng tila mansiyon naming bahay kung saan ako nakatira.Nagkatuwaan pa sina Mommy, I mean Auntie Estrella na doon na mananghalian. Palibhasa ay ngayon lang nagawi doon, hindi na nakatanggi pa ang dalaga. Parang nagbonding ang dalawa sa mga oras na iyon dahil silang dalawa mimso ang naghanda ng tanghalian namin."Are you okay?" Kahit malayo man ang tinatakbo ng isip ko ay nagawa ko pa ding tanungin ito dahil mga 15 minutes na kaming hindi nagkikibuan.I hate this kind of moment when I have company but it feels like I am alone and she's out of existence!Hindi sumagot si Mj at nanatiling nakadungaw sa bintana. Daig pa niya ang connection na hindi ko maabot. Para kaming walang attachment sa isa't isa ng mga sandaling iyon.Pakiramdam ko nga ay mapapanis ang mga laway naming dalawa hanggang sa makarating kami ng Parañaque kaya ako na ang nag first move.Para namang kinurot ang puso ko nang parang tila lumamig ang pakikitungo nya sa akin ng mga oras na iyon. Hindi ako sanay sa cold treatment o sa pangii-snob kaya para na naman akong nagdidileryo sa init ng ulo.Liza Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong na iyon ng nagpakilalang Jaspher. As if naman naisip nito na interesado akong malaman kung ano man ang pagkatao nito.Muling binulabog ang nagdadalawa kong isip kung sasagutin siya o hindi ng sumunod pang chat alert.>>But if you don't mind, okay lang kung ayaw mo sa akin. Hindi kita pipilitin.Nakaramdam ako ng konsyensiya dahil wala naman sa ugali ko ang maging feelingera. Isa pa hindi naman ako lumaking maganda kaya kahit kaylan ay hindi lumaki ang ulo upang magkaroon ng ganitong ugali.Marahan ang pagkakatipa ko ng mga irereply ko sa kaniya. Alam kong may isang bahagi ko ay tutol sa aking naging desisyon pero ganoon man ay may isang bahagi ng puso ko ang gustong makilala ang binata.Minsan ko na din nakita ang binata noon sa gym kasama ni Jarred. Ah, hindi pala. Sa tingin ko nga ay palagi kasi madalas kami mag-usap ni Jarred tungkol kay Mj.Palagi kasi nitong kinukumusta ang babae sa akin. Ipinagtatanong kung okay lang ba si Mj, k
Lance Hindi natapos ang buong araw na hindi naging malapit sa isa't isa sina Mj at Mom. Alam kong maaring bago lamang sila magkakilala ang isa sa mga dahilan kung bakit parang mailap si Mj rito. Bukod pa sa magpakaclassy makipag-usap si Mom ay ibang klase talaga ito tingnan kahit sa pananamit lang at etiquette maging sa pagkain. Doon nagkaedad si Mom sa States kaya hindi nakapagtatakang napaka-stateside nito kumilos at magsalita. Bagay na lalong nagpailang sa nobya ko kung kaya ay minsan lang ito magsalita at iyon ay kung sasagot lamang kapag tinanong ni Mom.Hindi naman ako nagpaapekto, sa halip ay gumawa ng paraan para mapaglapit ang dalawa.Finally, I made everything in perfect. Ipinag-ikot namin si Mj sa lahat ng sikat na spotted views sa buong Parañaque. Panay naman ang paliwanag ni Mom sa kaniya na akala mo ay daig pa nito ang tourist guide ng dalaga.Natuwa naman ako dahil mas naging madali sa akin ang maging palagay ang loob ng isa't isa. Bago man matapos ang maghapon ay wala
Jaspher "Where have you been Jarred for this couple of days?"Iyon ang naging bungad ko kay Jarred nang sagutin niya ang tawag ko. Halos hindi na kami magkita-kita nina Lance at Jarred. Kunsabagay ay semestral break ngayon kaya halos wala kaming maayos na pasok.Gayunman, simula ng magkaroon ng jowa muli si Jarred ay parang malayo na din ang oras nito at parang kayhirap abutin. I am not the kind of selfish friend but it doesnt mean na kaylangang may magbago na din sa samahan namin. Lovelife is a thing, the same as our friendship. Walang dapat magbago o mabago. "Hmmm.. I am just so busy at home. Alam mo na, sembreak natin kaya dapat nating maenjoy." Tugon sa kabilang linya."Busy? Speaking of busy? Mukha mo, Jarred Villagracia! Sabihin mo, busy ka sa pagchukchak mo kay Crystal Samonte.""Sira!" Halos mabingi ako sa isinagot ni Jaspher dahilan para mailayo ko ang monitor sa tainga ko."E sa totoo naman e!" Patuloy na giit ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko pero iyon lang
MjHapon nang makagising ako. Sapo ang ulo ay pinilit kong gumising upang sana ay ipagluto ang sarili. Nakaramdam ako ng pamimigat ng ulo at pananakit ng pang-ibabang bahagi. Noon ko na-realized na may kumikirot sa pagitan ng mga hita ko. Muli na namang sumagi sa isip ko ang ginawang pambababoy ni Lance sa katawan ko. Hanggang ngayon ay para ko pa ring nararamdaman ang mga mararahas niyang haplos at mapaghimagsik na halik na pumupuno ng takot sa buong pagkatao ko.Sa buong buhay ko ay hindi ko akalaing makakaranas ako ng pangaabusong seksuwal at sa lalaking nobyo ko pa mismo!Hindi ko naiwasang mapaluha na naman. Walang-wala sa hinagap ko na magagawa iyon ni Lance sa akin. Ni hindi nga niya sinabi kung bakit at para saan siya nagagalit sa akin kagabi.Napahagulhol ako dahil sa hindi matanggap na pangyayari.Basta na lamang niyang pinakialaman ang katawan ko at nakagising na lamang ako na punit ang suot kong damit maging ang underwear ko!'Hayop ka, Lance! Masahol ka pa sa hayop!' Nagb
Mj~~~Marahas na hiniklas ni Lance ang suot kong underwear. Ramdam ko ang pusok at galit sa mga halik niya. kulang na lang ay makagat nya ang mga labi ko sa sobrang diin.Maging ang isang kamay niyang humahaplos sa malulusog at mapuputi kong dibdib na ngayon ay nakabuyangyang na gaya ng pagkaing nakahain sa mesa ay walang sawang nilantakan niya.Ramdam ko ang bigat ng kamay niya at haplos. Isang mapagparusang haplos! Hindi niya tinigilan ang labi ko hanggang hindi iyon parang namula.Bumaba ang mga halik niya sa leeg ko. Dumiin doon at nag-iwan ng tanda na kung hindi ako magkamali ay kiss mark.Napasinghap ako at napaigtad sa sumunod na naganap. Walang sawang dinidilaan nito ang magkabilang dibdib ko at waring nilalaro ang pinakakorona niyon.Hindi ko maiwasan ang pagreact ng katawan ko sa tila libu-libong kiliti na kumalat bigla sa buong sistema ng katawan ko dahil sa salit-saling pagsubo niya ng mga dunggot ko.Ang kaninang pagtutol at paghihimagsik sa loob ko dahil sa marahas niton
JarredHalos magkasunuran lang ang birthday ko at ng mga kaibigan ko. Noong nakaraang araw lang ay birthday ni Lance Venturillo. Nitong kahapon lang ay Kay Jaspher Del Valle. Ngayon, oras ko naman para ako naman ang magdiwang ng kaarawan ko.It was my twenty third year on earth. Marami akong bisita na hindi ko inaasahan na ganoon kadami. Since solo child lang ako nina Mom and Dad, at idagdag pa na sikat ako bilang musician ay wala naman sana akong dapat ipagtaka.Kaya lang kasi ay kaunti lang naman ang ininvite ko.Gulat akong nang bumaba kami ni Crystal sa kotse ko. Nandoon na lahat pati ka business meetinga ni Dad, mga kasosyo at mga kapwa businessman.Hindi naman ako kinakabahan na baka kulangin ang handa. Ang sa akin lang ay hindi ko inaasahan na ganoon kadami ang pupunta sa aking 23rd birthday.Ang isa pa ay alam kong hindi sanay si Crystal sa ganoon kadami at mga nasa highest level na uri ng mga tao. Tiyak na maaasiwa ang nobya ko sa mga ito. Nasabi ko kasi sa kaniya na kakaunti
MjHalos isang linggo na ang lumilipas ng makauwi ako sa amin. Hindi na din mabilang kung ilang beses nang paulit-ulit na nabanggit nina Itay at Inay ang tungkol sa pag-aaral ko at kung ano na ang balak ko.Siyempre dahil ayuko pang bumalik ng school ay ginalingan ko na lamang ang pagdadahilan. Hindi naman nila ako mapilit dahil like what happened, Hindi naman nila ako totoong anak e. Tito at tita ko lang sila kaya hindi nila ako pwedeng mapilit. Kung pinansiyal naman ang pag-uusapan ay wala na din silang problema dahil may iniwang trust fund ang nanay ko nang mamatay sa bangko. Nakapangalan na iyon sa akin at wala akong naging problema sa pagclaim niyon dahil so far ay maayos naman at walang gusot sa aking mga dukumento.Kung paanong ilang araw na akong nasa bahay ay ganoon din ay ilang araw na akong parang nasa malungkot na dati lang ay paraiso ang katulad para sa akin.Hindi naman iyon napansin ng mga inaring magulang ko o ng dalawa kong kapatid na sina Nene at Tonton. Magaling a
~~"W-what happened? N-nasaan ako?Tigagal na wika ni Shella Mae nang makagising ng umagang iyon. Dala siguro ng labis na pagtataka at kuryusidad kaya napabulalas ito matapos imulat ang mga mata. Gising na ako ng mga oras na iyon. Sa katunayan ay nasa isang tabi lang ako at nakaupo habang nagkakape. Siya na lamang ang hinihintay kong magising para malaman na niya ang naganap kagabi.Pasado alas onse na nang makaalis kami sa bar na iyon kaya minabuti kong matulog na lang sa isang motel kasama si Shella Mae. Hindi naman ako hahanapin ni Yaya Marie dahil nakagawa na naman ako ng script para rito at iyon nga, paniwalang-paniwala si Yaya na nasa bahay nga ako ni Jaspher natulog. Pero ang totoo, ibang Jaspher ang kasama ko at katabi matulog kagabi. Daig pa ni Shella Mae ang nakakita ng multo nang makita ako roon at tinitingnan siya. Gumapang din ang malaking takot sa mukha niya matapos makitang nakatapis lang ako.Nakaligo na kasi ako ng mga oras na iyon at nagpasyang magpatuyo ng katawa
Three Months ago...Jarred "Congratulations! Happy Wedding!" Panabay na bati nina Liza, Jaspher, Crystal at Kent. Lahat sila ay parehong kinuha kong mga abay. Naroon din si Lance Venturillo, kaibigan ko, sina Mommy Cherry Ann, Daddy Ian Fidel, maging ang kinilalang magulang ni Shella Mae na sina Aling Patricia at Mang Rigor kasama ang mga kapatid nito na sina Nene at Tonton."Congrats, Mj!" Si Liza na niyakap nang mahigpit si Shella Mae. Ito ang ang kinuhang Maid of Honor ni Mj dahil hindi pwede si Crystal dahil ikakasal na din ito kay Kent Buencamino next week.Wala naman naging problema sa kasunduan ng dalawa. Si Jaspher naman ang kinuha kong bestman dahil ayaw ni Lance. Hindi ko na pinilit ang kaibigan dahil mas gusto lang nito maging abay lang.Naroon din ang iba pang mga kakilala at kaklase ko maging ang kapamilya ko Villagracia. "Thanks!" Maluhang tugon ni Mj. Inawat naman siya ni Liza. "O, huwag ka nang umiyak. Hello, it's your wedding day, tatapusin mo lang ba sa pamamagitan
Jarred Pagpasok na pagpasok ko sa hospital na sinasabi ni Liza ay nagmamadali akong tinungo kaagad ang Inquiry Desk ng hospital."Nurse, may naging pasyente ba kayong nangangalang—" Hinihingal dahil sa kaba na inquire ko sa bantay doon pero agad na naputol nang makita ko si Liza na sa tingin ko ay kanina pa ako hinihintay."S-sorry. Just excuse me." Pamamaalam ko na lang na patakbong nilapitan si Liza. Nakita ko kaagad na may mga dugo nga sa damit nito, patunay na totoo ang sinasabi nito kanina sa phone habang kami ay magkausap. "How is she?" Kinakabahang tanong ko agad dahil gustong-gusto ko nang malaman kung ano ang totoong kondisyon ng babae. "Is she okay now?"Nakita ko mula sa mukha ni Liza ang pangamba at paggusot ng mukha. "Sundan mo na lang ako." Tumango lang ako at agad na sumunod sa kaniya na malakas ang sasal na tibok ng puso ko. Natatakot ako para sa babaeng bukod tangi kong minahal.Sa totoo lang, ngayon lang ako nakaramdam ng takot na ganito sa buong buhay ko.Isang ta
Mj"He was about to go in an hour."Napalingon ako sa may pintuan nakatayo roon si Liza. Hindi naman ako nagulat dahil hinahayaan ko lang naman na bukas palagi ang kuwarto ko. Ako naman ay nasa bintana, nakanaw sa labas ng bahay at malalim ang iniisip. Hindi ako sumagot sa halip ay muli kong ibinalik ang tingin at atensiyon sa mga nakikita ko sa labas ng bintana.Tinatanaw ko ang paligid ng kinatitirikan ng bahay nina Liza. Sari-saring mukha at disenyo ng bahay ang aking nakikita. Nagtataasan din ang mga bubong na dikit-dikit at walang pagitan. Hindi naman squatters area ang lugar na iyon. Sadya lang siguro iyon ang mga nakikita ko dahil nasa taas ako."Hindi mo ba ako narinig?" Muling pukaw sa akin ni Liza na dinig ko kahit pa nakatalikod ako. Nasa tono ng pananalita nito ang pagkainis sa pangiisnob ko. Dinig kong humakbang ito papunta sa akin na may bigat ang mga paa.Tumabi ito sa akin sa gilid ng bintana."Ano ba kasing tinitingnan mo diyan?" Dagdag pa niya na hinawi ang mahabang
Jarred Alam kong hindi inaasahan ni Shella Mae ang biglang pagsulpot ko ng mga sandaling iyon.Kahit na batid kong may kausap pa ito sa phone ay pilit ko pa ring pinalakas ang loob ko na malapitan siya at makausap. Ayukong masayang ang pagkakataon na ito bago man lang ako ganap na lumayo sa kaniya. Ikalawa, ayuko ring masayang ang todo preparations ni Liza para magkita kami at makapagpaalaman, kung saka-sakali man.May konting kirot na umalma sa puso ko ang ideyang magkakahiwalay na nga kami ni Mj/Shella Mae ng tuluyan.Nakita ko kung paano parang namutla at tila matutunaw sa kinauupuan niya si Shella Mae. Bukod sa nagulat ito ay hindi rin siguro nito sukat isipin na nandoon ako. Lalo kong naramdaman ang pagkataranta ng mukha niya at parang ibig maglaho ng bigla na lamang sa sirkulasyon huwag lang ako makita akong papalapit.“W-what are you doing here?” Hinayaan ko muna ang sariling makalapit sa kaniya ng tuluyan bago ako sumagot.‘What do you mean I’m doing here? It is a restaurant
Liza “Uuwi na ba tayo?” nagtatakang tanong ko kay Mj nang mapansin pumara na ito ng taxi. Nakakunot-noo namang sinulyapan ako ng kaibigan. “What do you mean? Ano pa bang naisip mong gagawin natin bukod pa sa dito sa Drugstore?’ “I mean, hindi ba tayo dadaan ng mall? Mag unwind muna tayo dahil minsan ka lang nakakalabas. I mean, minsan lang gusto mong lumabas.” Pang-iimbento ko ng kuwento na halos ikapilipit ng dila ko. kahit kaylan kasi ay hindi ako nasanay na magsinungaling. Napaisip ang kaibigan na napahinto din sa paglalakad. Nasa loob pa din kasi kami ng malawak na Drugstore na iyon. Matagal siyang napaisip at bago nakapagsalita. “Saan mo ba gustong pumunta?” “Ahmm.” Tugon ko kaagad na nag-isip. Nasa isipan ko na kung saan ko siya dadalhin. Ang address na isinend ko kay Jarred ang unang pumasok sa isipan ko kaagad. “Sa Malhala FoodHouse!” walang gatol kong wika mayamaya matapos kong maalala ang usapan naming ni Jarred. “S-saan?” Maang na tanong ni Mj. “Sa Malhala. Iyon ban
Liza ‘Italy? Ang layo noon ha?’ Hindi ko inaasahang marinig iyon mula kay Jarred. Hindi ko akalaing aalis na pala ito nang hindi sila nagkakaayos ni Mj. Hindi ko maiwasang malungkot sa dalawa dahil sa nalalapit na pagkakalayo. >Do you mean, are you leaving Philippines soon? Hindi agad nakasagot si Jarred. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ito o baka naman ay paraan lang nito iyon gaya ng mga nagaganap sa mga teledrama. Tapos matataranta ang girl at hahabulin ang lalaki tapos magkakaabutan sa airport. Inalis ko sa isip ang mga malilikot kong imahinasyon at nagpokus sa isasagot ni Jarred. >Yes. Marami nang naganap sa buhay ko na gusto ko na lang lampasan. Mga one month lang naman ako doon para lang magmind clear at para na din lumikha ng mga bagong memories. Ramdam ko sa text ng kausap ang kakaibang lungkot na nababakas ko sa mga mensahe niyang ipinapadala. >What about Mj? Matitiis mo ba siyang iwan sa ganitong kalagayan niya? >You said it na hindi naman siya buntis di’ba? Why a
Lance Hindi ko alam kung panaginip lang ito pero umaasa akong sana nga. Hawak-hawak ko ang isang magnum na baril ng mga oras na iyon at itinututok ko iyon kay Mj. Noon ko din narealized na nakagapos si Mj sa isang tabi, tigmak sa luha ang mga mata nito at nagmamakaawa. “P-please, don’t do this Lance.” Pagsusumamo niya sa akin. “I-i know it is not you. Sabihin mong hindi ikaw ito, Lance. Hindi ikaw ang Lance na kilala ko… at nakilala ko.” Saglit siyang huminto sa pagsasalita at napalunok ng laway. “H-hindi ikaw si Lance na nakilala ko at natutunan kong mahalin. I swear, hindi ikaw ‘to.” Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay parang napakaraming karayom ang tumutusok sa puso ko habang nakikita ang babae, luhaan, sugatan, gapos at nagmamakaawa sa akin. Parang nahahati ang kaluluwa ko. Naroon ang pagkamuhi ngunit nandoon din ang pusong mapagpatawad. Hindi ko maisip kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon pero I swear, parang isang bahagi ng puso ko ang may basag. Nagulat ako nang n
Lance Alam kong kahit anong oras ay puwede kong sugurin at kunin si Mj sa bahay ni Liza pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Dapat maingat ako sa aking mga kilos at hindi padalus-dalos. Pagkalipas ng ilang linggo ay sa wakas at natagpuan ko na rin ang babae. Ang buiong akala ni Liza ay basta na lamang akong maniniwala sa sinabi nitong wala itong nalalaman tungkol sa lokasyon ni Mj. Masyado itong naging kumpiyansiya at panatag kaya nakalimutan nito kung anong ugali mayrooon ang isang kagaya kong si Lance Jericho Ballesteros. Sa pamamagitan ng sapilitang pagpapaamin rito at sinamahan ko na din ng konting pananakot ay napakanta ko din si Liza. Nanginginig ito noong tinakot ko na masasaktan kung hindi magsasalita. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang pamimilit kong nagawa rito noon. Nasa isip ko pa din ang kawawa at hindi maipintang mukha ng babae ng minsan ay magkita kami at makorner ko siya. ~~~ Hindi ko alam kung saan siya noon nanggaling pero inabangan ko ang kaniyang pagdaan sa lugar
] Lance Alam kong kahit kaharap ko na si Liza kanina ay ramdam ko na may itinatago itong kaalaman sa tunay na lokasyon ni Mj. Batid kong may tinatago ito at ayaw lang sabihin sa akin. Hindi naman nakapagtataka dahil magkaibigan ang dalawa kaya imposibleng ilalaglag nito ang kaibigan. Sa bagay iyon ay hindi naman ako pinanghinaan ng loob. Hinding-hindi ako susuko sa paghahanap kay Mj. Saka lang ako susuko kapag oras na para bumitaw o kapag nakita ko na si Mj at matiyak na ligtas ito. Pauwi na ako sa amin ng hapong iyon nang aksidente kong makita si Mj sa kalsada. Nakatalikod ito at may mga bitbit na mga pinamiling gulay at kung ano-ano pa. Sa palagay ko ay nag-aabang ito ng taxi pauwi sa kanila. Kahit nakatalikod ay alam kong kilalang-kilala ko ang nobya. Sa tindig nito, sa shape ng katawan at maging sa lugay at ayos ng buhok ay hindi ako magkakamaling si Mj nga iyon. Sasal ng tibok ang puso ko at parang dumadagundong sa kaba. Mabilis kong itinabi ang kotse at nagmadaling nilapitan