“ANONG plano mo Athena?” tanong ni Agent Eagle kay Athena. Nagkakilala sila ni Athena noong mga panahon na kadarating palang nito sa Maynila. Dahil nga taga probinsya si Athena ay maraming nagtangkang sumubok na kunin siya at gawan ng masama, lahat ng iyon ay nakita ni Philip, totoong pangalan ni agent eagle. Ililigtas na niya sana si Athena ngunit nagulat siya ng makita niya itong lumaban at magawang patumbahin ang tatlong kalalakihan. *Flashback* Marunong makipaglaban si Athena dahil tinuruan siya ng kaniyang ama noong nabubuhay pa ito. Sa unang pagkikita palang nila ni Athena ay humanga na si Philip sa dalaga kaya ng tumakbo ito palayo ay agad niya itong sinundan. Nanginginig sa takot ang katawan ni Athena, kahit pa na marunong siyang makipaglaban ay wala siyang lakas ng loob lalo na at isa parin siyang babae. “Miss,” hinawakan ni Philip ang balikat ni Athena ngunit naging mabilis ang pagkilos ni Athena at hinawakan ang kamay niya pagkatapos ay sinubukan iyong ihagis paharap n
ISINARADO ni Ace ang pinto ng kaniyang kotse nang maayos niyang nai-park ang kaniyang sasakyan sa Fora Mall. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng mall dahil pasado alas dose na ng tanghali, ang usapan nila ay ala-una sakto na sabay silang magtatanghalian. Napakahalaga ng deal na iyon sa kaniya dahil kailangan nilang makuha ang lupa sa Bulacan na siyang unti-unting umuuland sa panahon ngayon. Sa oras na makapagpatayo sila ng kanilang Negosyo doon ay siguradong malaking incentives ito sa kaniyang kumpanya. Ang negoyso ni Ace ay land business, kumakalap sila ng mga properties na maaring ibenta sa malaking halaga, para silang real state ngunit ang kaibahan ay wala silang bahay na pinapatayo. Sadyang lupa lamang ang kanilang kinokontrata at sa oras na magkaroon ng building o branch ang A.A. Company sa inyong probinsya ay napakaswerte mo dahil mas darami ang magiging turista doon mula sa pag pagpapatayo ng mga negosyante na bumili ng lupa sa kaniyang kumpanya. Iyon ang dahilan kung baki
NAGMAMADALING kumuha si Stella ng damit na makita niya sa kaniyang dinaanan at hindi na pinansin ang sales lady na lumapit sa kaniya. Nagtaka pa ang sales lady dahil sa soot nito at itsura, susundan na sana niya ito ng magsalita agad si Ace. “Don’t mind here, she’s with me.” Napatingin sa kaniya ang babae at nanlaki ang mata ng makita ito. Bukod sa kilala siya sa buong mundo ay hindi mo maitatanggi ang angking ka-gwapuhan ng lalaki. Hindi na nito pinansin ang babae at naupo nalamang sa upuan na nasa tapat ng fitting area. “Kilala niyo ba ‘yun?! Siya si Ace Alcantara! Yung may-ari ng A.A. Company!” pabulong na sabi ng sales lady sa mga kasamahan niya at sabay sabay na nanlaki ang mata ng tatlo pang sales lady na kasama nito. “Tara mag papicture tayo!” hindi nagdalawang isip ang apat na lumapit kay Ace upang magpakuha ng litrato, sakto na labas ni Stella sa fitting room. “S-Sir Ace! Pa-picture naman po kami!” napakunot ang noo ni Stella at napatigil sa pag-aayos ng kaniyang kinuhang
Maputi na nag buhok nito ngunit mababakasan mo parin ito ng kagwapuhan tandan a kay gwapo nito noong kabataan. Si Ace naman ay agad na sumagot dahil doon, “Yes, she is their daughter. Let’s have a seat Mr.Pacalanco,” inalalayan niya agad si Stella na maupo sa tabi niya, habang ang babae ay hindi parin makapagsalita. “Totoo ngang maganda ang kanilang unikajiha! Naalala ko na ipinagmamalaki saakin ni Drake ang kaisa-isa nilang anak. Would you mind hija If I ask you, bakit walang naging balita tungkol sayo? Maraming kumalat na balitang may sakit ka daw sa balat, at hindi maganda kaya hindi nalabas pero ngayon napatunayan ko na noon pa ‘man ay uso na ang fake news hahaha.” Napayuko si Stella dahil doon. Hindi niya alam pero tinamaan siya ng lala sa pagkaka-alala sa kaniyang magulang. Napahawak siya ng mahigpit sa kamay niya at nakita iyon lahat ni Ace kaya agad niyang iniba ang topic. “I’m sorry Mr.Pacalanco, but we still have appointment to make kaya kung maaari lang sana ay magsimula
“BAKIT ba ngayon natin ‘to gagawin?” iritang sabi ni Stella habang tumitingin sa mga gowns. Kahiit minsan ay hindi na sumagi sa isip niya ang pagpagpapakasal kaya ang makakita ng wedding gown ay hindi siya natutuwa. “Yes, since magkasama na tayo and I want our wedding as soon as possible. Sayang ang oras Stella.” Wala ng magawa si Stella kung di ang sumangayon sa kagustuhan ni Ace. Mayroong lumapit na sales lady sa kanila. “Gusto ko ang wedding gown na pinaka-mahal dito.” Ngumiti ang sales lady at yumuko paalis na ikinalaki ng mat ani Stella at tinignan ang lalaki. “Nasisiraan ka na ba ng bait?!” tinaasan siya ng kilay ng lalaki. “Sir, this way po.” Tawag sa kanila ng sales lady kaya nauna nang naglakad si Ace papunta doon habang naiwan na nakanganga si Stella. Hindi siya papayag na gumastos ng malaki para lamang sa pekeng kasal na iyon. “Ace h’wag na ‘yan parang awa mo na. Isang buwan lang ang kontrata natin at ang lahat ng ito ay para sa ina mo!” napatigil sa paglalakad si Ace ma
PAGKABALIK ng tatlo ay kasunod na ng mga ito ang waiter na mayroong dalang pagkain. Nang maka-alis ang waiter ay agad na nagsalita ang dalawang lalaki na kaharap nila. Napangiwi si Stella dahil sa kadaldalan ng mga ito at sabay pa talaga sila kung magsalita na halos hindi na maintindihan. “Shut up.” Napahinto ang dalawa at maging si Stella at Ace ng sabay silang magsabi ng salitang iyon. Gulat na nakatingin si Lucas at Harris sa dalawa hanggang tumawa bigla si Harris na ikinalunok ni Stella. “Alam niyo bagay talaga kayong dalawa eh.” Sabi nito at dinugtungan ni Lucas. “Parehong bato. Hahaha.” Nag apir pa ang dalawa kaya sinaaman niya ng tingin ang mga ito. “’Yan!” tinuro sila bigla ni Harris. “Tignan niyo, pareho pa kayong nagbibigay ng death glare hahahha.” Napatingin siya kay Ace at sakto na tumingin din sa kaniya ang lalaki kaya napaiwas sila ng sabay ng tingin na ikinatikhim ng lalaki. “Wala tayong oras sa biruan. Kamusta ang pinapaasikaso ko sa inyo?” laking pasasalamat niya a
“MATUTULOG ka sa tabi ko ng nakaganiyan?” napalingon siya kay Ace nang walang mababakasan ng kahit na anong emosyon sa muka. Ayaw niyang makipagtalo dito kaya sinarili nalang niya ang ginawa nito kanina ngunit naging daan iyon upang mas ilayo pa ang loob sa lalaki. “Bakit may problema ba? Hindi ako makakatulog ng soot ang dress na iyon.” Dumeretsyo siya sa higaan at nahiga ng matiwasay. Nakita niya na pumunta na sa loob ng banyo si Ace dala din ang isang bathrobe kaya ipinikit niya ang mata at nakiramdam sa paligid. Bigla niyang naalala ang anak, gusto niya itong tawagan at kamustahin ngunit inaalala niya si Ace. Napadilat siya dahil doon at nagpasya na tawagan na ito, siguradong mamaya pa ang labas nito sa banyo kaya nagmamadali niyang di-nial ang number ni Ava. “Ava! Nasaan ang anak ko?” bungad na sabi niya sa telepono. “Wala manlang hi o hello? Tyaka paano naman ako? Si Princess lang kakamustahin mo?” napasimangot siya dahil sa sinabi na Ava sa kabilang linya. “Wala akong oras p
NAGPUNTA silang mag-ama sa kwadra na madalas nilang pagkakitaan sa tuwing pupunta siya sa Hacienda Del Rosario “Bakit mo parin pinupuntahan ang babaeng iyon? Hindi ba sinabi ko na sayo na tigilan mo na siya?” seryosong sabi ng kaniyang ama na ikinaiwas lang ng tingin ni Ace. “Sa susunod na makita pa kita dito Ace wala akong ibang gagawin kung di ang sapilitan kang papuntahin sa ibang bansa.” Iyon lang ang huling sinabi ni Daniel sa kaniya at iniwan siya doon ng nag-iisa. Napakuyom siya ng kamao dahil doon, hindi niya ‘rin maintindihan ang sarili dahil ayaw niyang iwan ang babae. Hindi niya kayang iwan si Stella kahit pa na nagsinungaling ito sa kaniya. Sadyang malalim na nag kaniyang nararamdaman para sa dalaga. Mahal na niya ito bago pa niya tuluyang malaman ang totoo nitong katauhan. Kaya nga kahit na galit na galit siya dito ng sapilitan niya itong isama sa kama ay hindi niya maiwasan ngunit gawin iyong pinakang memorable para sa kaniya. Ang gusto niya lang naman ay masiguro na
“D-DITO Faith, umakyat ka bilis!” hinihingal na sabi ni Stella kay Faith nang dalhin niya ito sa likod nang Falls kung saan silang dalawa lang ni Ace ang nakaka-alam. Umuubo pa si Faith ng makaakyat sa kweba habang si Stella ay hindi na magawang maka-akyat pa dahil sa tama ng bala.“S-Stella! Halika tutulungan kita!” nang matauhan si Faith ay tinulungan niya ito at nakita nila ang gown niyang nababalutan pa ‘rin ng dugo dahil hindi ito tumitigil sa pag-agos. “K-Kailangan ko ng panali, punitin mo pa ang laylayan ng gown ko.” utos ni Stella sa kaibigan na ikinatango naman ni Faith.Si Faith na ‘rin ang nagtali niyon sa kaniya habang nakapikit ito at tila nanghihina na. “S-Stella, ‘wag mo akong iiwan ah! ‘Wag kang mawawala!” natatakot na sabi ni Faith na ikinatango ni Stella. “A-Ano ka ba, isang tama lang ‘to ng bala.” Natatawang sabi ni Stella.“Pero napuruhan ka kanina! Pagod na ang katawan mo!” tama si Faith, nararamdaman niya ano ‘mang oras ay babagsak na siya. Hindi kinaya ng katawan
“TANDAAN mo wife, wag kang kikilos hanggat hindi pa kami nakakapasok maliwanag?” seryosong sabi ni Ace sa earpiece kung saan lang sila maaaring mag-usap. Nag-aayos si Stella sa loob ng kaniyang sasakyan bago bumaba sa harapan ng mansion ng mga Del Rosario. Mayroong mga bantay sa gate ngunit pinapasok siya nito ibig sabihin siya ang target ni Eduardo at inaantay siya nito. Samantalang sila Ace naman ay nasa loob ng van kung saan nakakonnect sa kanilang dalang laptop ang mga CCTV sa loob na na-hack ni Diego. “’Wag kang mag-alala Alas, ayos lang ako. Bababa na ako,” mas naging seryoso ang nasa loob ng van, andoon si Ace, Lucas, Harris, Theo at Ellias. Sila ang may kakayanang lumaban kung kaya minabuti nilang sila nalamang ang papasok sa loob. Marami silang dalang mga baril at ilang armas para sa magaganap na labanan dahil nga sa plano nila ay naihanda nila ang lahat ng ito. Nasabihan na nila si Philip at siguradong papunta na nag mga ito ngayon upang tulungan sila kay Eduardo. Kit
BIGLANG inihampas ni Eduardo ang baril na hawak kay Don Enrique na ikinabagsak nito sa sahig. Napalingon si Talia dahil sa narinig at lalong mapaiyak ng makita ang amang nakabulagta sa sahig. “A-Anong ginagawa mo?!” sigaw nito ngunit naging maagap ‘din si Eduardo at hinampas din niya dito ang baril. Inis na inis na napatingin si Eduardo sa mga nakabuglatng katawan sa sahig. Dalawang tao nalang ang hawak niya, naisip niya si Diego. Aalis na sana siya doon upang sabihana ng tauhan niya na kunin ang katawan ni Don Enrique at Talia pero napahinto siya ng makita si Elise sa pinto ng dirty kitchen na tulalang nakatingin sa mga nakabulagtang katawan. “A-Anong nangyari?” tanong nito at napatingin sa kaniya kung saan napaatras dahil nakita niya ang hawak na baril ni Eduardo. Agad na tumalikod si Elise upang tumakbo at humingi ng tulong ngunit hindi nagdalawang isip si Eduardo na paputukan ito at maya-maya pa’y bumagsak na ‘rin ito sa sahig. “Sisigaw ka pang maingay ka,” inis nasabi ni Edu
TAHIMIK na lumabas si oliver at nanang Lili upang pumunta sa may sulok na parte ng Hacienda Del Rosario kung saan mayroong daan papunta sa pinakang main road. Habang palingon lingon ang dalawa ay hindi nila napansin si Eduardo na galing sa may kwardra kung saan nakita sila nitong parang nagmamasid. Napakunot ang noo ni Eduardo dahil doon at sinundan ang dalawa ng palihim. Nang makalabas ang mga ito ay agad siyang nagtago sa may mayayabong na halaman at mula doon ay nakita niyang pumasok ang dalawa sa isang tinted na sasakyan kung saan hindi iyon familiar sa kaniya maging ang plate number. Nagtataka ‘man ay agad siyang pumunta sa sasakyan at sinundan ang mga ito. May kutob siya na mayroong gagawin na kakaiba ang dalawa, alam niya na matagal nang katulong si nanant Lili doon na mas bata kay Don Enrique ngunit nakakapagtaka na pumuslit ang dalawa sa isang tagong daan. Inabot ng halos kalahating oras ang byahe nila at maya-maya pa’y pumasok ito sa isang bahay na malaki at purong puti
“SIGURADO ka ba sa gagawin mo Stella?” Alalang tanong ni Theo habang nasa loob sila ng kotse, si Vanessa ay muling iwan sa bahay dahil busy pa ito. Pinatawag siya ni Don Enrique para sa saluhan sila sa lunch ngunit iba ang plano niya na ikinababahala ni Theo. “Magtiwala ka saakin Theo, makakalabas ako mamaya at sa oras na makalabas ako ay doon magsisimula ang gera.” Napabuntong hininga na si Theo dahil doon. Alam niyang malamang sa mga oras na ito ay alam na ng mga kaibigan nila na siya sa Stella. Sa oras na malaman nila na siya si Stella ay hindi na nila kakayanin pang magpanggap kung kaya siya na magsisimula ng gulo. Huminto sila sa tapat ng masion at lumingon si Theo, “Mag-iingat ka, mapapatay talaga ako ni Ace kapag hindi!” ngumiti si Stella at tumango. Hinanda ni Stella ang sarili bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Sinalubong siya ng mga tauhan at hinatid siya papunta sa lugar kung saan sila kakain ng tanghalian. “Ms.Scarlet!” nakangiting bati ni Don Enrique at nagsitayuan
“ACE!” Napatingin siya sa hagdan at nakita niyang pababa doon sila Lucas, Harris at Ellias. “May problema tayo! Pero teka bakit basa ka?” tanong ni Lucas na ikinailing nalamang niya. “Nothing, naulanan lang ako. Anong problema natin?” tanong niya na muling ikinaalala nila sa nangyayari. “Wala na tayong access sa CCTV! Mukang nahalata ni Eduardo na nahacked natin sila!” nangunot ang noon ni Ace dahil doon ngunit masyado nang masakit ang ulo niya para isipan pa ito. “Mag-uuspa tayo bukas, sa ngayon hayaan niyo muna akong mag-isip.” Nagkatinginan ang mga ito ng dali-daling umakyat sa taas si Ace habang si Faith na nakasalubong nito ay nagtataka ng hindi siya pinansin ng kuya. “Anong nangyari kay Kuya? Inaway niyo ba?” tanong nito sa tatlo na agad nilang ikinailing. Hinayaan nalang nila ito at nagluto ng makakain lalo na at malamig dahil umulan. *** Tulalang nakatingin si Stella sa labas ng bintana sa sala, nakaligo na siya at nakapag-ayos ng sarili kaya naisipan niyang pumunta s
“MAAARI ko ho ba kayong makausap nanang Lili?” Napatingin ang mga katulong sa pagpasok ni Stella sa dirty kitchen kung saan andoon ang kanilang pwesto ng dining noong tumira siya sa mg Del Rosario. “Stella!” napatingin siya sa tumawag sa kaniya, kung hindi siya nagkakamali ay si Rea iyon na nakatanggap ng batok mula kay Sese. “Hindi si Stella ‘yan! Si Ms.Scarlet yan! Parang hindi ka na inform nitong nakaraang araw ah?” Hindi niya maiwasan na mapangiti, hindi pa ‘rin nagbabago ang mga ito. Kulang ‘man sila doon dahil wala ang mga lalaki ay kita niya pa ‘rin na hindi sila nagbago. “Pwede niyo ba muna kaming iwan?” ngiti niyang sabi na ikinatango naman ng dalawa at maglilinis pa daw sila sa living room. Lumapit siya kay nanang Lili at niyakap ito pagkatapos ay sinabihan na pumunta sa bahay dahil hindi niya pwedeng sabihin doon lalo na at baka nakabantay sa kaniya si Diego at Talia. Ang hindi niya alam ay may nanonood sa kaniya mula sa CCTV, si Ace. Nakakunot ang noo nito ng makitang
HINDI makapaniwala si Stella na nasa loob pala ng silid na iyon si Lee, nalaman niya na opisina pala ito ng lalaki at sinadya ng matanda na doon pumunta upang marinig ng anak ang usapan nila. Ang kaso ay hindi naman inaasahan ni Leo ang mga ibubunyag nito. Ngayon nga ay malungkot na ang itsura nito habang nag kukwento kay Stella. “Ilang taon na ‘rin ang nakakaraan simula nang itago ko ang katotohanan na ito Stella, alam ko ang tungkol sa pagkamatay ng magulang mo.” Seryoso lamang na nakatingin si Stella kay Leo habang nakakuyom ang kamao. “Nalaman ko ang balak nila dahil ang mga Del Rosario ay matalik na kaibigan ng pamilya ko. Sabi saakin ng magulang ko na dumikit ako sa kanila, pero aksidenteng narinig ko ang plano nila. Natakot ako, hindi ako nagsumbong hanggang sa nabalitaan kong wala na ang magulang mo.” Bigla itong lumuhod mula sa kinauupuan nito at humingi ng tawad sa kaniya. “P-Patawarin mo ako hija, matagal na akong kinakain ng konsensya ko pero nawala ka nalang dito sa bay
“BAKIT ibinigay mo kay Ms.Scarlet ang lupa?” Tanong ni Eduardo kay Don Enrique nang makapasok ito sa loob ng opisina. Naupo muna ang matanda bago tuluyang sinagot ang tanong ng tauhan. “Dahil malaking halaga ang ipinatong niya sa buong lupa,” nangunot ang noo ni Eduardo dahil sa sinagot nito. “Paano si Mr.Salvador? Hindi ba’t matagal niyo nang pinaplano ang project na ito?” Tinignan siya nito. “Malaki ang parte niya sa lupa, hati kami doon. Napaka impossible na hindi siya masilaw sa Fifty Million,” gulat na napatingin si Eduardo kay Don Enrique dahil sa sinabi nitong presyo. “50M?!” nakangiti ang matanda dahil sa naging reaction niya at tumango. “See? Palay na talaga ang lumalapit saakin ngayon.” Hindi makapaniwala sa Eduardo na maglalabas ng ganong kalaking pera si Scarlet para lamang bilhin ang lupang iyon. Ngayon ay napapaisip siya kung ipinagbili ba nila ang lupa ng mga Montecarlos ay ganoong presyo din kaya ang ibibigay nito. Hindi niya maiwasang manghinala, paanong nangya