ANG pamilya Chan ay kilala bilang mga tsinong negosyante na siyang pinakang nakilala sa buong pilipinas lalo na sa maynila. Marami ang usap-usapan na noong sinaunang panahon palang ay andito na sila at naghahanap buhay, mayroon ‘din naman nan akapangasawa ang isang Chan ng mayamang Filipina kaya ito ang ginamit na pera upang magsimula ng negosyo. Naraming usap-usapan ngunit walang nakakapagpatunay, mailap ang mga Chan tungkol sa kanilang nakaraan o background ng pamilya. Kung baga wala silang kahit na anong impormasyon bukod sa mayroon silang kaisa-isang anak na lalaki na sa katunayan ay wala pang nakakakita dito. Kaakibat ng pagiging misteryoso nila ay marami ‘ding usap-usapan na kumakalat sa pagiging marahas ng mga Chan. Nariyan na sinasabi ng lahat na ang ka-negosyante nito ay pinapatay ng walang habas dahil ayaw nito na mayroong kahati sa Negosyo ngunit malaki itong kasinungalingan dahil magpahanggang ngayon ay marami pa ‘rin itong negosyo sa buong pilipinas at mayroong mga par
“TINATANONG kita Stella,” Napalunok si Stella nang muling magsalita si Ace. Nakatitig siya sa mga mata nito na punong puno ng pagtataka. Tumatambol na ‘rin ang kaniyang puso sa sobrang kaba at ‘di alam ang gagawin. Bigla nalamang siya nitong hinawakan sa magkabilang braso nang sobrang higpit. “Sumagot ka saakin, Stella.” Sa puntong iyon ay may diin na ang salita ni Ace kung kaya natauhan na siya at agad na lumayo na naging dahilan ng pagkakabitaw ni Ace sa braso niya. “Bakit tila naging interesado ka saakin ngayon, Ace?” ngising sabi niya dito. Kahit pa na kinakabahan siya sa maaaring susunod na mangyayari ay hindi niya ito pinahalata sa lalaki at nagpanggap na maayos ang lahat. “Bakit?” natatawa nitong sagot. “Dahil asawa mo ako! Dahil anak ko ‘yun!” muli siyang natigilan sa sagot nito ngunit matapos ang ilang segundo ay bigla siyang napatawa. Napakunot naman ang noo ni Ace at hindi makapaniwalang nakatingin kay Stella. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?” nagtitimpi nitong tanong.
KONSENSYA. Iyan ang nangigibabaw ngayon kay Stella dahil sa nakikita niyang reaksyon ni Ace sa kaniyang harapan. Alam niyang hindi tama na burahin niya sa lalaki ang kanilang anak ngunit nadala lang din siya ng emosyon. Marami siyang napagdaanan at sa lahat ng iyon ay wala ito, ipinagtatabuyan siya. Sa puntong iyon ay natutulad na siya kay Ace na pinapairal ang galit. “I-I’m sorry.” Tanging nasabi niya habang yakap-yakap ang lalaki. Bigla nalamang gumati ng yakap si Ace at sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Stella ang purong emosyon sa yakap na iyon. Napapikit siya kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. “Ako dapat ang mag sorry. Ang laki ng kasalanan ko sa’yo Stella. Sobrang laki, na maging ang anak natin ay nadamay sa pagkamatigas ko.” Napadilat siya dahil doon at agad na napahiwalay mula sa pagkakayakap niya dito. Tinignan siya ni Ace ng nagtataka. “M-May problema ba?” tanong nito na hindi niya ikinasagot at basta-basta nalamang na tumayo. “N-Nakaraan na iyon Ace. An
NAPATAWA nang pilit si Ace dahil sa narinig niya na tanong ng mga kaibigan. “Kahit ako ay hindi makapaniwala,” sabi niya habang muli nanamang tinungga ang bote na hawak. “Nag ka-anak kami na siyang itinanggi ko!” mas lalong naguguluhan ang dalawa dahil sa kwento ni Ace. Gustong-gusto na nilang malaman ang katotohanan. “A-Ace, ano ang nangyari, ikwento mo saamin.” Napatingin si Ace kay Lucas dahil doon at tinignan ito ng seryoso. “Gusto niyong marinig?” pagkatapos niya iyong sabihin ay napa-sinok pa ito ngunit sabay lang na tumango ang dalawa sa kaniya. “Sige iku-kwento ko,” at ikunuwento na ng ani Ace ang lahat sa dalawa. Wala siyang iniwan na detalye, lahat ay kinuwento nito sa dalawang kaibigan dahil alam niya na sila lang ang makakatulong sa kaniya ngayon. Naging malihim ‘man siyang kaibigan ngunit sinadya niya dahil hindi siya handa na ilabas ang katotohanan. Ngayon na nailabas na niya ito ay hindi lang siya handa, nagsisisi pa. Matapos marinig lahat ng dalawa ang sinabi ni A
MABILIS na inikot ni Stella ang kinalalagyan niya papunta sa shutgun seat upang pagbuksan ng pintuan ang lalaki. Alam kasi niya na wala pa ito sa sarili, andodoon pa ‘rin ang konsensya sa kaniyang isipan dahil sa ginawang kasinungalingan sa lalaki ngunit mas nangingibabaw pa ‘rin ang kagustuhan niya na itago ang anak dito. Pinagbuksan niya ito ng pinto at ngumiti sa kaniya ng pilit si Ace. “S-Salamat,” sabi nito at lumabas ng sasakyan. “Ako dapat ang gumagawa nito sa’yo.” Hindi niya pinansin ang sinabi ng lalaki at tumingin lamang sa bahay na nasa kanilang harapan. Mayroon itong dalawang palapag, simple lang ito ngunit ang desensyo nito ay katulad ng mga bahay sa ibang bansa. Makinis na makinis ang pader at mayroong kulay na gray at cream. “Nagustuhan mo ba?” napatingin siya kay Ace dahil doon at nakita niya ito na nakatingin din sa kaniya na tila nag-aalala. Napakunot ang kaniyang noo dahil doon. “Pwede na,” tanging naisagot niya na ikinabuntong hininga ni Ace. “Sabagay mas okay n
NAKAHIGA at malalim ang iniisip ni Stella. Hindi na niya muna inisip ang mga nangyari sa kanila ni Ace sa araw na iyon. Ang tanging pumapasok sa isip niya ay kung sino ang nagtatangka sa kaniyang buhay, kailangan niyang makuha lahat ng gamit na mayroon siya sa bahay nila lalo na at mayroon siyang pinakang iniingatan doon. Isa pa ang sinabi sa kaniya ni Athena, hinabilin nito sa kaniya na tulungan si Philip tungkol sa pumaslang sa pamilya nito. Kailangan niyang maka-usap si Philip upang mas mamanmanan nila ng maayos ang mga Chan, at isa pa alam niya na mayroon na itong plano at kailangan niya iyong malaman bago siya tuluyang gumawa ng aksyon. Sa gitna ng kaniyang pag-iisip ay biglang tumunog ang kaniyang telepono at pagtingin niya dito ay nakita niyang si Ava ang caller. Nanlaki ang mata niya dahil doon lalo na ng makitang alasingko na pala ng umaga, malamang na anak niya ang tumatawag sa kaniya. Inayos niya ang sarili at boses pagkatapos ay sinagot ito. “Mommy! I miss you po!” napa
NAPATINGIN sa relo niya si Stella habang nakasakay sa grab na kaniyang bi-nook kanina. Ilang minuto nalang at mag a-alas otso na ng umaga. Hindi naman siya nagmamadali ngunit kailangan maabutan niya si Philip sa opisina, baka kasi mayroon itong ibang meetings at hindi niya pa ito makausap ng personal. Ilang minuto lang ang lumipas at nagpababa na si Stella sa isang kanto kung saan malapit na doon ang kanilang agency. Hindi kasi siya pwedeng derektang sa daan papunta sa agency ang baba niya, baka mayroon pang manghinala. “Ito po bayad,” pagkababa niya sa kotse ay inantay niya muna na makaalis ang sinakyan niya bago tuluyang naglakad papunta sa passage sa pinakang agency nila. Hindi pwede na mai-sapubliko ang kanilang agency ngunit mayroong mga permit ang kanilang agency, ibig sabihil legal ang kanilang ginagawang pagpatay. Although hindi lantaran na inilahad na ganoon ang kanilang trabaho ngunit lisensyado silang tumanggap ng trabaho mula sa kanilang mga kleyante at mayroong kontrat
NAKATAYO si Stella sa labas ng opisina ni Philip dahil kusa na siyang lumabas matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Philip. Naiitindihan niya ang nararamdaman ng lalaki ngunit bumalik sa kaniyang ala-ala ang pagpapahirap na naransan niya sa mga Del Rosario. Wala namang nawala sa kaniya ngunit ang sitwasyon ni Philip ay lahat nawala. “Hindi ko hahayaan na mawalan ng silbi ang pagpapatayo niyo ng agency, alam ko na may tiwala saakin si mama kaya niya saakin sinabi ito.” Pagkasabi niya niyon ay agad na siyang naglakad paalis sa lugar na iyon at sumakay sa elevator. “Babalik ako dito sa gabi para hanapin ang impormasyon na kailangan ko.” seryoso niyang sabi at dumaan sa pinakang likod ng agency. *** “ANONG nangyari?” Bungad na sabi ni Harris at Lucas kay Ace ng makalabas ito ng bar. “Lumapit kayo saakin at bubugbugin ko kayo,” agad na napatakbo ang dalawa sa sasakyan ng mga ito. “Dapat lang sa’yo ‘yan pre! Pinahirapan mo kami kagabi!” nakita niya na sabay na sumakay ang mga ito
“D-DITO Faith, umakyat ka bilis!” hinihingal na sabi ni Stella kay Faith nang dalhin niya ito sa likod nang Falls kung saan silang dalawa lang ni Ace ang nakaka-alam. Umuubo pa si Faith ng makaakyat sa kweba habang si Stella ay hindi na magawang maka-akyat pa dahil sa tama ng bala.“S-Stella! Halika tutulungan kita!” nang matauhan si Faith ay tinulungan niya ito at nakita nila ang gown niyang nababalutan pa ‘rin ng dugo dahil hindi ito tumitigil sa pag-agos. “K-Kailangan ko ng panali, punitin mo pa ang laylayan ng gown ko.” utos ni Stella sa kaibigan na ikinatango naman ni Faith.Si Faith na ‘rin ang nagtali niyon sa kaniya habang nakapikit ito at tila nanghihina na. “S-Stella, ‘wag mo akong iiwan ah! ‘Wag kang mawawala!” natatakot na sabi ni Faith na ikinatango ni Stella. “A-Ano ka ba, isang tama lang ‘to ng bala.” Natatawang sabi ni Stella.“Pero napuruhan ka kanina! Pagod na ang katawan mo!” tama si Faith, nararamdaman niya ano ‘mang oras ay babagsak na siya. Hindi kinaya ng katawan
“TANDAAN mo wife, wag kang kikilos hanggat hindi pa kami nakakapasok maliwanag?” seryosong sabi ni Ace sa earpiece kung saan lang sila maaaring mag-usap. Nag-aayos si Stella sa loob ng kaniyang sasakyan bago bumaba sa harapan ng mansion ng mga Del Rosario. Mayroong mga bantay sa gate ngunit pinapasok siya nito ibig sabihin siya ang target ni Eduardo at inaantay siya nito. Samantalang sila Ace naman ay nasa loob ng van kung saan nakakonnect sa kanilang dalang laptop ang mga CCTV sa loob na na-hack ni Diego. “’Wag kang mag-alala Alas, ayos lang ako. Bababa na ako,” mas naging seryoso ang nasa loob ng van, andoon si Ace, Lucas, Harris, Theo at Ellias. Sila ang may kakayanang lumaban kung kaya minabuti nilang sila nalamang ang papasok sa loob. Marami silang dalang mga baril at ilang armas para sa magaganap na labanan dahil nga sa plano nila ay naihanda nila ang lahat ng ito. Nasabihan na nila si Philip at siguradong papunta na nag mga ito ngayon upang tulungan sila kay Eduardo. Kit
BIGLANG inihampas ni Eduardo ang baril na hawak kay Don Enrique na ikinabagsak nito sa sahig. Napalingon si Talia dahil sa narinig at lalong mapaiyak ng makita ang amang nakabulagta sa sahig. “A-Anong ginagawa mo?!” sigaw nito ngunit naging maagap ‘din si Eduardo at hinampas din niya dito ang baril. Inis na inis na napatingin si Eduardo sa mga nakabuglatng katawan sa sahig. Dalawang tao nalang ang hawak niya, naisip niya si Diego. Aalis na sana siya doon upang sabihana ng tauhan niya na kunin ang katawan ni Don Enrique at Talia pero napahinto siya ng makita si Elise sa pinto ng dirty kitchen na tulalang nakatingin sa mga nakabulagtang katawan. “A-Anong nangyari?” tanong nito at napatingin sa kaniya kung saan napaatras dahil nakita niya ang hawak na baril ni Eduardo. Agad na tumalikod si Elise upang tumakbo at humingi ng tulong ngunit hindi nagdalawang isip si Eduardo na paputukan ito at maya-maya pa’y bumagsak na ‘rin ito sa sahig. “Sisigaw ka pang maingay ka,” inis nasabi ni Edu
TAHIMIK na lumabas si oliver at nanang Lili upang pumunta sa may sulok na parte ng Hacienda Del Rosario kung saan mayroong daan papunta sa pinakang main road. Habang palingon lingon ang dalawa ay hindi nila napansin si Eduardo na galing sa may kwardra kung saan nakita sila nitong parang nagmamasid. Napakunot ang noo ni Eduardo dahil doon at sinundan ang dalawa ng palihim. Nang makalabas ang mga ito ay agad siyang nagtago sa may mayayabong na halaman at mula doon ay nakita niyang pumasok ang dalawa sa isang tinted na sasakyan kung saan hindi iyon familiar sa kaniya maging ang plate number. Nagtataka ‘man ay agad siyang pumunta sa sasakyan at sinundan ang mga ito. May kutob siya na mayroong gagawin na kakaiba ang dalawa, alam niya na matagal nang katulong si nanant Lili doon na mas bata kay Don Enrique ngunit nakakapagtaka na pumuslit ang dalawa sa isang tagong daan. Inabot ng halos kalahating oras ang byahe nila at maya-maya pa’y pumasok ito sa isang bahay na malaki at purong puti
“SIGURADO ka ba sa gagawin mo Stella?” Alalang tanong ni Theo habang nasa loob sila ng kotse, si Vanessa ay muling iwan sa bahay dahil busy pa ito. Pinatawag siya ni Don Enrique para sa saluhan sila sa lunch ngunit iba ang plano niya na ikinababahala ni Theo. “Magtiwala ka saakin Theo, makakalabas ako mamaya at sa oras na makalabas ako ay doon magsisimula ang gera.” Napabuntong hininga na si Theo dahil doon. Alam niyang malamang sa mga oras na ito ay alam na ng mga kaibigan nila na siya sa Stella. Sa oras na malaman nila na siya si Stella ay hindi na nila kakayanin pang magpanggap kung kaya siya na magsisimula ng gulo. Huminto sila sa tapat ng masion at lumingon si Theo, “Mag-iingat ka, mapapatay talaga ako ni Ace kapag hindi!” ngumiti si Stella at tumango. Hinanda ni Stella ang sarili bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Sinalubong siya ng mga tauhan at hinatid siya papunta sa lugar kung saan sila kakain ng tanghalian. “Ms.Scarlet!” nakangiting bati ni Don Enrique at nagsitayuan
“ACE!” Napatingin siya sa hagdan at nakita niyang pababa doon sila Lucas, Harris at Ellias. “May problema tayo! Pero teka bakit basa ka?” tanong ni Lucas na ikinailing nalamang niya. “Nothing, naulanan lang ako. Anong problema natin?” tanong niya na muling ikinaalala nila sa nangyayari. “Wala na tayong access sa CCTV! Mukang nahalata ni Eduardo na nahacked natin sila!” nangunot ang noon ni Ace dahil doon ngunit masyado nang masakit ang ulo niya para isipan pa ito. “Mag-uuspa tayo bukas, sa ngayon hayaan niyo muna akong mag-isip.” Nagkatinginan ang mga ito ng dali-daling umakyat sa taas si Ace habang si Faith na nakasalubong nito ay nagtataka ng hindi siya pinansin ng kuya. “Anong nangyari kay Kuya? Inaway niyo ba?” tanong nito sa tatlo na agad nilang ikinailing. Hinayaan nalang nila ito at nagluto ng makakain lalo na at malamig dahil umulan. *** Tulalang nakatingin si Stella sa labas ng bintana sa sala, nakaligo na siya at nakapag-ayos ng sarili kaya naisipan niyang pumunta s
“MAAARI ko ho ba kayong makausap nanang Lili?” Napatingin ang mga katulong sa pagpasok ni Stella sa dirty kitchen kung saan andoon ang kanilang pwesto ng dining noong tumira siya sa mg Del Rosario. “Stella!” napatingin siya sa tumawag sa kaniya, kung hindi siya nagkakamali ay si Rea iyon na nakatanggap ng batok mula kay Sese. “Hindi si Stella ‘yan! Si Ms.Scarlet yan! Parang hindi ka na inform nitong nakaraang araw ah?” Hindi niya maiwasan na mapangiti, hindi pa ‘rin nagbabago ang mga ito. Kulang ‘man sila doon dahil wala ang mga lalaki ay kita niya pa ‘rin na hindi sila nagbago. “Pwede niyo ba muna kaming iwan?” ngiti niyang sabi na ikinatango naman ng dalawa at maglilinis pa daw sila sa living room. Lumapit siya kay nanang Lili at niyakap ito pagkatapos ay sinabihan na pumunta sa bahay dahil hindi niya pwedeng sabihin doon lalo na at baka nakabantay sa kaniya si Diego at Talia. Ang hindi niya alam ay may nanonood sa kaniya mula sa CCTV, si Ace. Nakakunot ang noo nito ng makitang
HINDI makapaniwala si Stella na nasa loob pala ng silid na iyon si Lee, nalaman niya na opisina pala ito ng lalaki at sinadya ng matanda na doon pumunta upang marinig ng anak ang usapan nila. Ang kaso ay hindi naman inaasahan ni Leo ang mga ibubunyag nito. Ngayon nga ay malungkot na ang itsura nito habang nag kukwento kay Stella. “Ilang taon na ‘rin ang nakakaraan simula nang itago ko ang katotohanan na ito Stella, alam ko ang tungkol sa pagkamatay ng magulang mo.” Seryoso lamang na nakatingin si Stella kay Leo habang nakakuyom ang kamao. “Nalaman ko ang balak nila dahil ang mga Del Rosario ay matalik na kaibigan ng pamilya ko. Sabi saakin ng magulang ko na dumikit ako sa kanila, pero aksidenteng narinig ko ang plano nila. Natakot ako, hindi ako nagsumbong hanggang sa nabalitaan kong wala na ang magulang mo.” Bigla itong lumuhod mula sa kinauupuan nito at humingi ng tawad sa kaniya. “P-Patawarin mo ako hija, matagal na akong kinakain ng konsensya ko pero nawala ka nalang dito sa bay
“BAKIT ibinigay mo kay Ms.Scarlet ang lupa?” Tanong ni Eduardo kay Don Enrique nang makapasok ito sa loob ng opisina. Naupo muna ang matanda bago tuluyang sinagot ang tanong ng tauhan. “Dahil malaking halaga ang ipinatong niya sa buong lupa,” nangunot ang noo ni Eduardo dahil sa sinagot nito. “Paano si Mr.Salvador? Hindi ba’t matagal niyo nang pinaplano ang project na ito?” Tinignan siya nito. “Malaki ang parte niya sa lupa, hati kami doon. Napaka impossible na hindi siya masilaw sa Fifty Million,” gulat na napatingin si Eduardo kay Don Enrique dahil sa sinabi nitong presyo. “50M?!” nakangiti ang matanda dahil sa naging reaction niya at tumango. “See? Palay na talaga ang lumalapit saakin ngayon.” Hindi makapaniwala sa Eduardo na maglalabas ng ganong kalaking pera si Scarlet para lamang bilhin ang lupang iyon. Ngayon ay napapaisip siya kung ipinagbili ba nila ang lupa ng mga Montecarlos ay ganoong presyo din kaya ang ibibigay nito. Hindi niya maiwasang manghinala, paanong nangya