Narinig siya ni Mark at agad na tumingin sa kanila. Parang gusto na lang mamatay ni Arianne sa puntong ito. "Nandito na si Mark!"Napagtanto ni Tiffany ang kanyang kabobohan at ibinaba ang kanyang ulo, nananahimik na lang siya. Lumapit sa kanila si Mark at tinitigan sila ng may pilit na ngiti. "Alam niyo talaga kung paano mag-enjoy. Hihilingin ko ba kay Jackson na personal na magluto ng pagkain para sa inyo?"Pinisil ni Arianne ang tainga nang marinig ito at bumulong, “Hindi na. Akala ko ba sa loob ng dalawang araw ka pa makakauwi?"Umupo siya sa tapat mismo ng mga babae. "Iyon ang plano, pero pinahinto ako sa trabaho ng pagmamaktol mo. Kaya kailangan kong umuwi ng maaga. Pwede ba nating pag-usapan kung ano ang kinakagalit mo ngayon?"Inilabas ni Tiffany ang screenshot na nai-save niya sa kanyang cellphone at ipinakita ito sa kanya. "Tingnan mo. Tingnan mo mismo!"Ang mga mata ni Mark ay lumubog nang makita ang update na nai-post ni Aery sa social media. “Nagkataon lang na nagkita
Wala nang gana si Arianne na tumawa sa puntong ito. "Sige, sige. Sa susunod, kung mayroon kang gustong kainin, sabihin mo lang sa akin. Dadalhin kita dito. Kailangan kong umuwi ngayon. Bubungangaan ako ni Mark kung uuwi ako ng late."Napansin ni Tiffany ang isang taxi na nagmamaneho papunta sa kanila sa hindi masyadong kalayuan at itinaas ang kanyang kamay upang parahin ito. "Sige na. Mauna ka nang umuwi."…Sa White Water Bay Villa.Naninigarilyo si Mark dahil sa pagkabigo, sunod-sunod na inubos ang kanyang mga sigarilyo na para bang wala siyang balak tumigil.Hindi mapigilan ni Jackson ang pagbukas ng isang bintana para sa bentilasyon. "Anong nangyayari?"Naglabas si Mark ng isang file mula sa kanyang briefcase. "Tingnan mo. May nagse-set up sa akin."Nag-ilaw din si Jackson ng sigarilyo pagkatapos ay binasa ang mga papeles. "F*ck!" hindi niya napigilan na magmura, "Sino ang may mga itlog na gawin ito? Malinaw ang gusto niyang gawin; ikaw ang gusto niyang sirain. Nagawa niyang
Wala na agad si Mark ng maaga kinabukasan. Si Arianne ay nakaramdam ng inis dahil kay George Levin. Nang siya ay bumaba para mag-agahan, si Mary ay lumapit at nagsimulang magbunganga. “Ari, nag-away ba kayo ulit ni G. Tremont? Kagagaling lamang niya sa kanyang biyahe sa negosyo kagabi, at mukhang nababagabag siya noong umalis siya kaninang umaga. Para kang malungkot."Umiling si Arianne, "Hindi ako nakipag-away sa kanya. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya. Masama lang ang pakiramdam ko, pero wala itong kinalaman sa kanya. Huwag kang mag alala, Mary. Busy lang ako ngayon. Kailangan kong mag-overtime sa mga susunod na araw dahil hindi ako nag-overtime dati. Paki-asikaso na lang at bantayan si Rice Ball para sa akin.”Napabuntong hininga si Mary. "Masaya ako na hindi kayo nag-aaway. Huwag kang mag alala. Si Rice Ball ay kumakain ng mas mahusay kaysa sa akin. Pinapayagan kong subukan niya ang bawat masarap na pagkain sa bahay na gusto nito. Mataba na siya ngayon at ang tummy nito ay
Ang tatay ni Eric ay malakas na hinampas ang kanyang tungkod. “Binibigyan mo ba ako ng parenting advice? Eric, hindi mo dapat dalhin ang iyong walang kwentang mga kaibigan sa kumpanya. Hindi mo magagawang ma-manage ito sa ganoong paraan. Nagdesisyon na ako. Bibigyan kita ng isang linggo para ibigay ang Glide Design sayong pangalawang kapatid!"Ang mga kamay ni Eric ay naging mga kamao. "Bakit ko ito ibibigay sa kanya?"“Kasi tatay mo ako! Kahit anong sabihin ko, masusunod ito. Gawin mo ang sinabi ko. Kung hindi ka masaya, pwede ka nang umalis sa pamilyang Nathaniel!" Si Mr. Nathaniel ay galit na galit na ang kanyang matandang mukha ay namula mula sa galit.Bigla namang naalala ni Arianne si Helen. Kahit na si Helen ay hindi mapanakit sa kanya, pinili nito sina Jean at Aery at inabandona siya. Masaya pa si Aery sa lahat ng wala siya. Galit siya sa mga magulang niya na tulad nito. Nag-apoy ang kanyang puso sa galit habang sinasabi niya, “Mr. Nathaniel, sinasabi mo ba na ang asawa ko n
Biglang tumawa si Eric. "Okay lang. Mula ngayon, wala akong kinalaman sa mga Nathaniel. Narinig ko na ang aking pinakamatandang kapatid na lalaki ay sinusubukan na kumbinsihin si Mark na makipagtulungan sa kanya. Alam mo bang hindi pumayag dito si Mark? Dahil ang asawa ni Mark ay nandito ngayon, hayaan mo akong linawin ito sayo; kalimutan niyo nang lahat ang paggawa ng relasyon kay Mark Tremont. Habang nandito ako, hindi ito mangyayari! Ang mga kita ay maaaring maging mahalaga kay Mark, pero hindi ito kasing halaga ng pagkakaibigan. Kung hindi ka naniniwala sa akin, subukan mo!"Napatingin si Mr. Nathaniel kay Eric bago ibinaling ang tingin niya kay Arianne. Walang makapagsabi kung ano ang iniisip niya. Sa huli, nanatili siyang tahimik at umalis.Napabuntong hininga si Arianne. Natakot talaga siya. Natatakot siya na hindi lang saktan ni Mr. Nathaniel si Eric, ngunit papatayin din niya ito. Iyon ang dahilan kung bakit binanggit niya si Mark simula pa lang. Mukhang napaka-epektibo ng p
Ang tahanan ng pamilyang Nathaniel.Tumawag si Mr. Nathaniel para sa isang meeting ng pamilya nang siya ay dumating sa bahay. Naturally, hindi inimbitahan si Eric.Ang lahat ng gustonv makinabang mula kay Mr. Nathaniel ay natural na kailangang lumapit sa kanya bago pa siya mamatay.Dumating na ang kanyang panganay at pangalawang anak na lalaki. Hinila din ng dalawang magkapatid ang mga miyembro ng kanilang pamilya. Ang kanyang anak na babae na bagong kasal lamang ang hindi dumalo sa meeting."Bakit mo kami pinapunta ng mabilis dito, pa?" Ang kanyang pangalawang anak na lalaki ay medyo naguluhan dahil ang meeting ay nakagambala sa kanyang kasiyahan. Gayunpaman, hindi niya ipinakita ang kanyang inis na nararamdaman.Masungit na sumagot si Mr. Nathaniel, "Hindi ko inaasahan na may koneksyon pala si Eric kay Mark Tremont. Bukod pa dito, mabuting magkaibigan sila. Ang asawa ni Mark ay isang designer din sa kumpanya. Mali ang pagkalkula ko sa oras na ito. Hindi ko alam kung sinusubukan
Walang nakakaalam kung ano ang ibig niyang sabihin. Ang asawa ng panganay na anak ay hindi makatiis sa mga kasuklam-suklam na pamamaraan ng kanyang hipag kaya sinungungitan niya ito, "Huwag mong isama dito ang iyong hindi magandang mga pamamaraan. Sa huli, magiging uhaw at baliw tayo sa pera kung ginawa natin 'yon."Ang asawa ng pangalawang anak ay tumingin sa kanya, "Anong sinasabi mo? Anong hindi magandang pamamaraan? Suggestion kong kumbinsihin natin ang asawa ni Mark na magtaksil kay Eric. Sa oras na iyon, siguradong mapuputol ni Eric ang relasyon niya kay Mark. Kung may problema si Eric sa asawa ni Mark, tiyak na magkakaroon ng problema sa kanya si Mark. Sa oras na iyon, maaari nating samantalahin ito para maayos ang mga bagay at akitin si Mark sa panig natin. Sigurado akong hindi ibabalewala ni Mark ang pakikipag trabaho sa atin para makapaghiganti kay Eric!"Nagningning ang mga mata ng panganay na anak. "Pa, sa palagay ko hindi magandang ideya 'yon. Nasa Glide pa rin si Lily.
Sa sandaling ito, naintindihan niya na si Mark ay naging mahalaga sa kanya tulad ng isang miyembro ng pamilya. Tuwing nasa paligid siya, ang Tremont mansion ay mabubuhay. Ayaw ni Arianne na umuwi sa isang bahay na walang buhay. Mas naging nakakapagod ang mahabang araw na ito para sa kanya.Si Rice Ball ay umungol at umakyat sa kanyang mga braso. Ngumiti si Arianne at dinala ito sa itaas. "Pupunta ako sa taas para maligo at matulog. Naging busy talaga ako ngayon. Pasensya na dahil hindi kita nagawang alagaan."Sumagot sa kanya ang Rice Ball, na parang nagmamakaawa sa kanya.Sa oras na siya ay lumabas mula sa shower, nakatulog na si Rice Ball sa kumot sa sulok ng kama. Hindi niya kayang gisingin nito kaya hinayaan niya na lang ito. Maingat siyang pumasok sa kumot at nakatulog.Matapos ang ilang oras na lumipas, nagising siya mula sa kanyang panaginip dahil sa biglang hiyaw ni Rice Ball. Binuksan niya ang mga ilaw sa sobrang gulat. Parehong malinaw na nagulat dito sina Mark at Rice Ba