Sana may nagandahan sa story na ito kahit medyo heavy ang drama haha
Nakita ko si Atasha na umiiyak habang dala ang maleta niya. Naaawa ako sa kaniya dahil masiyado pa siyang bata para maranasan ito. Pinanood ko siya mula sa bintana na hila-hila ang maleta niyang de gulong. Napabuntong hininga ako dahil hindi ako natutuwa sa nangyayari. Siya lang ang naparusahan at hindi man lang nabuko si dad. Nakasunod ang paningin ko sa kaniya at sa may hindi kalayuan, may nakita akong dalawang bubuyog na kumakaway sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita si Axcl at sa tabi niya ay ang nakabusangot na si Shawn. Nanlalaki ang mata ko habang nagmamadaling bumaba para makalabas ng bahay. Mabuti at wala sila mommy. Hindi ko alam saan sila nagtungo. "Anong ginagawa niyong dalawa?" kinakabahang ani ko nang makarating ako sa harapan nila at hinila sila palayo sa bahay namin. "Ito kasing si Axcl e ayaw makinig," naiinis na sabi ni Shawn. Sa itsura niya parang hindi niya gustong narito siya sa tabi namin. Natatawa kong kinurot si Axcl. "Dinamay mo lang yata si Shawn d
"This is Elaine. Please take care of Sua.. Masaya akong maayos na ang kalagayan mo ngayon," literal akong napanganga habang sa nabasa kong letter na dala ni Sua. "Woah. Is she a psycho?" sabi ni Shawn matapos mabasa ang letter. "Bakit niya iiwan sa inyo ang pamangkin niya?" ani ni Shawn. Tumingin ako kay Sua, hindi ko rin alam bakit siya iniwan ni Elaine sa amin. "Sua, can you tell me bakit mommy at daddy ang tawag mo sa amin?" Kumunot ang noo niya at lumingon sa amin sa amin ni Axcl. "Because I am your daughter mommy," Tumingin ako kay Axcl, naguguluhan. "Nabuntis mo ba ako noon?" "Nabuntis ba kita?" tanong rin niya pabalik, tila naguguluhan sa nangyayari. "Hoy little sister, nabuntis ka ni Axcl?" tanong rin ni Shawn. "Bakit ako ang tinatanong niyo? Hindi ko alam!" "Sino ba dapat ang tatanungin e kayo ang gumagawa ng milagro," napipikon na sabi ni Shawn sa amin. "Sua, can you tell us bakit sigurado kang kami ang mommy at daddy mo?" "Picture po daddty, I have a picture of
Habang naglalakad ako pauwi ng bahay, nakita ko si Avo. Nagulat pa siya na makita ako sa labas ng bahay ganitong oras ng gabi. “Bakit nasa labas ka pa?” “Ah—naabutan ng dilim kakagala,” Kumunot ang noo niya at imbes na baliktad na kami ng lalakarin dahil mukhang kakagaling niya ng bahay, nakita kong umikot siya at sinabayan ako papuntang bahay. Kumunot ang noo ko at tinignan siya. “Bakit?” takang tanong ko. “Samahan na kita kasi gabi na,” Andami kong gustong sabihin kay Avo gaya ng bakit sila na ni Wilyn? Na fall siya sa impaktang kapatid ko? Pero dahil wala naman siyang alam may naaalala ako, pinili ko nalang tumahimik. “Ah—Anda, wala ka pa bang naaalala talaga?” Nakakakonsensya pero umiling ako. “Wala pa e,” Ngumuso siya at napakamot na lamang sa ulo niya. “Alam mo ba ang tawag mo sa akin ay Avo?” Alam ko. “Talaga? Hindi,” “Oo kasi nahahabaan ka sa Sharfvon,” natatawang sabi niya. Ngumiti ako no’ng naalala ang moments namin dalawa. “Wala ka ba no’ng kasal ko?” I didn’t se
SHAWN “Daddy, look, I made you a star!” “Wow, is that for me?” Ngumiwi ang mukha ko when my friend dramatically covered his mouth as if he was delighted by his daughter surprise for him. Gago. Kanina pa ako nasusuka sa mukha niya.. Pagkagising pa lang, wala na siyang ibang ginawa kun’di magpa-baby din habang kausap si Sua. “What’s with your face?”natatawang tanong ni Milan nang makita niya sa monitor ang mukha kong naiinis na sa kaibigan namin. “Stop talking to me. I had enough of this guy,” Tumawa si Milan at naiinis na kinagat ko naman ang smoked tuna. “He really looked like a dad now,” natatawang saad ni Milan. Tumingin ulit ako sa gawi ni Axcl, nakakandong na sa kaniya ngayon si Sua at nag-uusap ang dalawa na para bang silang dalawa lang sa mundo. “Do you think, it’s their daughter?” nagkibit balikat ako. “I’m not sure dahil hindi nagtutugma ang timeline sa katauhan ni Sua at sa hiwalayan nila pero kung titignan, hawig ni Sua si Andania kaya pwede,” “Yeah. Malaki ang po
ANDANIA"Ayos lang ba si Shawn, Axcl?" tanong ko kay Axcl."Yeah. Why did you ask?" tanong niya habang buhat buhat niya si Sua."Wala naman. Naitanong ko lang." Ang sabi ko habang nakatingin kay Sua na kung anu-ano ang itinuturo kay Axcl."Papa, bili tayo ng dolls," sabi nito"Alright alright..." iniispoiled siya ni Axcl. "Yeeeey! Thank you papa!" Agad itong pumalakpak. Ako naman ay pinagkunutan siya ng noo. "Stop spoiling her, Axcl," "I'm not. Hindi naman mahal ang tinuturo niya," napatitig ako sa kaniya. Hindi daw. Kanina ko pa kaya siya napapansin na lahat gustong pabilhin ni Sua ay binibili niya. "Momma, are you mad?" Napatingin ako kay Sua at natawa. I pinched her nose. Mommy, mama, at momma, ang napapansin kong tinatawag niya sa akin. "Bakit naman magagalit si mommy sa'yo?" "Kasi pabili ako nang pabili kay papa," Ngumiti ako at umiling. "Impossible yatang magalit si mama sa'yo anak. You're so adorable and cute. Mama cannot resist your charm," Tumingin siya sa akin. "R
“Don’t do that again,” kunot noong sabi ni Axcl nang pasakay na kami ng sasakyan. “Do what po papa?” Tumingin ako kay Sua. “Huwag kayo lumayo ni mama kay papa. Muntik na akong atakihin kakahanap sa inyo kanina. This place is too crowded. Paano kung napahamak kayo ni mama?” Lumabi ako. “Hindi naman kami mapapahamak-" “I lose you once, I won’t let that happen again.” Seryosong sabi niya na nagpatahimik sa akin. Binalingan niya si Sua. “Especially now that we have a daughter,” Tumingin ako kay Sua. He’s so sure that Sua is our daughter, paano kung hindi? But Sua is fond of us now. She’s certain we are her parents at hindi ko rin maatim sa sarili ko na hindi siya tanggapin. Kahit kahapon pa lang siya sa amin, sobra na kaming attach sa kaniya lalo na si Axcl. Sumakay kami sa sasakyan ni Shawn. Nasa akin si Sua nakakandong pero ang attention ni Axcl nasa bata. “Talaga? Gusto mong ma-try ang Disney Land?” “Opo papa, Can we go there with mama?” Tumingin si Axcl sa akin at ngumiti.
“Bye, papa,” ang sabi ni Sua matapos kaming haIikan ni Axcl sa noo at haIikan ako sa labi. “Bye princess,” si Axcl at nag-aalala na namang bumaling sa akin. Tumingin lang ako kay Shawn na nasa unahan at tumango. Lumabas na kami ni Sua at pumasok sa loob dala ang gamit niya. Sa sala palang, kumpleto ang pamilya ko. Nakatingin sila kay Sua at nagsinghapan. “May anak ka nga,” sabi ni lola. Tumingin si Sua sa akin at nang makita na tumango ako, agad siyang lumapit sa mga tao sa harapan para magmano. “Hello po, ako po si Sua,” Napasinghap sila ulit. Again, Sua really looked like me. Para siyang mini version ko kaya hindi na ako magtataka kung ang iniisip nila agad ay anak ko si Sua. Tumingin ako kay manang. “Manang, pakidala ang anak ko sa kwarto ko. Samahan niyo po muna siya doon,” Tumango si manang at inakay ang anak ko sa kwarto. Nang mawala sila sa paningin namin, agad akong tinadtad ng tanong ng pamilya ko. “Paano mo nakilala ang batang iyon? Anak mo ba iyon? Kailan pa?” lo
“Axcl?”“Yes Sharfvon. Bakit? Kilala mo ba si Axcl? Hindi ba sabi mo magkaibigan tayo? Naikwento ko ba siya sa ‘yo? Anong relasyon meron kami dati?”“ANDA!” Si Wilyn, na galit na nakatingin sa akin.“What? I’m just asking your boyfriend. May mali ba doon?”“Stop asking him that then, you’re making him feel uncomfortable. Ano bang malay ng fiancé ko sa buhay mo?”Tinaasan ko siya ng kilay at bumaling kay Avo. “Did I make you uncomfortable?” hindi sumagot si Avo sa akin, nakatitig lang siya sa akin.“If yes, then I’m sorry…” Ang sabi ko.“Kung hindi mo kilala si Axcl then maybe we’re not close enough para sabihan ko sa buhay ko,” I’m trapping him.“That’s not true, Andania,” seryosong sabi niya.“Hon, don’t start it,” si Wilyn na ayaw pagsalitain si Avo.“I knew Axcl. He’s your boyfriend,” ang sabi niya. Lumingon ako kay mommy at nakita siyang nagbaba nang tingin sa plato niya.She said last night na hindi ko boyfriend si Axcl.Tumango ako kay Sharfvon at hinila na siya ni Wilyn palay
Sua, in her last day as college student.Nakatanga ako sa kawalan habang nakatingin sa labas ng kwarto ko. Sa susunod na araw na ang graduation day namin.“Ate, kailan uuwi si kuya Sandro dito? Bakit wala siya kahapon?” napatingin ako kay Blue na bigla nalang pumasok sa loob ng kwarto ko na walang preno-preno.“May trabaho pa ang kuya mo,” sabi ko at napabuntong hininga.“E ikaw ate bakit nasa bahay ka lang? Saka bakit nag-aaral ka pa rin habang si kuya e may work na. Repeater ka ba?” natawa ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.“5 years ang kursong kinuha ko habang sa kuya Sandro mo e apat lang.” Hindi ko alam kung e pu-pursue pa ba niya ang archi at post grad level o hindi e.Pero kasi katatapos lang ng practical work experience niya so sinabi ko sa kaniya na magpahinga muna siya. Pero ayaw naman siyang pakawalan ng boss niya for he’s good at his work.Batang bata pa lang e pinag-aagawan na. Nakakaproud ang baby ko na yan.Kaya heto at may inoffer na project na hindi pa tapos.
SUALumabas ako ng bahay nang magising ako at wala si mama. Hindi ko alam kung nakauwi ba si papa kasi hindi ko siya nakita kagabi.Pero nagulat ako ng makita si tito Shawn sa labas at naglalaro sila ni Blue ng bola.“Tito?” gulat na sabi ko.“Good morning, baby.” Tito said at ngumiti sa akin.“Dito kayo natulog, tito?” tanong ko. Tumango siya at sinabing, oo.Sunod ko namang hinanap ay si mama. “Nasaan po si mama?”“I’m here. Bakit?” Napatingin ako sa likuran at nakita ko siyang may hawak na flower pot.“Hindi po ba umuwi si papa, mama?” tanong ko. Gusto ko kasi siyang makita. Hindi rin ako mapakali na hindi makita si papa o marinig ang boses niya.“Nakauwi na siya kagabi. Pinabili ko lang ng cake.”Kumunot ang noo ko, nagtataka bakit nagpapabili si mama ng cake. Pero hindi na ako nagtanong. Lumapit nalang ako kay Blue at hinaIikan ang kapatid ko sa noo na amoy baby powder.Malungkot pa rin ang puso ko pero hindi ko alam bakit na parang hindi na galit si mama sa akin tungkol kay Sandr
ANDANIA“So this is what it feels to have a daughter that looks exactly like you.” Napatingin ako kay Axcl na nakatingin ngayon kay Sua.Pumasok siya sa kwarto kung saan mahimbing ng natutulog si Sua.“I can’t look at her because she reminded me of you. Natatandaan ko ang mukha mo noon na umiiyak dahil palagi tayong pinaghihigpitan ni Geneva.”Oo. Natatandaan ko nga ang mga panahong yun.“I didn’t expect her to fall in love with Bil’s son. Hindi ko nga alam na may anak pala si Bil. Anong gagawin natin, Axcl?” tanong ko.“I booked a ticket. Babalik ako kina Fatima kasama ni Shawn.”“Anong gagawin mo?” mahinahong tanong ko.“I can’t bear to see our little Sua being like this,” lumapit si Axcl sa akin at niyakap ako.Lumandas ang luha sa mata niya bagay na ikinatigil ko. He’s crying and it’s heartbreaking seeing my husband looking hurt.“It was her first time na magdemand sa atin ng ganito. She has been behaved, composed and calmed. We didn’t ask what she wanted. Hindi rin naman siya nagd
“Uuwi na tayo,” pinal na sabi ni papa na para bang hindi narinig ang sinabi ni tita Fatima.Kinuha ni papa ang kamay ko pero humawak ako sa braso ni Sandro.“Sua!” Sumigaw na si mama sa ginawa ko.Nang bitawan ni papa ang kamay ko, agad akong yumakap kay Sandro. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya.“Huwag mo ‘kong ibigay kay papa, please…” Sabi ko, humagolgol.Naramdaman ko ring niyakap ako ni Sandro, tila gusto akong ipagdamot sa lahat.“Sir please…” Pagmamakaawa ni Sandro. “Give me a chance,” iyon ang sinasabi niya.“Let go of my daughter o ipapakulong kita!”“AXCL!” React ni tita Fatima. “Bakit mo ipapakulong si Sandro?”“He kidnapped Sua!”“Kidnap? Hindi mo ba nakita na sumama ang anak mo ng kusa sa kaniya? Ayaw nga niyang bumitaw. Matatawag mong kidnapping ito?”“Still, dinala niya si Sua sa property niya. This is kidnapping.” Sabi ni tito Shawn at pinalapit sa amin ang mga pulis.Agad nilang hinila si Sandro palayo sa akin. Natakot ako ng husto. “Huwag!” Sigaw ko. “Bitawan ni
Matapos naming kumain, naligo ako una. May binili si Sandro na damit namin pero isang piraso lang. Mabuti nalang din bumili siya, kasi hindi ako nagdala ng kahit na anong damit kanina.Matapos naming makaligo, inaya niya ako na pumunta ng dagat. Pumayag ako lalo’t nasa tapat lang yun ng bahay.“Ang hangin,” natatawa kong sabi ng isayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.“Gusto ko kapag graduate na tayo, may bahay tayo sa tabing dagat.” Sabi ko sa kaniya at lumingon para makita ang reaction niya.Nakatitig lang pala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ay dinala sa labi niya.“Ang ganda mo,” out of nowhere na komento niya. Parang lahat ng sa akin, para sa kaniya ay maganda.Naiiyak na naman ako. Mahal ko talaga ang taong ito.Ano nalang ang gagawin ko kung hindi kami sa isa’t-isa.“Binobola mo ba ako?”“No baby. You’re really beautiful at oo, papagawa ako ng malaking bahay sa tabi ng dagat. Tapos maybe after 6 years, may baby na tayong kasama.”Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. I
SUA“Bakit?” tanong ni Sandro sa akin pagkababa ko ng taxi. Ang lakas ng tibok ng puso ko.Agad ko siyang niyakap at hinila siya papasok sa taxi na naghihintay sa amin. Sinabi ko kasi sa driver na hintayin kami.“Baby, wait..” Sabi niya.“Please… Umalis na muna tayo.” Sabi ko sa kaniya.Tumitig muna siya sa akin bago siya nagpatianod sa paghila ko sa kaniya. Pumasok kami sa taxi.“Saan kayo ma’am?” malumanay na tanong no’ng driver.Hindi ko alam anong sasabihin ko. Wala akong alam sa lugar na ito. Kaya si Sandro ang kumausap sa driver. Magpapatianod nalang ako at sasama kung saan kami dadalhin ng lakad namin ngayon.“What happened?” tanong niya matapos niyang kausapin ang taxi driver. Sumandal ako sa kaniya. Halos ibigay ko na ang bigat ko sa kaniya.Tumawag si papa sa akin no’ng nasa taxi pa ako. Hindi ko sinagot ang tawag niya.Alam ko na kasi na sinabi ni Reina sa kaniya ang lahat.“I think alam na ni papa ang lahat.” Mahinang sabi ko.Naramdaman kong humigpit ang paghawak niya sa
REINAKalat sa campus ngayon ang ginawa ni Sandro sa group project nila. HinaIikan daw kasi ni Mylene si Sandro habang tulog kaya nasampal siya ni Sua.Tapos ngayon, nakikita kong hindi na lumalapit si Mylene sa kaniya. Lihim akong natuwa sa nangyari. Iba nga naman talaga maningil ang karma.Malapit ng matapos ang first sem. Naging tahimik ang lahat. Iyong mga kagaya kong humahanga kay Sandro, bigla nalang naglaho.Dahil iyon lahat kay Sua. Lagi silang magkasama. Rinig ko pa sa iba na tingin pa lang niya ay napapaatras na ang sino mang magtatangkang lumapit kay Sandro.Matunog dati ang pangalang Sandro na crush ng lahat pero ngayon, he was branded as Sua’s boyfriend.“Iba sila ni Sua.” Iyon ang sabi ni Jho. “Seloso si Sandro pero showy siya. Balita ko pinagsi-selosan niya iyong Charles na classmate ni Sua at laging vocal at PDA si Sandro para ipakitang kaniya si Sua while si Sua, hini-head to foot lang niya ang mga babae sa paligid ni Sandro.”Hindi ko siya pinansin. Ayokong makinig s
REINASobrang laki ng Gaiman. Halos lahat ng studyante na narito ay matatalino, at karamihan ay may kaya. Salat kami sa pera kaya doble kayod ako para lang mapanatili ko ang scholarship ko.Dream school ko ang Gaiman. Dahil alam kong after I graduate from this school, trabaho na ang kusang lalapit sa akin.Pero sa daming tao na narito, isa lang ang nakakuha ng attention ko. At iyon ay si Sandro.Siya lang yata ang naging crush ko mula no’ng freshman ako. Sobra niyang gwapo, seryoso at matalino. Halos nasa kaniya na nga lahat.“Jho, bagay ba sa akin ang shade ng lipstick na ito?”Si Jho ang roommate ko.Pareho lang pala kami ng dorm ni Sandro. Pagbaba ko ng hagdan, makikita ko na siya dahil sa second floor ang room niya.“Oo naman. Pero huwag ka ng umasa doon kay Sandro. May Mylene na yun.”Humaba ang nguso ko.Ano naman ngayon kung kasama niya lagi si Mylene e hindi naman sila. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan lang silang dalawa."Seryoso ka bang hahangaan mo siya kahit na hindi ka nam
May dala siyang ice cream, yung isang tub at gamot."Good afternoon. How was your sleep?"Tumayo at lumapit ako sa kaniya. "Ayos lang. Thank you pala sa paglinis at pag-ayos ng gamit ko." Saad ko sa kaniya.Lumabi siya at sinabing, "I want a thank you hug.Natatawa ko siyang niyakap. "Kaya ka napipilosopo ni papa e."Mahina siyang natawa."Your father is kinda savage.""He is." Pagmamalaking sabi ko. "Kumain na tayo hangga't mainit pa ang niluto mo."Tumango siya at umupo na kami sa mesa para kumain.Excited akong tikman ang niluto niya. Sa tingin pa lang kasi ay masarap na. Marunong akong magluto pero hindi gaya sa kaniya na nakakaluto na ng dish gaya nito.Siya na talaga. Feeling ko e nasa kaniya na ang lahat.And it didn't disappoint. Ang sarap nga ng luto niya."Sasabihin mo bang pwede na ako mag-asawa kasi masarap ako magluto?"Nagpipigil ako ng ngiti sa komento niya. Inirapan ko siya lalo na nang makita ang dimple niya dahil sa ngiti niyang halos ikapunit na ng labi niya."Pwede