[Bwisit, wala talagang puso si Ava. Palihim pa niyang kinukuhanan ng video si Naya sa hospital ward. Sino sa inyo ang may numero ni Naya? Sabihin niyo sa kanya, dali!] Ilang netizens ang nagsimulang maghanap ng paraan para masabihan si Naya. Gayunpaman, habang pinupuno ng mga taong ito ang comments section, nagulat ang lahat sa sumunod na eksena. Iniunat ni Naya ang kamay niya at tinulak ang kamay ng nanay niya nang pabalang. Gumulong sa lapag ang binalatang mansanas. "Pwede bang manahimik ka at wag kang magsalita? Pagod ako ngayon!" Hindi inasahan ng nanay ni Naya na biglang magwawala si Naya nang ganito. Kahit na hindi niya naintindihan, alam na alam niya na matagal nang arogante at bastos si Naya. "Anong problema, anak? Si Ava na ngayon ang pinupuntirya nila. Pinapagalitan at minumura na siya ng lahat. Kumakampi na sa'yo ngayon ang mga tangang netizens na gumagawa ng gulo sa sandaling makaamoy sila ng kahit na ano. Hindi ba maganda to? Bakit galit ka pa rin?" "Paanong
Tinaas ni Naya ang mga kilay niya, puno ng hindi maitatagong kayabangan at pagmamalaki ang kanyang mukha. Alam na alam niya na kahit naapektuhan nang bahagya ang reputasyon niya nang dahil kay Chloe, siya na ang nakakaangat ngayon. Kahit sino pa ang tumingin sa sitwasyon ngayon, si Naya ang nananalo. Kahit na hindi maganda ang pakikitungo sa kanya ni Daniel, basta't gamitin niya ulit ang bagay na ito para gumawa na naman ng gulo, magaganap pa rin ang kasal nila. Biglang naging mapagmalaki ang ekspresyon ng nanay ni Naya nang makita niya ang kampanteng itsura ni Naya. "Naya, napakatalino mo talaga para malaman mo kung paano magmanipula ng tao." Pinuri siya Naya ng nanay niya. Hindi niya nakalimutang tumawa at magsalita nang may nangungutyang tono, "Tama ka. Talagang ang daling lokohin ng mga netizen na yun sa internet. At saka, nagbayad pa ako sa ilang tao para ipakalat ang balita. Wala nang pagkakataong makabawi si Ava ngayon." "Heh, hindi niya dapat ako kinalaban sa simula p
“Camera?” Nagtataka ang nanay ni Naya. “Diba ito ang camera na hinanda mo noon?” “Hindi akin ‘yan! Naalis ko na ang akin!” Nagalit si Naya. Habang nakatingin siya sa kumikislap na pulang tuldok, halos sumabog na ang katawan niya. “Sinong naglagay ng camera dito? Sino ‘yan?” Galit niyang sinabi, pagkatapos ay naalala niya. “Si Ava! Si Ava ‘yun! Siguradong siya ‘yun! Walang ibang nagpunta sa ward ko bukod sa kanya! Ang bruhang ‘yun! Siguro kinuhanan niya ang usapan natin kanina. Siguradong ipapakalat niya ito online!” “Ano?” Nagulat rin ang nanay ni Naya. “Naya, hindi kaya nagkakamali ka lang? Paano siya magiging ganito katalino…” Blag! Hinampas ni Naya ang camera sa sahig bago lumingon para sagutin ang tawag. Pagkatapos makita ang numero ni Ava, tinawagan niya ito nang walang-alinlangan. Tumunog nang isang beses ang phone bago ito sagutin kaagad. Direktang sumigaw si Naya, “Ava, ikaw kasuklam-suklam na daga ka! Ang lakas naman ng loob mong maglagay ng camera sa ward ko?
Pagkatapos magsalita ni Ava, mukhang nabigla si Naya sa kabilang linya ng tawag. Makalipas ang ilang segundo, nagsalita si Naya nang galit at nagtatanong, “Anong sinasabi mo? Ava, anong kalokohan ang sinasabi mo?” Sinadyang ginaya ni Ava ang mapagyabang na mukha ni Naya at tumawa. “Naya, hindi ako katulad mo. hindi ko kailangang magpanggap kahit anong gawin ko. Ako, si Ava Long, ay hindi gagamit ng ganitong paraan.” “...” Natulala saglit si Naya. Nang itatanong na niya kay Ava kung paano niya ito naipalabas, bigla niyang narinig ang sigaw ng kanyang nanay. “Hala, Naya! Tingnan mo!” Lumapit ang nanay ni Naya habang hawak ang phone nito. “Tingnan mo, diba ‘yan ang babaeng Ava na ‘yun? Live ba ‘tong naka-broadcast? Bakit ka pinag-iinitan ng mga netizen sa comments section?” Nang marinig ito, biglang hinablot ni Naya ang phone mula sa kamay ng kanyang nanay. Galit na nanlaki ang mata niya at nakita niya ang nakangiting mukha ni Ava sa screen. Dagdag pa rito, nakita rin ni Nay
Sa kaalamang magiging mahirap lang sa kanyang magpatuloy pa sa pagsasalita, ibinaba ni Naya ang kanyang phone at ibinato ang phone sa kama. Pagkatapos makita ito, dinampot ng nanay ni Naya ang phone at nagpatuloy sa panonood ng live broadcast. Sinubukan niyang magkomento upang ipagtanggol si Naya, ngunit ibinaba na ni Ava ang broadcast room sa sandaling matapos siya sa pagsusulat. “Talagang naglagay ng camera ang bruhang Ava na ‘yun sa ward mo at ipinakalat ang lahat ng usapan natin nang live sa internet! Gusto niya bang mamatay?” Galit na galit ang nanay ni Naya at ibinato palayo ang phone. “Tingin ko umaasa siya sa kanyang mayamang nanay para kalabanin tayo, Naya. Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin ngayon?” “‘Wag ka nang magsalita!” Sumingit si Naya sa kanyang nanay at tinitigan ito nang masama. Natulala saglit ang nanay ni Naya, ngunit hindi na siya naglakas-loob pang magsalita. Nakita niyang biglang nagmamasid si Naya at hinahalughog ang bawat sulok ng ward na para
Tumigil si Naya sa paglalakad. Habang nakatingin siya sa gwapo at seryosong Daniel, hindi mapigilan ni Naya na maisip kung napanood rin ba ni Daniel ang live broadcast sa internet. Ngunit kumapit pa rin siya sa kaunting pag-asa at lumapit kay Daniel nang nakangiti. “Dan, gabi na. Nandito ka ba para makita ako?” Tinitigan niya si Daniel nang mapagmahal. Bago pa makapagsalita si Daniel, narinig niya ang mga taong tinuturo siya at nagsasalita.“‘Yan ang babaeng ‘yun.” “Siya ang nasa broadcast kanina.” “Ang pangit niya. Hindi nakakapagtakang wala siyang puso.” “...”Hindi inasahan ni Naya na may magkokomento pati sa itsura niya. Kahit na galit na galit siya, ayaw niyang aminin na siya ang pinag-uusapan nila. “Dan, mag-usap tayo sa kotse kung may kailangan kang sabihin sa akin.” Gusto nang umalis ni Naya sa lugar na ito hangga’t maaga.Ngunit biglang seryosong sinabi ni Daniel, “Dito tayo mag-usap.” Kakasimula pa lang ni Naya sa paglalakad nang bigla siyang napahinto ulit.
Natural, ang mga komento ay puno ng mga netizen na pinagsasalitaan siya nang masama. Pagkatapos ay nakita ni Naya ang buong video ng live broadcast ni Ava sa trending search. Pinindot niya ito at nakita kung gaano siya kaarogante. Atsaka, malinaw niyang naririnig ang usapan nila ng nanay niya. Blag!Galit na ibinato ni Naya ang tablet sa sahig. “Ava, kailangan mo pa talagang palalain ang lahat sa sitwasyong ito ano? Kung hindi ako makakabawi sa sitwasyong ito, gagawin kong impyerno ang buhay mo! Isasama kita sa pagbagsak ko!” Walang-awang sinabi ni Naya. Hindi niya maisip kung ano ang kakaharapin niya ngayong tuluyan nang nasira ang imahe niya. Kinaumagahan, nagmadali si Naya papunta sa estasyon ng pulis. Pagdating niya, paalis na si Ava. Sa sandaling nakita niya si Ava, lumapit si Naya at nagbintang, “Officer, siya ‘yun. Naglagay siya ng camera sa ward ko at nilabag niya ang privacy ko! Labag ito sa batas!” Nang makitang masyadong madamdamin si Naya, marahan siyang pina
Nagulumihanan si Naya. Ngayon ay isa na siya sa mga suspek? Kahit na may binayaran nga siya para gawin ang mga bagay na ito, ang gusto lang niya ay takutin si Ava. Subalit, mukhang hindi natakot si Ava. kung hindi, paano nito magagawa na makapagsumbong ng mahinahon? “Miss Mendez, pakiusap at sumama ka sa amin. Meron kaming gustong itanong sa inyo.” Inimbitahan ng mga pulis si Naya. Tinago ni Naya ang kanyang pagkaaligaga sa kanyang puso at ngumiti. “Kung gusto niyong mag-imbestiga, mag-imbestiga na lang kayo. Hindi ako gagawa ng kahit na anong lalabag sa batas. Subalit, kung nalaman niyo na ang bagay na ito ay walang kinalaman sa akin pagkatapos ng inyong imbestigasyon, gusto kong humingi kayo ng tawad sa akin.” “Miss Mendez, ang mga mamamayan ay obligadong makipagtulungan sa pulisya sa ganitong klase ng imbestigasyon. Nagbabase kami sa ebidensya kapag may hinahawakan kaming kaso. Kaya, makakasiguro kayo na walang magiging hindi makatarungan nakaso.” “...” Kahit na hindi n
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si