Share

Chapter 33

Patay-malisyang kinuha ni Logan ang menu at binigay iyon kay Gio. Batid niyang inaasar siya nito dahil may maliit na ngisi ito sa kanyang labi, ngunit hindi na siya tinatapunan pa ng tingin. Babaling na sana si Erika sa katabi, ngunit napako ang tingin niya lalo kay Logan nang masikatan ito ng papalubog na araw.

Kitang kita sa pwesto nila ang papalubog nang araw at ang perpektong mukha ni Logan ay lalong nagpaganda ng kanyang view. Para itong nasa shot ng isang pelikula at siya ang bidang lalaki na kahit wala namang ibang gawin ay nanatili pa ring makisig at gwapo.

Napalunok si Erika dahil sa kanyang mga naiisip at agad na nag iwas ng tingin. Bahagya niyang inilayo ang kanyang mga hita kay Logan sa ilalim ng mesa nang sa ganon ay hindi na iyon magtama pa, ngunit malinaw na malinaw kay Erika na hindi siya nais nitong makawala nang maramdaman niya ang unti-unting pagdikit ng mga tuhod nito sa kanyang hita.

Sa sobrang iritasyon ay tahimik na inangat ni Erika ang kanyang isang paa at sini
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status