Una sa lahat, ano bang rason ni Anthony para buksan ang Serene World Clinic sa Aurous Hill? Ito ay dahil lang gusto niyang bayaran ang kabaitan ni Charlie. Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit nagpasya si Anthony na lumipat sa Aurous Hill.Bilang resulta, nagkaroon talaga ng kapangahasan si Donald at ang anak niya na sirain ang medical hall ni Anthony. Hindi niya talaga matiis at malunok ang galit na nararamdaman niya!Sa hindi inaasahan, bumalik na si Donald sa banquet hall kasama si Sean sa sandaling ito.Bukod dito, sa halip na ibalik si Sean sa lamesa niya, dinala ni Donald si Sean sa lamesa ni Charlie.Sa sandaling dumating sila sa lamesa ni Charlie, agad inarko ni Donald ang mga kamay niya habang sinabi sa magalang na paraan, “Master Wade, patawarin mo ako kung nagalit ka ng anak ko sa kahit anong paraan dahil hindi niya alam ang ginagawa at sinasabi niya kanina. Dinala ko siya dito para humingi ng tawad sa iyo. Sana ay hindi mo ito isapuso at sana ay matatanggap mo ang pa
Naramdaman ni Donald na sumikip ang puso niya sa sandaling narinig niya ang mga sinabi ni Charlie.Alam niya na hindi madaling bibigay si Charlie. Pero, dahil nag-alok na siya ng malaking presyo na isang bilyong dolyar, akala niya ay bibigay si Charlie at kakalimutan na ang lahat ng away nila kanina para sa pera.Pero, hindi niya talaga inaasahan na hindi bibigyan ng atensyon ng lalaking ito ang napakalaking presyo na isang bilyong dolyar. Sa halip, sinabi pa rin ni Charlie ang nangyari kanina at sinasapuso pa rin ito.Kung isa iyong normal na transaksyon sa negosyo, umalis na si Donald kapag nakaharap niya ang ganitong tao, kahit gaano pa kalaki ang pagkakataon sa negosyong ito.Pero, hindi pwedeng makipagkamay na lang si Donald at umalis ngayon.Ito ay dahil sa kailaliman ng puso niya, hindi niya matiis ang tukso ng Rejuvenating Pill. Tila ba nahumaling at naakit na si Donald sa Rejuvenating Pill, at ang naiisip niya na lang ay ang epekto ng pill na ito.Kaya, lumuhod si Donald
Sobrang hirap talaga nito!Hindi niya alam ang relasyon nila bago ito!Inisip lang ni Donald na si Anthony ay ia lang kilala at marangal na doktor sa bansa. Dahil hindi niya siya mabugbog, sinira niya na lang ang clinic niya at naglabas ng maliit ng pwersa para sumang-ayon ang doktor na pumunta at gamutin ang bunsong anak niya.Hindi niya talaga inaasahan na gagawa siya ng mas maraming gulo para sa sarili niya.Gayunpaman, sobrang sabik si Donald na makuha ang Rejuvenating Pill. Sa sandaling ito, ang nagawa na lang ni Donald ay ituro ang kanyang anak, si Sean, na nakaluhod sa tabi niya. Pagkatapos, sinabi niya nang galit, “Hey! Kasalanan ito ng anak ko! Sobrang padalos-dalos siya at mainitin ang ulo. Pasensya na at hindi ko tinuruan nang mabuti ang anak ko!”Hindi mapigilang kumibot nang bahagya ni Sean sa sandaling ito.Hindi niya talaga inaasahan na siya ang kukuha ng responsibilidad ng ginawa ng ama niya sa sandaling ito.Kahit na sobrang galit siya, hindi siya nangahas na ip
Tumingin nang blanko si Donald kay Charlie habang nilunok niya ang Rejuvenating Pill at bigla siyang nagalit nang sobra!Doon niya lang napagtanto na pinaglalaruan siya ni Charlie sa simula pa lang hanggang sa dulo!Hindi niya balak ibenta ang Rejuvenating Pill sa kanya! Pinapahiya lang ni Charlie ang mag-ama sa publiko!Bukod dito, hindi makapaniwala si Donald na naging walang muwang siya at naniwala siya na maaantig si Charlie dahil sa isang bilyon na inalok niya. Paano siya naniwala na papayag si Charlie na ibenta ang Rejuvenating Pill sa kanya dahil lang humingi siya ng tawad?Nagalit talaga si Donald at nainis nang mapagtanto niya na pinaglalaruan lang siya ni Charlie. Bukod dito, binali pa ni Charlie ang kamay ng anak niya!Tumayo agad si Donald bago siya sumigaw, “Charlie! Hindi ko na tatawaging lalaki ang sarili ko kung hindi kita mapapatay ngayong araw!”Pagkatapos, nilabas ni Donald ang kanyang cellphone habang tinawagan niya ang mga bodyguard niya para tumulong.Ang l
Sa sandaling ito, tumayo nang nagmamadali si Reuben at sinabi, “Lolo, maraming taon nang magkaibigan at may ugnayan ang pamilya Moore sa pamilya Webb! Mangyaring pag-isipan mo ito nang dalawang beses bago ka gumawa ng desisyon!”Ayaw talagang makita ni Reuben na sisirain ang lahat ng relasyon at koneksyon ng pamilya Moore at pamilya Webb sa isa’t isa.Dahil, umaasa pa rin siya na makakasal si Jasmine sa pamilya Webb. Kung sisirain ng dalawang pamilya ang relasyon nila sa isa’tisa, hindi na mangyayari ang gusto niya!Sumulyap si Lord Moore kay Reuben bago niya sinabi nang magaan, “Wala nang dapat pag-isipan! Ang pamilya Webb ang pinakamataas at pinaka maimpluwensyang pamilya sa South Region at hindi kaya ng pamilya Moore ang pagkakaibigan na ito! Idinedeklara ko na ngayon na sisirain na ng pamilya Moore ang lahat ng relasyon at koneksyon nila sa pamilya Webb simula ngayon!”Nagulantang ang lahat ng tao sa sandaling sinabi ito ni Lord Moore.Walang mag-aakala na magkakaroon ng laban
Ang mag-ama, sina Donald at Sean, ay puno ng walang kapantay na sama ng loob habang umalis sila sa villa ng pamilya Moore.Hinawakan nang mahigpit ni Sean ang kanyang baling kamay habang iniyak niya, “Pa! Sinabi ko na sa’yo na huwag pumunta at magmakaawa sa basurang iyon pero ayaw mong makinig sa akin! Ngayon, hindi lang niya binali ang kamay ko, pinahiya ka rin niya sa publiko! Hindi ba’t masyado itong kahiya-hiya?”Tumingin si Donald sa kanyang anak habang may madilim na mukha at sinabi, “Gusto nang mamatay ng lalaking may apelyidong Wade! Kaya, hindi niya dapat ako sisihin kung magiging walang awa ako sa kanya sa hinaharap. Huwag kang mag-alala, Sean. Siguradong ipahihiganti ka ng Papa mo!”Sinabi ni Sean, “Kung gano’n, pwede ba nating patayin si Charlie ngayong gabi?”“Hindi!” Sumagot nang malamig si Donald. “Kailangan nating gawin ang orihinal na plano natin. Una, papatayin muna natin si Don Albert para mawala ang armas niya! Pagkatapos, mas madali na nating mapapatay si Charl
Nang marinig ni Sean ang mga sinabi ng ama niya, hindi niya mapigilang itanong, “Pa, hindi mo ba ako sasamahan sa hospital?”Sumagot si Donald, “Marami pa akong bagay na gagawin ngayong araw. Ngayong sinira na natin ang lahat ng relasyon sa pamilya Moore, kailangan muna nating humanap ng lugar na matutulugan natin ngayong gabi. Pupunta ako sa Shangri-La at magrereserba ng isa sa mga presidential suite doon. Pagkatapos, bibisitahin ko si Isaac Cameron at babatiin ko siya. Pagkatapos gamutin ang kamay mo, pwede kang pumunta sa Shangri-La to doon mo na ako hanapin. Sasabihin ko sa’yo ang lahat ng plano ko sa oras na iyon!”“Gusto mong bisitahin si Isaac Cameron?” Hindi mapigilang itanong ni Sean sa inis, “Pa, bakit kailangan mo pa siyang bisitahin? Hindi ba’t isang aso lang siya na nagtatrabaho para sa pamilya Wade sa Eastcliff? Mas importante ba iyan kaysa sa baling kamay ko?”Sumimangot si Donald at sinabi, “Anong alam mo? Kahit na ang pamilya Webb ang pinakamalakas sa buong South Re
Hindi alam ni Isaac ang mga hidwaan sa pagitan nina Donald at Charlie.Sa sandaling narinig niya na nandito si Donald para bisitahin siya, naging sobrang galang siya at mabait dahil hindi siya nangahas na pabayaan siya. Kahit na siya ang tagapagsalita ng pamilya Wade sa Aurous Hill, ang taong ito ay walang iba kundi ang pinakamatandang anak ng pinakamataas na pamilya sa South Region. Dahil nagkusa na si Donald na bisitahin siya, naramdaman ni Isaac na dapat niya siyang tanggapin nang magalang at mabait.Kaya, sinabi niya nang nagmamadali, “Pakisabi kay Mr. Webb na pumunta siya sa opisina ko.”Hindi nangahas ang receptionist na maging mabagal at mabilis niyang sinabi kay Donald, “Mr. Webb, ang aming chairman, si Mr. Cameron, ay iniimbitahan ka sa kanyang opisina. Mangyaring sumama ka sa akin.”Bahagyang tumango si Donald bago niya sinundan ang receptionist habang dinala siya sa exclusive elevator ng chairman papunta sa opisina ni Isaac.Dahil si Donald ang pinakamatandang anak ng p
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl