Share

Kabanata 5312

Author: Lord Leaf
Alam ni Charlie na nandito si Master Howton para sa Healing Pill. Dahil nahanap na niya at nilapitan si Anthony, hindi siya pwedeng hayaan ni Charlie na manatili sa Aurous Hill kahit alam niya ang pagkakakilanlan niya o hindi.

Kaya, ang pinakamagandang bagay na gawin ngayon ay maunang kumilos.

Pero, isinaalang-alang din ni Charlie ang isang bagay, at ito ay kung nakilala rin ba ni Master Howton ang mga magulang niya dahil pamilyar si Master Howton sa kanyang lola.

Kung nakilala nga sila ni Master Howton dati, marahil ay mahulaan niya ang pagkakakilanlan ni Charlie ayon sa pagkakatulad sa hitsura nina Charlie at Curtis.

Ang plano ni Charlie ay hulihin nang direkta si Mater Howton nang walang pagdududa kung tatanungin niya ang pagkakakilanlan niya.

Pagkatapos ay sinabi niya kay Anthony, “Dr. Simmons, umuwi muna kayo ni Xyla. Huwag kayong mag-alala sa mga bagay-bagay dito. Pupunta ako dito sa oras bukas ng umaga!”

Nag-atubili si Anthony saglit pero tumango pa rin siya sa pagsang-ayo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5313

    Medyo namangha si Charlie na ang isang Taoist priest ay may lakas ng isang eight-star martial artist.Sa sandaling ito, nainis nang kaunti si Master Howton nang walang sumagot sa kanya pagkatapos niyang magsalita. Tinanong niya, “Nasaan si Anthony Simmons?! Nangahas siyang isabit ang signboard ng Serene World Clinic pero nagtatago siya at hindi naglalakas-loob na magpakita?!”Sadyang umubo nang dalawang beses si Charlie, inunat nang tamad ang baywang niya, tumayo, at sinabi nang hindi nasisiyahan, “Bakit sumisigaw ka nang napakaaga? May mali ba sa utak mo? Kung may mali sayo, humingi ka ng tulong at pumunta ka sa emergency room ng hospital. Hindi ka namin kayang tulungan dito!”Tumingin si Master Howton kay Charlie na biglang tumayo, sumimangot, at tinanong, “Sino ka?”Nag-aalala pa rin si Charlie na marahil ay nakita na ni Master Howton ang kanyang ama dati, kaya tinanong niya nang sadya, “Bakit? Hindi mo pa ako nakikita dati?”Tinitigan ni Master Howton si Charlie, pagkatapos ay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5314

    “Letse ka!”Nagngalit si Master Howton sa galit!Hindi niya inaasahan na sobrang bastos ng bata na ito sa harap niya sa punto na gusto niya siyang patayin!Malinaw na siya ang nagligtas sa buhay niya at pinagbigyan siya, pero sa halip na magpasalamat at kilalanin ito, sinasabi pa ni Charlie ang mga napakabastos na bagay sa kanya! Kung kaya itong tiisin, ano ang mga bagay na hindi?!Pero, sa tuwing pinupukaw siya ni Charlie, mas lalo siyang hindi nangahas na galawin si Charlie.Ito ay dahil hindi siya natatakot kay Charlie, ngunit dahil natatakot siya na magkakaroon ng problema sa pampublikong seguridad o kahit kaso ng krimen dito.Masasangkot ang pulis kapag nangyari iyon. Kahit na isa siyang eight-star martial artist, hindi siya nangahas na labanan nang lantaran ang pulis sa isang metropolis tulad ng Aurous Hill.Sa opinyon niya, sobrang dali para sa kanya na patayin si Charlie. Dahil, kaya niyang pasabugin ang utak ni Charlie gamit lang ang isang suntok.Pero, sobrang maprobl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5315

    “Ako…” Nanginginig ang mga kamao ni Master Howton sa galit at pati na rin ang buong katawan niya na parang isang pasyente na may Parkinson habang nagngangalit at sinabi, “Caden Howton ang pangalan ko. Tinatawag akong Master Howton nang magalang ng lahat sa North America!”Kumulot ang mga labi ni Charlie, tiningnan siya mula ulo hanggang paa, at tinanong, “Tinatawag ka nilang Master Howton?”Nagngalit si Caden at sinabi, “Tama! Ako si Master Howton!”Kumulot ang mga labi ni Charlie at sinabi, “Oh, tinatawag ako ng lahat bilang Master Wade, pero kung ikaw si Master Howton, naniniwala ka ba na mas makapangyarihan ka sa akin?”Inisip ni Caden na sadya siyang nilalait ni Charlie, kaya sinabi niya nang galit, “Binata, matala talaga ang dila mo, pero wala ako sa mood para makipaglokohan sayo ngayon! Pumunta ako dito ngayong araw para hanapin si Anthony Simmons. Nasaan siya?! Sabihan mo siya na lumabas at kausapin ako!”Sa sandaling sinabi niya ang mga ito, mabilis na pumasok si Xyla.Ha

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5316

    Nang makita ni Caden na inabot ni Charlie ang kanyang kamay para pagbantaan siya na sasampalin niya siya, gusto niya talagang pagpira-pirasuhin si Charlie dahil hindi pa siya napapahiya nang ganito sa buong buhay niya.Pero, nang maisip niya ang mga mahahalagang bagay na kailangan niyang gawin sa Aurous Hill at kung paanong nasa kabilang kalye lang ang police station, pinigilan niya ang kanyang matinding galit at poot na nararamdaman niya.Nang makita ni Charlie ang galit na ekspresyon niya at kung paanong mukha siyang isang pressure cooker na malapit nang sumabog, ngumisi siya at tinanong, “Anong problema? Hindi ka nangahas na basahin ang pulso ko? Tatang, sa tingin ko ay gumamit ka ng pandaraya para manalo kay Dr. Simmons kahapon! Kung hindi, bakit hindi ka naglalakas-loob na basahin ang pulso ko?”Sa una ay hinala ni Charlie na gumawa ng patibong si Caden para kay Anthony, at mas lalo siyang naging kampante sa kanyang hinala pagkatapos makita na isang eight-star martial artist an

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5317

    Biglang kinabahan si Caden.Ang mga bagay tulad ng paghula ng edad ng isang tao ay hindi simple.Natatakot siya na may abilidad talaga si Anthony na alamin ang edad ng kabila, kaya bago siya maghanap ng babae para umarte, naghanap siya ng isang tao na gumagawa ng mga pekeng identification card para gumawa ng mga pekeng identification card para sa kanila upang sadyang ilayo ng isa o dalawang taon ang araw ng kapanganakan nila para mas maging sigurado siya. Kung gano’n, hindi lang alam ni Caden ang sagot nang mas maaga, ngunit pwede niya rin lituhin ang totoong sagot para kahit na may magaling na abilidad si Anthony at sobrang galing niya, hindi niya mahuhulaan ang tamang sagot at hindi ito sakto sa edad sa identification card.Ngayong biglang umatake si Charlie, natural na hindi siya nangahas na makipagkompetensya nang kaswal.Kaya, sinabi niya nang malamig, “Hmph! Para saan ang identification card? Kaya ring mapeke ng identification card. Paano kung gumawa ka ng pekeng identificati

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5318

    Biglang hindi alam ni Caden ang gagawin niya.Tinanong nang malamig ni Charlie, “Bakit? Wala kang lakas ng loob? Hindi ba’t magaling ka? May lakas ng loob kang tawagin ang sarili mo na isang master pero nagiging duwag ka sa isang napakaliit na bagay?”Sinabi ni Caden nang may madilim na ekspresyon, “Iho, paano ako, si Caden Howton, naging isang duwag?”Pagkatapos itong sabihin, binago niya ang paksa, ngumisi nang mayabang, at sinabi, “Sa tingin mo ba ay mahuhulog ako sa isang patibong na ginawa ng isang bata na katulad mo?! Pumayag makipagkompetensya sa akin ni Anthony Simmons kahapon, at inamin na niya ang pagkatalo niya. Kung gagamit ng lohika, dapat ay binigay na niya sa akin ang Serene World Clinic, pero nagtatago siya na parang isang duwag at hindi man lang naglakas-loob na lumabas para makita ako ngayon! Hindi ba’t ginagamit niya lang ang isang batang katulad mo na may matalas na dila para magsabi ng kalokohan dito para makaatras siya sa utang niya? At saka, napanalunan ko na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5319

    Hindi niya inaasahan na ilalagay siya sa ganitong posisyon ng bagay na ito.Tumanggi ang kabila na pakawalan siya ngayong tinaas na niya ang kamay niya para sumuko.Tiningnan ni Charlie si Caden at sinabi nang nakangiti, “Narinig kong sinabi ni Dr. Simmons na gumawa ka ng taya sa kanya kahapon, at ang taya mo ay isang medicine cauldron. Nakikita ko ang umbok sa bag mo. Maaari ba na ang medicine cauldron iyan?”Humakbang paatras si Caden sa takot, hinawakan nang mahigpit ang bag niya, at sinabi, “Gusto mo ang medicine cauldron ko?!”Tumawa si Charlie at sinabi, “Oh, mali ang sinabi mo. Paano mo nasabi na gusto ko ito? Malinaw na tinaya mo ito kahapon, pero nandaya ka sa taya niyo kahapon. Makatwiran na ang pandaraya ay katumbas ng pagkatalo. Kailangan mo itong aminin kung natalo ka, at kailangan mong ibigay ang taya pagkatapos mong aminin ang pagkatalo mo, tama? Walang mali sa sinasabi ko, tama?”Nagalit si Caden. Nagngalit siya at pinagalitan siya, “Huwag kang magsabi ng kalokohan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5320

    Ang kamao ng isang eight-star martial artist ay kasing lakas ng isang heavy truck na puno ang laman.Kapag ang lahat ng malakas na kapangyarihan ay tinipon sa kamao na binubuo ng apat na daliri, mas kamangha-mangha pa ang puwersa ng hangin nito!Kahit hindi na banggitin na malinaw na nararamdaman ni Charlie ang malakas na hangin, kahit si Xyla, na dalawang metro ang layo, ay malinaw na nararamdaman ang isang bugso na katulad ng isang bagyo sa kanyang mukha.Kinabahan nang sobra si Xyla sa sandaling ito. Hindi niya maitago ang pagkataranta niya at sinabi nang balisa, “Mag-ingat ka, Master Wade!”Nakarinig siya ng malakas na tunog bago siya nataps magsalita. Dahil sa malakas na tunog, nanginig ang mga eardrum at laman loob ni Xyla.Narinig ni Anthony na sumigaw ang apong babae niya, kaya hindi na niya nasunod ang utos ni Charlie na maghintay sa likod. Tumakbo siya palabas nang kinakabahan para makita ang nangyari.Pero, nang tumingin ang mag-lolo kina Charlie at Caden, napagtanto n

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status