“Nakikipagtalo sa pulis?!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Paano nakipagtalo si Mama sa pulis?”Sinabi ni Claire sa pagkataranta, “Hindi ko rin alam. Sinabi ni Mama na kailangan niyang pumunta sa banyo, akya tinulungan ko siya bago ako lumabas. Pagkatapos nito, narinig ko na may kausap siya sa cellphone, at mukhang mas lalong naging balisa ang tono niya. Sa huli ay nakipagtalo siya sa kabila at sinabi niya pa na hindi siya karapat-dapat na maging isang pulis…”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Pupunta ako at titingnan ito.”Pagkasabi nito, tumingin siya kay Jacob at sinabi nang seryoso, “Pa, pag-isipan mo ang sinabi ko. Kung masama pa rin ang loob mo, kakausapin ulit kita mamaya.”Sobrang lungkot ni Jacob habang sinabi, “Kalimutan mo na… Huwag mo na lagyan ng asin ang sugat ko. Hindi… Hindi man lang asin ang nilalagay mo, sulfuric acid ito!”Umiling nang walang magawa si Charlie. “Kung gano’n, pag-isipan mo ito. Aakyat muna ako at titingin.”Pagkatapos nito, sumakay sina Ch
“Kung hindi, kung isang tao lang ito na tumatawag para sabihin na may krimen ang ibang tao nang walang ebidensya at pinapahuli ang kabila sa amin, gaano karaming tao ang kailangan naming arestuhin araw-araw para lutasin ang ganitong problema? At saka, kung magsasampa talaga kami ng kaso at malalaman na inakusahan nang mali ang kabila, hindi namin hahayaan ang taong gumawa ng maling police report. Huhulihin din namin ang kabila pagdating ng oras.”Sa sandaling narinig ni Elaine na pwede siyang mahuli, nataranta agad siya.Ilang beses na siyang naklong, at nakulong na rin siya sa United States. Kahit papaano, siya ang Mabangis ng Multo ng Bedford Hills Correctional Institute, pero ayaw niya na talaga ulit makulong.Kaya, ngumisi na lang siya nang mapait at sinabi, ‘Sa tingin ko ay sinusubukan mo lang pagtakpan ang putang iyon, si Hannah Queen! Siguradong iuulat ok ito sa nakatataas mo kapag nakahanap ako ng ebidensya, at magpapadala rin ako ng reklamo tungkol sayo!”Pagkatapos itong
Nasopresa si Charlie sa paglalarawan ni Elaine kay Hannah.Hindi niya talaga inaasahan na sasamantalahin ni Hannah ang pinakamalaking trend sa internet para gayahin ang iba at magsimula ng isang live broadcast para magbenta ng mga produkto.Bukod dito, hindi inaasahan ni Charlie na alam ni Hannah kung paano magtatag ng isang katauhan sa internet.May sampu-sampung libong tao na gumagawa ng live broadcast, pero kaunti lang ang mga tao na marunong magtatag ng isang magandang katauhan para kumita ng pera. Binabalot ng iba ang sarili nila bilang isang matagumpay na guru at tuturuan ang iba sa internet kung paano gawing 10 billion dollars ang 10 thousand dollars araw-araw. Inaanunsyo rin nila at pinagyayabang kung gaano karaming star company at entrepreneur ang ginawa nila. Sa totoo lang, marahil ay hindi niya pa natapos ang high school at nagbebenta lang siya ng inihaw araw-araw, pero hindi siya hinayaan ng city management na itayo ang stall niya, at bumagsak ang proyekto niya dahil w
Sa sandaling ito, si Hannah, na nasa live broadcast, ay pinulot ang isa pang cellphone at sinabi, “Kayong lahat, gagawing online ko na ang shopping cart, kaya kailangan bilisan ng lahat at kunin ang mga tulaya! Three, two, one, go!”Binulong ni Elaine, “Hindi man lang branded ang tuwalya na ito pero nagbebenta siya ng limang piraso ng tuwalya sa halagang 99 dollars. Sa tingin ko ay iyon ang presyo para sa isang magandang tuwalya na gawa sa high-grade cotton. Tanga lang ang bibili ng mga tuwalya na binebenta niya!”Pagkatapos nito, binulong niya ulit, “Tingnan natin kung gaano karaming order ang makukuha niya para sa mga tuwalya na ito.”Pagkasabi nito, pinindot niya ang shopping cart icon sa live broadcast room ni Hannah at nakita na ang link na nasa unahan ay ang tuwalya na ito—Buy three, get two free, 99 dollars, free shipping. Pinapakita pa ng real-time sales na may mahigit 1800 orders.Nagulat si Elaine at sinabi, “Letse, may mga tao talaga na bumibili nito?! May mahigit 1800 n
Nagalit nang sobra at nagselos si Elaine sa bilis ng pagkita ng pera ni Hannah.Sa sandaling ito, napagtanto niya na nabaliktad na nang tuluyan ni Hannah ang buhay niya, at ginagawa niya ito sa mabilis at mahirap na paraan.Sa bilis ng pagkita ng sampu-sampung libong dolyar araw-araw, ang taunang sahod ni Hannah ay nasa 10 o 20 million dollars.Kahit na nakatira si Elaine sa isang villa na mahigit 100 million dollars, hinding-hindi siya kikita ng napakaraming pera kahit walo pa ang buhay niya.Bukod dito, kahit na hindi naiintindihan ni Elaine ang internet, nauunawaan niya ang trend. Sinabi niya habang namumula ang mga mata, “Nadiskubre talaga ni Hannah ang isang gintong minahan ngayon. Ayon sa trend na ito, natatakot ako na mas lalaki ang kikitain niya sa paglipas ng panahon… Marahil ay kumita siya ng sampu-sampung libong dolyar ngayong araw, pero baka kumita siya ng daang-daang libong dolyar makalipas ang ilang panahon, at marahil ay kumita siya ng one hundred million dollars sa
Bukod dito, hindi sila mga mayayamang tagapagmana, at ang lahat ay isang script lang na ginawa ng internet celebrity brokerage company.Bilang may-ari ng short video platform, kahit na pakiramdam ni Charlie na ang mga taong katulad ni Hannah at ang mga ganitong bagay ay medyo mababa nga, alam niya rin na nirerepresenta nito ang direksyon ng market pati na rin ang mga batas ng negosyo.Dahil, karamihan ng mga tao sa bansa ay mga ordinaryong working class o mga mahihirap pa. Ang lahat ng kumpanya ay hindi naglalaban para sa palubog na market, at ito rin ang halaga ng mga internet celebrity anchors na ito. Kung hindi niya hahayaan ang mga ganitong tao at bagay na lumitaw sa platform nila, magpapalit ng platform ang mga anchor na ito at gagawin ang parehong kwento.Sa ganitong paraan, mahahati ang mga anchor at traffic sa sarili niyang short video platform at mapupunta sila sa ibang kakumpetensya, na susundan ng kabuuang pagbagsak ng buong short video platform.Maraming kilalang intern
Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, sinabi niya nang walang magawa, “May mga oras na nararamdaman ko na hindi talaga magkatugma ang mama at papa ko, pero may mga oras din na pakiramdam ko na parang pinagtagpo sila ng langit. Umaasa na lang ako na kapag nalampasan ng papa ko ang pagsubok na ito sa puso niya, mabubuhay na sila nang payapa…”***Samantala, sa Penang, Malaysia.Nakuha ni Vera ang isang buong set ng identity document na pinirmahan ni Veron Lavor pati na rin ang mga birth certificate at personnel file mula elementary school hanggang high school.Madaling magawa ang ganitong set ng mga dokumento, pero siguradong hindi madali na i-synchronize ang mga dokumento na ito nang buo sa opisyal na impormasyon ng gobyerno sa Malaysia.Pero, madali itong nagawa ni Logan.Bukod dito, sinabihan niya pa ang mga malalayong kamag-anak niya na tandaan ang buong set ng script na kaugnay kay Veron, at kinabisado nila ang script ng lahat ng teacher at principal ng bawat school kung saa
Hindi magandang gabi ang gabing kababalik lang nina Charlie at Claire sa Oskia.Ang puso ni Jacob, na puno na ng butas, ay mukhang mas lalong nasaktan dahil sa mga sinabi ni Charlie. Nanatili siya sa sala buong gabi nang hindi gumagalaw.Sa kabilang dako, pinanood ni Elaine ang live broadcast ni Hannah sa unang kalahati ng gabi hanggang hatinggabi, at patuloy na hinawakan ang cellphone niya sa pangalawang kalahati ng gabi para gamitin ang search engine upang humanap ng paraan para sirain si Hannah.Ayon sa sinabi ni Charlie, ang komisyon niya ay nasa 20%. Ayon sa mga sales ng maliit na yellow car sa live broadcast room ni Hannah, kinalkula niya ang kabuuang komisyon na kikitain ni Hannah sa isang live broadcast sa isang gabi at nagulantang siya sa mga numerong lumabas.Nabenta ni Hannah ang kabuuang sampung produkto na may sales volume na umabot sa 1.1 million dollars. Ayon sa kalkulasyon na ito, ang komisyon na matatanggap niya ay nasa 220 thousand dollars.Kung kakalkulahin niya
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang