Makalipas ang dalawang oras, dumating ang Concorde airliner kung saan nakasakay si Charlie sa Damascus, ang kabisera ng Syria.Naghihintay na si Porter at ang ilang core member ng Ten Thousand Armies sa airport. Nang bumaba si Charlie sa eroplano, umabante nang mabilis si Porter at sinabi nang magalang, “Mr. Wade, akala ko na didiretso ka sa United States mula sa Northern Europe. Hindi ko inaasahan na pupunta ka sa Syria, kaya medyo minadali ang preparasyon namin. Kung alam ko lang na pupunta ka, siguradong maaga akong magsasaayos.”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “May nakamamatay na lason sa mga katawan ng pitong lalaki na dinala mo. Mamamatay ang pitong tao na ito sa loob ng ilang araw kung hindi ko tatanggalin ang mga lason sa katawan nila.”Tinanong siya ni Charlie, “May tirahan na ba ang pitong tao na iyon?”“May tirahan na sila.” Sinabi ni Porter, “Iniwan ko si Zayne kasama ang ilang five-star War General para bantayan ang mga taong iyon upang maiwasan ang kahit anong aksid
Halos sabay-sabay na umalis ang limang helicopter at lumipad papunta sa base ng Ten Thousand Armies.Pagkatapos ng isang oras na biyahe, lumipad ang helicopter sa itaas ng base.Sa itaas, makikita na ang base ng Ten Thousand Armies ay isang malaking construction site na may mga building na tinatayo at maraming sasakyan kung saan-saan.May airstrip na nakikita na ang hugis sa silangang bahagi ng base.Hindi mapigilan ni Charlie na makaramdam ng ginhawa nang makita niya na tuloy-tuloy ang paggawa ng base.Sa ngayon ay ang Ten Thousand Armies ang pinakamalakas na puwersa niya bukod sa sarili niya, at may malaking papel ito sa bawat hakbang na gagawin niya sa hinaharap, lalo na sa laban niya sa misteryosong organisasyon.Kaya, umaasa siya na patuloy na lalaki at uunlad ang lakas ng Ten Thousand Armies, at ang layunin niya para sa unang yugto ng pag-unlad ng lakas ng Ten Thousand Armies ay malabanan ang lahat ng dead soldier na mayroon ang misteryosong organisasyon na iyon.Para nama
Tumango si Charlie. “Gaano karaming trabahador ang nagtatrabaho sa minahan ngayon?”Sinabi ni Porter, “Pinapabilis namin ang progreso kahit ano pa ang gastos, kaya kung bibilangin ang lahat ng uri ng trabaho sa minahan, sa ngayon ay nsa lima o anim na raang tao ang nagtatrabaho sa minahan.”Tinanong ulit ni Charlie, “Siya nga pala, ano na ang ginagawa ngayon ng mga Sicilian mafia na dinala dito mula sa Canada?”Ngumiti si Porter at sinabi, “Ang mafia mula sa Scility ay pinasok sa excavation team, at dalubhasa sila sa paggawa ng underground fortification. Ang normal na construction team namin ay nagtatrabaho ng tatlong shift sa isang araw at nagtatrabaho ng walong oras kada araw. Pero, para sa mga mafia na ito, labindalawang oras na trabaho ito sa isang araw na may dalawang shift sa isang araw. Hindi namin binibigyang atensyon ang batas sa trabaho para sa kanila basta’t hindi namin sila papagurin hanggang sa mamatay sila. Dahil, mga g*go sila na nabuhay sa isang buhay na puno ng krim
Ang pagpapasalamat ni Hamed kay Charlie ay matagal nang parang baha ng ilog na hindi makontrol.Kung hindi para kay Charlie, napabagsak na siya ng Ten Thousand Armies at ng gobyerno sa Syria.Bukod dito, ginamot din ni Charlie ang binti niya, na ilang dekada nang baldado, at binigyan pa siya ng maraming pondo para palakasin ang depensa niya.Ngayon, sa pamamagitan ng Ten Thousand Armies, nagkaroon din ng magandang pagkakataon si Hamed para sa payapang pagpapaunlad.Pero, ang hindi niya inaasahan ay kahit na ganito, tinrato pa rin siya nang mabuti ni Charlie at sobrang mapagbigay sa kanya nang walang hinihingi.Sa kasalukuyang ispesipikasyon ng underground fortification ng Ten Thousand Armies, kahit na gawin ito nang maliit sa sarili niyang base, mahirap itong ipatupad nang hindi gumagastos ng daang-daang milyong US dollar.Para kay Hamed, hindi niya man lang niya ito kayang isipin.Pumayag pa si charlie na tulungan siyang itayo ang underground fortification nang libre nang walan
“Okay, Mr. Wade!” Dinala agad ni Porter si Charlie sa isang conference room na walang bintana at inutusan ang isang tao na imbitahin muna sina Merlin at 547.Hindi inaasahan ni Merlin na pupunta si Charlie sa Syria at tinanong niya sa sorpresa, “Young Master Wade, bakit ka pumunta dito sa personal?”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Chief Lammy, kapupunta ko lang mula sa Northern Europe, at dinala ko ang ilang ibang miyembro ng misteryosong organisasyon. Mas maraming tao ngayon, at hindi sila mga dead soldier. Mas mataas ng isa ang antas nila kaysa sa mga dead soldier.”“Hindi mga dead soldier?” Tinanong ni Merlin sa sorpresa, “Anong antas ito? Ano ang gawain nila sa organisasyon?”Ipinaliwanag ni Charlie, “Tinatawag silang Armed Calvary Guards sa loob, at responsable sila sa pagbabantay ng mga dead soldier.”Nang marinig ito ni 547, na nakaupo sa isang wheelchair, sinabi niya sa paghanga, “Ang Armed Calvary Guards? Ito ba ang Armed Calvary Guards na namamahala ng pagbab
Simula noong bumalik siya mula sa Mexico, nangangarap na si Porter na lumaban at pumatay ng mga kalaban para kay Charlie.Kaya, nang marinig niya na sinabi ni Charlie na nadiskubre niya ang eksaktong address ng istasyon ng misteryosong organisasyon, hindi na siya makapaghintay na pukasin ang istasyon na ito para kay Charlie!Gayunpaman, kinaway ni Charlie ang kanyang kamay sa oras na ito at sinabi nang seryoso, “Maaaring may napakalakas na depensa ang copper mine na binabantayan ng daan-daang miyembro ng Armed Calvary Guards, hindi pa kasama dito ang masalimuot na mga underground fortification. Kung papasok ka ng padalus-dalos, siguradong mahuhuli ka ng kabilang partido. Kung gano’n, halos imposible para sa atin na ubusin ang kalaban nang hindi nagbubunyag ng kahit anong clue. Mayroon ding libu-libong dead soldier at kamag-anak ng mga dead soldier sa loob. Ang mga dead soldier na ito ay maaaring isang malaking natatagong panganib kapag hindi natin alam ang mga bagay-bagay.”Tumango
Para sa mga miyembro ng Armed Calvary Guards, ang lason sa katawan nila ay parang isang kadena na nagkukulong sa kanila sa buong buhay nila na hinding-hindi masisira.Pero, kailangan lang ng kaunting Reiki ni Charlie para tanggalin nang tuluyan ang lason sa katawan nila.Kaya, ginamit na ni Charlie ang Reiki niya para isa-isang tanggalin ang lason sa katawan nila nang tinapik niya ang mga balikat nila kanina lang.Nang marinig ng pitong tao na sinabi ni Charlie na natanggal na ang lason sa katawan nila, nasorpresa sila sa una. Pinikit nila ang mga mata nila at sinuri ang katawan nila nang maingat. Totoo nga, wala na ang kapangyarihan na nagtitipon sa elixir field nila bago ito!Ang lason sa katawan nila ay hindi ordinaryong lason, ngunit isa itong enerhiya na hindi makontrol sa katawan nila. Ang enerhiya sa katawan nila ay parang isang bomba na may oras na pitong araw. Kapag natapos ang pitong araw, sisirain ng enerhiya na ito ang mga meridian nila at mga laman loob.Ang tinatawag
Tumango si Charlie. “Sige at itanong mo.”“Okay.” Agad na kinuha ni Merlin ang kanyang notepad. Nalista na ni Merlin ang mga tanong na gusto niyang malaman habang kausap ni Charlie angi lang tao kanina.Ang unang ilang tanong ay mga tanong na naitanong na ni Charlie noong siya ay nasa Bergen sa Northern Europe.Ang mga tanong na ito ay may kinalaman sa kanilang pagkakakilanlan, intelligence, lokasyon ng kanilang tirahan, at ilang tiyak na impormasyon tungkol sa kanilang mga tirahan.Agad namang sinabi ng pitong tao ang lahat ng kanilang nalalaman.Maingat na nakinig si Merlin, at pagkatapos nilang ipaliwanag ang ilang impormasyon, tinanong niya, “Ano ang organizational structure ng Armed Calvary Guards sa Cyprus?”Ipinaliwanag ng leader, “Mayroong dalawang daan at pitumpu't isang miyembro ng Armed Calvary Guards na nahahati sa tatlong banner, na tinatawag na kaliwa, gitna, at kanan, na may siyamnapung tao sa bawat banner. Ang bawat banner ay nahahati sa tatlong batalyon, bawat isa ay m
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni