“Nasa coma.” Sinabi nang tapat ni 547, “Kapag may misyon kami, iinom muna kami ng isang medisina at magkakaroon kami ng malalim na coma. Nakarating na kami sa lokasyon paggising namin.”Tinanong ulit ni Merlin, “Paano ka naging sigurado na sumasakay ka sa eroplano sa tuwing lumalabas ka, kung gano’n?”Ipinaliwanag ni 547, “Humihingi ako ng tulong sa asawa ko na kalkulahin ang oras sa tuwing lumalabas ako para sa isang misyon. Kahit na hindi tumpak ang oras namin, hindi masyadong malaki ang mali sa medyo maikling panahon.”“Sa tuwing lumalabas ako para sa isang misyon, ang oras na hindi ko maunawaan ay ang distansya ng balikan na biyahe. Kaya kong itala ang oras ng pagsasagawa ng misyon, kaya sa tuwing bumabalik ako, nakikipag-usap ako sa asawa ko at gagamitin ko ang oras na tinala niya at ibabawas ko ang oras na ginamit ko para tapusin ang misyon para kalkulahin ang oras ng biyahe. Sa normal na sitwasyon, kahit saan kami pumunta sa buong mundo, hindi lalampas sa anim o pitong araw a
“Mexico?!”Pagkatapos marinig ang analisa ni Merlin, tinanong nang mabilis ni 547, “Chief Lammy, ang ibig mo bang sabihin ay kapag pumupunta kami sa United States para sa isang misyon, bumabab mun ang eroplano sa Mexico bago pumasok sa United States sa lupa?”“Oo.” Tumango si Merlin at sinabi, “Ito ang pinakamaaasahan na paraan, sa opinyon ko. Masyadong mahirap ang ibang paraan. Dahil gumagamit sila ng eroplano para ilipat ang mga dead soldier, siguradong may landing site sila. Hindi hahayaan ng United States o Canada na dumaan ng customs ang mga dead soldier at pumasok nang palihim sa bansa, at ang Mexico lang ang may ganitong kondisyon.”Tinanong ni 547 sa lito, “Hindi ba’t kailangan dumaan ng eroplano sa customs kapag pumasok ito sa Mexico?”Ipinaliwanag ni Merlin, “Kailangan dumaan ng isang eroplano sa dalawang antas. “Ang una ay ang air traffic control, at ang pangalawa ay ang customs. Kinokontrol ng air traffic ang eroplano bago ito bumaba, at kinokontrol ng customs ang mga p
Sinabi nang nagmamadali ni Merlin, “Mr. Porter, hindi mahirap na imbestigahan ang entri records ng aircraft, pero masisiguro mo pa na isang daang porsyento na ligtas ang mga investigation channel mo?”“Huwag kang mag-alala.” Tumango si Porter at sinabi, “May napakataas na antas ng pagtatago ng lihim ang information channel ng Ten Thousand Armies. Bukod dito, napakaraming firewall naamin, kaya makasisiguro ka, Chief Lammy.”Tumango nang bahagya si Merlin at sinabi, “Siya nga pala, Mr. Porter, kailangan k rin ayusin ang impormasyon ng lahat ng parating na cargo plane.”“Walang problema.”***Hindi matagal, isang makapal na dokumento ang ipinadala kay Porter.Nakatal sa dokumento na tio ang lahat ng impormasyon sa lahat ng papasok sa flight sa Mexico sa limang araw bago ang nangyari sa New York.Dahil karamihan ng mga papasok na flight ay mga maliliit at medyo malaking eroplano lang, kaunti lang ang mga eroplano na may layo na mahigit labing limang libong kilometro. Kaya, wala pang
Pagkasabi nito, huminto siya saglit at idinagdag, “Chief Lammy, mukhang handa ang eroplano na ito para umikot sa buong mundo, at kasama na ang mga katangian ng misteryosong organisasyon na iyon, sa tingin ko na ang lahat ng sunod-sunod na pangingialam mo, kasama na ang resulta na ito, ay tama! Ito ang target na hinahanap natin!”Tumango si Merlin. “Sa tingin ko rin!”Hindi mapigilan ni Porter na sabihin, “Chief Lammy, ang galing mo. Kaya mong hanapin ang eroplano ng kabila sa loob lang ng napakaikling panahon. Siguro ay hinding-hindi aakalain ng misteryosong organisasyon an ito na madidiskubre sila nang sobrang bilis!”Sinabi nang tapat ni Merlin, “Dahil lang ito kay 547. Dahil nandito siya, unti-unti niya akong natulungan na kumuha ng mga bakas habang tinutulungan akong suriin ang impormasyon sa parehong oras.”“Siguradong hindi talaga inaasahan ng organisasyon na ito na mabubuhay ang kahit isang dead soldier nila, at hindi nila aasahan na magbubunyag ng mga mahahalagang impormasy
Sa sandaling ito, nakabalik na si Charlie sa Providence.Pumasok si Claire sa kanyang klase sa oras tulad ng dati at nanatili si Charlie sa presidential suite nang mag-isa habang hinihintay niya ang balita mula kay Merlin.Kahit na si Charlie ang benefactor na nagligtas sa buhay ni Merlin, hinahangaan niya si Merlin sa kailaliman ng puso niya.Hinahangaan niya ang maingat na pag-iisip ni Merlin pati na rin ang galing at abilidad niyang lutasin ang mga bagay-bagay sa mga lugar na hinding-hindi maiisip ng iba.Ang abilidad na ito ang gumawa ng reputasyon niya bilang isang sikat na Oskian detective.Ang ideya niya na gumamit ng mga bakas mula sa mga malalaking natural disaster para unti-unting hanapin ang lokasyon ng mga dead soldier ay sobrang praktikal ngayon, sa opinyon ni Charlie. Kaya, naniniwala siya na pagkatapos makilala ni 547 si Merlin sa Syria, hindi matagal bago unti-unting malinaw ni Merlin ang mga clue.Hindi rin binigo ni Merlin si Charlie. Agad tumaas ang sigla ni Ch
Pagkasabi nito, idinagdag ni charlie, “Hinding-hindi nila aakalain na ang logistics company, pati na rin ang anim na eroplano na ito, ay nabunyag na at ito ang pinakamalaking kalamangan na mayroon tayo sa ngayon.”“Basta’t hindi nila ito mapapansin, patuloy na pagsisilbihan ng anim na eroplano na ito ang organisasyon, at dahil labas sa publiko ang aviation information, sa tuwing lilipat sila ng eroplano sa hinaharap, magiging walang saysay ito sa harap natin kahit gaano kabuti nila ito takpan.”“Ang kailangan natin gawin ay bantayan nang mabuti ang kilos ng anim na eroplano na ito. Sa sandaling gumalaw ang mga eroplano nila, ang ibig sabihin ay maglilipat siguro sila ng mga tao o materyales.”“Kaya, magtala ka kung kailan at saan lumilipad ang mga eroplano, at bantayan mo ang destinasyon ng eroplano.”Sinabi agad ni Merlin, “Walang problema, Young Master Wade. Babantayan ko ang mga kilos ng anim na eroplano ang mabuti, at ipapaalaam ko sayo sa lalong madaling panahon kung kikilos s
“Northern Europe?”Ang unang lumitaw sa isipan ni Charlie nang marinig niya ang dalawang salita na ‘Northern Europe’ ay si Helena, na kaaangat lang bilang bagong reyna kailan lang.Kaya, tinanong ni Charlie si Porter, “Gaano kalayo ang Bergen mula sa Osly City, ang kabisera ng Northern Europe?”Sumagot si Porter, “Nasa apat na raang kilometro.”Medyo gumaan ang pakiramdam ni Charlie nang marinig ito.Apat na raang kilometro. Mukhang walang kinalaman kay Helena ang target ng operasyon ng misteryosong organisasyon ngayon.Pagkatapos ay nagsalita siya at sinabi, “Dahil umalis ito sa Cyprus, malaki ang posibilidad na wala itong kinalaman kung saan naka-istasyon si 547. Marahil ay ibang grupo ng mga dead soldier ito.”Pagkasabi nito, tinanong ni Charlie si Porter, “Porter, gaano katagal para lumipad ang Boeing 777 mula sa Cyprus papunta sa Bergen?”Sinabi nang nagmamadali ni Porter, “Mangyaring maghintay ka nang ilang sandali, Mr. Wade. Titingnan ko ang mapa.”Pagkasabi nito, sinur
Kaya, bilang pag-iingat, balak ni Charlie na hayaan si Helena, na nakuha na ang posisyon bilang Reyna ng Northern Europe, na tulungan siya.Kahit na si Helena at ang royal family ng Northern Europe na sumusuporta sa kanya ay mga mascot lang ng mga tao sa Northern Europe, ang royal family ay ang royal family pa rin, at dapat may mga pribilehiyo ang royal family kahit na isa na itong constitutional monarchy.Kaya, balak ni Charlie na ilipad ang sarili niya at ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies sa Oslo City bago hilingin kay Helena na gamitin ang royal channel nang palihim para ipadala siya sa Bergen at ipadala ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies kasama siya kung kailangan.Sa ganitong paraan, matatago rin ang lahat ng opisyal na tala ng pagpunta nila sa Bergen mula sa Oslo City, at hindi magiging konektado ang mga clue. Hindi siguro ito mahirap para kay Helena.Kaya, binaba ni Charlie ang tawag at tinawagan si Helena.Sa sandaling ito, si Helena, na matatagpuan sa Northern Eu
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito