Nang makita ni Charlie ang Mexican na mainamaneho ang pickup truck papasok sa sira-sirang fishing village, nagpanggap siya na mausisa at tinanong ang binata na nasa passenger seat, “Kaibigan, hindi ba’t pupunta tayo sa Ensenada? Bakit pumasok tayo sa sira-sirang fishing village na ito?”Kaswal na sumagot ang binata, “Halos wala ng gas ang kotse natin. May ipinuslit na gas dito sa fishing village na binebenta sa murang presyo. Magpapa-gas muna tayo dito at patuloy na magmamaneho mamaya. Malapit na tayo sa Ensenada, nasa sampung kilometro na lang. Aabutin tayo ng dalawampung minuto bago makarating doon pagkatapos magpa-gas.”Pagkasabi nito, nag-unat siya nang tamad at sinabi nang kaswal, “Oh, nakipaglaro ako ng mga barahasa sa ilang Mexican hanggang alas tres ng umaga. Inaantok ako nang sobra! Sa wakas ay makakatulog na ako pagkatapos kang sunduin!”Pagkasabi nito, nagmaneho ang pickup truck papasok sa isang maliit na courtyard.Tiningnan ni Charlie si Hugo, na nasa gilid. Nang makit
Pinilit ng kabila sina Charlie at Hugo gamit ang mga pistol nila, at direkta silang dinala sa isa sa mga bahay.Walang kagamitan sa bahay na ito, at may isang maliwanag na hagdan lang pababa.Dinala ang dalawa sa ilalim ng grupo ng mga mambubutang na armado at may mga bala. Mayroon palang ibang nakatago doon.Ang buong seksyon ng underground ay hinahati sa dalawang lugar ng isang koridor. May selda ng kulungan na may bakal na gate sa kaliwa, at ang kanan na bahagi ay mahigpit na nababalot ng puting telang kurtina na halos sampung metro ang haba. Hindi nakikita ang sitwasyon sa likod ng puting tela.Pero, ang buong underground section ay puno ng amoy ng disinfectant na sobrang lakas at medyo nakakasakal. Bukod dito, maririnig din ang tunog ng mga ventilator at heart monitor.Biglang napagtanto ni Charlie na maaaring isa itong simpleng operating room.Bukod dito, nararamdaman din ni Charlie ang dalawang sobrang hinang pasyente na may malalim na coma sa likod ng puting kurtina.Sa
Humagikgik si Lionel at sinabi nang malamig, “Gusto ko talagang kunin ang kidney mo, pero wala pa kaming mahanap na pasyente na tugma sayo. Kung hindi, kikita ako ng dalawa o tatlong beses sa isang surgery lang!”Nang marinig ito ni Hugo, mas lalo siyang kinabahan at tinanong nang mabilis, “Ano ba talaga ang gagawin mo?”Tumingin ang Indiyanong doktor kay Hugo at sinabi nang nakangiti, “Mas mabuti na hindi mo alam ang napakaraming bagay para sa surgery sa makalawa.”Sinabi ni mr. Madron kay Lionel, “Ah, siya nga pala, wala pa akong oras para ipaalam sayo ang tungkol sa isang bagay. Isang Canadian na uremic patient ang may tugma sa kanya. Handang magbayad ang kabila ng 200 thousand US dollars para sa isang kidney, pero inalok ko siya ng dalawang kidney sa halagang 600 thousand US dollars. Sobrang bihira para sa mga uremia patient na makatanggap ng double kidney transplant.”Ngumiti agad nang masaya si Lionel nang marinig ito at sinabi, “Pumayag ba siya dito?”Sinabi nang nakangiti
Tumingin si Lionel kay Charlie sa panghahamak at sinabi nang mahina, “Huwag kang mabalisa. Ipapatingin ko ang blood type mo mamaya at ilalagay ang blood type mo at ibang mahalagang impormasyon sa internet. Sa sandaling may tugma sayo, makikipag-usap ako sa presyo sa kabila. Maghintay ka lang sa operation table pagkatapos ng negosasyon.”Sinabi nang nagmamadali ng Indiyanong doktor, si Hadic, “Letse! Muntik ko nang makalimutan na may dalawang tao pa na nakahiga sa operating table ngayon.”Pagkasabi nito, nagmamadali niyang itinaas ang kanyang kamay at hinila ang puting tela sa tabi niya. Totoo nga, katulad ito ng hula ni Charlie. Isa itong simpleng operating room na may dalawang operating table. Sa sandaling ito, ay isang taong nakahiga sa bawat isang operating table.Tumakbo ang Indiyanong doktor para suriin ang isa sa dalawang tao at sinabi kay Mr. Madron, “Mr. Madron, halos maayos na ang kondisyon ng kliyente, at pwede na siyang ipadala para magpahinga ngayon.”“Mabuti naman.” Tu
Pagkasbi nito, may malamig at malupit na ekspresyon si Mr. Madron habang nagpatuloy, “Kung hindi mo masasabi sa akin ang kahit ao, may mga paraan ako para gawing mas malala pa sa kamatayan ang buhay mo.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ano ang mga pamamaraan mo? Sabihin mo sa akin.”May mas masamang ekspresyon si Mr. Madron habang sinabi niya nang nagngangalit, “Naniniwala ka ba na kapag oras na ng operasyon mo, sasabihan ko sila na huwag kang bigyan ng anesthesia. Ipaparanas ko sayo kung ano ang ibig sabihin ng pagpira-pirasuhin ng isang libong ispada!”Tumango si Charlie at sinabi sa paghanga, “Magandang paraan iyan. Magandang ideya iyan!”Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya sa Indiyanong lalaki sa tabi niya at tinanong nang mausisa, “Ikaw si Hadic, tama? Ikaw ba ang chief surgeon dito?”Ngumiti nang kakaiba si Hadic at sinabi, “Namamahala lang ako sa mga surgery. Wala akong pakialam sa kahit ano.”“Okay.” Tumango si Charlie at ngumiti bago sinabi nang seryoso, “Magiging
Nang marinig ni Charlie ang tanong ng kabila, ngumiti siya nang kaunti at sinabi nang walang bahala, “Hindi ko lang kilala si Martha, ngunit kumain pa ako ng hapunan kasama siya. Gumamit siya ng alias, Lucy Cardy, sa Providence, at may isa pang lalaki na nagngangalang Jose Kidwell sa tabi niya na nagpapanggap bilang asawa niya, tama?”Hindi lang ang ekspresyon ni Mr. Madron na mukhang nabigla nang marinig ang mga sinabi ni Charlie, ngunit kahit si Hugo ay natulala.Hindi kilala ni Hugo kung sino si Martha, pero kilala niya si Lucy!Si Lucy ang nagsabi sa kanyang ina na may mga taong kumukuha ng seaman sa Mexico at maganda ang sahod doon.Nagpapasalamat pa nang sobra ang kanyang ina kay Lucy, iniisip na niligtas niya ang buong pamilya nila.Sa hindi inaasahan, sa sobrang sama ng babaeng ito, gusto niyang hukayin ang puso niya at ibenta ito!Nang maisip tio ni Hugo, hindi niya mapigilan na tanungin si Charlie, “Bro… Paano… Paano mo nakilala si Lucy Cardy? Maaari bang niloko ka rin
Inabot ni Colin ang kamay niya sa pagkataranta bago niya nasalo ang black gold card. Nang suriin ito nang mabuti, bigla siyang namutla sa gulat!Kahit na hindi pa siya nakakakita ng totoong Citibank black gold card, matagal na niyang narinig ang tungkol dito.Hindi niya mapigilan na isipin, ‘Letse! Limitado lang ang ganitong uri ng black gold card sa ilang dosenang piraso sa buong mundo. Kung kaya niyang makuha ang ganitong uri ng card, kalimutan mo na ang pera sa card na ito, ngunit siguradong lampas sa 10 billion US dollars ang mga asset niya!’‘Ano ang konsepto ng 10 billion US dollars sa isang mahirap na bansa tulad ng Mexico?’‘Sa sobrang laki nito, hindi na ito konsepto! P*ta!’Nang maisip niya ito, hindi niya mapigilan na yumuko habang maingat niyang sinuri ang black gold card.Sobrang katangi-tangi ng pagkakagawa ng card na ito, at hindi pa nararamdaman o nahahawakan ni Colin ang ganitong yari sa isang card sa buong buhay niya.Ang medyo embossed na ibabaw ng black gold
Sa sandaling natapos magsalita si Charlie, nagpapawis na silang dalawa nang sobra.Nilunok nang matindi ni Colin ang laway niya at tinanong nang hindi nag-iisip, “Mr. Wade, pumunta… pumunta ka sa Mexico nang mag-isa para lang siyasatin kami?”Tinanong siya ni Charlie, “Sinong nagsabi sayo na pumunta ako dito nang mag-isa?”Nang marinig ito ng dalawang lalaki, mas lalong nanigas ang ekspresyon nila.Sa sandaling ito, tinuro ni Charlie si Hugo, na nasa tabi niya, at sinabi nang kalmado, “Hindi ba’t magkasama kaming pumunta dito?”Nabigla saglit si Colin bago siya patuloy na nakatayo nang hindi gumagalaw habang hindi niya makontrol ang panginginig niya.Ayos lang nang hindi binanggit ni Charlie si Hugo, pero biglang mas lalong nabalisa si Colin nang binanggit ni Charlie si Hugo.Ito ay dahil nakuha na ni Colin ang impormasyon tungkol kay Hugo at alam niya na walang alam si Hugo.Pero, ang katotohanan na nakapunta dito si Charlie kasama si Hugo at ang katotohanan na nakilala niya s
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito
Medyo nalito si Ruby. Tumingin siya nang namamangha kay Charlie, at tinanong, “Young Master Wade, bakit gusto niyang kunin ni Miss Lavor ang panganib na lumapit kay Fleur? Hindi ba’t masyado itong mapanganib?”Kalmadong sumagot si Charlie, “Mukhang medyo mapanganib ito, pero ang totoo lang ay hindi namin balak ni Miss Lavor na lumapit nang totoo kay Fleur. Ang ideya ni Miss Lavor ay gumawa ng agwat sa oras. Ayon sa pagsusuri niya, kung saan pupunta si Fleur, marahil ay umatras na ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society, lalo na ngayong pumasok sa tahimik na yugto ang buong Qing Eliminating Society. Kaya, basta’t maayos na magagamit ang agwat ng oras na ito, mas ligtas talaga para sa amin kung saan man siya pumunta.”Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Siya ang pinakamalaking kalaban na nakaharap ko sa buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ng taong ito. At saka, ang layunin niya siguro sa pagpunta sa Oskia ngayon ay pa
Pagkatapos itong sabihin, humikab si Zekeiah at sinabi, “Ah, hindi ako makatulog ng dalawa o tatlong araw. Pagkatapos marinig na ayos ka lang, bigla akong inantok at hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Honey, matutulog muna ako sandali. Hindi ko na talaga ito kaya.”Tinikom ni Lulu ang mga labi niya. May pagod na ekspresyon niya, pero sobrang mapag-alaga ang boses niya habang sinabi, “Okay, Honey, magpahinga ka na ngayon. Tandaan mo na buksan mo ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone mo.”“Okay!” Sumang-ayon si Zekeiah, at sinabi kay Lulu, “Honey, ibababa ko na ngayon ang tawag.”“Okay, sige.”Nang natapos ang tawag, sinabi ni Keith nang may seryosong ekspresyon, “Hindi na ito kailangan pag-isipan. Siguradong may problema kay Zekeiah.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lulu, “Pa, hindi ba’t ayos lang na mag-alala si Zekeiah sa atin at gusto niyang malaman kung anong nangyayari? Hindi problema siguro na magtanong pa, tama?”Sinabi nang malamig ni Keith, “Hindi problema na magtanong
Sa kabilang dulo ng tawag, ang asawa ni Lulu, si Zekeiah, ay halos agarang sinagot ang tawag. Mukhang balisa ang boses niya habang tinanong, “Lulu, ikaw ba ito?”Humuni si Lulu bilang sagot, “Oo, ako ito.”Sa sandaling narinig niya ang boses ni Lulu, tuwang-tuwa siya at sinabi, “Lulu, ang laking ginhawa na ayos ka lang! Sinusubukan kitang tawagan sa nakaraang dalawang araw, pero hindi ako makakonekta. Nag-aalala ako nang sobra!”Sobrang kumplikado ng mga pakiramdam ni Lulu sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung ang asawa niya ay isang undercover agent na nilagay ng Qing Eliminating Society sa sarili nilang bahay.Natural na hindi siya umaasa na totoo ito, pero dahil kaugnay ang buhay at kamatayan ng buong pamilya Acker, hindi siya nangahas na hindi ito seryosohin. Kaya, nagpatuloy siya ayon sa mga utos ni Charlie at sinabi, “Honey, halos hindi mo na narinig ang boses ko…”Sinabi ni Zekeiah, “May nangyari ba?!”Sumagot si Lulu, “Ilang araw lang ang nakalipas, isang napaka
Simula noong sinundan ni Charlie ang mga bakas at nalaman ang shipping company ng Qing Eliminating Society sa Singapore, napagtanto niya na ang mga civilian airplane ay isang madaling makaligtaan na butas.Kahit gaano pa kalakas o kayaman ang isang tao, basta’t kailangan nilang lumipad sa mga international border, kailangan nilang i-ulat nang tapat ang lahat ng flight information sa bawat bansa na dadaanan nila.Ito ay dahil walang indibidwal ang kayang kontrolin ang buong aviation system. Ang pinaka prayoridad ng mga gobyerno sa buong mundo ay ang aviation security at ang airspace security. Bukod sa mga drug trafficker sa Mexico at Colombia, walang maglalakas-loob na lumipad nang iligal sa langit.At sa mundong ito, walang tao ang may kakayahan na gumawa ng isang hindi makikitang eroplano na kayang iwasan ang lahat ng radar detection.Kaya, kahit na siya pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo o ang leader ng Qing Eliminating Society, sa sandaling sumakay sila sa eroplano, hindi
Humagikgik si Charlie at sinabi, “Medyo mapanganib ito, pero kung makasalubong talaga natin si Fleur, marahil ay maging magandang bagay ito.”Mas lalong nalito si Vera at tinanong, “Young Master, ano ang eksaktong pinaplano mo?”Sumagot nang tapat si Charlie, “Wala akong tiyak na plano. Ang pangunahing inaalala ko lang ay masyadong mapanganib para sayo na pumunta nang mag-isa sa Yorkshire Hill. Kung pupunta ka, sasamahan kita. Kung hindi natin makikita si Fleur, iyon ang pinakamagandang resulta, pero kung makikita natin siya, marahil ay hindi masamang bagay ito. Basta’t maiiwasan natin na mapansin niya tayo, marahil ay malaman natin kung saan siya at ang iyong ama nag-aral sa ilalim ni Master Marcius Stark!”Ipinaliwanag niya pa, “Sa puntong ito, lumalakas ang pakiramdam ko na ang Apocalyptic Book, Preface to the Apocalyptic Book, at ang mga magulang ko ay konektado. Parang sobrang lapit din ng ugnayan nila kay Master Marcius Stark. Kung mahahanap natin ang lugar kung saan siya nag-
“Tama, Young Master!” Sinabi nang kampante ni Vera sa tawag, “Pupunta ako sa Yorkshire Hill ngayon din!”Nalito si Charlie at tinanong, “Anong gagawin mo sa Yorkshire Hill?”Bumuntong hininga nang magaan si Vera at sinabi nang may kaunting lungkot, “Young Master, simula noong tinamaan ng sakuna ang Mother of Pu’er Tea at umalis ako sa Yorkshire Hill, hindi ako bumalik doon sa nakaraang dalawa o tatlong daang taon. Natatakot ako na gagawa ng patibong si Fleur doon, hihintayin akong mahulog dito.”Nagpatuloy siya, “Nanahimik na siguro ngayon ang Limang Military Governor Office ni Fleur. Kahit na may mga espiya pa rin sila sa Yorkshire Hill, siguro ay umatras na sila sa lokasyon ng Central Military Governor Office o itinigil na ang lahat ng pagbabantay at naghihintay na lang ng utos. Magandang oras na ito para bumalik ako sa Yorkshire Hill ngayon!”Binalaan siya ni Charlie, “Miss Lavor, huwag mo sana itong maliitin. Mas mahalaga ka kay Fleur kaysa sa kahit sino sa mundong ito. Kung ma