Nadismaya rin nang kaunti si Elaine. Sa una ay balak niyang humanap ng pagkakataon para mapalapit sa kabila, pero hindi niya inaasahan na hindi seseryosohin ng kabila ang lahat.Pero, naiintindihan niya kung bakit. Dahil, sobrang lakas niya, kaya madali para sa kanya na turuan ng leksyon ang isang tao kaysa turuan ang isang alalay. Kung may ganitong lakas siya, hindi niya rin seseryosohin ang iba.Pero, ang hindi inaasahan ni Elaine ay titingin ang babaeng Oskian sa kanya sa sandaling ito at sasabihin agad nang sobrang seryoso habang may palakaibigan na ngiti, “Auntie, ikaw lang ang nag-iisang tao na pinaalalahanan kami nang mabuti sa lahat ng tao na nandito. Nakikita namin na siguradong mabuting tao ka. Bukod dito, magkababayan tayo. Dahil nagpakita ka sa amin ng ganitong respeto, bibigyan ka rin namin ng respeto!”Pagkasabi nito, tumingin siya sa paligid ng selda, tinuro ang mga tao sa selda, at sinabi kay Elaine, “Ikaw na ang mamamahala sa lahat ng basurang ito sa hinaharap. Pwed
Kahit kailan ay hindi naging mabuting tao si Elaine, at mas mababa pa siya mabait na tao.Ang katotohanan na pinaalalahanan ni Elaine nang hindi nag-iisip ang Oskian na babae na huwag kalabanin si Chloe kanina lang ay ang rurok na ng pagiging makatao ni Elaine sa mga nagdaang taon.Kung ang kabaitan ni Elaine ay isang bumbilya, maaari na ang kislap kanina lang ang nag-iisang pagkakataon na umilaw ang bumbilya na ito sa loob ng ilang dekada.Pero nagkataon, iniisip din ng tatlong babaeng sundalo mula sa Ten Thousand Armies kung paano nila palihim at natural na masusuportahan si Elaine na ilabas ang galit niya.Sa hindi inaasahan, binigyan sila ng perpektong pagkakataon ng kislap ng kabaitan na iyon na gamitin ang paksa na ito para kumilos nang tama.Pagkatapos ng kislap na ito, nabalot ng poot ang puso ni Elaine.Ang nag-iisang bagay na gusto niyang gawin ngayon ay bugbugin si Chloe at bugbugin siya nang sobra.Kaya, pagkatapos sumigaw nang malakas, mabilis na sumugod si Elaine k
Hindi naramdaman ni Chloe ang takot at kawalan ng pag-asa na nararamdaman niya ngayon kumpara sa pinabagsak siya ng tatlong babaeng sundalo ng Ten Thousand Armies kanina.Sa sandaling ito, naging isang parang baliw na mamamatay-tao si Elaine. Ang naramdaman lang ni Chloe ay mamamatay siya kung patuloy siyang sasampalin nang ganito ni Elaine. Kaya, iniyak niya nang malakas, “Pakiusap… Pakawalan mo sana ako… Alam ko na talaga ngayon na mali ako… Hindi ko na aapihin ang kahit sino…”Naramdaman lang ni Elaine sobrang nakakainis ang pagsigaw ni Chloe. Kaya, hinawakan niya ang tumpok ng buhok nang direkta, gumawa ng isang bola, at nilagay ang bola ng buhok sa bibig ni Chloe. Pagkatapos nito, nagngalit siya t sinabi, “T*ng ina mo! Nangahas kang puwersahin ako na kumain ng toothpaste, tama? Kung gano’n, pupuwersahin kitang kainin ang sarili mong buhok! Buhok mo ang lahat ng ito, kaya bilisan mo at lunukin mo ito!”Pagkasabi nito, may naalala siya at sinabi ulit, “Letse! Masyadong madali kun
Nang makita ni Jacelyn na namamaga ang mukha ni Chloe pagkatapos bugbugin, nagulat siya nang kaunti at hindi niya napigilang sabihin, “Ano… Anong nangyari sayo?”Nasira ang damdamin ni Chloe sa sandaling ito. Sa una itinuring niya si Jacelyn bilang tagapagligtas niya, pero sa isang iglap, naging bilanggo rin si Jacelyn. Naging desperado siya nang sobra sa puntong ito at sinabi niya, “Huwag kang mag-alala sa akin, sabihin mo muna kung anong nangyari sayo…”Sinabi ni Jacelyn nang may hinanakit, “Hindi ba’t ang lahat ng ito ay dahil nakipag tulungan ako sayo na magbenta ng mga sigarilyo sa mataas na presyo? Kasalanan ang lahat ng hayop na 1024 na iyon… Nagdala ang isang miyembro ng pamilya niya ng one million US dollars na pera para bumili ng isang libong sigarilyo sa kapatid ko. Kahahanda lang ng kapatid ko ng mga sigarilyo, at ang sunod na alam ko, inaresto na ako ng FBI bago pa ako makalabas sa trabaho…”“Anong sinabi mo?!”Sinabi ni Chloe, “Bumili ng isang libong sigarilyo ang pam
Mahapdi na ang parehong braso niya, at at pagkatapos bugbugin nang matagal si Chloe, pagod na pagod na ang mga braso niya. Sa sandaling ito, pakiramdam niya na tila ba hindi na sa kanya ang mga braso niya.Hindi na niya masampal si Chloe, pero hindi niya mapakawalan ang poot niya. Kaya, nagngalit siya at sinabi sa lahat ng inmate, “Gusto kong pumila kayo tulad ng karaniwan niyong ginagawa kapag pumapasok ang mga guwardiya par suriin ang mga kwarto!”Alam ng lahat na si Elaine na ang namamahala sa lugar na ito, kaya hindi sila nangahas na suwayin siya. Tumayo sila nang nagmamadali ayon sa kung paano sila pumila kapag sinusuri ng mga guwardiya ang selda nila.Ang mga babaeng inmate na tinuruan na ng leksyon ng mga sundalo mula sa Ten Thousand Armies ay sinuportahan din ang isa’t isa at pumila nang nahihirapan. Gusto rin nilang ilinaw na lumayo sila kay Chloe sa sandaling ito para hindi sila madamay sa hinaharap.Sa sandaling ito, si Jacelyn, ang guwardiya na kakahuli lang, ay nangamb
Wala man lang pagkakataon si Chloe na magmakaawa kay Elaine nang isa-isa nang dumating ang mga sampal ng mahigit tatlumpung tao.Sa sandaling natapos ang mga sampal, nahihilo na si Chloe, at pakiramdam niya na tila ba umiikot ang langit.Hindi niya alam kung gaano karaming beses siyang hinimatay at nagising ng isang malakas na sampal.Para naman kay Elaine, nakatayo lang siya sa gilid, tila ba pinapamahalaan niya ang mga sarili niyang trabahador at binabantayan ang mga babaeng inmate na sumasampal kay Chloe.Lalapit at sisipain ni Elaine ang kahit sinong inmate na sumampal nang mahina kay Chloe.Sa mga salita niya, “Mga miserableng bruha talaga kayo. Karaniwan ay inaapi at sinasaktan niya kayo, pero bakit nagiging mabait at maawain pa rin kayo kahit na may pagkakataon na kayong baliktarin ang mga bagay-bagay ngayon? Hindi bilang ang sampal na iyon! Sampalin niyo ulit siya!Sa totoo lang, karamihan sa kanila ay hindi maawain o mabait kapag kaharap si Chloe.Napagod lang talaga si
Nang marinig niya na paparusahan siya ni Elaine, natakot siya na hindi pa rin kuntento si Elaine. Kaya, umiyak siya nang malambo habang sinabi, “Patawarin mo sana ako at pagbigyan ako ngayon… Nabayaran na ng sampu o isang daang beses ang ginawa ko dati. Hindi ko na talaga ito gagawin ulit sa hinaharap…”Ngumisi si Elaine. “Marunong ka na magmakaawa ngayon? May sasabihin ako sayo, walang saysay ito! Sige! Pumunta ka sa banyo at kumuha ka ng isang palanggana ng tubig para hugasan ang paa ng lahat. Simula ngayon, kailangan mong hugasan at masahihin ang paa ng lahat hanggang sa makalabas ako sa presinto!”Hindi nangahas si Chloe na antalain ito, at pinilit niya ang sarili niya na tumayo bago nagpasuray-suray sa banyo.Samantala, umupo si Elaine sa kama sa harap niya at tinuro ang mga babaeng inmat na nagpahugas ng paa sa kanya, at sinabi niya nang malamig, “Huwag niyong isipin na ayos na kayo ngayon. Hindi ko pa nagawang maghugas ng paa ng iba sa buong buhay ko, kaya sa tingin niyo ay k
Habang nabaliktad na nang tuluyan ang buhay ni Elaine sa Bedford Hills Correctional Facility at nagsimula na siyang kumilos bilang awtoridad at inenjoy ang superlatibong pakikisama, si Charlie, na nasa Fox Mansion, ay nakatanggap ng isang impormasyon mula kay Porter.Dahil sa malakas na intelligence channel ng Ten Thousand Armies, kasama na sa impormasyon na ito ang halos lahat ng krimen na ginawa ni Martha habang nasa United States siya.Ang nakalimbag na materyal na ito ay binubuo ng mahigit tatlumpung pahina, at inabot si Charlie ng mahigit isang oras bago niya natapos basahin ang lahat ng impormasyon.Nagalit siya pagkatapos basahin ang mga materyales na ito!Hindi niya inaasahan na gumawa ng hindi mabilang na krimen si Martha sa mga kababayan niya sa United States.Sa mga nagdaang taon, may nasa tatlumpung tao na ang direkta o hindi direktang namatay sa mga kamay niya.Marami rin ang naglaho at hindi nalaman ang kinaroroonan nila pagkatapos nila siyang makilala.At tulad ni
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro