Walang nakakaalam kung galit pa ba si Christopher o malungkot tungkol dito. Tumalikod siya at tahimik na sumandal sa mga saklay niya habang bumalik siya sa kanyang kwarto.Nagalit si Lady Wilson. Pero, wala siyang magawa kundi tanggapin ang katotohanan na bumalik na si Hannah.Dahil, kailangan niyang umasa kay Wenddy para suportahan sila. Hindi matalino na galitin si Wendy sa ganitong panahon.Malugo si Wendy na makita na naayos na ang bagay na ito. Huminga siya nang maluwag at tinulungan tumayo ang kanyang ina. Inudyok niya, “Ma, tumayo ka na. Umuwi na tayo.”Tumango si Hannah, umiiyak pa rin. Mukhang sa wakas ay nagkaroon na siya ng bagong panimula.Wala na siyang ibang magawa. Kung kaya niya, hinding-hindi siya babalik para makita ang mukha ni Lady Wilson.Ang pinakamalaking hiling niya ay magkaroon ng tirahan at hindi mag-alala sa tatlong pagkain niya sa isang araw. Sa ngayon, ang pagbalik sa villa sa Thompson First sa Aurous Hill ang pinakamagandang solusyon para sa kanya.
Mas matalino na siya ngayon, at kaya hindi na niya ginalit si Elaine para maiwasan ang kahit anong problema.Umabante si Wendy at sinabi kay Elaine na may malaking respeto, “Elaine… Sobrang immature ko dati at marami rin akong nagawang pagkakamali. Huwag ka sanang magalit sa mga pagkakamali ko dati. Kung ayos lang sa iyo, pwedeng patuloy na makipag-ugnayan ang mga pamilya natin.”Hindi inaasahan ni Elaine ang pagbabago sa ugali ni Wendy. Gumanda ang pakiramdam niya nang makita niya kung gaano kagalang si Wendy.Tumango siya at sumang-ayon, “Kalimutan na natin ang nakaraan. Sa hinaharap, pupunta ako para makipagkita sa mama mo. Magiging magkakampi kami ng hipag ko at gagalitin ang matandang mangkukulam!”Nang sinabi ito ni Elaine, naging misteryoso ang hitsura niya at binulong kay Hannah, “Hannah, hindi pwede na palagi kang maging matiisin sa matandang mangkukulam na ito! Masyado kang masunurin at mapagparaya sa kanya dati. Wala tayong magawa sa tuwing niyayabangan niya tayo. Sa tin
Nagmaneho palayo si Jacob gamit ang kanyang bagong Rolls-Royce Cullinan, at sa wakas ay bumalik na ang kapayapaan ng dalawang villa.Nasa balkonahe ng second floor sina Charlie at Claire ng A05 villa. Nakita nila ang buong pangyayari, at ngayon ay pinapanood ang unti-unting pagkawala ng Rolls-Royce ni Jacob sa paningin nila.Kinuskos ni Claire ang sintido nila at sinabi niya nang mahina, “Naku. Ngayong bumalik na ang tita ko, magiging magulo ulit ang mga bagay-bagay…”Ngumiti si Charlie, naaaliw. “Ayos lang ito. Mukhang medyo palakaibigan si Hannah kay Mama. Pinupuri niya siya, hindi ba?”“Oo…” Tinikom ni Claire ang mga labi niya, mapait ang pakiramdam niya. Idinagdag niya nang nababalisa, “Nag-aalala talaga ako kung magkikita ulit sila. Kung magtutulungan sila at lalabanan ang lola ko, hindi tayo mabubuhay nang payapa…”Binigyan siya ng nakakapanatag na ngiti ni Charlie. “Hindi mo kailangan mag-alala dito. Tama ang mama mo. Wala nang kayamanan o kapangyarihan si Lady Wilson ngayo
Sa una, gusto ulit subukan ni Jameson ang swerte niya sa Apothecary Pharmaceutical ngayong gabi. Gusto niyang ipakita kay Liam ang katapatan niya.Sa hindi inaasahan, napilitan siyang baguhin ang mga plano niya. Bigla siyang tinawagan ng assistant ni Kathleen Fox at sinabihan siya na gusto siyang kausapin ni Kathleen sa personal.Hindi nangahas si Jameson na galitin si Kathleen. Sa sandaling binaba niya ang tawag, nagmamadali siyang pumunta sa appointment.Dumating siya sa harap ng presidential suite ni Kathleen. Ang bodyguard ni Kathleen, si Julian, ay nakatayo nang hindi gumagalaw sa labas ng pinto, parang isang rebulto.Umabante si Jameson at sinabi ang layunin ng pagbisita niya. “Hello, nandito ako para makipagkita kay Ms. Fox.”Pinagmasdan siya saglit ni Julian bago tumango sa kanya. “Hinihintay ka niya sa loob. Maaari ka nang pumasok.”Tumalikod siya at binuksan ang pinto para kay Jameson.Tinanong ni Jameson sa sorpresa, “Ayaw mo bang magsagawa ng body search o security c
Agad na nakilala ni Jameson si Charlie sa isang sulyap lang.Tumaas ang tono ng kanyang boses at napabulalas siya sa pananabik, “Siya nga iyan! Siya… Siya ang Director Wade na nakausap ko galing sa pharma dept!”Hindi mapigilan ni Jameson ang kanyang sarili kaya napatanong siya, “Ms. Fox, bakit may litrato ka niya? Kilala mo siya? Kung oo, pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon na makausap siya? Pakiusap, nagmamakaawa ako!”Pakiramdam ni Jameson hawak niya na ang huling pisi ng kanyang buhay habang nalulunod siya sa kawalan ng pag-asa.Malapit na siyang masiraan ng mabait at mawalan ng malay. Hindi niya makausap si Liam kaya wala siyang paraan para makakuha ng Apothecary Restoration Pill.Sinubukan niya na ang lahat ng paraan para mahanap si Director Wade. At mula sa kanyang imbestigasyon, mukhang mahalagang tao si Director Wade. Maliban dito, si Director Wade rin ang nagbigay ng unang batch ng Apothecary Restoration Pill sa kanya sa simula.Subalit, walang iniwang kahit anong i
Tumugon si Kathleen nang walang emosyon, “Walang anuman, Mr. Smith. Nga pala, pagkaalis mo sa kwartong ito, huwag mong ipaalam sa kahit sino na magkakilala tayo. Kapag may nagtanong sa’yo rito sa Aurous Hill ng tungkol sa akin, huwag kang magbigay ng kahit anong impormasyon. Pwede niyo ba itong gawin?”Hindi naunawaan ni Jameson ang dahilan ni Kathleen pero pumayag pa rin siya. “Huwag kang mag-alala, Ms. Fox. Mula sa puntong ito, hindi tayo magkakilala.”Tumango si Kathleen.Kakaunti lamang ang nakakaalam ng tunay na pagkatao ni Kathleen at mas lalo naman sa Aurous Hill. Maliban sa kanyang mga kasama, si Jameson Smith lang ang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao.Umaasa siyang itago ni Jameson ang sikretong ito at hindi ito ang maging rason para mailantad ang kanyang pagkatao.Lingid sa kaalaman ni Kathleen, nagsimula na si Charlie sa kanyang imbestigasyon para makilala kung sino siya.…Sumunod na umaga. Pinadala ni Stephen ang lahat ng impormasyon ni Kylie, o Kathleen, pagkat
Inutusan ni Charlie si Porter na hanapin ang tunay na pagkatao ni Kylie sa pamamagitan ng kanilang intelligence network. Sumunod, tinawagan ni Charlie si Kylie.Hinihintay ni Kathleen na tawagan siya ni Charlie. Gusto niyang makuha ang loob nito kaya binilhan niya si Jacob ng isang bagong Rolls-Royce Cullinan at binigyan niya rin si Claire ng isang malaking project na nagkakahalaga ng ilang milyon.Umaasa siyang pasasalamatan siya ni Charlie.Ganoon din, sinagot niya ang tawag. “Mr. Wade, bakit niyo ako tinatawagan ng ganito kaaga?”Sinabi agad ni Charlie ang dahilan. “Ms. Jane. Gaya ng sinabi ko kahapon, hindi mo ako kailangang bayaran para sa Feng Shui readings na ginawa ko. Bakit mo binilhan ng Cullinan ang biyenan ko? Masyado ka namang mabuti sa akin. Hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya.”Sinabi ito ni Charlie sa isang magalang na paraan. Pero sa totoo lang, hindi siya nakaramdam ng kahit anong hiya.Tumugon si Kathleen. “Mr. Wade, pakiusap huwag kayong mahiya. Isa kayong
Napatanong si Claire sa sorpresa, “Papa, bakit masyado ka namang bihis na bihis ngayong araw?”Inayos ni Jacob ang kanyang kurbata saka siya ngumisi, “May Rolls-Royce Cullinan ako, kaya kailangan kong bigyan ng pansin ang suot ko. Kung hindi, iisipin ng iba na driver lang ako.”Hindi alam ni Claire ang sasabihin sa sitwasyong ito. Ganoon pa man, hindi niya mapigilang magsalita, “Papa, nakalimutan mo na ba? Regalo dapat para kay Charlie ang Rolls-Royce na iyan! Bakit hindi mo siya tinanong kung kailangan niya ba iyan?”Kinamot ni Jacob ang kanyang ilong saka siya nagtanong kay Charlie, “Charlie… kailangan mo ba ang kotseng iyon? Kung kailangan mo, ibibigay ko agad ito sa’yo…”Agad ring nagdagdag si Jacob, “Pero kung hindi mo muna ito gagamitin pansamantala, hihiramin ko muna ito. Sabihan mo lang ako kung kailan mo ito kailangan. Ibibigay ko naman ito agad sa’yo at hindi kita pipigilan!”Ngumiti si Charlie at kalmado siyang nagsalita, “Papa, huwag kayong mag-alala. Wala akong balak
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl