Ang bawat isa sa kanila ay kumuha ng life jacket at nilagay agad ito sa katawan nila bago nila hinipan ang blowing port sa kanilang balikat.Pero, kahit gaano pa nila ito hipan, hindi nagbabago ang mga life jacket sa katawan nila. Parang isa itong manipis na patong ng plastic vest na nakadikit sa katawan nila.Nang tumingin ang lahat sa isa’t isa, minura ng isa sa kawalan ng pag-asa, “P*ta! Binutas ang mga life jacket! Naging desperado agad ang leader ng grupo, “Mukhang pinagplanuhan na ito ng mga hayop na iyon!”Pagkasabi niya ito, tumingin siya sa bote ng tubig at mga compressed biscuit bago niya sinabi nang emosyonal, “Buti na lang, may kaunting konsensya pa ang mga taong iyon. Kahit papaano, nag-iwan sila ng ilang pagkain at tubig sa atin. Marahil ay makabalik pa tayo ng buhay…”Habang nagsasalita siya, pinulot niya ang isang bote ng tubig, balak niyang sumipsip nang kaunti. Pagkatapos itong ikutin nang marahan, napagtanto niya na walang pakiramdam na tila ba bagong bote ang
Sa lalong madaling panahon, sa kasikatan ng video, naging paksa na rin ng madamdaming usapin ang Ten Thousand Armies ng mga netizen sa buong mundo.Maraming tao na walang kahit anong pakiramdam para sa mercenary organization o kahit panunuklam ay sumiklab dahil dahil sa ginawa ng Ten Thousand Armies, at puno sila ng papuri para dito.Dahil dito, agad nagkaroon ng malaking alon ng mga tagaha ang Ten Thousand Armies, at tumaas din nang mabilis ang reputasyon nila.Lumitaw din sa internet ang sama-samang saloobin ng maraming netizen.Hinihiling nila na ubusin ng Ten Thousand Armies ang mga dominanteng pirata na ito para magretiro na ang mga pirata, na dapat matagal nang nawala sa lipunan, sa entablado ng kasaysayan.Sa mga nakaraang ilang dekada, nabigo na pagbawalan ang mga pirata ng Gulf of Aden. ‘Ang Gulf of Aden din ang choke point ng sea transportation at wala itong alternatibo, kaya, walang ibang paraan ang mundo para lumpuhin sila.Gayunpaman, maraming tao ang nakakita ng pag
Idineklara pa nila sa publiko na ang lahat ng armed escort business ng Ito-Schulz Ocean Shipping Group ay eksklusibo nang ipinagkatiwala sa Ten Thousand Armies. Bukod dito, ang bawat cargo ship ng Ito-Schulz Ocean Shipping Group na dadaan sa Gulf of Aden sa hinaharap ay mayroong armed escort service ng Ten Thousand Armies.Sa sandaling inanunsyo ito, pinalakpakan ng buong mundo ang matatag na saloobin ng Ito-Schulz Ocean Shipping Group.Nagalit si Badr, at sinabi niya agad ng magbabayad ng masakit na presyo ang Ito-Schulz Ocean Shipping Group, at hinding-hindi na ulit makakatapak ang Ito-Schulz Ocean Shipping Group sa Gulf of Aden.Nang nilabas ang anunsyo ni Badr, tinawagan ni Porter si Charlie at sinabi, “Mr. Wade, kakakita ko lang sa anunsyo na nilabas ng isang pirate organization. Sanay ang mga taong ito sa paglilibot ng Gulf of Aden, at wala talaga silang alam na kahit ano. Sa tingin mo ba ay dapat putulan natin siya ng ulo sa lalong madaling panahon?”Hindi nag-atubili si Cha
Para panatilihin ang imahe niya sa isipan ng mga tauhan niya at protektahan ang posisyon niya sa Gulf of Aden, itinipon agad ni Badr ang mga tauhan niya at nagdaos ng mobilization meeting.Sa una ay medyo nangangamba ang grupo ng mga mahihinang sundalo na ito na nasa ilalim ni Badr pagkatapos marinig na nagdeklara ng digmaan ang boos nila sa Ten Thousand Armies.Alam din nila ang sarili nilang bigat at kakayahan, at alam nila na ang mga taong katulad nila ay walang kahit kaunting pag-asa na manalo kung lalabanan talaga nila ang Ten Thousand Armies.Ang kabila ay isang matagal nang top-level mercenary, habang sila ay mga kalunos-lunos na pirata lang na hindi man lang sinanay ang galing nilang bumaril. Kaya lang nilang hawakan at itutok ang AK47 kalaban. Hindi talaga nila alam kung gaano kasama sila mamatay kung magiging kalaban talag nila ang Ten Thousand Armies.Pero, may sariling kakayahan at abilidad din si Badr dahil kaya niyang hawakan ang posisyon bilang leader ng isang pirate
Dahil hindi pa naaatake ang base camp nila, walang pakiramdam ng krisisa ng mga taong ito. Ang mga sundalo ay naninigarilyo lang at nag-uusap sa grupo ng dalawa at tatlo habang hinihintay nilang matapos ang shift nila para makabalik na sila at makapagpahinga sa pagsikat ng araw.Pero, hindi nila na alam na sa kadiliman ng dagat, maraming armadong frogman na may mga tahimik na electric thruster ang tahimik na lumalapit sa baybayin.Ang mga frogmen na ito ay mga sundalo ng Ten Thousand Armies.Ang leader ng team ay si Zayne, ang second-in-command sa Ten Thousand Armies.Para kay Zayne, ang pag-utos sa kanya na pangunahan ang assassination para sa isang maliit na pirate leader ay parang pag-utos na patayin ang isang manok gamit ang pangkatay na kutsilyo.Pero, hindi nagpakita si Zayne ng kahit anong sama ng loob nang maisip niya kung gaano kahalaga ito sa armed escort business ng Ten Thousand Armies.Kaya, siya mismo ang nanguna sa mga sundalo niya na pasukin ang base ni Badr mula s
Si Badr, na makapangyarihan sa Gulf of Aden, ay hinding-hindi napakadali niyang mapapatay.Sa opinyon ni Zayne, wala ang ganitong uri ng tao, at maituturing na swerte si Badr na mamatay sa mga kamay niya.Pagkatapos nito, marahan na ibinalik ni Zayne ang katawan sa kama.Nakaharap pa rin sa itaas ang katawan ni Badr, pero ang buong mukha niya ay nakalubog sa unan, nakikita lang ang likod ng ulo niya.Ang ganitong uri ng imahe ay may kaunting karahasan at kakaiba.Sa sandaling ito, naglabas si Zayne ng isang waterproof na plastik na silindro sa kanyang dibdib, at nilabas niya ang isang set sulat ni Porter na may kaunting nakasulat lang: “Ang kahit sinong hahadalang sa daan ko ay mamamatay.”Ang pangungusap na ito ay isang paalala na iniwan ng Ten Thousand Armies para sa natitirang pirate organization.Sa sandaling ito, tahimik na umalis si Zayne sa kwarto. Pagkatapos, binati niya ang mga tauhan niya na nagbabantay sa labas ng pinto, at bumalik na sila sa baybayin kung saan sila h
Hindi niya inaasahan na sa una ay balak nilang salakayin ang cargo ship ng Ito-Schulz Ocean Shipping Group at ang mga armed escort mula sa Ten Thousand Armies sa umaga, pero sa hindi inaasahan, mas mabilis kumilos ang Ten Thousand Armies. Bukod dito, hindi man lang sila naghintay, at pumunta pa talaga sila sa base nila para atakihin sila!Bukod dito, hindi niya rin inaasahan na sobrang lakas ng Ten Thousand Armies at makapangyarihan sa punto na walang nakapansin kahit na pinatay na ang boss nila sa base na ito na may libo-libong tao!Inabot si Badr ng dalawampung taon para sakupin ang bansang ito, pero sa huli, nabali ang sarili niyang leeg sa sarili niyang kampo!Bukod dito, ang dose-dosenang speedboat na inipon ni Badr sa nagdaang dalawampung taon ay pinasabog din ng Ten Thousand Armies sa isang iglap!Ang kanyang dalawampung taon na pagsisikap at ang sarili niyang buhay ay nasira sa isang gabi!Napagtanto agad ng second-in-command na dahil may ganitong abilidad ang Ten Thousand
Nang nakumpirma ang balita ng pagkamatay ni Badr, nagkagulo ang opinyon ng publiko sa buong mundo!Walang nag-aakala na biglang mamamatay si Badr!Kahapon lang, numpa si Badr na maghihiganti siya sa Ito-Schulz Ocean Shipping Group at paaalisin ang Ten Thousand Armies palabas sa Gulf of Aden sa parehong oras.Nang inakala ng maraming tao na matatagalan ang Ten Thousand Armies para sugpuin ang lokal na maniniil na nakapagtatag na ng prestihiyo sa Gulf of Aden at habang nag-aalala sila para sa Ito-Schulz Ocean Shipping Group, namatay nang kalunos-lunos si Bard sa sarili niyang base kagabi!Bukod dito, lahat ng speedboat na pagmamay-ari niya ay sumabog, at may malaking pagsabog pa sa storage tank sa base niya. Masasabi na nasira na ang buong base niya.Kahit na may sunod-sunod na pagsabog, hindi ito nagdala ng malaking dami ng pagkamatay sa pirate organization. Sa halip, nawala lang ang lahat ng speedboat nila sa isang gabi.Isang ganap na pagpuksa ito para sa pirate organization na
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas
Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a
“Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas
Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter