Nang makita ni Hiroshi na nagkusa si Charlie na batiin siya, nalugod siya agad nang sobra, at sinabi niya, “Hello, Mr. Wade! Matagal na simula noong huli tayong magkita. Hindi ko talaga inaasahan na naaalala mo pa ako…”Tumawa si Charlie at sinabi, “Hindi masama ang memorya ko. Kaya, paano kita hindi maaalala?”Pagkatapos niyang magsalita, tinanong niya si Yahiko, “Kamusta na kaya ang pakiramdam niyo pagkatapos niyong pumunta sa Oskia?”“Mabuti naman!” Sinabi nang seryoso ni Yahiko, “Marahil ay tuluyan na kaming may kapansanan, pero matatag pa rin ang kalooban namin. Sa mga nakaraang araw, sumasali kaming dalawa sa iba’t ibang sports tulad ng golf, bowling, at kahit swimming sa swimming pool kapag wala kaming ginagawa. Sinabi ng doktor na dapat mag-exercise pa ang mga taong nasa sitwasyon namin para palakasin ang katawan namin, at ang pinakamahalaga, mapabilis ang ‘break in’ ng mga prosthesis.”Tumango rin nang paulit-ulit si Hiroshi at sinabi, “Sinabi ng doktor na kung sapat na an
Nanabik nang sobra si Yahiko dahil ipinahiwatig ng sinabi ni Charlie na marahil ay may pagkakataon sa hinaharap.Kahit alam niya na sobrang advanced na ng modern medicine, imposible talaga na magawa nitong patubuin ulit ang mga putol na parte ng katawan ng tao.Bukod dito, sa ngayon, hindi magawa ng modern technology na makamit ang breakthrough para sa one hundred percent cell recovery. Ito rin ang dahilan kung bakit palaging may peklat pagkatapos ng sugat, at kung bakit hindi na maibalik ang dating balat bago magkaroon ng sugat.Kung may kaunting hiwa lang sa pulso, pagkatapos gumaling ng sugat, nandoon na ang peklat habang buhay. Kaya, paano magiging posible na patubuin ulit ang mga putol na binti?Kahit hindi na banggitin ang patubo muli ng mga binti, ngunit kahit pagkatapos putulin ang mga binti, hindi man lang nila kayang pagalingin at iayon ang kulay ng balat ng dalawang peklat na kasing laki ng isang mangkok sa mga binti sa kulay ng balat sa ibang parte ng katawan.Palaging
Nang makita ni Charlie na pumasok si Nanako, ngumiti siya at sinabi, “Pumunta ako para makipagkita kay Mr. Ito, at humihingi rin ako ng pabor kay Mr. Ito.”Tinanong nang nagmamadali ni Nanako, “Kun gano’n, nalutas na ba ang problema mo, Charlie-kun? Kailangan mo ba ng tulong ko?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Naayos na ito. Nakikipag-usap na lang ako kay Mr. Ito.”Kumaway nang nagmamadali si Yahiko at sinabi nang sabik, “Nanako, kakasabi lang ni Mr. Wade sa akin na marahil ay may paraan siya para ibalik ang mga binti ko sa orihinal na estado nito sa hinaharap!”“Seryoso?!” Lumaki ang mga mata ni Nanako, at nagulat siya nang sobra at nanabik habang tumingin siya kay Charlie at sinabi, “Charlie-kun, may paraan ka ba talaga para ibalik sa orihinal na estado ang ama ko?”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “May oportunidad na gawin ito, pero hindi pa tama ang oras.”Nang marinig ito ni Nanako, sobrang saya niya rin habang sinabi, “Magaling iyon! Siguradong may pagkakataon kung sinasab
“Zielinski Group?”Nang marinig ito ni Charlie, hindi niya mapigilang sabihin nang mapanghamak, “Narinig ko na ang tungkol sa pamilya Wade, pamilya Schulz, at pamilya Golding, pero kailanman ay hindi ko pa naririnig ang tungkol sa Zielinski Group.”Sinabi agad ng kabila, “Sa tingin ko ay may mali sa utak mo kung hindi mo pa naririnig ang tungkol sa Zielinski Group! Ang Zielinski Group ang pinakamalaking building materials group sa Oskia na may daang-daang bilyong dolyar na asset. Bukod dito, ang katanyagan ng young master namin, si Tom Zielinski, sa bansa ay hindi mas mababa kumpara kay Quinn Golding. Siya ngayon ang hottest male singer sa bansa!”Tumango si Charlei habang sadya niyang sinabi sa papuring tono, “Oh, ang galing! Kung gano’n, ang young master mo ang male version ni Quinn Golding?”Tumaas ang mga kilay ng kabila bago sinabi, “Syempre! Si Quinn Golding ay isang top-class na female singer, at ang young master namin ay isang top-class na male singer. May napakalakas na pa
Suminghal nang malamig si Isaac. “Gusto mo ring idemanda ang hotel na ito? Kilala mo ba ang may-ari ng hotel na ito?”“Wala akong pakialam kung sino ang may-ari ng hotel na ito.” Kumulot ang mga labi ni Daxton habang sinabi nang mapanghamak, “Hindi ba’t five-star hotel lang naman ito? May dose-dosenang ganitong hotel ang young master namin! Bukod dito, lahat sila ay nasa first-tier city. Hindi man lang sila mag-aabala na magpagawa ng kahit anong hotel sa ganitong second-tier city!”Nabagot si Isaac dahil sa binatang ito, at sinabi niya, “Sige. Sige at tawagan mo ang young master mo at sabihin mo sa kanya na ako, si Isaac Cameron, ang nagsabi na nagparetoke siya. Kung hindi siya nakumbinsi, sabihin mo sa kanya na maghihintay ako dito para sa kanya para idemanda niya ako. Sabihin mo sa akin kung ano ang sasabihin ng young master mo tungkol dito.”Galit na galit si Daxton, “Sinusubukan mo ba akong lokohin? Maghintay ka lang. Tatawagan ko na ang young master namin ngayon din!”Pagkatap
Sa sandaling narinig ni Daxton na nagsasalita nang kumpiyansa ang kanyang young master, agad niyang tinuwid ang likod niya.Naglakad siya nang nagmamadali pabalik habang itinaas niya ang kanyang cellphone at sinabi kay Isaac, “Gusto kang tanungin ng young master namin!”Sumimangot si Isaac sa pandidiri habang sinabi niya nang malamig, “Magsalita ka lang kung may gusto kang sabihin!”“P*ta!” Narinig sa kabilang linya ang galit na boses ng isang binata, “Sino ka ba?! Hindi mo ba talaga alam kung ano ang mabuti para sa sarili mo? Kilala mo ba kung sino ako?!”Ngumisi si Isaac at sinabi, “Alam ko. Hindi ba’t singer ka lang? Narinig ko na gumastos ng malaki ang pamilya mo para subukan kang ipromote nang ilang taon, pero hindi ka pa rin sumikat. Pagkatapos nito, pumunta ka sa ibang bansa at pinalitan ang mukha mo bago ka naging sikat. Tama ba ako?”“P*ta!” Si Tom, na nasa kabilang linya, ay galit na galit at nagngalit na lang siya. “Hinahanap mo talaga ang kamatayan mo! Kung may tapang
Sinabi agad ng captain ng security team, “Okay, Chairman Cameron!”Pagkatapos niyang magsalita, naglabas agad siya ng walkie-talkie at inutos, “Lahat ng miyembro ng first team, pumunta kayo sa presidential suite ngayon din!”Nang makita ni Daxton na seryoso talaga si Isaac, agad niyang binaba ang tindig niya, at nagmakaawa siya, “Chairman Cameron, huwag mo sanang ibaba ang sarili mo at makipagtalo sa mga katulad ko. Pinagsisilbihan ko lang din ang young master ko, at sinabi ng young master ko na gusto niya ang presidential suite na ito. Kaya, bilang tauhan niya, iyon ang dahilan kung bakit ako nagmadaling pumunta dito para gawin ito para sa kanya. Masyado akong balisa at mainipin kanina, at iyon ang dahilan kung bakit kami nagtalo. Patawad talaga. Maging mas malaking tao ka sana at maging maawain…”Ngumisi si Isaac at sinabi, “Ngayon magmamakaawa ka? Huli na!”Sa sandaling ito, mabilis na tumakbo ang isang dosenang security guard.Nang makita ni Daxton at ng iba ang eksenang ito,
May bulubundukin na nasa isang daang kilometro sa likod ng Mount Phoenix Cemetery.Kahit na pabilis nang pabilis ang urbanisasyon sa mga nagdaang taon, ang ganitong uri ng masukal na gubat ay hindi masyadong ginalaw.Bukod dito, bukod sa mga walang magawa at tangang manlalakbay, kaunting tao lang ang karaniwan na pumupunta sa ganitong uri ng lugar.Hindi talaga madali na maglakad palabas sa masukal na bundok. Sinasabi na paminsan-minsan, may mga manlalakbay na nakukulong doon at umaasa lang sa rescue team na isa-isa silang ilabas. Sa paglipas ng panahon, kahit ang mga manlalakbay ay hindi na naglalakas-loob na pumunta doon.Balak ni Charlie na itapon si Daxton at ang iba doon dahil nga hindi madaling makalabas doon.Kahit ano pa, nasa central plain ang Aurous Hill, at walang hayop na kumakain ng tao kahit sa kaloob-looban ng gubat. Hindi sila mamamatay sa loob kahit na wala silang survival ability. Basta’t maghahanda si Isaac ng ilang tubig at pagkain para sa kanila, maghihirap si
Yumuko siya nang magalang kay Charlie nang may gulat at pasasalamat habang sinabi nang may luha sa mga mata, “Salamat sa pagligtas sa buhay ko, Mr. Wade…”Niluwagan ni Charlie ang kanyang kamay na umaalalay sa kanya at sinabi nang kalmado, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, sabihin mo sa akin mamaya ang lahat ng nalalaman mo nang detalyado.”Sumagot agad si Ruby nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na sasabihin ko sayo ang lahat nang walang tinatago.”Tumango si Charlie at hindi na nagsalita, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad pabalik.Nagmamadaling sumunod si Ruby at nakita rin ang magandang babae na nakatayo sa harap niya.Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng babae, nagulat siya na tila ba nakakita siya ng isang muto, at sinabi niya sa pagkabigla, “Vera… Vera Lavor?!”“Oo, ako nga!” Sumagot nang direkta si Vera. Pagkatapos ay tumingin siya kay Ruby, kumurap nang mapaglaro, at sinabi nang nakangiti, “Ikaw si Miss Dijo, tama? Matagal ko nang nari
Pagkatapos itong sabihin, nahihirapan na sinubukan ni Ruby na tumayo. Kahit na pinili niyang bumigay kay Charlie, bilang isang cultivator, ayaw niyang makita siya ni Charlie na gumagapang palabas mula sa siwang ng malaking bato.Pero, sinugatan nang malala ng pagsabog ang katawan niya, at halos naubos na ang lakas niya sa pag-akyat dito. Kaya, nang sinubukan niyang tumayo, nanginginig ang mga binti niya.Nang nagngalit siya at sinubukang humakbang paabante, isang matinding sakit ang biglang dumaan sa kanyang kanang binti, at hindi niya nakontrol ang pagbagsak ng buong katawan niya.Nang makita ni Charlie na babagsak siya sa mga matalas at matigas na bato, agad siyang sumuntok papunta sa kanya habang pabagsak siya.Isang malakas na alon ng enerhiya ang lumabas sa kanyang kamao, gumawa ng isang malakas na buhawi. Sa sobrang lakas ng buhawi, binuhat nito nang matatag ang katawan ni Ruby, na nasa 45 degree na anggulo at malapit nang bumagsak!Sa sandaling pabagsak na ang katawan ni Ru
Kinakabahan nang sobra si Ruby. Alam niya na kung madidiskubre siya ng kabila, halos sigurado siya na mamamatay siya, at siguradong pahihirapan siya sa lahat ng posibleng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa Qing Eliminating Society at sa British Lord.Bukod dito, paulit-ulit na sinubukan ng Qing Eliminating Society na puksain ang mga Acker. Sa sandaling mapunta siya sa mga kamay nila, kahit na makipagtulungan siya nang masunurin, marahil ay hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya. Kaya, ang huling pag-asa niya na lang sa ngayon ay hindi siya mahahanap ng kabila.Habang nakakapit sa huling pag-asa na ito, biglang nagsalita nang malakas si Charlie, “Miss Dijo, palihim mong pinapanood ang laban namin ni Mr. Chardon sa dilim kanina lang, at ngayon, nagtatago ka pa rin sa dilim. Hindi ba’t medyo hindi ito makatwiran?”Biglang tumama sa isipan ni Ruby na parang kidlat ang mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling iyon, maraming bagay ang dumaan sa isipan niya, ‘Nahanap talaga
Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon
Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan
Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa