Hindi nangahas na magsalita nang malakas si Don Albert dahil nagsama-sama ang mga makapangyarihang tao sa siyudad. Kahit na sila ay nasa restaurant niya, naglakad siya sa likod ng lahat at iwinagayway ang buntot niya kay Charlie na parang isang aso, umaasa na titingin siya sa kanya.Habang nakatingin sa marangyang mga pagkain at dekorasyon, ngumiti si Charlie kay Don Albert at sinabi, “Magaling, Albert. Salamat sa pag-aayos mo.”Ngumiti si Albert na parang isang batang nakatanggap ng candy at sinabi, “Karangalan kong pagsilbihan ko. Mangyaring maupo ka na.”Tumango si Charlie at umupo sa pangunahing upuan ng lamesa.Yumuko nang magalang si Albert kay Charlie at sinabi, “Mangyaring tawagin mo ako kung kailangan mo ng kahit anong tulong, maghihintay lang ako sa pinto!”Pagkatapos, maingat siyang umalis ng suit at tumayo sa pinto na parang isang waiter.Si Albert Rhodes ang hari ng underworld sa Aurous Hill, pero ngayon, siya ay walang kwenta lamang. Hindi siya kwalipikadong umupo s
Ito ay dahil ang napakagaling na kakayahan ni Charlie sa medisina ay mas magaling pa sa kakayahan ng mga ninuno niya. Kaya, naramdaman niya na kung magiging swerte si Xyla na pagsilbihan si Charlie sa hinaharap, magkakaroon siya ng pagkakataon na matuto ng medisina sa kanya.Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit niya dinala si Xyla sa hapunang ito.Syempre, ang pangalawang rason ay dahil gusto niyang magpagamot kay Charlie.Higit pa sa kalahating buhay niya na siyang pinapahirapan ng kanyang panloob na pinsala, pero sa wakas ay may oportunidad na siyang gumaling ngayon!Habang iniisip niya ito, tumingin nang matagal si Anthony kay Xyla, pinaparamdam sa kanya na dapat siyang humanap ng pagkakataon na mapalapit kay Charlie.Naintindihan agad ni Xyla ang gusto ng lolo niya at namula ang mga pisngi niya dahil nahihiya siya nang sobra.Ibinaba niya ang kanyang ulo, nararamdaman niya ang malakas na alon sa kanyang puso. Paminsan-minsan, itinataas niya nang bahagya ang kanyang ulo u
Ang tabletang hawak ni Charlie ay ang medisina lamang na ginawa niya ayon sa reseta sa Apocalyptic Book. Gayunpaman, sobrang sabik ng lahat dahil dito.Naghintay nang matiyaga ang lahat habang nakatingin sila sa malilinaw na tableta sa kahon, at nararamdaman nila ang pagbilis ng paghinga nila.Sa mga taong ito, si Anthony ang pinakamatanda, at siya rin ang pinakasabik. Ito ay dahil alam niya na labis na kakaiba ang talento ni Charlie at hindi niya talaga ito mawari.Pinapahirapan siya ng isang malubhang pinsala sa loob ng katawan niya at hindi pa ito ganap na gumaling, at ang pinsalang ito ay nagpahirap sa kanya sa mga sakit at masamang kalusugan sa kalahati ng kanyang buhay.Ang huling beses na sinubukan niya ang tabletang gawa ni Charlie, malaki ang pinagbuti ng mga sintomas niya kahit na hindi pa siya ganap na gumagaling.Nang marinig niya na ang epekto ng bagong medisina ay sampung beses na mas epektibo kaysa sa tabletang sinubukan niya dati, hindi na mapigilan ni Anthony ang
Agad siyang pinigilan ni Charlie at sinabi, “Mr. Simmons, masyadong malakas ang medisinang ito para sa’yo. Dapat kalahati lang ang gamitin mo upang gamutin ang matandang pinsala mo at sakit. Dapat mong itago ang kalahati ng tableta dahil maaaring malaki ang itulong nito sa iyo sa hinaharap.”Nagulat si Anthony dahil hindi siya makapaniwala na gagaling siya gamit lamang ang kalahati ng tableta.Ang galing talaga nito!Nang maisip niya ito, naglabas ng patalim si Anthony sa kanyang bulsa at hinati ang tableta sa dalawa. Pagkatapos, nilagay niya agad ang isang kalahati ng tableta sa kanyang bibig.Tumingin nang matindi ang lahat sa kanya habang naghihintay sila ng isang himala na mangyari.Ilang segundo pagkatapos kainin ni Anthony ang tableta, bumalik agad ang kulay sa kanyang mukha, at ang kutis niya ay naging medyo pink agad. Nagpawis din siya nang sobra.Nararamdaman ni Anthony ang mainit at mahiwagang daloy sa kanyang katawan ngayon.Naramdaman niya na ang katawan niya ay para
Sa totoo lang, ang pagbibigay ng isa pang tableta kay Jasmine ay wala lang para kay Charlie.Gayunpaman, malaki ang kabuluhan nito kay Jasmine.Sa sandaling ito, naantig ng sobra si Jasmine at naakit sa ginawa ni Charlie, at naramdaman niya na pinoprotektahan at inaalagaan siya.Habang patuloy na nakatingin si Jasmine kay Charlie, pumunta siya kay Zeke bago naglabas ng isang tableta. “Mr. White, ang tabletang ito ay para sa’yo.”Nanginig ang buong katawan ni Zeke at mabilis siyang lumuhod tulad ng iba habang naghintay siya nang magalang.Inilagay ni Charlie ang tableta sa kanyang kamay, at sinabi ni Zeke, “Salamat, Mr. Wade! Salamat sa medisina. Hindi ako mag-aalinlangan na sundin ang lahat ng utos mo sa hinaharap!”Habang nakatingin siya kay Zeke na nakaluhod, sinabi niya, “Mr. White, maraming hinaing at galit ang idinulot sa akin ng anak mo at ng pamangkin mo dati. Kung hindi dahil sa’yo, wala na sila sa mundong ito.”Humagikgik si Zeke habang sumagot siya nang nagmamadali, “S
Iwinagayway ni Charlie ang kanyang kamay at sinabi, “Sige, huwag kang mag-alala. Siguraduhin mo lang na tutulungan mo ako sa tuwing hihingi ako ng tulong sa iyo sa hinaharap. Hindi ko kakalimutan ang ambag mo.”Sumagot nang mabilis si Albert, “Hinding-hindi kita bibiguin!”Nang makita ng lahat na binigyan ni Charlie ng mahiwagang tableta si Don Albert, nagulat sila nang sobra.Kahit na ang reputasyon ni Albert ay isang hari ng underworld sa Aurous Hill, wala siyang binatbat sa kanila. Kaya, hindi sila makapaniwala na hindi mag-aatubili si Charlie na bigyan ang isang taong hindi gaanong mahalaga tulad ni Albert dahil lamang kilala nila ang isa’t isa.Ito...Alam talaga ni Charlie kung paano tratuhin nang patas ang mga tao niya.Patuloy na lumuhod si Albert sa harap ni Charlie habang umiiyak.“Mr. Wade, hindi ko talaga inaakala na ang isang katulad mo ay pag-iisipan ang isang taong walang gaanong halaga tulad ko. Talagang sobrang nagpapasalamat ako sa kabaitan mo…”Ngumiti si Cha
Talagang hindi inaasahan ni Charlie na bibigyan nila siya ng mga regalo.Bukod dito, sobrang mahal ng mga regalong ibinibigay sa kanya.Ang parehong sports car ay apatnapung milyong dolyar bawat isa ang pinakamababang presyo.Ang mga baso ng wine mula sa Ming Dynasty ay may halagang limampu o animnapung milyong dolyar.Bukod dito, nagsulat pa si Jasmine ng cheque para sa isang daang milyong dolyar.Sa totoo lang, labis na hindi interesado si Charlie sa mga regalong ito.Una sa lahat, masyadong pasikat ang isang sports car, at hindi niya talaga gusto iyon.Hindi niya rin gusto ang mga baso ng wine dahil bihira lang siya gumamit nito.Para naman sa pera, ang huling bagay na kailangan niya sa buhay ay pera.Gayunpaman, nang makita ni Charlie na silang apat ay puno ng pag-asa habang sabik silang naghihintay na tanggapin niya ang mga regalo nila, nag-isip sandali si Charlie bago niya tinanggap ang mga regalo nila. “Sige, tatanggapin ko ang mga regalong ito. Salamat.”Dahil gusto n
Kung maibabalik ni Jasmine ang mahiwagang tableta, nararamdaman ni Lord Moore na siguradong mawawala ang lahat ng problema at karamdaman niya, at maibabalik niya ang pakiramdam ng pagiging bata nang sampu o dalawampung taon sa sandaling makakain niya ang medisinang inihanda ni Charlie.Nang pumasok si Jasmine hawak-hawak ang mahiwagang medisina, nahirapang umupo nang tuwid is Lord Moore bago niya tinanong sa nanginginig na boses, “Jasmine, binigay ba sa iyo ni Mr. Wade ang medisina?”Tumango si Jasmine bago niya ibinigay ang tableta sa kanyang lolo. “Lolo, ang tabletang ito ay ang ginawa ni Mr. Wade. Dapat mo itong gamitin sa lalong madaling panahon!”“Mabuti! Mabuti! Mabuti!” Ilang beses inulit ni Lord Moore sa pagkasabik. “Ginamit ba ni Mr. Simmons ang tableta?”“Opo, ginamit niya ito,” sumagot agad si Jasmine. “Kalahati lang ang kinaing tableta ni Mr. Simmons ayon sa reseta ni Mr. Wade. Gayunpaman, kahit kalahati lang ang kinain niya, ang lahat ng matandang pinsala at mga sakit
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang
Nagalit si Mr. Chardon, at hindi niya napagtanto na naniwala na siya nang tuluyan sa lahat ng gusto ni Zachary na paniwalaan niya dahil sa galit niya.Naniniwala siya na si Zachary ay isang antique dealer na may malapit na ugnayan sa paghuhukay ng mga libingan.Kaya, may matatag na paniniwala si Mr. Chardon na swerte lang siya at nakasalubong niya ang dalawang mahiwagang instrumento na ito, at hindi ito isang patibong!Isa lang ang nasa isip niya sa sandaling ito, at iyon ay alamin kung paano maniniwala si Zachary sa kanya para ibenta ang mahiwagang instrumento niya!Kaya, pinigilan niya na lang ang galit niya at nanatiling matiyaga. Nagsalita pa siya nang may kaunting kababaang-loob at sinabi, “Boss, sa totoo lang, hindi talaga ako isang undercover na pulis. Kaya kong gumamit ng isang bank account sa ibang bansa para bayaran ito gamit ang US dollars. Kahit na gusto kang hulihin ng domestikong pulis gamit ang isang undercover na pulis at kahit na naghanda talaga sila ng milyong-mil
Natulala nang tuluyan si Mr. Chardon nang marinig ito. Hindi niya alam na ito ang pinakabagong script na inihanda ni Charlie para kay Zachary, kaya wala siyang nagawa kundi ipaliwanag na lang nang inosente ang sarili niya, “Boss, hindi talaga ako isang undercover na pulis…”“Huwag ka nang magsalita.” Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang naiinip, “Sa totoo lang, sinabihan ko siya na magbigay ng presyo na three million dollars para sa jade ring para malaman ang presensya ng mga pulis. Ang kahit sinong may angkop na pang-unawa sa mga antique ay malalaman na katawa-tawa ang presyo sa sandaling narinig nila ang presyo. Ang mga undercover na pulis lang na gustong makahanap ng bakas ang papayag sa presyo para samantalahin ang pagkakataon na makahanap ng mas maraming bakas.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Pero sinasabi ko sayo, hindi gagana sa akin ang kasinungalingan mo!”Wala talagang masabi si Mr. Chardon.Hindi niya inaasahan na ito ang dahilan kung bakit nanghin
Pakiramdam ni Mr. Chardon na isa siyang tao na gustong manalo sa lotto ng isang daang taon pero hindi siya nanalo kahit isang beses. Ngayon, bigla siyang nanalo ng dalawang jackpot nang magkasunod.Sa madaling salita, katumbas ito sa pagbili ng mga lotto ticket habang buhay at hindi nanalo ng kahit consolation prize na limang dolyar. Bilang resulta, bigla niyang napanalunan ang grand prize para sa Mega Millions at Grand Lotto!Ang kanyang isang daan at limampu’t anim na taon na karanasan sa buhay ay hindi nagduda kung isa ba itong patibong. Sobrang simple rin ng dahilan kung bakit hindi siya nagduda. Ito ay dahil kaunting mahiwagang instrumento lang din ang pagmamay-ari ng British Lord.Nagsikap nang napakaraming taon si Mr. Chardon para sa British Lord, at binigyan lang siya ng British Lord ng isang mahiwagang instrumento na magagamit niya para sa self-defense. Bukod dito, ang mahiwagang instrumento ay hindi isang regalo mula sa British Lord. Kailangan itong ibalik ni Mr. Chardon s
Pagkatapos makipagkita ni Charlie kay Zachary sa opisina ni Isaac, tinanong niya siya, “Dinala mo ba ang Thunderstrike wood na binigay ko sayo?”Kinuha ni Zachary ang Thunderstrike wood sa bulsa niya, binigay ito kay Charlie, at sinabi, “Dinala ko ito. Tingnan mo ito, Master Wade.”Tumango si Charlie at sinabi sa kanya, “Zachary, lumabas ka muna at hintayin mo ako saglit.”Sinabi ni Zachary nang walang pag-aatubili, “Okay! Master Wade, huwag ka sanang mag-atubili na tawagan ako kung may kailangan ka.”Pagkatapos ay umalis nang magalang si Zachary sa opisina.Mabilis na ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para ayusin ang formation sa Thunderstrike wood. Makalipas ang ilang minutos, pinapasok niya si Zachary, binigay ang Thunderstrike wood na naayos sa kanya, at naglagay ng ilang Reiki kay Zachary habang sinabi, “Zachary, bumalik ka na dala-dala ang Thunderstrike wood na ito. Kung tatanungin ka ng kabila tungkol sa mga detalye ng paghuhukay ng libingan o kung may ibang produkto ka