Sa parehong pagkakataon, naka-activate na rin ang signal jammer. Mawawalan ng service at connection ang lahat ng cellphones sa floor na ito dahil wala silang masasagap na kahit anong signal.Kahit nakakonekta pa rin ang cellphone ni Sheldon sa WIFI network ng hotel, matagal nang putol ang koneksyon ng WIFI. Sa madaling salita, kahit konektado siya sa WIFI, matagal na siyang walang koneksyon sa internet.Syempre, hindi napansin ni Sheldon ang mga ganitong bagay.Inayos niya lang ang suit and tie na suot niya sa harap ng salamin. Nang masigurong maayos ang kanyang damit, inilabas niya ang kanyang pekeng balbas para ikabit ito sa ilalim ng kanyang ilong.Sumunod, inilabas niya ang isang pares ng golden-framed glasses mula sa kanyang bulsa. Pagkatapos itong isuot, nagmukha siyang isang Oskian na kakauwi lamang galing ng ibang bansa.Mamaya-maya, nagsuot rin siya ng isang sombrero na pareho ang kulay sa kanyang suit. Pakiramdam niya hindi siya madaling makikilala ng kahit sino gamit an
Nang marinig ito ni Sheldon, nakaramdam siya ng mainding gulat. Hindi siya makagalaw sa kanyang puwesto habang nakatitig kay Charlie.Hindi niya inaakalang buhay pa rin ang anak ni Curtis!Hindi niya rin inaasahang magpapakita ang anak ni Curtis sa kanyang harap ngayon!Sa pagkakataong ito, maliban sa kanyang kaba, nakaramdam si Sheldon ng kaunting galit!‘Curtis Wade! Si Curtis Wade na naman! Simula nang makilala ko si Helen, naging bangungot ko na ang mga salitang ‘Curtis Wade’. Nang maglaho si Helen mula sa isang aksidente ilang araw ang nakararaan, saka lamang ako nakalaya sa anino ni Curtis Wade. Pero ngayon, naririto ang anak ni Curtis Wade sa harap ko?! Saan ba nanggaling ang batang ito?!’Nang makita ni Sheldon kay Charlie ang parehong itsura at dating ni Curtis, hindi siya nakaramdam ng kahit anong duda.Napatitig lang siya kay Charlie at nagtanong siya sa isang malamig na boses, “Kahit ikaw ang anak ni Curtis Wade, ano ang nais mong iparating sa pagpunta mo sa loob ng k
Sa pagkakataong ito, muling ngumiti si Charlie saka siya nagtanong, “Alam mo na ba ang sagot sa tanong mo ngayon? Kung hindi, pwede kitang sagutin ulit.”Pagkatapos masampal nang dalawang beses ni Charlie, nakaramdam ng matinding hilo si Sheldon.Para bang mahihimatay na siya sa lakas ng sampal na natanggap niya. Sa buong buhay niya, tanging si Lord Schulz lamang ang may karapatan na saktan siya ng ganito, pero kahit si Lord Schulz hindi rin ganito kalakas ang sampal!Galit na galit siyang napahiyaw kay Charlie, “Alam mo ba kung ano ang kakayahan at kapangyarihan ng pamilya Schulz? Naniniwala ka bang kaya kitang patayin sa loob lang ng ilang minuto?”Kumaway si Charlie saka siya nagsalita nang mapangutya, “Tama na, Sheldon Schulz. Nahulog ka na sa kamay ko, hindi mo na kailangang magpanggap na makapangyarihan o nakasisindak sa harap ko. Bukod pa roon, huwag mong isipin na magagamit mo ang pamilya Schulz para takutin ako. Hindi lang naman dalawang sampal ang layunin ko.”Kinakabaha
Bilang pinakamatandang anak ng pamilya Schulz, nasaksihan at naranasan na ni Sheldon ang maraming malalaking eksena o problema sa loob ng ilang taon. Subalit, sa puntong ito, habang kaharap si Charlie na nasa 20s pa lang ang edad, hindi niya mapigilang makaramdam ng matinding taranta.Hindi niya maunawaan kung saan nanggagaling ang lupit ng isang miyembro ng pamilya Wade na nasa harap niya. Ang lakas ng loob nitong atakihin ang mga miyembro ng pamilya Schulz, isa pagkatapos ng isa, nang walang pag-aalangan.Dati, sa kabila ng tindi ng kompetisyon ng pamilya Schulz at pamilya Wade, walang kahit sino ang may lakas ng loob na gumawa ng ganitong marahas na bagay. Matapos ang lahat, parehong malakas at makapangyarihan ang dalawang panig. Katumbas ito ng dalawang bansa na parehong may nuclear weapons. Wala ni isa ang may lakas ng loob na gamitin ang lahat ng kanilang puwersa para puksain ang kanila.Subalit, ang anak ni Curtis na nasa harap ni Sheldon ngayon ay tila ba walang paki sa mga
Napasinghal si Charlie, “Isa kang malaking basura!”Napabulalas si Sheldon, “Ano ang ibig mong sabihin?!”Sumigaw nang malakas si Charlie, “Ang sabi ko isa kang malaking basura! Isang hangal at walang kuwenta!”Pagkatapos sabihin ang mga salitang ito, tinuro ni Charlie ang namamagang mukha ni Sheldon saka siya nagsalita sa isang malamig na boses, “Anak mo si Rosalie, pero sa halip na pakitaan siya ng pagmamahal at pag-aaruga bilang ama, ginamit mo siya para pumatay ng iba. Pinilit mo siyang paslangin ang mga inosente. Ginawa niya lang ang paglipol ng buong pamilya Matsumoto sa Japan dahil sinusunod niya ang utos mo! Hindi ka marunong magmahal ng pamilya! Walang hiya ka! Malupit, walang awa, at walang silbi kang ama!”“Hindi lamang iyan, pero nanatili sa tabi mo ang ina ni Rosalie sa loob ng ilang taon, lagi niyang ginagawa ang makakaya niya para protektahan ka. Nawala pa ang isa sa mga braso niya dahil sa’yo. Pagkatapos, ipinanganak niya si Rosalie. Pero, paano mo siya tinrato sa h
Bumagting nang matindi ang bawat salitang binibitawan ni Charlie sa loob ng puso ni Sheldon.Sa pagkakataong ito, nang maisip niyang naglalakad siya sa isang madugong trono habang hawak ang mga ulo ni Jaime, Sophie, at Rosalie sa kanyang mga kamay, pakiramdam niya gusto niya nang sumabog.Tumulo ang luha sa kanyang mga mata at nagsimula siyang sumigaw nang malakas, “Hindi! Hindi ganyan ang nasa isip ko! Hindi ko naisip kahit kailan na ipagpalit ang buhay nila para sa kayamanan at kapangyarihan! Wala lang talaga akong kakayahan na lumaban! Hindi ito ang gusto ko!”Habang nagsasalita, lalo pang naging emosyonal si Sheldon, “Ang tatay ko ang gumawa ng lahat ng ito! Higit sa lahat, sa tuwing gumagawa siya ng ganitong desisyon o nag-uutos siya ng marahas na bagay, hindi niya ito sinasabi sa akin. Matinding sakit rin ang pinagdadaanan ko sa lahat, pero ano ba ang pwede kong gawin?!”Malamig na nagtanong si Charlie, “Talaga bang wala kang pwedeng gawin, o pinili mo lang na magbulag-bulaga
Pagkatapos, naging magalang ulit ang boses ni Sheldon habang nagmamadaling magsalita, “Kung papakawalan mo ako ngayong araw, bibigyan kita ng malaking halaga ng pera. Ayos na ba ang 10 billion dollars? Kung hindi pa ito sapat, pwede ba kitang bigyan ng mas malaki!”Kumaway si Charlie. “Sheldon Schulz, masyado kang nag-iisip. Madaling resolbahan ang ibang bagay gamit ang pera, pero sa ngayon, wala itong halaga sa akin kahit ibigay mo pa ang buong pamilya Schulz sa harap ko.”Pagkatapos magsalita, ngumisi si Charlie, “Pero, makakasiguro kang hindi ko ilalabas sa publiko ang video na ito.”Napatanong si Sheldon na para bang hindi siya makapaniwala, “Sigurado ka bang hindi mo ilalabas sa publiko ang video na iyan?!”Tumango si Charlie saka siya ngumiti, “Sa puntong ito, wala akong intensyon na ilabas ang video.”Sumunod, napatitig si Charlie sa orasan at napangiti siya, “Oras na. Tara, may pupuntahan tayo. Dadalhin kita para makita ang ilang mga kakilala.”Akala ni Sheldon dadalhin s
Habang patuloy na nagtatanungan sina Charlie at Isaac, si Sheldon, na nasa tabi nila, ay takot na takot na.Hindi niya talaga inaasahan na sobrang sama ni Charlie. Hindi maiwasang magmura ni Sheldon sa puso niya, ‘Nagpapadala siya ng mga tao sa dog farm?! Tao pa ba siya?! Pinapadala niya ang mga tao sa Mount Golmin para maghukay ng ginseng?! Gawain ba ito ng isang tao?!’Sa totoo lang, kahit na sa dog farm ito, Mount Golmin, Mount Blackpine, o kahit sa Sierra Leone, hindi na masosorpresa ang mga malapit at pamilyar na kay Charlie.Pero, sa opinyon ni Sheldon at sa ganang kaniya, noon pa man ay nasa dilim na si Charlie. Kaya, hindi alam ni Sheldon ang mga pamamaraan ni Charlie.Ignorante rin siya at hindi niya alam ang tungkol dito kaya natakot agad siya nang sobra sa sandaling narinig niya ang mga pamamaraan niya.Sa sandaling narinig niya na sinabi ni Charlie na dadalhin niya siya sa executive floor, mas lalo siyang nalito.Hindi niya alam kung bakit siya dadalhin ni Charlie sa
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh