Share

Kabanata 2211

Author: Lord Leaf
Samantala, sa mansyon ng pamilya Schulz sa Eastcliff.

Kahit na nag-aalala at kinakabahan nang sobra sina Cadfan at Sheldon sa paglaho ni Rosalie, hindi masyadong naapektuhan ang kalooban nina Sophie at Jaime.

Hindi nila alam ang tunay na pagkakakilanlan ni Rosalie, at tinuring lang nila siya bilang isa sa mga tauhan ng pamilya. Bukod dito, personal na bodyguard ni Sheldon si Rosalie, at bihira lang siyang makipag-usap sa magkapatid. Kaya, walang masyadong pakialam ang magkapatid sa kanya o sa kalusugan niya.

Sa sandaling ito, nasa study room ni Sophie ang magkapatid, at nakatingin silang dalawa sa computer screen. Tinitingnan nila ang mga screenshot mula sa surveillance camera na pinagsama-sama ng mga tauhan nila para sa kanila.

Ang mga screenshot ay puno ng mga litrato ng mukha ng mga batang lalaki na may maputing balat.

Ang mga screenshot na ito ay kinuha mula sa ilang surveillance video mula sa mga major airport sa Japan ng mga taong nagtatrabaho para sa pamilya Schulz, ayon sa
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Herminio Talledo
update plsss
goodnovel comment avatar
Herminio Talledo
update plsss
goodnovel comment avatar
Herminio Talledo
update plsss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2212

    Habang nagsasalita siya, medyo napagod din si Sophie habang sinabi, “Ang pangunahing punto ay tayong dalawa lang ang nakakakilala sa tagapagligtas natin. Kaya, tayong dalawa lang ang pwede sa ganitong trabaho.”Tumango nang walang magawa si Jaime at sinabi, “Tama ka. Bilisan na natin at subukan nating humanap ng ilang bakas sa tagapagligtas natin sa lalong madaling panahon!”Habang nagsasalit siya, biglang may naalala si Jaime at sinabi, “Siya nga pala, Sophie, pupunta ako sa Aurous Hill makalipas ang dalawang araw. Gusto mo bang sumama?”Tinanong nang mausisa ni Sophie, “Anong gagawin mo sa Aurous Hill?”Sumagot nang nahihiya si Jaime, “Hindi ba’t pumirma ako ng sponsorship at collaboration contract para sa concert ni Quinn? Gaganapin ang una niyang concert ng taon sa Aurous Hill sa pangalawang araw ng February. Hindi ba’t nangako ako sa kanya na magdo-donate ako ng sampung milyong dolyar sa Aurous Hill Charity? Kaya, gusto kong pumunta doon para hindi ko lang maayos ang sampung m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2213

    Sa totoo lang, kahit na walang sabihin si Jaime, si Sophie, na sobrang talino, ay napansin na ang kakaibang atmospera sa pamilya.At saka, patuloy na binabalita sa Japan ang tungkol kay Rosalie. Alam ni Sophie na gumawa ng malaking gulo ang pamilya Schulz sa Japan para subukang iligtas si Rosalie.Pero, ang hindi niya masyadong maintindihan ay kung bakit nagsisikap ng sobra ang kanyang ama para iligtas si Rosalie.Ayon sa pangangatwiran niya, isang tauhan lang si Rosalie na nagtatrabaho para sa pamilya Schulz.Kung may nangyari sa isang tauhan, kailangan lang magbigay ng pamilya Schulz ng malaking pensyon ayon sa kontrata. Pagkatapos, sapat na ito para bayaran sila ng settlement fee kada buwan.Naramdaman ni Sophie na hindi nila kailangang palitan ang isang tauhan mula sa mga kamay ng Tokyo Metropolitan Police Department.Nalaman na niya ang malaking gastusin sa likod nito gamit ang kaunting pag-iisip. Siguradong nasa isang daang beses na mas malaki ang gastos para dito kumpara s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2214

    Parang Japanese Homeland Security Bureau lang ito.Kung aarestuhin ng Homeland Security Bureau ang mga miyembro ng Japanese Self-Defense Force para sa interrogation sa kadahilanan ng banta sa national security, kahit ang mga top commander ng Japanese Self-Defense Force ay walang karapatan na pigilan o kwestiyunin sila.Malinaw din sa lahat ng miyembro ng Japanese Self-Defense Force ng hindi maganda para sa kanila na masangkot sa Homeland Security Bureau . Kahit na hindi sila mamatay, siguradong maghihirap sila nang sobra sa mental at pisikal na torture.Kaya, may takot ang mga tao ng Japanese Self-Defense Force sa Homeland Security Bureau .Dahil din sa reputasyon ng Homeland Security Bureau , sa mga miyembro ng Japanese Self-Defense Force na hinuli at dinala para sa isang surprise interrogation, ang ilan sa kanila na may mahinang psychological diathesis ay bumigay at umamin.Bukod dito, ang mga officer ng Homeland Security Bureau ay isa sa mga pinaka magaling na miyembro ng ba

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2215

    Sa gabing iyon.Sa Eastcliff.Hindi maitago ni Sheldon ang pagkadismaya niya nang bumalik siya sa sarili niyang bahay.Sobrang kumplikado ng kalooban niya sa sandaling ito, at talagang nalilito siya.Kanina, ang tunay na ina ni Rosalie, si Yashita, ay pumunta sa Schulz Group para makipagkita sa kanya.Sa sandaling nagkita sila, balisa siyang tinanong ni Yashita tungkol sa kinaroroonan ni Rosalie.Pero, hindi alam ni Sheldon kung paano siya sasagot sa tanong niya.Ito ay dahil hindi niya rin alam kung nasaan si Rosalie.Mukhang naging hangin si Rosalie at naglaho sa mundong ito, wala siyang iniwan na kahit anong bakas.Si Yashita, na nawawalan ng isang braso, ay lumuhod sa harap ni Sheldon habang umiiyak at nagmamakaawa kay Sheldon dahil umaasa siya na gagawin ni Sheldon ang lahat ng makakaya niya para hanapin si Rosalie. Dahil, siya pa rin ang tunay na anak niya.Sumang-ayon si Sheldon sa hiling niya.Anak niya nga talaga si Rosalie. Suportado na ito ng resulta sa DNA test.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2216

    Bahagyang tumango si Helen. Hindi niya kailanman pinakialaman ang trabaho ni Sheldon simula noong ikasal siya sa kanya.Ito ay dahil naramdaman niya na hindi niya kailangan makialam sa ginagawa ng isang lalaki.Kaya, kailanman ay hindi niya tinanong si Sheldon tungkol sa mga detalye ng trabaho niya.Nang makita niya na mukhang pagod na pagod na si Sheldon, sinabi niya, “Palitan mo muna ang mga damit mo. Maglalagay ako ng tubig sa bathtub para sayo para makaligo ka muna. Dapat patayin mo ang cellphone mo kapag natulog ka ngayong gabi. Hindi ka pwedeng bumangon sa kama hanggang sa gumising ka nang natural bukas!”Medyo naantig si Sheldon, at sinabi niya nang nagmamadali, “Honey, hindi mo na kailangang mag-alala sa akin. Kaya kong punuin ang bathtub ng tubig nang ako lang.”Sumagot si Helen, “Kagagamit ko lang ng tubig sa bathtub. Medyo matagal para ubusin ang tubig at palitan ang tubig sa bathtub. Palitan mo muna ang damit mo at magpahinga saglit.”Ngumiti si Sheldon at sinabi, “Ay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2217

    Mahal na mahal talaga ni Helen si Curtis.Iba siya kumpara sa ina ni Charlie. Nagkakilala si Curtis at ang ina ni Charlie noong nag-aaral sila sa ibang bansa. Para naman kay Helen, lumaki siya kasama si Curtis, at para silang childhood sweethearts.Galing silang dalawa sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya sa Eastcliff, nag-aral sila sa parehong paaralan simula noong bata pa sila.Nag-aral sila sa pinakamagandang kindergarten, pinakamagandang elementary school, pinakamagandang junior high school, at ang pinakamagandang high school sa Eastcliff.Kaya, makikita sa ilang graduation photo ang mukha nina Helen at Curtis mula sa iba’t ibang panahon ng buhay nila.Magaling na si Curtis simula noong bata pa siya, at masaya si Helen na makipaglaro sa kanya noong nasa elementarya pa sila.Napagtanto ni Helen na nahulog siya kay Curtis noong nasa junior high school sila.Simula noon, hindi na nagbago ang iniisip at nararamdaman niya para kay Curtis. Bukod dito, kailanman ay hindi ni

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2218

    Sa bawat episode, palaging pinag-uusapan nina Sheldon at Helen kung sino ang mas magaling kumanta o kung sino ang mas nagbigay kahulugan sa kanta. Palagi nilang pinapanood ang programa nang masaya at may interes.Hanggang sa isang araw, isang babaeng singer na nagngangalang Susan ang kumanta ng cover ng kantang ‘I Can’t Live Without You’.Nang marinig ni Helen ang kanta, gumuho ulit siya nang emosyonal. Tinakpan niya ang kanyang mukha habang miserable siyang umiyak sa harap ng telebisyon.Presko pa sa ala-ala ni Sheldon ang lyrics ng kantang iyon.Ganito ang lyrics:“You opened up your arms and melted me,You softly rubbed your fingertips against me and crushed me, You stirred up winds and clouds and swept me away,You lifted up waves and then abandoned me…The both of us are too imbalanced,Love and hatred, are all controlled by you.But today, I can’t leave you.No matter whether you love me or not…”Sobrang ganda ng boses at ng vocal range ni Susan, at talagang nakakad

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2219

    Bilang pinakamatandang manugang na babae ng pamilya Schulz, ang unang reaksyon ni Helen pagkatapos makita ang headline ay pindutin nang mabilis ang artikulo para maintindihan ang nangyayari.Kahit na bihira lang siya magtanong tungkol sa mga bagay-bagay na may relasyon sa kanyang asawa at sa pamilya Schulz, kahit ano pa ito, miyembro pa rin siya ng pamilya Schulz. Kaya, syempre ay may kaunting narinig na rin siya tungkol sa mga pangyayari sa pamilya.Nakidnap ang kanyang anak na lalaki at anak na babae at muntik na silang mapatay sa Japan. Nag-iwan ng takot kay Helen ang pangyayaring ito, at medyo nag-alala rin siya sa sitwasyon ng Japan dahil dito.Alam niya rin na pinatay at inubos ni Rosalie ang buong pamilya Matsumoto. Kahit na naramdaman niya na medyo sumobra sila tungkol dito, alam niya na galit na galit si Sheldon sa sandaling iyon. Noong binigay niya ang utos, sobrang disidido siya, at walang lugar para makipag-usap.Pagkatapos nito, nahuli ng Japanese Self-Defense Force si

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5675

    Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5674

    Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5673

    Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5672

    Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5671

    Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5670

    Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5669

    Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5668

    Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5667

    Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status