Sa sandaling ito, pinigilan ni Charlie ang away. “Pa, Ma, hindi dapat kayo nag-aaway palagi. Dahil, kahit ano pa, pamilya pa rin tayo. Huwag kayong maging nakayayamot at palaban sa isa’t isa.”Sinabi ni Elaine kay Jacob, “Hindi na kita aawayin ngayong araw dahil binibigyang respeto ko ang mabuti kong manugang!”Pagkatapos ng hapunan, nanood si Jacob ng telebisyon sa sala habang nilinis ni Elaine ang kusina. Sa sandaling ito, sinabi ni Claire kay Charlie, “Mahal, medyo pagod na ako ngayong araw. Mag-shower muna ako para pawiin ang pagod ko.”Tumango si Charlie bago sinabi, “Mahal, punuin mo ang bathtub ng tubig. Pagkatapos, lagyan mo ito ng ilang bath salt para makababad ka sa bathtub at maayos ang ligo mo.”“Okay, mauuna na ako sa itaas.”Sa sandaling umakyat si Claire sa itaas na palapag, tumawag si Isaac kay Charlie at sinabi, “Young Master, kumilos na ang nasa isang dosenang master na tinawag ni Jiro mula sa Japan.”“Oh?” Tinanong nang nagmamadali ni Charlie, “Saan sila umalis
Pagkatapos lumabas ni Charlie sa entrance ng villa community ng Thompson First, mabagal na bumukas ang automatic door ng bus.Nagmamadaling lumabas si Isaac sa bus habang sinabi niya nang magalang kay Charlie, “Young Master, handa na kami. Ikaw na lang ang hinihintay namin.”Bahagyang tumango si Charlie bago siya sumakay sa bus. Pagkatapos sumakay sa bus, nakita ni Charlie na ang bus ay puno ng mahigit apatnapung malalakas na binata. Lahat sila ay mukhang sobrang determinado, malakas, at maskulado.Sa sandaling nakita ng mga taong ito si Charlie, isa-isa silang tumayo habang yumuko sila at sinabi, “Hello, Young Master!”Sumagot agad si Isaac, “Young Master, sila ang mga tauhan na nilinang at sinanay ko nang maraming taon. Lahat sila ay sarili kong tauhan kaya makasisiguro ka!”Tumango si Charlie sa pagkakuntento bago niya sinabi sa lahat, “Mangyaring maupo kayong lahat. Umaasa ako na ibibigay niyo ang lahat ng makakaya niyo ngayong gabi. Tagumpay lang ang pwede at hindi ako tumata
Sa sandaling ito, hawak-hawak ni Jiro ang isang sachet ng Apothecary Stomach Pill.Simula noong gumamit siya ng isang sachet ng Apothecary Stomach Pill pagkatapos sumakit ang kanyang tiyan, hindi na siya nakaramdam ulit ng discomfort o sakit sa kanyang tiyan.Sapat na ito para patunayan na mas mabisa nga ang Apothecary Stomach Pill kaysa sa Kobayashi Stomach Pill.Mas natakot pa si Jiro dahil isang beses pa lang siya gumagamit ng Apothecary Stomach Pill. Pero, nang nakaramdam siya ng kaunting sakit sa tiyan niya kanina lang, hindi niya napansin na ang una niyang kinuha ay isang sachet ng Apothecary Stomach Pill kaysa sa Kobayashi Stomach Pill.Kahit ano pa, naisip niya lang gawin ang Kobayashi Stomach Pill pagkatapos basahin ang napakaraming Oskian na classical medical books bago piliin ang prescription na ito mula sa napakaraming prescription. Kaya, palagi siyang nakakaramdam ng tagumpay dahil sa Kobayashi Stomach Pill at tinuring niya ito bilang sarili niyang anak.Ang hindi niy
Nang maisip ni Jiro na nakapaghanda na siya ng isang malaki at hindi matatakasan na ambush para kay Liam, nakapaghanda na rin si Charlie ng isang matibay na patibong para kay Jiro.Sa oras na ito, sa sandaling ito, sa lugar na ito, akala ni Jiro na ang nasa isang dosena na master na tinawag ni Jiro mula sa Japan ay siguradong mahuhuli at madudukot si Liam.Pero, hindi niya talaga aakalain na nasa limampung tao na sa magkabilang gilid ng intersection na ito ang nakapalibot sa kanila.Sa sandaling ito, nasa tatlong kilometro na lang ang layo ng bus ni Charlie.Ang Apothecary Pharmaceutical, kung nasaan si Liam sa ngayon, ay nasa tatlong kilometro rin ang layo.Kaya, umalis na rin si Liam sa Apothecary Pharmaceutical sa sandaling ito. Pumasok siya sa kanyang kotse at ginamit ang highway para umalis sa trabaho gaya ng dati.Nang inulat ng informer ni Jiro na umalis na si Liam sa Apothecary Pharmaceutical at mag-isa siyang nagmamaneho, nasabik nang sobra si Jiro.Pagkalipas ng mga sa
Pinailaw ng driver ang kanyang headlight at bumusina.Kumunot ang noo ni Jiro at sinabi, “Gabing-gabi na pero may bus pa rin na dumadaan sa kalsadang ito?”Pagkatapos niyang magsalita, sinabi niya sa mga lalaking nakaitim, “Bilisan niyo at tumabi kayo. Kung hindi, kapag nanghinala ang mga dumadaan, gagawa lang tayo ng problema para sa atin!”Nang pakilosi na ang mga lalaking nakaitim para itabi ang mga kotse, biglang tumigil ang bus sa likod ng dalawang kotse na nagpapanggap na may aksidente sila.Ibinaba ng bus driver ang mga bintana habang sumigaw siya, “Hoy! Anong ibig niyong sabihin dito? Hinaharangan niyo talaga ang dalawang bahagi ng kalsada dahil sa maliit na aksidente na ito?”Sumagot nang nagmamadali ang isa sa mga nakaitim na lalaki, “Pasensya na! Pasensya na! Tatabi na kami. Itatabi na namin ang mga kotse ngayon!”Nanumpa ang bus driver at sinabi, “Bilisan mo! Anong ginagawa mo? Dapat talaga sayo binubugbog!”Nang marinig ito ng lalaking nakaitim, hindi niya maiwasang
Nagulantang ang mga Japanese na lalaki na nakaitim nang makita nila ang napakaraming pistol na nakatutok sa kanila.Anong nangyayari?Hindi ba’t umakyat sila dito para turuan ng leksyon ang bus driver na nagyayabang?Bakit parang pumasok sila sa liblib ng liyon?Sa sandaling ito, sumigaw ang leader ng grupo, “Baka! Hindi! Pumasok tayo sa patibong ng iba! Takbo!”Sa sandaling narinig nila ang boses niya, tumalikod siya para tumingin sa likod niya, at nakaramdam lang siya ng kawalan ng pag-asa sa kanyang puso!Bakit nakasara ang pinto ng bus?!Habang hindi alam ng leader ang gagawin niya, umirap si Charlie bago niya tinanong nang mapaglaro, “Ano? Pumasok kayo sa bus ko at sinusubukan niyo pa ring tumakas ngayon?”“Hindi! Hindi!” Sumagot nang nagmamadali ang lalaki habang kinuskos niya ang mga kamay niya at ngumiti, “Siguradong hindi lang tayo nagkaintindihan. Pumasok talaga kami sa bus dahil gusto naming humingi ng tawad sa bus driver. Dahil, bastos talaga ang ugali namin sa kany
Sa sandaling nagsalita siya, tumunog ang mga putok ng bala sa paligid niya!Nang unti-unting tumigil ang putok ng baril, nagulat si Jiro nang mapagtanto niya na wala nang nakatayo sa paligid niya.Inutusan ni Charlie ang mga tauhan niya na wala dapat mananatiling buhay ngayong gabi bukod kay Jiro.Kaya, syempre ay hindi naging maawain ang mga tauhan ni Isaac.Nakita ni Jiro na ang kanyang assistant, driver, at ang lahat ng master na tinawag niya mula sa Japan ay nakahiga na sa isang lawa ng dugo sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung patay na ba sila o buhay pa. Naramdaman niya na tila ba babagsak na siya at umiyak siya agad, “Nagmamakaawa ako sayo! Pakiusap! Pakiusap at huwag mo akong patayin! Ako ang pinuno ng pamilya Kobayashi sa Japan at ako rin ang chairman ng Kobayashi Group! Basta’t handa kang pagbigyan ako, handa akong bigyan ka ng pera kahit magkano ang gusto mo!”Sa sandaling ito, isang malamig na boses ang umalingawngaw: “Jiro, napagtanto ko na hindi talaga nat
Nang marinig ni Jiro na hinayaan ni Charlie ang kapatid niya na panatilihin ang walang kwentang buhay niya, naramdaman niya na tila ba babagsak na siya.Sinabi niya nang galit, “Kumu… kumuha ka ng isang bilyong dolyar sa akin at nangako kang patayin ang kapatid ko. Nagsisinungaling ka pala sa akin noon pa man?!”Ngumiti si Charlie habang sinabi, “Jiro, huwag kang maging matamis at walang muwang, lahat tayo ay sinusubukang lokohin at dayain ang isa’t isa. Hindi mo ba naiintindihan ang lohikang ito?”Galit na sinabi ni Jiro, “Hin… hindi ka mapagkakatiwalaan!”Kinwestiyon ulit siya ni Charlie, “Sinasabi mo na hindi ako mapagkakatiwalaan? Gusto mong pag-usapan ito? Kung gano’n, sa tingin mo ba ay mapagkakatiwalaang tao ka? Pumunta ka dito mula sa Japan dahil lang gusto mong nakawin ang prescription at formula ko. Balak mo pang dukutin ang tauhan ko. Kaya, mapagkakatiwalaang tao ka ba? At saka, pumunta rin ang kapatid mo sa Oskia dahil gusto niyang nakawin at kunin ang prescription ng m
“Sa kalaunan, naisip ko rin na sa halip na tumakbo palagi, mas mabuti na iwan ko ang singsing kay Fleur para hindi na niya ako habulin at hayaan akong mabuhay nang payapa. Pero pagkatapos itong pag-isipan ulit, si Fleur ang pumatay sa aking ama. Kung magkokompromiso ako at magmamakaawa sa kanya, anong kaibahan namin ni Sanguine, na nagpapasok sa Qing dynasty? Magiging traydor kaming dalawa, kung gano’n.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi ni Vera, “Pagkatapos maintindihan ang lahat ng ito, nagpasya ako na kahit gaano pa ito kahirap, dapat ay mabuhay ako. Kahit gaano pa ito kahirap, hindi ako pwedeng magkompromiso at sumuko kay Fleur. Basta’t mabubuhay ako, siguradong mabubuhay ako nang mas matagal kay Fleur. Sa sandaling iyon, ako ang mananalo sa huli.”Sinabi nang matatag ni Charlie, “Huwag kang mag-alala, siguradong mas tatagal ang buhay mo kaysa sa kanya.”Tumango nang tapat si Vera at sinabi, “Sigurado ako na mas tatagal ang buhay mo sa akin, Young Master. Pagkatapos kong mamatay,
Sa tuwing binabanggit si Sanguine, nagngangalit si Vera sa galit. Nang binanggit niya na walang nabuhay sa apat na tito at sa mga supling nila, napaiyak si Vera.Hindi inaasahan ni Charlie na sobrang lagim ng nangyari sa pamilya ng lolo ni Vera, at hindi niya maiwasan na bumuntong hininga habang sinabi, “Sa panahon na iyon, ang mga buhay ay kasing liit ng mga damo at dahon. Maraming pamilya na tumagal ng daang-daang taon o kahit libo-libong taon ang naputol sa panahon na iyon.”Kinuyom ni Vera ang mga kamao niya at nagngalit, sinasabi, “Ang lahat ng ito ay dahil sa traydor na iyon, si Sanguine!”Nang sinabi ang mga ito, nagpakita siya ng isang mabangis na ugali na bihira niyang ipinapakita, at sinabi nang mabagal, “Naging tapat ang mga Lavor sa maraming henerasyon! Ibinuhos ng mga ninuno ko ang lahat para pagsilbihan ang bansa, at sumali pa sa militar ang aking ama, nilabanan ang Qing Dynasty sa kalahati ng buhay niya, hindi nakalimutan na suportahan ang Oskia. Pero, hindi lang pina
Tumango nang marahan si Charlie, “Okay, salamat sa pagsisikap mo.”-Nang dumating ang eroplano ni Fleur sa Melbourne, nakaalis na sa Aurous Airport ang eroplano na sinakyan nina Charlie at Vera, papunta sa malayong Londel na mahigit isang libong kilometro ang layo.Habang lumilipad ang eroplano sa kanluran, nawala na ang dating sigla at kulit ni Vera. Sumandal siya panandalian sa balikat ni Charlie, at pagkatapos ay para bang nawalan ng focus ang kanyang mga mata habang nakatingin sa labas ng bintana.Nakikita ni Charlie na may mali sa kanya, at naiintindihan niya nang mabuti ang kalagayan niya ngayon. Dahil, sa mundong ito, walang sino man ang mas angkop na mangulila sa tahanan kaysa kay Vera.Isa siyang dalaga na mahigit tatlong daang taon nang hindi nakakauwi, at sa wakas ay pauwi na siya. Ang kahit sino ay makakaramdam ng magkahalong mga emosyon.Makalipas ang mahigit dalawang oras, dumating ang eroplano sa Londel Airport. Nang bumaba si Vera sa eroplano, medyo nanghina nang
Nahiya at nabalisa si Vera, “Hindi ko pa nararanasang umibig, pero marami na akong nakitang mga romance drama! Hindi ba’t normal ang mga ganitong mapaglarong asaran sa mga romance drama?”“Oo, oo…” Tumango si Charlie nang nakangiti. Sa sandaling ito, mabagal na lumabas na ang eroplano sa gate, kaya binalk ni Charlie ang usapan sa punto habang binulong, “Dadating tayo sa Londel ng mga dalawang oras. Naaalala mo pa ba ang eksaktong lokasyon ng libingan ng iyong ama?”Tinanggal ni Vera ang kanyang ngiti at sumagot, “Nasa hilagang-silangan ng Ensel Bay ang libingan ng aking ama. Nakita ko ang mga mapa at litrato ng satellite. Tinatawag ng Stoneridge ang lugar na iyon.”Tumango si Charlie, nilabas ang kanyang cellphone para suriin ang mapa, at sinabi, “Medyo mas malapit sa Londel ang Stoneridge. Halos isa’t kalahating oras na biyahe ito mula sa airport.”“Mm-hmm…” Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Nasa isang bundok sa hilagang-silangang bahagi ng Stoneridge ang libingan ng aking
Isang sabay sa uso at mapormang mag-jowa na may suot na pang-mataas na klase ng fashion ang hawak-kamay na dumaan sa VIP passage para kumpletuhin ang proseso ng pagsakay nila. Pagkatapos ay hawak-kamay silang sumakay sa business car ng airport na para lang sa mga VIP.Sa mga tagalabas, ang dalawang ito ay isa sigurong mag-jowa na mga mayaman na tagapagmana. Hindi lang na may suot silang mga high-end na brand, ngunit marahil ay gumastos sila ng daang-daang libo sa private charter para sa biyahe nila.Pero, ito ang pinakamagandang balatkayo para kina Charlie at Vera.Sa kasalukuyang hitsura ni Charlie, walang magdududa na 20 years old lang siya. Kahit na may makita siyang kakilala, hindi nila siya makikilala.Habang papasakay ang dalawa sa eroplano, ginabayan sila ng crew sa isang maluwag na cabin. Hindi pinansin ni Vera ang unang dalawang first-class na upuan at hinawakan ang kamay ni Charlie habang naglakad siya sa likod at sinabi nang malambing, “Darling, gusto kong katabi ka.”M
Hindi maiwasan ni Vera na tanungin siya nang galit, “Hindi ba’t dapat tawagin mo rin akong ‘darling’?”Umubo nang dalawang beses si Charlie at tinanong siya, “Walang ibang tao dito. Gusto mo ba talaga na tawagin kitang ganito?”Nadismaya si Vera at sinabi, “Pinagkasunduan natin ito kanina…”Sinabi agad nang seryoso ni Charlie, “Sige, tutuparin ko ang pangako ko.”Pagkatapos ayusin ang sarili niya, sinabi niya, “Darling, darating tayo sa airport sa loob ng kalahating oras.”Ngumiti nang matamis si Vera at sinabi, “Okay. Salamat, darling!”Si Vera, na kuntento na, ay hindi maiwasan na mapansin ang kaliwang kamay ni Charlie sa manibela, at tinanong niya nang mausisa, “Darling, hindi mo ba sinuot ang singsing na binigay ko sayo nang lumabas ka?”Sumagot nang kaswal si Charlie, “Bakit ko ito isusuot? Kinilala ng singsing ang ama mo bilang may-ari nito, hindi ako. Kung malalagay tayo sa panganib, ite-teleport pa rin ako nito sayo. Kung makikita talaga natin si Fleur, hindi ba’t parang
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni