Nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone at tinawagan si Albert.Si Albert ang hari ng underworld sa Aurous Hill. Siguradong marami siyang informer sa siyudad.Narinig ang magalang na boses ni Albert sa sandaling sinagot ang tawag. “Master Wade, anong magagawa ko para sa’yo?”Sinabi ni Charlie sa mahigpit na boses, “Kagabi sa Aurous Hill Welfare Institute, may 10 bata na nasa dalawa at tatlong taong gulang ang nakidnap ng mga trafficker. Matagal ka nang hari ng underworld, tulungan mo akong hanapin kung may impormasyon ba tungkol sa pagbili ng bata o pagtatanong tungkol sa mga bata.”Maraming kaso ang nalulutas hindi dahil sa kagalingan ng mga imbestigador o ang mga high-tech na kagamitan nila, ngunit dahil nag-iiwan ang mga kriminal ng bakas sa kani-kanilang mga grupo.Halimbawa, kapag namatay ang isa, sisimulan ng pulis ang kanilang imbestigasyon sa pagkilala sa bangkay at magpapatuloy mula doon, pero alam ng mga tao saan underworld kung sino ang mga kaaway ng biktima, anong mga
Tumango si Charlie at sinabi, “Mabuti! Kapag may nakuha ka, ipaalam mo agad sa akin sa lalong madaling panahon!”Sinabi nang magalang ni Albert, “Okay, Master Wade!”Binaba ni Charlie ang tawag. Pinakalma niya ang sarili niya bago siya humarap kina Mrs. Lewis at Stephanie at sinabi, “Mrs. Lewis, Steph, huwag kayong mag-alala, humingi na ako ng tulong sa mga kaibigan ko na maghanap. Magaling siya at marami siyang informer, siguradong magkakaroon agad siya ng sagot.”Sinabi ni Mrs. Lewis, namumula ang mga mata niya, “Charlie, maraming salamat!”Sinabi nang mabilis ni Charlie, “Mrs. Lewis, anong sinasabi mo? Lumaki ako dito sa bahay ampunan at ang mga bata dito ay parang mga kapatid ko na. Ngayong nawawala sila, siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para ibalik sila!”Sinabi ni Stephanie, nabubulunan at humahagulgol, “Charlie, nagdonate ka na ng maraming pera kahapon. Sa daan pabalik, sinabi ni Mrs. Lewis na magpapalagay sila ng isang set ng CCTV sa paligid ng bahay ampunan
Alam ni Isaac na siguradong galit na galit si Charlie sa isang bagay nang marinig niya ang kanyang tono. Sinabi niya nang hindi nag-aalangan, “Okay, Mr. Wade, gagawin ko na ito ngayon din!”Pagkatapos, mabilis na tinanong ni Isaac, “Ah oo, Mr. Wade, susunduin na kita gamit ang helicopter ngayon din. Didiretso ba ako sa Aurous Welfare Institute?”Ayaw ipaalam ni Charlie sa iba ang kanyang mga kakayahan, kaya tinanong niya, “May lugar ba na pwedeng pagbabaan ng helicopter malapit sa bahay ampunan?”Nanahimik nang ilang sandali si Isaac bago sinabi, “Opo, may building sa malapit na tinatawag na Golden Line Tower na may helicopter landing pad sa rooftop. Pwede kang pumunta doon ngayon, aalis na ako ngayon at pupunta agad doon!”“Okay!” Sinabi ni Charlie, “Bilisan mo!”“Papunta na ako, Mr. Wade!”Pagkatapos ibaba ang tawag, humarap si Charlie sa mga babae at sinabi, “Mrs. Lewis, Steph, marahil ay may impormasyon ang kaibigan ko. Kailangan kong pumunta at makipagkita sa kanya ngayon. M
Maraming masayang pamilya ang tuluyang nasira dahil sa mga nakakakilabot na human trafficker na ito!Ang pinaka kinamumuhiang bagay na ginawa ng mga trafficker na ito ay pagkatapos silang kidnapin. Kung ibebenta nila ang mga batang ito sa isang normal na pamilya na gustong magka-anak, kahit ano pa, hindi malalagay sa panganib ang buhay ng mga bata. Pero ang iba ay ginagawa silang lumpo at bibigyan ng kapansanan ang mga bata para gawin silang instrumento upang manlimos sa kalye. Talagang sinisira ang buhay ng bata!Kaya, binabantayan ng lahat sa bansa ang balita, nag-aalala talaga sila sa sampung bata.Samantala, si Charlie, na nasa rooftop ng Golden Line Tower, ay gustong iligtas ang mga bata sa lalong madaling panahon! Isang helicopter ang narinig nang malakas sa malayo, mabilis siyang nilalapitan.Sa sandaling ito, pinadalhan siya ng text ni Albert na nagsasabi, “Master Wade, umalis na sa probinsya si Gibson at ang pamilya niya, pero hindi sila nangahas na magmaneho sa highway. N
Sa sandaling ito, hindi alam ng pitong tao sa loob ng Iveco Daily van na may lambat na mabagal na lumalapit sa kanila at malapit na silang mahuli.Kasama ng pitong tao, mayroong sampung bata na natutulog sa van. Hindi pa sila nagigising pagkatapos patulugin kaning hatinggabi.Mayroong isang binata na walang kanang kamay sa harap na pampasaherong upuan. Ang lalaking ito ay si Gibson Little.Humahagikgik siya na parang isang sabik na batang lalaki at sinabi sa kanyang kapatid na lalaki na nagmamaneho, “Hey, tol, makakakuha tayo ng isang milyong dolyar pagkatapos ng transaksyon!”Napanganga ang kanyang kapatid sa gulat, “Ano?! Woah, sobrang mahal na ba ng mga bata ngayon? Hindi ba’t sinabi mo lang na sampu-sampung libong dolyar lang bawat isa?”Sinabi ni Gibson, “Oo, pero nahuli sila kailan lang, hindi ba? Kulang sa bata ang Beggar Clan sa Kelna Province, kaya tumaas ang presyo.”Ngumisi nang malugod ang kanyang kapatid, “Yayaman na tayo!”Tumango nang sabik si Gibson at sinabi, “P
Sa desperasyon niya, ang huling takbuhan niya ay si Gibson, na nakilala niya kailan lang. Gusto niyang umutang ng tatlong daang libo sa kanya, pero hindi niya inaasahan na kulang din ang pera ni Gibson sa sandaling iyon.Nagrereklamo si Gibson sa pagsisikap ng mga pulis na pigilan ang human trafficking na talagang pinatigil ang trafficking operation ng pamilya niya.Sinabi rin ni Gibson na naghahanap siya ng mga bata para ibenta sa timog. Sobrang taas ng presyo ng mga bata ngayon at malaki ang pera na makukuha nila kung makakahanap sila.Nang maisip ang mga sanggol at bata sa bahay ampunan, nagkaroon agad ng masamang plano si Max sa kanyang isipan.Sinabihan niya si Gibson at iminungkahi na magtulungan silang kidnapin ang mga bata sa bahay ampunan.Nag-aalala si Gibson tungkol dito. Pero sa sandaling nalaman niya na marami siyang mapagkukunan sa bahay ampunan, ngumisi siya nang sabik at nagbalak na rin ng plano.Kabisado ni Max ang bahay ampunan. Alam niya ang lahat ng madadaanan
Ilang helicopter ang nagtipon-tipon sa labas ng bayan ng Aurous Hill at papunta na sa hangganan ng probinsya nang mabilis, unti-unting pinapaliit ang distansya nila sa target.Sa kabilang dako, nasa federal route ang puting Iveco Daily, nagmamaneho ayon sa speed limit. Madalas silang nakakasalubong ng masikip na trapiko o red light kaya limitado ang bilis at ang paglalakbay nila.Pinili ni Gibson ang federal route kaysa sa highway dahil isa sa mga pangunahing dahilan ay, ang pagkakagawa mismo ng daan.Dahil ang highway ay isang closed-circuit route, mahihirapan silang makatakas kung mamamarkahan sila ng pulis at magtatayo ng mga roadblocks. Pero, iba ang mga federal route. Konektado ito sa iba’t ibang bayan at mga county, kaya mahihirapan nang sobra ang mga pulis na hanapin ang kanilang lokasyon at harangan ang kanilang daan.Bukod dito, kung magkakaroon sila ng problema, pwede nilang iwan ang van at tumakbo. Mayroong maraming magandang taguan ang federal route. Pwede silang magtag
Lumabas ang mga driver sa likod ng mga truck para tingnan kung ano ang nangyari, nauusisa at galit.Sa sandaling ito, lumabas ang isang tao mula sa armada ng mga truck at sumigaw gamit ang loudspeaker, “Kayong lahat, nakatanggap kami ng isang agarang paunawa mula sa management na naging mapanganib na ang tulay at maaari na itong bumagsak sa kahit anong oras. Sinusubukan namin ang lahat ng makakaya namin para ayusin ang sira sa lalong madaling panahon. Para sa kaligtasan niya, mangyaring lumiko muna kayo. Salamat sa kooperasyon niyo.”Nagrereklamo ang mga driver, pero nawala agad ang galit nila nang marinig ang anunsyo.Walang nagduda sa kredensyal nila, lalo na nang makita nila ang napakaraming heavy-duty truck na nakaparada sa tulay. Sa totoo lang, naramdaman nila na swerte sila dahil nasa likod sila ng mga truck na ito. Kung nasa harap sila ng armada, hindi ba’t dadaan sila sa mapanganib na tulay?”Kaya, mabilis na bumalik ang lahat sa kanilang mga sasakyan, tumalikod, nag-iba ng
Agad-agad, pangatlong araw na. Dumating nang maaga si Mr. Chardon sa Antique Street, sabik na naghihintay ng magandang balita mula kay Zachary.Sa sandaling ito, kinakabahan at hindi mapakali si Mr. Chardon. Ayon sa mga pangangailangan ng British Lord, kailangan niyang puksain ang mga Acker bago maghatinggabi, na bago mag 11:00 p.m. ngayong gabi.Balak din ni Mr. Chardon na pumunta sa Willow Manor ng 7:00 p.m. ngayong gabi. Tahimik muna siyang maghahanap ng ligtas na lugar sa Willow Manor para pagtaguan at hintayin ang perpektong pagkakataon para umatake. Kapag tama na ang oras, aatakihin niya agad at uubusin ang mga Acker.Kaya, ang pinakamalaking hiling niya ngayong araw ay makakuha ng mas maraming mahiwagang instrumento kay Zachary bago mag 7:00 p.m. Kahit na alam niya na baka itayo lang ni Zachary ang stall niya sa hapon o kahit mamaya pa, dumating si Mr. Chardon at balisang naghintay sa Antique Street sa umaga.Pero, nahuli na naman si Zachary at dumating lang sa hapon.Nang
Lumapit si Mr. Chardon sa sandaling itinayo ni Zachary ang stall niya. Nang makita ni Mr. Chardon na may hangover si Zachary, hindi niya mapigilan na tanungin siya, “Zachary, binigyan ka na ba ng sagot ng boss mo?”Umiling si Zachary, humikab, at sinabi, “Hindi pa. Nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para ma-withdraw ang pera simula kagabi, pero limitado ang dami ng pera na pwedeng malabas, kaya marahil ay matagalan ito.”Medyo nabsali at nainip si Mr. Chardon habang sinabi, “Zachary, baka kailangan ko na umalis sa Aurous Hill bukas ng gabi. Marahil ay hindi na tayo magkita sa hinaharap pagkatapos kong umalis.”May nanghihinayang na ekspresyon si Zachary habang sinabi, “Boss, medyo mahigpit nga ang oras na bukas ng gabi. Bakit hindi ka muna manatili ng ilang araw? Maghintay ka lang ng tatlo o limang araw, at marahil ay makukuha mo ang gusto mo. Kung nababagot ka, pwede kang sumama sa Shangri-La sa akin. May presidential suite ako doon na may apat na kwarto. Isang kwarto lang ang ga
Nagpapanggap lang si Zachary ayon sa pagsasaayos ni Charlie sa sunod-sunod na pagtatanghal na ito. Sa ibang salita, kumakain siya, umiinom, at inaaliw ang sarili niya gamit ang public funds na inaprubahan ng boss niya.Ang dahilan kung bakit sinabihan ni Charlie si Zachary na aliwin ang sarili niya at magsaya gabi-gabi ay dahil nag-aalala siya na palihim na babantayan ni Mr. Chardon si Zachary.Hindi pwedeng hayaan ni Charlie na mabunyag ni Zachary ang kahit anong bakas bago pa kumkilos si Mr. Chardon. Basta’t walang mabubunyag na bakas si Zachary, siguradong walang pagbabago sa makalawa ng gabi. Sa sandaling nabunyag ang sikreto, posible na maagang kumilos si Mr. Chardon.Sa sandaling ito, patuloy na binabantayan ni Mr. Chardon si Zachary, at nakikinig pa siya nang mabuti sa pag-uusap nila ng babaeng escort. Sa tuwing pinagmamasdan niya si Zachary, mas naniniwala siya sa pagkatao ni Zachary at sa lahat ng sinabi sa kanya ni Zachary.Sa paningin niya, kumikita si Zachary ng pera sa
Sinabi ni Charlie, “Hayaan mo muna na maghintay siya kung gusto niya ng mga produkto. Malapit na nag-uugnayan ang pulis at ang mga bangko kailan lang, kaya madali kang pupuntiryahin kung hindi alam kung saan galing ang pinagmulan ng napakalaking pera, lalo na kung transaksyon ito sa US dollars. Kaya, kailangan mong linisin ang lahat ng pera na natanggap mo sa nakaraang ilang araw at sabihan ang buyer na ipapadala mo sa kanya ang mga produkto sa loob ng isang linggo.”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “Pero hindi kayang maghintay ng buyer nang gano’n katagal. Sinabi niya sa akin ngayong araw na kaya niya lang maghintay hanggang sa makalawa bago maggabi. Hindi ba’t dapat nating ipadala ang mga produkto nang mas maaga? Dahil, kapag wala na ang pagkakataon na ito, marahil ay hindi na siya bumalik.”Nang marinig ni Charlie na binanggit ni Zachary na makakapaghintay lang hanggang sa makalawa bago maggabi ang great earl mula sa Qing Eliminating Society, biglang nakaramdam ng lamig si Char
Alam ni Mr. Chardon na kahit anong mangyari, kailangan niyang gawin ang misyon na binigay sa kanya ng British Lord makalipas ang dalawa’t kalahating araw. Sa lakas niya, madali lang ang pagpatay sa mga Acker kahit na pinoprotektahan sila nang matindi ng mga bodyguard ng mga Acker.Pero, alam niya na sa sandaling ginalaw niya ang mga Acker, mahihirapan siyang makatakas nang walang sugat sa ilalim ng opisyal na pagtutugis sa Oskia. Sa sandaling iyon, mawawalan siya ng pagkakataon na makakuha pa ng mga mahiwagang instrumento mula kay Zachary.Sa sandaling iyon, inisip din ni Mr. Chardon kung dapat niya bang samantalahin ang pagkakataon na hulihin si Zachary at puwersahin siya na maglabas ng impormasyon tungkol sa boss niya at sundan ang bakas para hanapin ang boss niya, direktang harapin ang nakamamatay na tunggalian.Pero, nag-aalala siya na maaaring maglabas ng impormasyon ang paggawa ng masyadong maraming ingay. May malawak na network ang mga Acker, kaya kapag may naramdaman sila, p
Habang nadidismaya siya, si Zachary, na nasa gilid, ay nagsalita at sinabi, “Tatang, sa opinyon ko, dapat mo rin bilhin ang jade ring na ito. Magmumukha kang sobrang engrande kapag sinuot mo ang dalawang jade ring sa magkabilang hinlalaki!”Palihim na inisip ni Mr. Chardon, ‘Dahil sinabi ko na sa British Lord ang tungkol sa singsing na ito, maganda na kaya kong makabili ng pangalawa ngayon. Kaya kong ibigay ang isa sa mga jade ring sa British Lord at itago ang isa. Kahit papaano, hindi ako magsisisi kung mahalaga ito.’Nang maisip ito, sinabi ni Zachary, “Okay. Dahil tinadhana ako sa mga jade ring, bibilhin ko rin ito. 500 thousand dollars pa rin ito, tama?”Sinabi nang nagmamadali ni Zachary, “tatang, hindi na sapat ang 500 thousand dollars ngayon. Sinabi ng supplier ko na ito na ang huling singsing, at wala nang matitira pagkatapos kong ibenta ito, kaya hindi ito mabebenta ng mas mababa sa one million US dollars.”“One million US dollars?” Sinabi ni Mr. Chardon nang may ilang pag
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango