Share

Kabanata 04

Nang makapasok na sila Winston Lawrence sa Loob ng Aspire Financial Bank, agad naman dinala ng Manager si Winston Lawrence sa isang VIP Room

Ngunit dumaan muna sila sa mga taong nakapila sa isang Counter

Na inip na inip na sa pila, dahil sa sobrang haba ng pila at sobrang bagal ng babae sa Counter

Kaya naman dito nagulat ang mga tao na nag titiis sa isang Pila, para lang makapag Withdraw ng Cash gamit ang Cheuqe

At dito may isang Kalbo na lalaki ang sumigaw sa Manager at Kay Winston Lawrence

“Hoy! Anong ginagawa ninyo, bakit ninyo siya pinapasok sa loob ng VIP Room

Saka, para naman mukang pulubi ang lalaking pumasok sa loob, ang baho baho nung dumaan siya sa amin

Hindi na makatarungan ang ginagawa ninyo sa amin”

Galit na galit na sinabi ng isang lalakeng kalbo

Kaya naman dito may isang Security ang lumapit sa kaniya

“Mawalang galang na po Sir. Isa po siyang VIP ng Aspire Financial Bank

Kaya lang po ito naka damit ng mabaho at mukang pulubi

Dahil maraming mga Mafia at Ganster na nasa labas”

Paliwanag nang isang Security Guard sa Lalake,

Ngunit hindi pa ito nakumbinsi sa sinabi ng Security Guard

Kaya dito nag salita pa ulit ito,

“wala akong paki-alam kung VIP siya ng Banko,

Magkano ba ang pera ng ipapasok niya sa Banko ninyo,

Pasigaw na sinabi ng isang Lalake

“Kapag nasa 10 Million ang Deposit ng Costumer, isa na po itong VIP”

Paliwanag muli ng Security Guard

“eh bakit naman ako 15 Million ang ipapasok ko sa Banko ninyo, wala bang mag VIP sa akin”

Habang nangangatal ang lalake sa galit habang sinasabi nito sa isang Guard,

Kaya dito lumabas ang Manager na dinig na dinig nito ang boses ng Lalakeng Kalbo

“Hoy ikaw kung ayaw mong mag deposit, umalis ka nalang dito, at sa ibang banko ka mag Deposit ng Pera mo”

Sagot ng Manager na galit at inis na rin sa maingay na Costumer

“Alam mo ba kung magkano ang idedeposit ng lalakeng nasa VIP” habang naka ngiting sabi ng Manager sa Kalbo

“Magkano ba” sagot ng lalakeng kalbo sa Manager

“400 Million lang naman Boss

Kaya dahil dito kung bakit siya ay VIP nang aming Banko”

Habang napa tulala ang lalakeng kalbo sa kaniyang narinig at hindi na muli pa itong nag salita pa

Kaya naman ang Manager ay bumalik na ito sa Loob ng VIP, kung saan naruruon si Winston Lawrence

“Pasensya kana Sir. May inayos lang akong maingay sa labas”

Sagot ng isang Manager

“ayos lang po” Maikling sagot ni Winston

“ano Sir. Ang mga kailangan natin gawin sa Pera mo”

Tanong ng Manager kay Winston na nag iisip ng mga bagay kung paano nito gagastusin ng tama ang Pera nito

“Bigyan mo ako nang magara at magandang Bahay dito sa Summerton,

Bukod dito, bigyan mo din ako ng isa sa mga sikat na Sasakyan sa Newheaven

Gusto ko ang Kulay Red

At bigyan mo ako ng 3 Million Cash at ito ay pakilagay sa isang Bag

At 3 Million para ediposit sa Manager ng PCSO At Bigyan mo rin ako ng Credit Card”

Kaya nang sinabi lahat nito ni Winston Lawrence,

Agad nitong naiintindihan ang ibigsabihin ni Winston

Kaya dito tumayo ang manager para tumawag sa Real State ng Bahay at nang Sasakyan

“Miss Santos, Maari ba ako mag request ng Pinaka Magandang Bahay sa inyong bagong Modelo

Saka Bigyan mo na rin ako ng pinaka latest na Kotse ngayon

Paki Rush nalang Miss Santos, Para sa aming VIP Costumer ngayong Araw”

Kaya ng sinabi ito ng Manager, dito pinag utos ng Manager na ipag timpla muna si Winston ng 3in1 coffee

Pagkalipas ng 30 Minuto, tumawag si Miss Santos sa Manager ng Aspire Financial Bank

“Ang lahat po sir. Ay naka handa na ang lahat, papunta na po diyan ang Car na Pinili po nang inyong VIP”

“Maraming salamat sa inyong mabilis na Serbisyo”

Sagot ng isang Manager ng Banko

Pagkatapos maibaba nang manager ang Tawag sa kabilang linya,

“Mister Lawrence, Tayo na po sa labas, para makita ninyo ang inyong Car”

Excited na sabi nang isang Manager kay Winston

Kaya nang lumabas sila ng VIP Room,

Dito muling nakita ng Kalbo si Winston na hindi makapaniwala na mas mayaman pala ang isang mukang pulubi na ito kaysa sa kaniya

Lalo na nang makita nito ang isang sport Car Red na kakarating palang,

Ito ang Persia Benz na nag kakahalaga ng 30 Million Pesos.

Kaya nang makita nito na sumakay si Winston na mukang Pulubi dahil sa suot nito

Ang mga Tao na nasa Loob ng Aspire Financial Bank

Ay isa isang lumingon sa Salamin, para tingnan ang isang Kotse ni Winston Lawrence

Dahil ang salamin ng Banko ay Transparent,.

Kaya kitang kita nang mga ito, kung gaano kaganda ang Persia Benz ni Winston,

Dito maraming naiinggit kay Winston Lawrence,

“Salamat sa lahat ng Pag aasikaso mo”, sabay bunot ng 500,000 Pesos si Winston Lawrence sa isang Bag at iniabot ito sa isang Manager,

“bilang kapalit ng pag aasikaso mo sa lahat ng aking mga kailangan para mapalitan ang Cheque ko”

Dahil sa una ay inaakala pa ni Winston Lawrence ay hindi pa ito tutuo,.

Kaya dito, iniabot nang isang Manager ang isang Certificate ng Bahay ni Winston,

Dahil ang Titulo ng Lupa ay nasa Proseso palang,

At nakalagay sa Certificate ang Kompletong Address ng Bahay,

Kaya dito sinabi nang Manager,

“Nandito po Mister ang inyong Address ng inyong bagong Bahay”

Kaya nang matanggap na nito ni Winston Lawrence, agad itong nag pasalamat

“Salamat po Sir.?”

At dito napa isip ito dahil, hindi pa nito naitatanong ang pangalan ng Manager

“Sir. Anong Pangalan mo pala?” Tanong ni Winston habang naka ngiti ito,

“Mister, Ako po si David John Thompson, Pero tawagin mo nalang po akong DJ Thom!”

Sagot nang may pagpapakumbaba ang isang Manager sa harap ni Winston

Kaya nang naka sakay na ito sa Bago nitong Persia Benz, agad siyang nag salita kay Dj Thom,

“Pwede ba akong, mang hiram, nang isa sa mga tauhan mo”.

“Wala naman po problema Mister Lawrence, ngunit bakit mo po kailangan nang Tauhan ko?”

Tanong ni Dj Thom kay Winston, na nagtataka sa sinabi ni Winston

“Hindi pa kasi ako nakakapag Aral mag Drive, saka wala pa akong Lisensya para makapag Drive ako,”

Kaya naman nang marinig ito ng Manager, dito tinawag ang isang Security Guard na nambastos kay Winston kanina,

Kaya dito nag salita si Winston kay Dj Thom

“Hindi siya ang gusto ko mag maneho ng Car ko, Gusto ko yung Utility mo, yung nag timpla sa akin ng Kape”

Kaya dito agad agad pinatawag ni Dj Thom si Arnel Alvarez, para utusan na samahan at ipag Drive si Winston

Kaya naman, agad naman lumapit si Arnel sa Manager at sumakay na ito ng Persia Benz ni Winston,

Matapos ipaliwanag ni Dj Thom ang dahilan, kung bakit siya ang mag dra-Drive ng Car ni Winston.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status