“Ano ang ginagawa mo? Magsagwan kana,” Biglang sinabi ni Lanvin habang sinisipa ang sagwanNapakagat na lang sa kaniyang labi si Lily at hindi na nakapigil pa sa kaniyang sarili na sabihing, “Senior sister, ito ba talaga ang bangkang sasakyan natin papuntang World Universe?”“Masyadong maliit ang bangkang desagwan na ito kaya gaano kaya katagal ang aabutin bago kami makarating sa World Universe?” Isip ni Lily.“Bakit? Gusto mo bang umarkila tayo ng isang malaking barko na may ilang dosenang crew papuntang World Universe? Sino ka ba sa tingin mo? Akala mo ba ay magbabakasyon tayo?” Simangot ni Lanvin habang tumuturo sa ilong ni Lily.Tumingin si Lily sa napakalawak na karagatan at mahinang sinabi na, “Pero…isa lang ang sagwan dito.”“Isa lang talaga iyan siyempre, para lang iyan sa iyo na magsasagwan sa atin papuntang World Universe!” Galit na sinabi ni Lanvin. “Sinasabi ko na s aiyo ngayon pa lang. Hinding hindi talaga kita isasama kung hindi lang ako inutusan ni Master na isama k
“Tumayo ka na, hindi mo na kailangan pang gawin iyan.” Tawa ni Cindy habang sinasabi kay Leroy na, “Hindi mo na kailangan pang gumalang dahil ikaw na ang ikawalong Palace Master ng Fuyao Palace.”Napuno naman ng pagpapasalamat si Leroy habang mabilis na yumuyuko at sinasabing. “Hindi ko alam kung paano ko mapapalitan ang kabaitang ipinakita sa akin ng Seven Fairies!”Agad siyang naglabas ng isang bote ng masarap na alak. “Nitong nakaraan ay naisipan kong gumawa ng isang bote ng Hundred Flower Wine noong wala akong ginagawa kaya gusto ko sanang imbitahan ang mga kasama kong palace master na tikman ito ngayon bilang pagpapasalamat ko sa inyo.”Binuksan niya ang bote ng wine habang sinasabi ang mga bagay na iyon, dito na kumalat ang napakabangong amoy ng wine sa buong hall na kanilang kinaroroonan.Ngumiti si Leroy at lumapit sa pitong mga diwata para salinan ito ng ginawa niyang wine.Totoo ngang si Leroy ang gumawa sa wine na ito. Nagawa niyang mabasa noon ang isang manual na tinat
Sa pamamagitan ng utos na ito, isang dosenang mga babaeng disipulo ang pumaligid kay Leroy habang hinuhugot ang kanikanilang mga espada.Pero hindi naman dito naapektuhan ang napapaligirang si Leroy.Karerecover lang ng mga meridian ng kaniyang puso kaya kailangang kailangan na niyang humigop ng lakas ng kababaihan para mabawi ang mga nawala niyang internal energy sa pamamagitan ng Dark Method na kaniyang natutunan.Tamang tama ang pagdating ng mga babaeng disipulo ng Fuyao Palace—tamang tama para punan ang kaniyang mga pangangailangan.Bang!Itinaas ni Leroy ang lima niyang mga daliri nang magkakalayo at agad na hinampas ang kaniyang mga palad sa ulo ng dalawang mga babaeng disipulo nang walang kahit na anong babala!Agad na nadurog ang dalawang mga babaeng disipulo bago pa man makapagreact ang mga ito matapos higupin ni Leryo ang kanilang mga lakas. Agad na namutla ang kanilang mga mukha bago tuluyang bumagsak sa lupa!Suminghal si Leroy ng. “Napakahiwaga talaga ng Dark Method
“Leryo, ikaw…”Dito na nagsimulang manginig ang pitong mga diwata sa sobrang galit. Kasalukuyang sinelyuhan ni Leroy ang kanilang mga acupoint sa mga sandaling iyon.Tagumpay namang ngumiti rito si Leroy. Nagtatalon ang kaniyang puso sa tuwa habang interesadong pinapanood ang mga ito....Samantala!Sa loob ng pamily Carter!Ito ang araw kung kailan sana gaganapin ang naudlot na kasal nina Rachel at Ewan. Umalis si Rachel sa kanilang bahay nang hindi nagsasabi kung saan ito pupunta.Pero nanatili pa ring masigla ang tahanan ng pamilya Carter! Makikita sa loob ng hall ang isang dining table na puno ng masasarap na pagkain habang nakaupo sa gilid nito ang mga nagtatawanang bisita ng pamilya!Agad na nagpunta rito sina Dax at Chester nang malaman nilang buhay pa si Darryl!Mahigpit na nagyakap ang tatlo nang makita nila si Darryl. Naluha ang tatlong mukhang matitikas na lalaking ito nang dahil sa sobrang saya.Kinagabihan ay naghanda naman si Jewel ng isang kamangha manghang pag
Tuluyan nang gumuho si Darryl sa sobrang pagdadalamhati kaya wala na siyang alam na kahit ano maliban sa paghihiganti. Ang sinumang pumatay kay Lily ay dapat lang na mamatay kahit na sino pa man ito. Sinisiguro niya na pagbabayaran nang husto ng pumatay kay Lily ang pagkakamali na kaniyang nagawa!“Kumalma ka, Darryl…” Dahan dahang naglakad papalapit si Debra at mabagal na sinabing, “Susundan kita saan ka man magpunta pero hindi pa ako makakaalis sa mansyon ng mga Carter. Masyado pang kritikal ang lagay ng iyong ninong. Paano nalang kung lumala ang kundisyon niya habang papunta tayo sa New World?”Matindi ang tinamong mga sugat ng buong pamilya Carter matapos makipaglaban sa mga royal guards.Lalo na ang ninong ni Darryl na si Zoran Carter na nagtamo ng higit sa isang daang mga saksak sa buong katawan at halos maubusan na ng balat. Bilang Sect Master ng Artemis Sect, marami na ang napagaralan at karanasan ni Debra sa medisina.Noong una ay gumawa si Debra ng ilang mga gamot para ga
Nagngitngit ang mga ngipin ni Lily habang hindi gumagalaw na nakatayo sa harapan ni Lanvin.Tiniis niya ang wala sa lugar na pagtrato sa kaniya ni Lanvin habang papunta sa World Universe.Pero hinding hindi na siya magpapaapak nang ganito kababa para hugasan ang mga pa ani Lanvin. Masyado na itong nakakahiya para sa kaniya.Hindi na makapagpigil sa kaniyang sarili si Lily habang nanginginig ang kaniyang katawan sa sobrang galit.Nagalit naman si Lanvin matapos makita na hindi sumusunod si Lily sa kaniyang mga utos. “Hoy, pangit! Sinabi ko nang hugasan mo ang mga paa ko hindi ba!? Bingi ka ba talaga?”Malakas na sinipa ni Lanvin ang timba habang sinasabi ang mga bagay na iyon.Swash.Dito na tumapon ang tubig mula sa timba na tumama kay Lily....Samantala.Sa loob ng mansyon na pagmamayari ng mga Carter. Nagkulong si Darryl sa loob ng kaniyang kuwarto at humiga sa kaniyang kama nang may kumot na bahagyang nakapatong sa kaniya.Kasalukuyan nitong iniisip si Lily!Sinabi niya
Naririto na ang lahat.Nagliwanag ang mga mat ani Jewel habang yakap yakap ang braso ni Darryl. “Halika, Mister. Samahan mo akong magtingin sa loob. Gusto…gusto kong bumili ng magagandang mga damit…”Naimpress nang husto si Jewel sa nagagandahang mga babae sa kontinente ng World Universe.Ang ilan sa mga babae ay nagsuot ng mga mini skirt habang ang iba naman ay nagsuot ng tights and jeans. Naging maganda para sa kaniya ang anumang style ng damit na kaniyang nakikita.Tumango at ngumiti naman si Darryl bago siya dalhin nito sa mall.At nang makapasok sila sa mall, agad na sinalubong ang kanilang mga mata ng isang hilera ng mga Porsche na sasakyan sa lobby na nasa unang palapag ng mall.Isa itong event na mismong inorganisa ng mall—na kung saan ang mga shoppers na nagawang bumili ng hindi bababa sa 1000 dollars ay magkakaroon ng tiyansang sumali sa isang lucky draw. Mayroong higit sa isang dosenang prizes ang maaari nilang mapanalunan na kung saan ang sinumang mabubunot sa grand d
“Three million dollars?” Nagugulat na tanong ni Darryl.Masyado na itong malaki, hindi ba? Nasa dalawang milyong dolyar lang ang presyo ng sasakyang ito. Kaya bakit niya nagawang humingi ng three million dollars para ayusin ang kaunting gasgas na ginawa ni Jewel sa pinto nito?Dito na nagsimulang ituro si Darryl ng mga usyuserong walang kaideideya sa tunay na halaga ng sasakyang ito habang pinaguusapan ang bawat salitang sinabi nito kay Esther.Nakita nila ang gulat na mukha ni Darryl. Inisip nilang lahat na hindi kaya ni Darryl na bayaran ang gasgas na ginawa ni Jewel sa sasakyan.“Dapat ka lang magbayad kung nagasgasan mo ang sasakyang iyan…”“Iyong kapatid niya talaga ang hindi makapagpigil sa kaniyang sarili na hawakan ito kaya dapat lang na siya ang magbayad sa pagkakamaling ginawa niya…”Kilalang kilala ang pangalang Darryl sa World Universe, pero wala pang kahit na sinong ordinaryong tao ang nakakita sa tunay na mukha ni Darryl sa personal. Sino ang magaakala na ang lalaki
Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal
Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an
Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i
Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata
Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati
Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s
"Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust
Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin
Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito