Hindi rin nahiya si Edgar, agad niyang ipinagsalin ang kaniyang sarili ng wine na kaya niyang inumin. Noong una ay wala siyang naramdaman na kahit ano hanggang sa makaramdam siya ng mali rito.‘Ano ang nangyayari? Ganito ba katapang ang wine na ito?’Dito na naramdaman ni Edgar na umiikot at nawawalan ng balanse ang kaniyang isipan. Dito na rin niyang naramdaman ang panlalambot ng kaniyang katawan hanggang sa hindi na niya maitayo ang kaniyang sarili.Pero ang pinaka ikinagulat nito ay ang pagpigil ng wine sa kaniyang enerhiya.‘Hindi ito tama!’Mabilis namang nahimasmasan si Edgar. Agad niyang ibinaba ang kaniyang baso habang nakatitig niyang sinasabi kay Bosco na, “Mayroong mali sa wine na ipinainom mo sa akin hayop ka! Ang lakas ng loob mong lagyan ito ng gamot!”Nabalot ng galit si Edgar habang nagsasalita. Inakala niyang nagsisisi na si Bosco sa kaniyang mga kasalanan kaya ito tinanggap muli ni Kye sa Heaven Deviation Path hanggang sa makita niyang muli ang kawalanghiyaan ni
“Gisingin mo siya!”Ito ang mga salitang nanlalamig na lumabas sa mga labi ni Bosco. Kasabay nito ang pagkuha ng mga disipulo saisang timba ng malamig na tubig para ibuhos sa mukha ni Edgar.Splash!Nagugulat namang nagising si Edgar nang dahil sa lamig ng tubig. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa kaniyang paligid habang nanginginig sa galit ang kaniyang katawan.Kasunod nito ang pagtitig ni Edgar kay Bosco habang sumisigaw ito ng, “Hayop ka! Totorturin mo baa ko? Naisip mo na ba ang maaaring maging kapalit ng mga ito?”‘Kapalit ng mga ito?’Nanlalamig na ngumiti si Bosco sa mga sinabi ni Edgar.“Tumigil ka na sa pagkukunwari mo, tanda. Maaari nga na manggagamot ka para sa ibang tao pero wala ka lang para sa akin.“Pinatalsik ako ni Kye Deleon sa Heaven Deviation Path. Iniisip mo ba na babalik ako rito ng nagmamakaawa para sa kaniyang kapatawaran?”Nagpakita ng matinding pagkaarogante ang mukha ni Bosco habang nagsasalita.Napasimangot naman si Edgar sa kaniyang mga narini
Nanlalamig na kumislap ang mga mata ni Bosco habang nagsasalita.Walang duda na hindi lang ang paghahanap kay Kye ang kaniyang naging plano. Gusto niya ring makuha ang isinulat na libro ni Edgar.Dapat nating malaman na isa sa mga nangungunang doktor si Edgar sa mundo ng mga cultivator kaya siguradong irerespeto ni Dewey si Bosco sa sandaling magawa niya iyon. Kasabay na nito ang pagtaas ng kaniyang posisyon sa Heaven Deviation Path.Hindi naman naiwasan ni Edgar na mapangisi sa mga narinig niyang salita. ‘Buwisit. Gusto pala ng hayop na ito ang libro ko.’Huminga ng malalim si Edgar nang maisip niya iyon bago siya sumagot kay Bosco nang paisa isa.“Gumawa nga ako ng ganoong klase ng libro pero para ito sa ikabubuti ng sangkatauhan. Sinulat ko ito para malaman ng mga tao ang pinakamagandang pamamaraan para mabuhay. Isa kang walang kuwentang nilalang—na malayo sa aking inilarawan kanina. Iniisip mo ba na karapat dapat ka para sa libro ko? Karapat dapat ka nga ba para rito?”‘Karap
Habang nagsasalita, bumalik si Bosco sa kaniyang kinauupuan para sabihing. “Huling pagkakataon. Ibibigay mo ba sa akin ang libro o hindi?”“Mauna ka na lang sa impyerno!”Hindi sumagot ng direkta si Edgar sa naging tanong ni Bosco habang dumudura ito sa sahig. Pero naging malinaw pa rin para kay Bosco ang naging sagot nito.Gumuho ang mukha ni Bosco sa kaniyang nakita habang sumisigaw ito ng, “Kunin ninyo siya! Tingnan natin kung gaano ka talaga katigas!”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, isang disipulo ang kumuha ng isa sa mga mahahaba at namumula sa init na bakal sa sahig. Lumapit siya para idiin ito sa katawan ni Edgar.Hiss…Dito na umangat ang usok sa hangin habang nagliliyab ang suot na damit ni Edgar. Mabilis ding naluto ang kaniyang balat na nagpakita sa sariwa niyang laman."Argh…"Walang sinuman ang makakatiis sa ganito kalupit na torture kaya maging si Edgar ay napasigaw sa sobrang sakit habang basang basa sa pawis ang kaniyang katawan.Nagpakita naman
Nabalot ng matinding galit si Darryl noong mga sandaling iyon.Napagtanto niya na si Edgar ang sumisigaw mula sa bilangguan pero hindi niya inasahan na magiging malupit si Bosco para itorture ang matanda ng ganito.‘Yare!’Napalunok na lang si Bosco nang maramdaman niya ang galit ni Darryl.Mabilis niyang ibinalik ang kaniyang postura para tumayo at tumuro kay Darryl habang sumisigaw ng, “Ano naman kung ikaw iyan, Darryl Darby? Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng ganiyan ah? Matagal na kitang hinahanap pero sino nga ba ang magaakala na ikaw mismo ang magpapakita sa akin!”Nang masabi niya ang huling salita sa ere, agad na kumaway si Bosco para sabihing, “Pabagsakin ninyo siya!”Swish!Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, sumabog ang enerhiya ng mga disipulo sa paligid bago sumugod ang mga ito kay Darryl.Huminga naman ng malalim si Darryl habang sumisigaw siya ng, “Umalis kayo sa daraanan ko!”Itinaas niya ang kaniyang kamay na nagpatalsik sa mga sumusugod na d
Hindi naman nagaksaya ng oras si Darryl, agad niyang binuhat si Edgar sa kaniyang mga bisig bago siya tumakbo palabas ng bilangguan. Kasabay nito ang pagbibigay ng daan ng mga disipulo sa kaniya.…Naglakbay si Dave sa masikip na daan sa Nine Mainlands kasama ang ilang mga disipulo habang nagpapanic na tumitingin sa kaniyang likuran.Kalahating oras na ang nakalilipas mula noong magpanggap si Yusof na miyembro ng Elysium Gate. Nagpanggap din ito na sinusuportahan siya nina Chester at Dax para takutin si Dave at ang mga tauhan nito. Ito ang dahilan kung bakit tumakas ang takot na takot na si Dave kasama ng kaniyang mga disipulo.Sa wakas, hindi na nakapagpigil pa ang isa sa mga disipulo na kaniyang kasama. Huminto ito para maghabol ng hininga habang sinasabi na, “Wala naman pong tao sa likuran natin, Tandang Dave. Maaari bang magpahinga na muna tayo ng kahit na kaunti?”Sinenyasan ni Dave ang lahat na tumigil bago siya tumalikod para siguruhin na walang sumusunod sa kaniya. Wala na
"Hahaha!"Hindi naman naiwasang matawa ng malakas ni Dave sa mga sinabi ni Romeo. “Grabe! Gusto akong patayin ng isang munting insekto na kagaya mo? Gawin mo kung kaya mo! Gusto kong makita kung may ibubuga ba talaga ang isang ito!”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, mabilis na itinaas ni Dave ang kaniyang mga kamay para buhatin si Romeo.Nagalit ng husto si Romeo sa kaniyang narinig.“Lumabas! Na kayo!”Nanlalamig na sinabi ni Romeo habang itinataas nito ang kaniyang kamay. Agad na nasira ang daloy ng hangin sa paligid habang nabubuo ang isang bola ng apoy sa gitna ng ere nang gawin niya iyon.Ano? Nagawang bumuo ng matang ito n gisang malaking bola ng apoy nang walang kahirap hirap?Napatigil ang lahat nang makita nila ang apoy sa kamay ni Romeo.Hindi naman nagaksaya ng oras si Romeo, itinaas nito ang kaniyang kamay para dalhin ang apoy papunta sa direksyon ni Dave."Argh…"Biglaang nangyari ang lahat ng ito. Masyado ring naging mabilis ang paggalaw ni Romeo ka
Circe Lange?Nagpalitan ng mga tingin ang mga estudyante sa gulat.Hindi ba iyon ang high lady ng Lange household?Ilang buwan na ang nakalipas, nalantad noon ang pakikipagkapatiran ng Lange household sa mga lahi ng Fiend. Isang grupo ng maraming mga sekta ang umatake sa kanila bilang pagresponde, at ito ang naging dahilan ng pagbagsak ng Lange household. Si Circe, ang diyosa ng Lange household, nawala mula noon.Maraming nag-akalang namatay na si Circe at hindi inaasahang siya ang magiging Senior Sister ng batang ito. Sabay-sabay na napaisip ang mga estudyante sa kanilang mga sarili. Sino ang batang ito? Bakit niya tinatawag na Senior Sister si Circe? Anong kinalaman nila dito sa ancient tomb?Ngunit nang maalala kung gaano kakila-kilabot ang kapangyarihan ni Romeo, agad na tinigil ng mga estudyante ang kanilang mga naiisip."Hoy!"Nawalan ng pasensya si Romeo noon, at seryosong nagtanong ng, "Kinakausap ko kayo, mga walang utak! Nakita nyo ba yung Senior Sister ko?"Uh...