Nahimasmasan si Amie habang nagpapakita ito ng ngiti kay Darryl. “Mabuti kung ganoon! Natutuwa akong makita kang maayos. Grabe, pasensya ka na sa lahat ng nangyari. Isinama kita sa aming sekta para makapagpagaling pero tingnan mo naman kung ano ang nangyari.”Nagkaroon ng mabuting puso si Amie kaya nainis ito nang makita niyang ganito si Darryl.Mabilis namang ikinaway ni Darryl ang kaniyang mga kamay. “Masyado po kayong mabait, Elder Amie. Isa pong karangalan na mapunta sa pangangalaga ninyo. Masyado ring marami ang sakit ng ulo na dinala ko sa inyo nitong mga nakalipas na araw.”Naantig sa kaniyang sarili si Darryl habang nasa gitna ng kaniyang pagsasalita.Masyadong mabait si Amie matapos nitong alalahanin ang kaniyang kaligtasan nang mangyari ang lahat ng iyon. Pero maayos at ligtas na ang lahat para sa kaniya ngayong patay na ang Punong Elder.Ngumiti naman sa kaniya ang hindi nagsasalitang si Amie.Cough!Nang biglang ayusin ni Elder Hexa ang kaniyang lalamunan sa harapan
Pilit namang ngumiti si Grace kay Amie, “Masyado pong naging kumplikado ang mga scroll na ito ng Fairy Feather Sect para sa aking isip. Mas mabuti po siguro kung aaralin niyo po ito ng magisa, Sect Master.”Kasunod nito ang pagbaba ni Grace sa mga scroll bago ito umalis. Nagbuntong hininga naman si Amie habang kinukuha niya ang mga scroll na ibinaba ng dalawa.Balot na ng dilim ang paanan ng bundok nang maihatid ng mga disipulo si Darryl.Tumalikod naman si Darryl para magalang na pasalamatan ang mga ito. “Maraming salamat sa inyong dalawa. Okay na ako rito.”“Sige!”Tango ng dalawang disipulo bago tumalikod at bumalik ang mga ito sa kanilang pinanggalingan.Napahinga na lang ng malalim si Darryl sa kaniyang nakita, tumalikod siya at yumuko sa isang tagong bahagi ng kakahuyan bago siya magpunta sa Sunflower Secret Realm gamit ang liwanag ng buwan.Nang dahil sa matinding digmaan na nangyari kaninang umaga, nasigasig na nagpatrolya ang mga disipulo sa paligid. Pero nagawa ng mana
Pagkatapos ng ilang oras, natapos na rin si Darryl sa pagsusulat ng mga laman ng scroll. Napabuntong hininga na lang siya bago niya iipit ang papel sa mga scroll na kaniyang ibinalik sa tagong lalagayan ni Amie.At pagkatapos ay dahan dahang lumabas si Darryl sa kuwarto para magpunta sa secret realm. Tuwang tuwa siya nang makapasok siya sa loob nito. Hindi na rin siya maiistorbo rito ng kahit na sino.Hindi nagtagal ay lumipas na rin ang gabi.Gumanda ng husto ang mood ni Darryl nang makapagpalakas siya ng maayos sa loob ng secret realm. Kakaiba talaga ang aura sa loob nito. At kung titingnan, ilang araw lang ang kaniyang kakailanganin para tuluyang maibalik sa dati ang kaniyang lakas.Nang maisip niya iyon, humiga si Darryl at tuluyan ng nakatulog sa loob ng secret realm.…Maagang nagising si Amie, agad siyang naghanda bago siya makipagkita kay Kimberly.Bumalik na ang malay ni Kimberly noong mga sandaling iyon kahit na namumutla pa ng kaunti ang kaniyang mukha. Agad siyang na
Nabalot ng enerhiya at saya si Darryl nang imulat niya ang kaniyang mga mata. Nakita niya na masyado pang maaga kaya agad siyang gumawa ng plano para maglibot libot sa secret realm bago siya magpatuloy sa kaniyang pagpapalakas kinagabihan.Nakarinig si Darryl ng sunod sunod na tunog na yapak nang makalabas siya sa gilid na bahagi ng palasyo. Nagmukha itong malayo pero malinaw niya pa rin itong narinig.‘Mayroong pupunta rito? Si Amie kaya ito na nagpunta para maglibot sa secret realm?’Nagmamadaling tumakbo si Darryl papunta sa main hall nang maisip niya iyon. Tumalon siya sa bubong para panoorin ang nangyayari sa itaas. Dito na niya nakita ang dahan dahang paglapit ng ilang mga imahe sa secret realm.Napansin ni Darryl ang isa sa mga imahe na bumago sa kaniyang itsura habang kumakabog ng husto sa sobrang gulat ang kaniyang dibdib.‘Buwisit, siya iyon?’Dito na nakita ni Darryl ang isang matangkad at guwapong lalaki na may matalim na personalidad na siya ring naglabas ng puno ng
Mukhang hindi kasama ni Jalen at ng mga lalaking kasama nito ang babae pero sinundan pa rin sila nito papunta sa secret realm.Napasimangot naman si Darryl nang makita niya iyon. Hindi naging pamilyar ang mukha ng babae at mas malinaw din na hindi ito nagmula sa Moonlight Sect.Masyado itong kakaiba. Bakit napakarami ng mga taong nagpakita sa secret realm?Walang kaalam alam si Darryl na nangangalang Joanne ang babaeng iyon na isa sa mga pinakabagong mga disipulo ni Granny Rafflesia.Dalawang buwan pa lang ang nakalilipas mula noong pumasok si Joanne sa mundo ng mga cultivator para tulungan ang mga mahihina at magpalaganap ng kabutihan sa paligid. Napadaan siya sa Moonlight Sect noong araw na iyon nang makita niyang nakawan ni Rhinestone at ng mga kasama nito ang inosenteng mga sibilyan at maghasik ng lagim sa paligid.Ginalit siya nito ng walang tigil, at wala na siyang ibang gusto kundi ipaghiganti ang mga nasaktan. Pero agad na napaatras si Joanne nang makita niya kung gaano ka
Nababahalang tumitig si Rhinestone at ang kaniyang mga kasama sa isang madilim na pinto. Pero wala silang nagawa kundi lakasan ang kanilang loob at pumasok nang marinig nila ang mga sinabi ni Jalen.Sinundan naman sila ni Jalen.Itinuon niya ang kaniyang atensyon sa kaniyang harapan kaya hindi niya napansin ang paunti unting paglapit ng isang imahe mula sa entrance.Walang duda na si Darryl nga ito.Nakita ni Darryl ang pagpasok ni Jalen at ng mga kasama nito sa lihim na lagusan. Napabuntong hininga siya habang nagpapakita ng ngiti ang kaniyang mukha.Hindi niya inasahan na mahahanap nila ng ganito kabilis ang lihim na pintuan. Hindi ito ang pinakamasamang mangyayari sa kanila ngayong hindi pa nila natitikman ang mga bitag sa loob nito.Nilibot ni Darryl ang lugar nang pumasok siya rito kasama ni Kimberly noon kaya alam niya kung gaano karami ang mga bitag at sangang daan sa loob nito.Alam din ni Darryl na marunong si Jalen pagdating sa mga formation ngayong siya ang kanang kam
Nang maisip niya iyon, nagmadaling umabante si Darryl habang walang nakatingin sa kaniya. Mabilis niyang inabot ang isang bato na kaniyang inikot sa dingding.Walang duda na kinokontrol ng batong ito ang kaniyang dinadaanan.Nakabisado na ni Darryl ang maze noong malibot niya ang paligid nito.Habang pasimpleng binabago ang layout ng formation, nagtago si Darryl sa likod ng labasan habang pinapanood ang grupo ni Jalen sa loob nito.Hindi naman napansin ni Jalen ang pagbabago sa formation ng kaniyang dinadaanan habang binibigyan niya ng ilang instructions si Rhinestone at ang mga tauhan nito bago niya paunahin ang mga ito.Hindi naman nagdalawang isip na maglakad sa daan ng tahimik si Rhinestone at ang kaniyang mga kasama. Nakasiguro sila na hindi magkakamali si Jalen kaya pinagkatiwalaan nila ito ng buong puso.Kaya kahit na maging mapanganib ang kanilang sitwasyon, siguradong mababalikad pa rin ni Jalen ang mga bagay bagay. Ito ang dahilan kung bakit hindi nabahala si Rhinestone
Hindi magagawang ipakita ni Darryl kung sino ba talaga siya kaya kinakailangan niyang gumawa ng isang disguise.Naiirita namang tumayo si Jalen sa palasyo habang nakatingin sa kaniyang paligid.Masyadong malaki ang lugar na ito at nawalan na siya ng dalawang tauhan. Siguradong matatagalan siya na libutin ang paligid.Masasayang ang lahat ng paghihirap niya rito sa sandaling hindi siya makakita ng teleportation vortex sa loob ng Sunflower Secret Realm.Dito na nagtanong si Rhinestone mula sa itaas. “Boss, dapat na ba tayong maghiwahiwalay para tumingin sa paligid?”Hindi Mabasa ang itsura ni Rhinestone habang nasa gitna ito ng kaniyang pagsasalita. Pinanood niya kung paano masunog hanggang sa kanilang kamatayan ang dalawa niyang mga tauhan kaya natakot na siyang maglibot sa lugar na ito ng magisa.Huminga naman ng malalim si Jalen bago niya ibuka ang kaniyang bibig para sumagot.“Hoy, hoy…”Nang bigla nilang marinig ang isang dumadagundong na boses malapit sa kanila. “Sino kayo?