Share

Kabanata 6280

Umikot ang hindi mabilang na mga pulang petal sa ere na nagpakita ng isang napakagandang tanawin habang nakakaramdam ang lahat sa paligid ng matinding takot sa kanilang mga dibdib…

Sa loob ng isang iglap, agad na napaligiran ng mga petal ang lahat at ang tanging narinig sa loob ng branch altar ay ang tunog ng paghiwa ng mga petal sa balat ng mga disipulo ng Heaven Deviation Path. Hindi na nagkaroon ng oras para sumigaw ang mga ito habang bumabagsak ang kanilang mga katawan sa sarili nilang mga dugo.

Napatay ng mga petal ang mga disipulo sa loob lang ng isang pagatake at walang kahit na isa sa mga ito ang natirang buhay.

‘Siguradong hindi sila makakaligtas sa pagatakeng iyon…’

Napapikit na lang dito si Moriri na naubusan na ng pagasa sa mga nangyayari.

Hindi na rin naitago ni Conroy ang pagkagulat at galit na kaniyang naramdaman habang nababalot ng emosyon ang kaniyang mukha.

Dito na tumitig si Granny Rafflesia kay Conroy para sabihing, “Gawin mo na ang aking mga sinabi kung gusto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status