Ang ikalawa namang bahagi ng libro ay tungkol sa Yang Feng Shui, na nagsasaad ng pagpili ng tahanan nang naaayon sa Yang, ang tirahan ng mga nabubuhay.Parehong nagkaroon ng detalyadong diskripsyon at ilang mga illustration ang pagtuturo ng libro tungkol sa Yin at Yang.“Buwiset, hindi ba’t parang ganito ang itsura ng bahay ko?” Nagulat si Darryl nang makita ang mga pictures na makikita sa lubro.At pagkatapos ay agad niyang binasa ang detalyadong diskripsyon nito sa sumunod na page. [Kulang sa elementong kumukuha ng tubig ang layout na ito kaya maaapektuhan nito ang sinumang nabubuhay na tumira rito na makapagpapahirap sa kanilang mga buhay.]Dito na naliwanagan si Darryl sa lahat.Hindi na kataka taka kung bakit napuno ng problema ang pamilya Lyndon. Palaging kinukulang sap era ang kumpanya ni Lily. Mukhang hindi ito dahil sa pagkakamali sa pamamahala nila sa kumpanya kundi sa pangit na pagkakalayout ng Feng Shui sa kanilang tirahan.Nang simulan nang basahin ni Darryl ang tun
”Nagmamaang maangan ka ba?” Sumangot ni Megan habang pinagaaralan ang reaksyon ni Darryl.“Bakit hindi niya ako sinagot at sa halip ay nagawa pa niyang ibalik sa akin ang aking tanong?”“Ano ang ginamit mo para talunin ang mga kriminal na iyon kanina?”Kinamot ni Darryl ang kaniyang ilong at sinabing. “Wala lang iyon. Matagal na rin ang panahong lumipas mula noong magsanay ako sa Wing Chun.”“Hindi iyan totoo!”Iniling nang husto ni Megan ang kaniyang ulo. “Masyadong naging malawak ang paggalaw ng iyong mga braso kanina. Hindi iyon Wing Chun.”Hindi na rito nakapagsalita pa si Darryl.Tama nga si Megan. Tinuruan nito ang kaniyang sarili sa Wing Chun, pero agad niya ring naisip na hindi niya ito magagamit dahil isa lang itong technique na magagamit sa mga suntukan sa kalye.Iniling ni Darryl ang kaniyang ulo at sinabing. “Anong sekta ng Wing Chun ang sinasabi mo? Ano ba ang nangyayari?”“Hindi mo pa rin ba alam?” Nagsususpetsang tanong ni Megan.Nang mapansing hindi na nagkuku
Mukhang nagmula nga sa Universal Pill ang hindi maipaliwanag niyang lakas.Habang mas parami nang parami ang nababasa niya sa libro ay mas pamanga nang pamangha ang kaniyagn nararamdaman sa mga nilalaman nito!Maraming mga uri ng elixir ang nakarecore sa librong ito. Halimbawa, ang Divine Power Pill ay may kakayahang palakasin nang husto ang sinumang iinom nito at narito rin ang Light Spirit Pill na magpapagaan sa katawan ng isang tao na parang isang balahibo.Pero ngayon lang narinig ni Darryl ang pangalan ng mga pills na iyon at sa napakamisteryoso nitong mga epekto.Isang halimbawa lang nito ay ang Soul Piercing Pill na ipinapainom sa kalaban at sinasamahan ng training ayon sa pamamaraan ng pagpapalakas dito na may epekto na kumontrol sa kaniyang mga kalaban.“Talaga? Ganoon iyon kalakas?”Nang mabasa niya ang tungkol sa Soul Piercing Pill, napansin ni Darryl ang sangkap na kinakailangan para gawin ang pill na ito at nagulat nang mabasa ang ilan sa mga ito.“Heaven Spiritual
”Anong klase ng pill ito?” Nacucurious na itinanong ni Megan. Gusto na sanang sabihin ni Darryl na isa itong Godly Pill, pero unang beses pa lang niya nakagawa ng pill na ito kaya hindi pa niya alam kung tatalab ba ito o hindi, kaya sinabi niyang “Hindi ko alam. Ibinigay lang sa akin iyan ng kaibigan ko.” Hindi na nakapagsalita sa kaniyang narinig si Megan. “Hindi mo manlang alam kung ano ba ang isang ito pero gusto mo pa rin itong ipainom sa akin?” Kahit nagkaroon ng ilang mga pagaalinlangan si Megan, ininom pa rin niya ang pill na ibinigay sa kaniya ni Darryl. Tiningnan siyang maigi ni Darryl nang may kaunting pagasa sa kaniyang mga mata. Isang minute na ang nakalilipas, dito na nagtanong si Darryl ng, “Anong nararamdaman mo ngayon?” Iniling ni Megan ang kaniyang ulo at sinabing “Wala akong nararamdaman na kahit ano.” “Buwisit.” Mura ni Darryl. Isang Godly Pill na tumutulong sa mga cultivators na makalampas sa bottleneck na bahagi ng kanilang pagpapalakas? Kasinun
Nagtipon tipon ang pamilya Lyndon sa paligid ni Wentworth para kundinahin ito na parang isang preso.“Kasalanan mo ang lahat ng ito, Wentworth!” “Nangako kang kikita tayo nang malaki rito, pero anong nangyari?” “Hindi ko alam na ganito pala kahindi katiwatiwala si Wentworth. Kaya siguradong ganito talaga ang mangyayari…” “Kinakailangan mong magpaliwanag ngayon sa harapan naming kahit na ano pa ang mangyari.” Mas tumindi nang tumindi ang galit ng mga ito habang isa isang nagsasalita. Makikita na nagliliyab ang kanilang mga mata na para bang gusto na nilang patayin si Wentworth. “Huwag kayong magalala, siguradong masosolusyunan din natin ang problemang ito.” Sabi ng nababagabag na si Lily sa isang tabi.Hindi nila nagawa pang pakalmahin ang kanilang mga sarili! Malulugi ang kilalang pamilya Lyndon nang dahil sa kaniyang ama!Nagmamadali namang sinabi ni Samantha na, “Isa tayong pamilya. Kaya huwag kayong masyadong magpadala sa inyong mga nararamdaman.” Pero walang kahit na
Iniling ni Grandma Lyndon ang kaniyang ulo. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Magagawa pa bang parusahan pa ng langit ang pamilya Lyndon!? Sa mga sandaling ito, isang lalaki na nakasuot ng smart business attire ang pumasok sa hall.Agad na napatingin ang mga miyembro ng pamilya Lyndon sa binatang ito. “Sino ka naman?” Napakunot dito ang mga kilay ni Grandma Lyndon. Hindi nila kilala ang taong ito dahil hindi pa niya ito nagagawang makita bago ang araw na iyon. At hindi rin siya mukhang isang ordinaryong tao. Magalang na ngumiti at tumango ang binata sa harapan ni Grandma Lyndon. “Ako nga pala si Paul James, ako ang presidente ng Dragon Tech.” “Wow!” Natahimik sa sobrang gulat ang lahat nang ipakilala ni Paul James ang kaniyang sarili. Dito na naging emosyonal si Grandma Lyndon. At matapos ng isang sandali, tumayo ito sa kaniyang inauupuan nang may nanginginig na mga mata. Ang Dragon Tech ay isa sa mga nangungunang kumpanya sa industriya ng new media. Nagkaroon din ng mg
Hindi makaupo nang diretso si Grandma Lyndon habang emosyonal na nagtatanong kay Paul. “Maaari ko bang tanungin kung sino ang Mr. Darby na ito, Mr. James…”Iniling ni Paul ang kaniyang ulo at pinutol ang pagsasalita ng matanda. “Mas maigi kung iisipin mo muna ang problemang kinaharap ninyo ngayon, Grandma. Mahalaga ang oras ko. Kaya bibigyan lang kita ng limang minuto.”Tumigil na sa pagsasalita si Grandma Lyndon.Desperado na sa mga sandaling ito ang pamilya Lyndon. Siguradong maglalaho sila sa sandaling hindi nila mabayaran ang kanilang mga utang.Kahit na hindi pabor sa kanila ang kondisyong ibinigay ni Paul, atleast ay mabibigyan silang mga Lyndon ng oras para ibangon ang kanilang mga sarili.Pero walang kasiguraduhan ang magiging kinabukasan ng mga negosyo ng kanilang pamilya sa sandaling makipagpartner sila sa Dragon Tech.Matapos ang ilang pagdadalawang isip, nagbuntong hininga si Grandma Lyndon at tumango kay Paul. “Sige papayag na kami sa gusto mo.”“Hindi tayo pupuwede
Ngumiti si Drake at sinabing, “Ikakasal na ang kapatid mong si Jackson bukas. Sinabi ko ito sayo para makapunta ka sa kasal niya bukas.”“Ano?!”Nasurpresa at natuwa si Darryl nang marinig niya iyon at halos mapatalon sa kaniyang kinauupuan.“Walang problema, pupunta ako riyan bukas ng umaga.” Agad na sumagot si Darryl at pagkatapos ay kaniya nang ibinaba ang tawag. Hindi niya maexpress kung gaano siya kasaya nang marinig niya iyon.Oo, isa nga iyong magandang balita. Hindi lang ito isang magandang balita kundi isa ring nakakatuwang pangyayari sa kaniyang buhay.Si Jackson ang nakababata niyang kapatid na mas bata kay Darryl ng dalawang taon.Pero hindi pa rin nito naging kadugo si Darryl. Lumaki ito sa pamamahay ng mga Darby at isa rin sa mga inaanak ni Drake. Si Jackson ang pinakamalapit kay Darryl sa buong pamilya Darby.Nang itakwil nang pamilya si Darryl, agad na umuwi si Jackson na kasalukuyan noong nagaaral sa kolehiyo para suportahan ang kaniyang kuya.Pero isa lang amp