Ang Abbess Mother Serendipity ay may isang bagay laban kay Darryl kahit saan man siya magpunta!Ang pag-atake ni Abbess Mother Serendipity sa panahon ng kasal ay nagdulot ng pagkawala ng lakas ni Darryl at naramdaman ni Yvonne ang isang partikular na pagkabaliw sa kanya na hindi man lang siya kinustuhan ni Yvonne! Sa sandaling iyon, nagtago si Yvonne sa likod ng isang malaking malaking bato upang maiwasan ang Abbess Mother Serendipity.“Sect Master Henderson, ang Elysium Gate ay talagang kasuklam-suklam!” Walang nakita si Mother Serendipity na Ina na si Servip kay Yvonne at sinabi kay Leroy. “Abbess Mother Serendipity, huwag kang mag-alala. Tutulungan ka ng Sektang Kunlun sa pag-aalis ng Elysium Gate! "Nakangiting sabi ni Leroy. "O tama, nang makuha ni Indomitable Darby ang iba't ibang mga elite ng sekta, paano ka niya pinahiya?" Mahigpit na kinuyom ng Hindi naiwasan ni Abbess Mother Serendipity ang itikom at kuyumin ang kanyang mga kamao nang kanyang maalala ang insidente ng mga
Sa baybayin ng Donghai City.. May isang bangka na pangpang sa pampang, sakay nito si Daryl, na sa wakas ay nakarating na rin sa Donghai City galing sa Elysian Island. Iba ang saya ni Darryl sa nalaman niyang magandang balita. Nang malaman niyang buntis si Monica, hindi maipaliwanag ang saya niya lalo na at buong magdamag niya itong yakap-yakap. Dala-dala niya ang isang sako na puno ng mga herbs na kinuha niya sa Elysian Island. Inilapag niya lang ito sandali at naghanap siya kaagad ng pagkain dahil kagabi pa siya hindi kumakain kaya gutom na gutom na siya. Nagtingin-tingin siya sa paligid niya at nangmay nakita siyang noodle shop, hindi na siya nagdalawang isip at nagmamadali siyang pumunta doon. “Isa nga pong noodles, please,” sabi ni Darryl pagkaupo nya sa loob ng noodle shop. “Sige, sandali lang,” sabi ng may-ari. Nang kunin ni Darryl ang kanyang phone para sana magtransfer sa may-ari ng pera bilang bayad sa kinain niya, dun niya lang nalaman na de
Sa Lawa ng Raising Lake. Naglakad si Leroy sa dalampasigan kasama ang mga disipulo niya habang hila-hila ng mga ito si Darryl na walang malay. Kasalukuyan ng naghihintay si Jean sa grupo kaya wala ng wala ng sinayang na oras si Leroy at nagtanong, "Jean, alam mo ba kung nasaan si Abbess Mother Serendipity? Pakisabi sakanya na nahuli ko na si Darryl. Nang makita ni Jean si Darryl, sobrang saya niya. Sa isip ni Jean, 'Kahit kailan, maasahan talaga ang Kunlun Sect Master. Talagang tinupad niya ang pangako niyang huhulihin niya si Darryl!' "Sect Master Henderson, kasalukuyan pong nagcucultivate ang aking master sa kwarto niya ngayon. Siguro po mga isang oras pa po bago siya matapos." Magalang na sagot ni Jean. "Sige!" Masayang sagot ni Leroy. Pagkatapos, inutusan niya ang mga disipulo niya na nakasunod sakanya, "Sige, ikulong niyo muna si Darryl sa basement at hayaan nating si Abbess Mother Serendipity ang humarap jan pagtapos niyang magcultivate. " "Masusunod, master!" Magal
Hindi maipaliwanag ni Darryl ang nararamdaman niya pero sobrang nakonsensya siya sa mga sinabi ni Yvonne. "Sorry..." Pinunasan ni Darryl ang mga luha ni Yvonne gamit ang kanyang injured na kamay, "Yvonne, sorry... Nagkamali ako. Alam mo namang bobo ako diba kaya wag ka ng magalit, okay?" Pagkatapos, biglang gumawa ng tunog na parang sa baboy si Darryl. Kaya ang luhaang Yvonne ay biglang sobrang natawa. "Sige na nga, hindi na ako galit. Bilisan mong tumayo jan para makaalis na tayo dito bago pa tayo maabutan ng mga Kunlun disciple!" Dali-dali namang tumungo si Darryl. 'Bilang Kunlun Sect Master, hindi ko talaga inaasahan na papatulan ako ng p*tang*nang Leroy na yun! Wala akong ginawa sakanya! Nabanggit sa akin ni Monica na balimbing daw yang Leroy na yan!' Halos mamatay si Leroy sa isip ni Darryl sa sobrang galit niya. Hinawakan ni Darryl ang kamay ni Yvonne at tumakbo sila ng mabailis palabas. Masyadong malaki ang Lawa ng Dragon Raising Lake kaya halos kalahating oras din
Walang nakakaalam kung anong tumatakbo sa isip ni Yvonne pero bigla niyang niyakap ng mahigpit si Darryl para harangan ito mula sa suntok ni Leroy. Bam! Bumaon ang mabigat na kamao sa likod ni Yvonne! Kaya bumagsak si Yvonne sa yakap ni Darryl at walang tigil siyang sumuka ng dugo.... "Yvonne!" Sigaw ni Darryl, na halatang sobrang desperado. Hirap man pero pinilit pa rin ni Yvonne na magsalita, "Takbo, bilisan mo, tumakbo ka na!" "Takbo? Walang aalis sainyo!" Walang emosyong sabi ni Leroy, na tumakbo nanaman ng mabilis para sugurin sila. "Takbo, Darryl. Tumakbo ka na!" Hirap na hirap na sabi ni Yvonne. Pagkatapos, biglang hinila ni Leroy si Yvonne. "Tsk tsk tsk, gusto mong iligtas yang Darryl na basura na yan?" Gamit ang kanang kamay, sinakal ni Leroy ng mahigpit ang leeg ni Yvonne habang nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatitig dito. "Kung ganun, edi mas maganda kung mamatay ka na rin! Matagal na rin noong huling beses akong nakahigop ng enerhiya ng isang babae a
"Yvonne, wag mo naman akong takutin oh..." Mangiyak-mgiyak na sabi ni Darryl, na halos hindi na makapag salita sa sobrang pagkataranta. Sobrang nasasaktan siyang makita si Yvonne sa ganung sitwasyon. Ramdam na ramdam ni Darryl ang pahina ng pahinang paghinga ni Yvonne. Sumandal si Yvonne sa braso ni Darryl at pinilit niyang ngumiti habang naghihingalong sinabi, "A....ayos lang ako.... Pagod lang ako..." "Yvonne, makinig ka sakin. Magiging okay ka. Magiging okay tayo..." Hindi mapakaling sabi ni Darryl. Nang marinig ito ni Abbess Mother Serendipity, bigla siyang humalakhak. "Nagawa niyo palang maglandian hanggang sa bingit ng kamatayan. Darryl, kung sa tingin mong makakatakas ka pa dito, wag ka ng umasa dahil sa ngalan ng lolo mo, ako na ang papatay sayo dahil isa kang kahihiyan ng Darby Family!" Kimumpas ni Abbess Mother Serendipity ang kanyang kamay at hindi nagtagal, lumabas ang kanyang longsword. Pagkatapos, walang pagdadalawang isip niyang tinutok ito kay Darryl. Pero w
Hindi alam ni Darryl kung paano siya sasagfot sa sinabi ni Shelly, gulong gulo ang isip niya at hinihiling niya na sana ay nagkamali lang siya ng dinig. Si Shelly ang pinaka magaling na doktor sa buong Donghai City, at kapag sinabi niyang wala ng pag-asa, wala na talaga... Hindi na nagsalita si Darryl, at malungkot nalang siyang naglakad palabas ng ospita habang buhat-buhat si Yvonne. Naghihingalong nagsalita si Yvonne, "Darryl... wag mo ng sayangin ang lakas mo... Ang gusto ko lang sa ngayon ay makasama ka sa mga huling oras ko...." Sobrang bigat ng puso ni Darryl habang naglalakad palaban ng ospital. "Hindi! Hindi ako naniniwala na hindi kita kayang iligtas! Walang kwenta tong ospital na to. Maghahanap tayo ng bago kaya wag kang bibitaw Yvonne ha..." Habang buhat-buhat si Yvonne, desperadong nagikot-ikot si Darryl sa buong Donghai City para maghanap ng doktor. Hindi na mabilang kung ilang ospital na ang pinuntahan nila pero lahat ng doktor na makakita kay Yvonne ay iisa
Habang nagsasalita si Darryl, paulit-ulit siyang yumuko, na parang hindi na nararamdamang nauuntog na ang ulo sa sahig, kaya pagkalipas lang ng ilang segundo ay duguan na ang noo niya. Dahil dito, sobrang naawa si Zoran kay Darryl kaya inalalayan niya itong tumayo. Nang tignan niya si Yvonne, sobrang nagulat siya sa sitwasyon nito. "Naubos ba ang spirit energy ng babaeng ito?" "Ninong, may paraan po ba para mailigtas siya?" Hindi mapakaling tanong ni Darryl, na halatang umaasa ng kahit kapiranggot na magandang balita. Maging si Zoran ay hindi na rin mapakali, pero sinubukan niyang kumalma habang sumasagot. "Base sa mga narinig ko, may isang evil technique raw na ginagamit noong dekada at ang tawag doon ay Dark Method... Pagkatapos magcultivate, pwedeng higupin ng isang tao ang spirit energy ng iba. Yun ba ang dahilan kung bakit nagkaganyan ang babaeng yan?" Hindi napigilan ni Zoran na mapabuntong hininga bago magpatuloy, "Sobrang delikado ng technique na ito at kapag tuluyan n