’Niligtas ang kaniyang buhay?’Napaatras sina Lucy at Flora Knights sa kanilang narinig.Pagtapos at natuon ang atensyon ng lahat kay Goliry.Naging awkward ang tingin sa magandang mukha ni Goliry at mariin niyang kinagat ang kaniyang labi at bumulong kay Lucy. “Master, si Darryl… tama si Darryl. Siya… Iniligtas niya ang aking buhay.”Nakaramdam siya ng pagiging komplikado nang magsalita siya.Lubha niyang kinasusuklaman si Darryl, pero mayroon siyang sariling prinsipyo kung saan ang hanapin ang katotohanan sa mga ginagawa niya. Ilang beses nang iniligtas ni Darryl ang kaniyang buhay.Nagliwanag ang mukha ni Lucy sa sinabi ni Goliry. Pinalaki niya si Goliry mula noong bata pa ito; hinding-hindi ito magsisinungaling sa kaniya.Pero mayroon pa ring pag-aalangan sa kaniyang loob.‘Hindi iyon tama. Bisita ni Lady Tigas si Darryl at parte rin ito ng Quad Ocean Sect. Ninakawan din nila ang Red Shirt Crusade. Bakit naman ililigtas ni Darryl si Goliry?’‘Mayroon ba siyang tinatago sa’
‘'Hmm!' Si Lucy ay natuwa nang marinig 'yon, at nagagalak siyang tumango. Ngumiti siya ng may paghanga kay Darryl at sabi, "Mister Darby, pinapasalamatan ko ang mabuti mong kaisipan. Umaasa akong makita ka sa Red Shirt Crusade sa hinaharap..." Mataas ang tingin ni Lucy sa sarili niya bilang isang Cult Master ng Red Shirt Crusade, at hindi siya kailanman magiging magalang sa iba. Si Darryl, sa kabilang banda, ay tumayo sa kanya. Natanaw niya ang Pure Yang Division's Elixir Sector. Ang Art of Elixir ay nawawala sa Cryolet Continent ng mag-iisang libong taon na. Kaya, si Darryl, bilang ulo ng Elixir Sector, ay tinuturing na isang bihirang talento. Paano siya hindi gagalangin ni Lucy? Sa kabila na naging bisita ni Lady Tigas si Darryl, nakabuo na ng pagkakaibigan si Lucy sa kanya. 'Ang pagbubuo ng magandang samahan na may bihirang talento na gaya niya ay magbibigay ng magandang benepisyo at hindi kailanman matitinag.' 'Ang mahalaga pa 'ron, sina Darryl at Goliry ay parehong nasa
Sa pagkakataong iyon, ang maamong mukha ni Lucy ay naging malamig, at sabi niya, "Darryl, ngayon na sinabi mo 'to. Kamahal-mahal si Goliry, at bilang Saint ng Red Shirt Crusade, malinis siya. Pero ngayon na nasa pool siya kasama mo, at nakita mo na ang ibang parte ng katawan niya na hindi mo dapat makita. Ngayon sinusubukan mo nang burahin ang lahat ng 'yon sa pagtanggap na hindi ito pagkakaunawaan lahat? Sino ba sa tingin mo si Goliry? Ano ba sa tingin mo ang Red Shirt Crusade?" Ang boses niya ay patag, at hindi ito maikakaila. 'Er...' Kinamot ni Darryl ang ulo niya, at nakaramdam siya ng hiya, hindi alam kung paano sasagutin ang tanong ni Lucy. 'Bwisit. Lalong lumalala.' Ang maamong mukha ni Goliry ay mukha ring kumplikado, at ang isip niya ay magulo rin. "Sige!" Pagkatapos, si Lucy ay sinamaan ng tingin si Darryl at sabi, "Hindi ako makalkulang tao. Sabihin mo sa akin, may nararamdaman ka ba para kay Gorily?" Bilang Cult Master ng Red Shirt Crusade, ito ay hindi maitat
Hindi mapigilan ni Darryl asarin si Gorily nang nakita niya ang aroganteng ekspresyon nito. "Ikaw-" Namula ang mukha ni Goliry nang nakita niyang binibiro siya ni Darryl at pagalit na sumigaw, "Tumahimik ka! Sino ang asawa mo? Alis!" 'Grabe si Darryl! Sinamantala niya ako, at ngayon nagpapanggap siya bilang isang mabuting tao. Alam niya na ang hindi pagkakaunaawan ang naging dahilan kung bakit nagpatalaga ng kasal ang Cult Master, at ngayon inaasar niya ako." Nang napansin ni Darryl ang pagkairita ni Gorily, nanatili siyang kalmado at walang hiyang sabi, "Wifey, hindi naman tama 'yan. Magiging isang pamilya na tayo. Bakit mo ako pinapaalis?" Pagkatapos, nilapitan ni Darryl si Gorily. "Ah. pagod ka na ba pagkatapos magbabad sa tubig ng matagal? Hayaan mong buhatin kita." Agad, nagpanggap si Darryl na lumangoy papunta sa kanya. Ang ekspresyon ni Goliry ay nagbago habang pinagmamasdan ang sitwasyon, at sumigaw siya, "Alis at 'wag kang lalapit sa'kin!" Ang mga mata ni Goliry ay
Sina Ambrose at Heather ay nilapitan si Chester habang nagsasalita siya. "Tito Chester, Tito Dax," ngumiti si Ambrose at nagsisisi niyang sabi, "Pasensya na kung pinag-alala kita, pero ayos lang kami ni Neil. Pagkatapos, nagmadali si Ambrose ipakilala si Heather sa lahat. "Ito si Heather. Sigurado akong naaalala niyo pa siya, ang prinsesa ng Sea Market Clan. Ang pangunahing rason kung bakit kami lumabas ni Neil ay para iligtas siya." Ngumiti si Ambrose at tumingin kay Heather ng may pagmamahal at mahinahon habang nagsasalita siya. 'Sa tingin ko nga!' Sina Chester at ang iba pa ay agad napagtanto kung ano ang nangyari at ngumiti kay Heather. Ang Rakasa Tribe ay sinira ang Nine Mainland sa oras na 'yon, at ang Sea Mackie Clan ang tumulong sa kanila. SI Heather ang ipinadala nila para mag-representa. Paano nila posibleng makalimutan 'yon? Dagdag pa 'ron, ang lahat ay masasabi na sina Heather at Ambrose ay mahal ang isa't isa. Kahit na ganoon, ang lahat ay namangha pa rin nan
Ang lahat, kasama si Chester, Dax, at ang iba pa, ay sumimagot at mukhang solemne. "Bwisit!" Kasama ang mainit niyang ulo, sinuntok ni Dax ang kamao niya sa lamesa at sabi, "Hindi ko kailanman inisip na ang isang hamak na pirata ay magiging isang kasuklam-suklam. Nagpanggap sila na magpadala ng mga tao sa paligid para ayusin ang paligsahan pero patago nilang pinilit ang mga tao na sumuko sa kanila." Si Chester ay huminga ng malalim at sabi, "Narinig ko na rin ang tungkol sa paligsahan. Akala ko isa lang 'tong gimik na ginawa ng mga angkan. Hindi ko inaasahan na ang Sea Dragon Palace." Tumango ang lahat. "Ang Sea Dragon ay lumalakas kada araw. Dapat tayong mag-ingat!" "Tama. Kung magpapatuloy sila, natatakot ako na maging tinik sila sa tabi ng komunidad." Si Chester at nanatili ang solemneng ekspresyon sa buong diskusyon. Pagkatapos tumingin kasama si Debra, dumiretso siya sa mga miyembro ng Eternal Life Palace Sect para matingnan ng maayos mga galaw ng Sea Dragon Palace s
Sa mga utos ni Morticia, dinala ni Forsythe si Heather sa isang tagong isla para ipalit suya sa batang master kay Ambrose. Sa una, malakas ang loob niya pero hindi kailanman nag-asam ng bagyo na tatama sa isang kritikal na oras. Sa pagkakataong iyon, si Forysthe, kasama ang kanyang bangka, ay nalunod sa dagat. Bilang isang dating hari ng pirata at ang tagapagligtas ng henerasyon niya sa dagat na rehiyon, nakaligtas din siya kalaunan gamit ang kanyang nakakamanghang abilidad sa paglangoy. Ang nagpapairita sa kanya ay ang hindi natupad na pangako ni Ambrose. Hindi niya naibalik ang batang master sa Dragon King Island pagkatapos dalhin si Heather sa kanya. Tama ang hinala ni Forsythe na si Ambrose at ang batang master ay masasawi sa bagyo, pero sa isang isipan niya, naisip niya na hindi rin ganoon 'yon. Bilang anak ni Darryl, si Ambrose ay labis na makapangyarihan. Isa rin siyang Elysium Gate's Sect Master. Hindi siya mamamatay sa isang bagyo lang. Pagkatapos bumalik sa Sea Drag
Boom! Ang dulo ng saber ay naabot si Ronan, tumama sa kanyang mahabang espada habang hawak niya ang mahabang espada sa harap ng katawan niya. Napaungol si Ronan nang napatilapon paatras matapos marinig ang malakas na tunog. Pagkatapos mapaatras ng ilang dosenang metro palayo, tumama ang katawan ni Ronan sa malaking butas ng mga dahon sa harap ng bulwagan at nahulog din sa lupa. "Pft..." Sa isang iglap, dumura ng sariwang dugo si Ronan at tinitigan ng masama si Forsythe. Hinugot niya ang kanyang huling hininga bago magsalita ng kung ano. 'Ano?' Ang mga disipulo ng Elysium Gate ay nanigas nang nakita nila ang sitwasyon. Ang mga isip nila ay nagkakarera, at napatigil sila. 'Hindi ba nakakatakot ng sobra ang kapangyarihan niya?' 'Pinatay niya ang Altar Master sa isang galaw lang?' Si Ronan ay kasama sa limang pinakamataas na makapangyarihang Altar Master sa Elysium Gate. Kahit kalabanin niya ang kahit na sinong master ng sekta, kaya niyang lumaban kahit ilang dosenang laban
Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal
Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an
Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i
Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata
Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati
Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s
"Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust
Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin
Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito