Circe Newman!“Tara na Lily! Nag-aantay na sila!” Natatawang hinablot ni Circe ang kamay ni Lily.‘Ano? Kelan pa naging magkaibigan ang dalawa? Hindi pa nagattagpo ang landas ng mga ito!’ Sa isip-isip ni Darryl.Nakita ni Circe si Darryl, binigyan niya ito ng magalang na ngiti. Kahit na nawala ang mga kapangyarihan ni Darryl—at baka hindi na siya makapagcultivate kahit kailan—hindi kailanman bumaba ang tingin sa kaniya ni Circe. Sa katunayan ay mas maganda pa ang naging impresyon nito para kay Circe dahil sa pagsagip nito sa lolo ni Evelyn.“Magkaibigan…kayong dalawa? Tanong ni Darryl.“Lahat ay nangyari noong nakaraang linggo. Nakangiting sabi ni ni Lily.Noong nakaraang linggo ay may bagong estudyante sa Hexad, ang pangalan nito ay Yvette Lane.Napakaganda ni Yvette at nakapagdulot ng gulo sa unang araw pa lamang niya sa klase.Ang mga kalalakihan sa eskwelahan ay pinangalanan ang dalawa bilang Ice at Fire Goddess. Kung icy glacier si Circe, isang bulkan naman si Yvette. Siya
Hindi sila pinansin ni Darryl. Kung sabagay, nandito siya para kay Lily at hindi niya gustong makipag-away, hindi rin sila dapat na pag-aksayahan ng atensyon.Nagpatuloy si Declan, “Hindi ka welcome dito Darryl, F*ck off.”Nagdagdag si Miles, “Oon ga, umalis ka nalang!”Hindi na matiis ni Circe ang mga naririnig. Sumimangot ito at nagsalita, “Pwede bang tumigil na kayo? Kaklase natin si Darryl, syempre welcome siya dito!” Hindi niya hahayaang bully-hin nila ito. Napaka lupit nila, pero mas binubully pa nila ito ngayong alam nilang wala na itong kapangyarihan.Katahimikan ang nangibabaw matapos magsalita ni Circe. Kung sabagay, nagsalita ang Dyosa kaya sino ba namang magtatangkang sumalungat dito? Ayaw nila itong galitin.Lumapit si Yvette, tumawa ito at nagsalita, “Oon ga, nariti ang lahat para magsaya! Tigilan na natin ang pang bu-bully.”Nakinig ang lahat kay Yvette dahil palakaibigan ito sa lahat. Hindi nila pinansin si Darryl at nagpatuloy sa mga ginagawa.Niyakap ni Yvette
Tumingin ang kalalakihan kina Yvette, Lily, at Circle. Isang katuparan ng pangarap ang makalaro ang mga ito!“Nah, masyadong boring, gusto ko nang mas exciting.” Sabi ni Yvette.“Nandoon!” Pagputol ni Declan. Tinuro nito ang mga motorboats na nasa pangpang at sinabing, “Tingnan niyo, gumawa tayo ng katuwa-tuwa gamit ang mga motorboat!”Nagliwanag ang mga mat ani Yvette ang makita ang mga motorboat n amabilis na umaandar sa dagat, mukhang masaya iyon. Ngumiti ito at nagsalita, “Tara!”Nagtungo ito sa rentahan ng mga bangka, sinundan rin siya ng mga estudyanteng gustong sumakay sa motorboats.Mina-manage ng grupo ng kabataan ang mga motorboat, nagkukwentuhan at naninigarilyo ang mga ito. Ang kanilang leader na si Manny Yaleman ay nagbleach ng buhok at ginawa itong kulay blonde, nakasuot ito ng floral shirt. Nagliwanag ang mga mata nito nang makita ang papalapit na grupo ng mga estudyante.Nagtanong ito, “Ladies and gentlemen, mapaparenta ko ba kayo ng motorboat?”Natanong si Decla
”Darryl, turuan mo na ko! Hindi ko alam kung paano paandarin to.” Sabi ni Yvette. Pagtapos ay lumingon ito kay Lily at nagbiro, “Lily, hihiramin ko muna saglit ang asawa mo, sana ok lang sayo.”Namula si Lily, tumawa ito. “Siyempre naman! Pero huwag mo kalimutan na isauli siya sakin!”Hinila niya si Darryl sa gilid at nagsalita, “Gusto ni Yvette na turuan mo siya. Tulungan mo, pero tandan mo na huwag kang gagawa ng istupidong bagay!”“Opo, opo makapangyarihan kong asawa!” Tumawa si Darryl. Naglakad na ito papunta sa bangka ni Yvette at umupo sa likuran nito.Biglang namula si Yvette. “Ano…anong ginagawa mo? Sabi ng namumulang si Yvette.“Tinuturuan ka?” Sagot ni Darryl. Tinuro nito ang ignition key at nagsalita, “kailangan mong pindutin ang button para mapainit ito. Tapos gamitin mo ang dalawang kamay sa pag steer.”Mabilis na natutunan ito ni Yvette. Bababa na sana si Darryl nang mapansin niya ang bright red na tuldok sa braso nito. Nagulat siya.Iyan ba ang gecko cinnabar?An
Malagim na ngumiti si Manny; plinano niyang isahan ang mga estudyante! Mukhang mayaman ang mga ito, kailangan niyang makuha ang kanilang mga pera! Nagtaas ito ng kilay at seryosong nagsalita, “Sige, kukwentahin ko para sainyo. Nag renta kayo ng 60 na motorboats, 30 bucks ang isag round. Dahil naka 400 rounds ang bawat isa sa inyo, sumatotal ay 720,000 bucks.”Ano?!Naka 400 rounds ang abwat isa sa kanila?Tinuro ni Declan si Manny at galit na sumigaw, “Isa kang g*go! Ginamit naming ang mga bangka sa loob lang ng kalahating oras! Paano naging posible nan aka 400 rounds kami?”Kaswal na tinapon ni Manny ang kaniyang sigarilyo, “Sabi ko, naka 400 rounds kayo kaya sumakay kayo ng 400 na beses.”“Hayop ka!” Pagmumura ni Declan. Halata namang iniba ni Manny ang katotohanan.“Tigilan na nating ang kalokohang to!” Nainis si Manny; kumuha ito ng machete sa kaniyang jacket. Hawak niya ito gamit ang isang kamay habang nagmamadaling nagsalita, “Magbabayad ba kayo o hindi, ikaw hayop?”Papay
Ilang mangingisda sa distansya ang naka saksi sa senaryo, hindi na sila makapagpigil. Lumapit ang mga ito sa mga estudyante para magbigay payo. “Mga bata, bayaran niyo nalang sila. Ang pera ay bayad para sa kasiguraduhan ng inyong kaligtasan. Hindi niyo sila pwedeng salungatin; mula sila sa Coastline Sect! Mayayari kayo kung hindi kayo magbabayad ngayong araw.”Tumango ang mga lokal bilang pag sang-ayon.Ang Coastline Sect ay naninirahan sa Gold Beach mula pa noong unang panahon; hindi maaaring maliitin ang kanilang impluwasya! Laganap ang pag akto sa beach area ng mga miyembro ng sektang ito!Pag-aari ng sekta ang motorboat sport na business, at ang sino mang mag renta ng kanilang mga bangka ay sisingilin ng malaking halaga.Walang kalam-alam ang mga turista sa impluwensya ng Coastline Sect, pero kilalang kilala sila ng mga lokal na mangingisda!Nasakop ng sekta ang industriya ng seafood dahil na rin sa kanilang bilang at impluwensya. Ang bawat mangingisda ay pwersadong magbigay
Lumukso si Circe at sumali sa labanan nang walang pagdadalawang isip.“F*ck pabagsakin niyo sila!”Sa wakas ay nag react na rin ang mga lalaki nilang kaklase at sumugod habang sumisigaw. Takot lumaban ang mga estudyante, pero wala na silang magagawa. Kung sabagay, magmumukha lang silang mga duwag kung magtatago sila pero sumugod na ang dalawang naggagandahang babae. Kailangang sabay sabay sumugod ang mga estudyante nang maipit sila sa gulo nang mga tauhan ni Manny!Mayroong nasa 80 na estudyante mula sa parehong klase, kaya naman halos pantay lang ang bilang.Nagkaroon ng skills ang mga estudyante matapos ang ilang lessons sa Hexad School. Matapang malumaban ang mga kalalakihan nang may buong tapang para protektahan ang mga babae nilang kaklase.“Argh!”Napakagulo sa beach, hindi tumitigal ang pag-iyak ng ilan sa kanila!Thump! Thump! Thump!Nagkaroon ng pinsala ang parehong koponan. Higit sa 20 na tauhan ni Manny ang bumagsak sa sahig.Nagtamo ng ilang sugat ang ilan sa mga l
Tumahimik ang lahat nang patigilin sila ni Yvette.Pero puno parin ng pagkamuhi ang tinginan nila.“Oh f*ck guys, tingnan niyo! Papalapit sa atin ang mga bangka!” Sigaw ng isa sa kanila.Whoosh!Nalipat sa dagat ang tingin ng mga estudyante; marami silang nakitang mabibilis na bangka na papuntang pangpang! Puno ito ng mga tao na may dalang mahahabang espada!“Ano? Anong nangyayari?” Nanlaki ang mga mat ani Declan. Ilang seundo lang ay narating na ng mga bangka ang pangpang!Mabilis na tumalon pababa ang nasa halos 800 na kalalakihan, kumpiyansa ang mga ito habang naglalakad palapit sa mga estudyante. Napaka ganda ng senaryo!Nasa unahan ang dalawang magkamukhang kalbong lalaki; malinaw na kambal ang mga ito, mayroon silang malakas na aura!Ang kambal ang una at pangalawang namumuno sa Coastline Sect.Ang mas matanda ay si Ocean Powter, habang si River Powter naman ang mas bata. Pareho silang Level Three Martial Saints!Gulat na gulat ang mga estudyante nang makita ang papal