Isang himala ang paglabas dito nang buhay ng kaniyang inaanak.Ngumiti naman si Darryl at sumagot ng. “Hindi ko po alam kung paano po ako nakalabas dito. Nawala po ako sa loob pero naglakad lakad lang po ako sa paligid hanggang sa muli kong makita ang daanan papasok dito. Mukhang sinuwerte lang po ako na makabalik dito,” Normal na sinabi ni Darryl.Hinding hindi niya sasabihin kung paano niya nagawang imaster ang Bai Qi Formations.Nasasabik na nagusap usap ang lahat nang sabihin niya iyon—sinuwerte si Darryl dahil nagawa niyang makalabas sa peach blossom forest matapos maglakad lakad sa paligid nito.Tumawa naman si Susan at sinabing, “Kamangha mangha ang ginawa mong iyon. Kung alam mo lang, ilang araw din kaming nagalala sa iyo! Siguradong pagod ka na kaya puwede ka nang pumunta sa kuwarto mo para magpahinga!” Nagaalalang tiningnan ni Susan si Darryl. Pero sa totoo lang ay sinusubukan niya lang itong idistract para hindi na makapagtanong ang kaniyang asawa kay Darryl ng kahit na
Naglakad si Susan papunta sa kama ni Darryl at umupo rito. Tumingin siya kay Darryl at nagtanong ng, “Darryl, mukhang hinang hina ka noong una ka naming makita mula sa gubat na iyon. Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?”Natigilan dito si Darryl. Kung nagpunta lang si Susan dito para itanong ang kaniyang lagay, bakit niya ilolock ang pinto?“Maayos na po ang pakiramdam ko matapos kong kumain nang masasarap na pagkain kanina,” tawag ni Darryl.Tumango si Susan at ngumiti. “Mabuti naman kung ganoon.”Nagtinginan sila ng ilang sandali at tahumik na umupo ng magkatabi. Hindi na nakapagpigil pa si Darryl sa kaniyang sarili. Awkward itong tumawa at nagtanong ng, “May maitutulong po ba ako sa inyo, Tita Susan?”Napakagat na lang sa kaniyang labi si Susan. Nagpunta siya rito para kay Rachel. Sa sandaling ikalat ni Darryl ang balita na niloko siya ni Rachel para pumasok sa gubat, siguradong bubugbugin ito nang husto ng kaniyang ama. Kinakailangan niyang pigilan si Darryl na gawin ito anuma
Whip!Mas naging masakit ang paglatigong ito ni Jean kaysa sa kaniyang ginawa kanina. Naramdaman ni Jean na hindi pa ito sapat kaya bigla siyang nagwala sa kaniyang kinatatayuan.Whip! Whip! Whip! Maririnig ang tunog nito sa buong bakuran ng mansyong pagmamayari ng mga Darby.Hindi na ito matiis pa ni Dax. “Hayop kayong lahat!” Sigaw nito. “Magiingat kayo dahil sisiguruhin ko na mamamatay kayong lahat sa sandaling makalabas ako rito!”“Ang lakas ng loob mong sumagot huh?” Simangot ni Jean bago nanlalamig na sabihing. “Sige, kaya mong tanggapin ang mga latigo ko hindi ba? Kung ganoon ay lalatiguhin ko na lang ang asawa at lolo mo!"Gumawa si Nancy ng isang makapanindig balahibong tili nang lampasin ni Jean ng latigo ang kaniyang balikat. Dito na tuluyang nawala sa kaniyang sarili si Dax—naging wild at napuno ng galit ang kaniyang dibdib. Sinubukan niyang pakawalan ang kaniyang sarili pero naging imposible ang bagay na ito. Masyadong mahigpit ang ginawang pagkakatali sa kaniya.M
Lumapit si Jean kay Zephyr at dumura, “Si Dax ay isang kriminal na may koneksyon sa Eternal Life Palace. Sino ka para magdesisyon kung makakaalis na ba siya rito o hindi?”“Uulitin ko ang mga sinabi ko, nandito ang Elysium Gate para kunin si Dax Sanders,” Ngiti ni Zephyr.Isang espadang may tatlong dulo ang biglang nagpakita sa harap ni Zephyr. Agad niyang pinakawalan ang kaniyang internal energy na nakapagpasabog sa espadang iyon sa buong kuwarto. Matapos inumin ang Godly Pill na ibinigay ni Darryl, Si Zephyr ay isa na ngayong Level One Martial Marquis.Kasabay nito ang paglalabas ng mga tauhan ng Elysium Gate sa mahahaba nilang mga saber.“Ikaw…” Napaatras naman ang natatakot na si Jean sa kaniyang kinatatayuan.Tumalon si Zephyr papunta kay Dax at agad na hiniwa ang mga taling nakapulupot sa katawan nito. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi na nagawa pang magreact ng mga tagasunod ng Emei Sect.Natakot at nagalit si Jean habang sumisigaw ng, “Ano ang ginagawa mo! W
Hindi na nagdalawang isip pa si Darryl, agad niyang binuksan ang kaniyang mga braso at agad na sinalo si Susan sa pamamagitan ng pagyakap sa payat nitong baiwang. Pero masyado pa siyang mahina kaya sa halip na mapigilan niya ang pagbagsak nito ay napasama siya sa bumagsak sa kama.Buwisit!Naramdaman ni Darryl na para bang madudurog ang kaniyang mga buto sa mga sandaling ito. Nasa ibabaw niya ngayon si Susan. Isang napakabangong amoy ang pumasok sa ilon ni Darryl—nagmula ito sa damit kay Susan.Dito na awkward na tiningnan ng dalawa ang isa’t isa.Habang nagpapanic ay mas dumikit pa sila sa isa’t isa. Nagpumilit si Susan na tumayo pero naipit ang isang parte ng kaniyang damit kay Darryl. Sinubukan niyang tumayo pero nahila siya pabalik ng kaniyang damit—dito na siyang bumagsak muli rito.Dito na biglang bumukas ang pinto. Maririnig ang boses ni Sara na papasok mula sa labas.“Darryl! Mayroon akong gustong ipakita sa iyo!” Nasasabik na pumasok si Sara habang hawak ang isang box ng
Naantig naman dito ang puso ni Darryl, buong pagmamahal siyang sumagot ng, “Nasa bahay pa rin ako ngayon ng ninong ko. Naging maganda naman ang trato nila sa akin dito kaya huwag ka nang magalala.”Nakahinga nang maluwag dito si Lily bago umaasang nagtanong ng, “Kailan ka ba babalik dito, Hubby? Na…namimiss na kita.” Namumula nitong sinabi. Hindi pa niya nagagawang magsabi ng mga ganitong klase ng bagay kay Darryl.“Sige, uuwi na ako bukas ng umaga,” Walang pagaalinlangang sangayon ni Darryl.Oras na para bumalik siya sa Donghai City. Kinakailangan niya ring makita ang kalagayan ngayon ni Dax. Pero masyado nang late at nanghihina pa rin ang kaniyang katawan—kaya kinakailangan niyang maghintay ng bukas bago magawa ang mga ito.“Sige! Hihintayin kita rito sa bahay bukas! Bye Hubby!” Mahinahong sinabi ni Lily. Hindi niya agad ibinaba ang telepono, matapos ang isang sandali ay tahimik nitong hinalikan si Darryl sa telepono.“Muacks!” At pagkatapos ay tuluyan na nitong ibinaba ang taw
Huminga nang malalim si Zoran at nagpatuloy sa pagsasalita, “Sinasabi rin nila na ang Ten Villains ay mga Martial Marquis! Lalo na ang pinuno nito na isang Level Three Martial Marquis!”Ano? Martial Marquis na ang magkakapatid na Ten Villains?Natigilan dito si Darryl, ganito na kalakas ngayon ang mga bandido sa lugar na ito?Tumango naman dito si Ophela, tumingin siya kay Zoran at sinabing, “Sa sandaling gumaling na ako, agad akong hihingi ng tulong para tapusin ang mga iyon!”Natahimik sa loob ng isang sandali si Zoran bago nagdadalawang isip na sabihing, “Pagisipan mo ito nang maigi, Chairlady Lane—magiging mahirap para sa kahit na sino ang pagtapos sa Ten Villains.”Ano?“Bakit?” Tanong ni Ophelia. Nasa kamay ng mga ito ang dalawa niyang mga disipulo. At hindi niya rin alam kung buhay pa ba ang mga ito o hindi kaya kinakailangan niyang bilisan ang kaniyang pagkilos para mailigtas ang mga ito.Nagpakita naman si Susan na nakasuot ng mahaba at kulay purple na dress na nagpagan
“Iniisip mo bang masosolusyunan mo ang Eight Earth Demon Formation, Darryl?” Tanong ni Zoran.“Sa…tingin ko po,” sagot ni Darryl.Dito na sumabog sa katatawa ang lahat. Marunong nga talagang magyabang ang isang ito! Hindi nagawa maging ng anim na mga orthodox sect na masolusyunan ito, kaya ang lakas ng loob niyang magsabi na kaya niya ito?Huminga nang malalim si Susan na nagsabing, “Masyado ka pang bata, Darryl. Simple lang ang mga Formation na itinuro ko sa iyo noon. Kaya huwag kang magyabang, hindi pa talaga tayo nagsisimula sa pagaaral ng mga Formation. At ang Eight Earth Demon Formation ay isa sa mga kumplikadong formation na mayroon tayo ngayon. Maging ako ay walang kakayahan na solusyunan ito.”Dito na tumitig si Ophelia kay Darryl. Masama na ang kaniyang loob nang madukot ang dalawa sa kaniyang mga disipulo, pero nagawa pa rin ngayong gumawa ng gulo ni Darryl—kaya paanong hindi siya magagalit dito?Sinabi nito na, “Darryl, noong kunin kita bilang aking disipulo, hindi lang