Libu-libong mga upuan ang inilagay sa ibaba ng entablado na ang mga nakaupo sa harap ay mga matatanda at elite mula sa mga pangunahing sekta ng martial arts sa buong mundo. Si Maestro Leonard, Maestro Reed, Abbess Ina ng Serendipiti , at maging ang punong-guro ng Hexad School, si Graham ay naroon.Bukod doon, dumalo rin ang mga miyembro ng kilalang pamilya kasama sina Kent, Zayler, Justin, at William na dumalo rin sa kasal.Ang kasal na ito ay ang pinaka magarbo at kahindik- hindik na tanawin sa lungsod ng Donghai!Handa na ang lahat ng mga panauhin na masaksihan ang magandang sandali na may mga ngiti sa kanilang mga mukha. Maraming mga patriyarka ang umakyat pa upang batiin ang dalawang magulang."Taos-puso kong pagbati kay Ginoong Young at Ginoong Langley!""Sa katunayan, isang malaking bagay sa lungsod ng Donghai ang pagbubuklod ng iyong pamilya."Bumuka ng malaki ang bibig ni Kingston nang tumawa ito mula sa hindi mapigilang kaligayahan.Si Kingston ay matagal nang nag aalal
“Woohoo! " masayang isinigaw ng mga nasa baba ng entablado.Kahit na ang mga istoiko na maglilinang ay naiimpluwensyahan ng kapaligiran at sabik na tumingin sa entablado."Ang unang pagyuko ay para sa Langit at Lupa!" malakas na bulalas ng emcee.Naglakad sina Jeremy at Yvonne sa harap ng entablado at yumuko sa harap ng mga tao ng tatlong beses."Woohoo!" Ang madla ay naghiyawan ulit kahit ang mga mayayamang kabataan ay tumayo sa kinauupuan at sumipol."Pangalawang pagyuko ay bilang paggalang sa mga matatanda!"Tiningnan ni Jeremy si Yvonne ng malalim habang hinawakan ang kamay nito at dahan-dahang lumakad papunta sa kanilang mga ama bago yumuko. Sa sandaling iyon, kapwa ang kanilang mga ama ay lubos na masaya at nakangiti na may kaluguran at pagmamahal."Sa wakas ang pagyuko upang igalang ang bawat isa!" sigaw ng emcee. Labis siyang masigasig na para bang siya ang ikakasal.Sa sandaling iyon, ang mga panauhing lahat ay naghiyawan sa tuwa! Lalo na ang mga malalapit kay Jeremy!
Darryl!?Bakit ka nandito!?‘Ang lalaking ito ay nasaksak sa ilalim na bahagi ng kanyang tiyan ngunit siya’y buhay pa rin!?’Lahat ng nasa lugar ay nakakunot ang mga kilay. Ang mag iisang dibdib na nasa entablado ay magbibigay na dapat ng paggalang sa isa’t isa. Ano ang gustong gawin ni Darryl?“O Darryl… Andito ka…”Nahihirapan si Yvonne na panatilihin ang kanyang sarili na matatag sa entablado. Nakatitig siya kay Darryl sa sobrang gulat habang mabilis ang pintig ng puso nito!"Oo, narito nga ako," malamig na sabi ni Darryl habang buong pagmamalaki siyang naglalakad papunta sa entablado! Tumayo siya sa harap ni Yvonne at tinitigan ng mariin ang mga mata nito!Wow!Ang buong luar ay nagkagulo!Ano ang nangyayari?"Hubby!" Sigaw ni Lily mula sa ibaba ng entablado habang sabik na tinatapakan ang mga paa. Nang siya ay dumalo sa kasal ni Yvonne, akala niya ay nagpapagaling pa rin si Darryl sa bahay. Hindi niya akalain na darating si Darryl at tumayo pa sa entablado. Ano kaya ang
“Oo naman, kayang kaya kong maibalik iyon sa iyo.”Ang mga mata ni Darryl ay puno na ng mga luha! Mayroon siyang itim na plastic bag sa kanyang kamay at biglang itinapon papunta sa langit!“Ibabalik ko ‘to sa’yo. Itong mga tanginang tableta mo, ibabalik ko lahat ito sa’yo!” Isang malakas na sigaw ni Darryl na halos mamalat ang kanyang boses.Crash….Ang laman ng plastic bag ay tumapon at mahigit dalawang daang siyam na resureksyong tableta ang nahulog na parang talon sa sandalling iyon! Bawat isang tableta ay kumikinang na may matinding spiritual awra!Ang buong lugar ay natahimik tulad ng mga libingan!Ito ay higit na dalawang daan na siyam na resureksyong tableta!"Gulp!" Ang tunog ng laway na nilulunok ay lumabas mula sa kung saan at agad na nag-uudyok ng isang mainit na talakayan sa gitna ng mga tao!“Tama ba… Tama ba ang nakikita ko? Napakaraming Siyam na resukresyong tableta? ”“Paano ito nangyari! Ang pamamaraan ng paggawa ng tableta ay matagal na panahon nang nawala! "
“Kayong lahat, magtigil.. Hayaan niyong sabihin ko ang ilang mga salita, ”isang mahigpit na tinig ang umalingawngaw sa hangin.Tumayo si Kingston, nanginginig ang kanyang katawan sa galit habang sumigaw kay Darryl, “Darryl, anong ginagawa mo? Ikakasal na ang anak kong babae. Ano ang mayroon sa iyo? Umalis ka na! " Galit na galit si Kingston nang makita si Darryl. Tuwing makikita niya ito, hindi niya mapigilang isipin na tinaling tatlong mga kababaihan sa lubid ang isa sa kanila ay ang kanyang anak na babae!Sa una, naisip ni Kingston na ang kanyang anak na babae ay sa wakas ay nalimutan na si Darryl at nagpasyang pakasalan si Jeremy. Sino ang mag-aakalang ang pangunahing dahilan ng pagpapakasal ng kanyang anak na babae kay Jeremy ay upang iligtas si Darryl. "Tiyo Young," huminga ng malalim si Darryl at lumakad papunta sa kanya, "Hnagga’t nandito ako ngayon, hindi ko papayagang ipakasal si Yvonne kay Jeremy! Alam ng lahat kung anong uri ng tao si Jeremy. Wala siyang kwenta at wala
Kung nandito siya upang magdulot ng gulo sa kanilang kasal, ayos lang. Gayunpaman, kung nasuhulan ni Darryl ang sekta ng kulto, lubos na hindi katanggap-tanggap iyon! “Makasalanan, makasalanan ito! Kung sinuman sa inyo, dakpin si Darryl! " sigaw ng deputadong pinuno ng paaralang Tianshan na si Zachary Hume..Sinira ni Darryl ang kasal ng kanyang alagad at hinayaan na umalis si Zion Featherstone? Ito ay isang kasalanan sa mga libro ni Zachary. Biglang sampu o higit pang mga disipulo ng Tianshan ang sumugod sa Darryl. Nang makita ang pagliko ng mga kaganapan, halos lahat ng tao ay naglaho at nagmamadaling umalis "Ang mga alagad ng sektang Emei, makinig kayo!" Tawag ni Abbess ina ng serendipiti. "kunin ninyo ang bastadong ito!" "Alagad ng Wudang, dakpin si Darryl!" Bigla ang lahat ng mga alagad ng Anim na Sekta, maliban sa mga alagad ng Wudang, ay narinig ang kanilang mga utos at sumugod upang palibutan si Darryl. Hindi bababa sa isang daang mga ito! Ang tao tulad ni Maestro
‘Walang makakapigil sa iyo? Paano naman mangyayari ‘yon? Naisip ni Yvonne. "Darryl, huwag kang magbiro!" Hindi napigilan ang pagdaloy ng luha ni Yvonne. Samantala, ang mga alagad ng Anim na Sekta ay nauna nang dumating sa kanila. Ang kanilang mahabang sabers ay bumagsak tulad ng malakas na ulan. Kasabay nito, sumali si Florian sa pananambang. Para siyang natuwa. "Darryl, narito ako upang makapaghiganti kay Lolo at walang awang patayin ang lalaking tulad mo!" Dahil maraming tao ang nagmamadali, paano niya palalampasin ang napakagandang opurtunidad na ito? Gayundin, nagsasanay siya ng Misteryosong Makadiyos na Banal na Kasulatan kamakailan lamang at ngayon ay tila isang magandang pagkakataon upang subukan ito. Isang ngiti ang nagmula sa mukha ni Yumi, na nasa tabi niya. "Sinta, patayin ang bastardo na ito alang-alang sa pamilyang Darby!" sigaw niya. "Oo, nararapat lang sa bastardo na ito!" sabit ng mga miyembro ng pamilya Darby. "Florian, patayin mo siya sa ngalan ng hustisya n
Ang mga sandata ay niraranggo mula mababa hanggang mataas na may pula, kahel, dilaw, berde, asul, indigo, at lila. Ang bawat pagraranggo ay maaaring nahahati sa limang iba pang mga antas. Nang unang makuha ni Darryl ang kanyang Blood Drinking Sword, ito ay nasa pinakamababang antas ng pulang ranggo. Ngayon ang kanyang espada ay nabahiran ng sariwang dugo at pambihirang lakas. Sa isang iglap lamang, umakyat ito ng pang apat na antas ng berdeng ranggo, na nagpamangha sa harap ng maraming tao. “Anong nangyari? Sobrang lakas ng batang ito?”"Sa ilalim ng pag-atake ng napakaraming matataas na ranggo na disipulo, nagagawa pa rin niyang patumbahin ang sobrang dami nito? Halimaw ba siya? "Ilang araw na ang nakalilipas sa panahon ng Lion Slaughtering Conference, siya ay isang pangalawang antas ng Maestro heneral lamang. Paano siya naging ika-apat na antas ng maestro heneral ngayon? " ang bulungan ng karamihan. Ang Abbess na ina ng serendipiti ay tinitigan si Darryl ng malamig habang an