Ngumiti si Darryl habang iniisip na, “Dalawang beses mo akong sinampal pero nagawa mo pa ring umasa na tutulungan kita?”Nagkunwari siyang humihinga nang malalim habang pasimpleng sinasabi na, “Matutulungan kita sa bagay na iyan, Ms. Katherine. Pero masakit pa ang buo kong katawan sa pagtakbong ginawa ko kanina—kung magagawa lang magmamasahe sa akin.”Namula ang mukha ni Katherine sa mga sinabing ito ni Darryl. Paano siya nagawang pasimplehan ni Darryl na bigyan ito ng masahe! Isa siyang guro! Kaya hindi tama ang pagbibigay niya ng masahe sa isang estudyanteng kagaya ni Darryl.“Ok lang. May mga kailangan pa akong gawin kaya mauuna na po ako.” Matapos makita ang hindi sumasagot na si Katherine, tumayo na si Darryl at umalis.“Ikaw Darryl…” dito na angsimulang magpanic si Katherine.Nagawa na niyang magresearch sa pamamagitan ng pagbabasa sa ilang mga sinaunang manual—walang kahit na anong paraan para maibalik ang dati niyang lakas. Kaya kung hindi siya tutulungan ni Darryl, magigi
Tinitigan ni Katherine ang improvised na kaldero sa paggawa ng mga elixir habang minamasahe si Darryl.Ang dapat niya lang gawin ay hintaying mabuo ang elixir at magagawa na muling bumalik ng kaniyang lakas! Bago mangyari iyon ay kinakailangan niya munang paligayahin si Darryl.Ngumiti naman dito si Darryl. Nagawa niyang makita ang katawan ng isang napakagandang babae habang binubuo niya ang elixir—natuwa siya rito nang husto.Nang bigla siyang mapatanong ng, “Puwede ko po ba kayong tanungin, Ms. Katherine?”“Ano iyon?”“Nasaan po ba ang principal’s office ng Hexad? Matagal na po akong naririto pero hindi ko pa po ito nakikita.”Mayroon pa ring misyon si Darryl na nakawin ang mga manual, at ang ilan sa mga guro ay nakasama na ng principal. Nagawa na niyang icheck ang buong eskwelahan para hanapin ang opisina ng principal pero hindi niya pa rin ito nagawang mahanap.“Wala tayong principal’s office,” tawa ni Katherine.Ano? Walang principal’s office ang Hexad? Natigilan dito si D
“HINDI!” Napasigaw si Darryl sa kaniyang loob habang bumabagsak ang kaniyagn mukha. Ang babaeng ito aya ng kaniyang kryptonite. “Bakit siya nandito?!”Ang babaeng ito ay si Queenie Garfield, isang malayong pinsan ni Lily. Binibisita siya nito taon taon.Si Queenie ay isang cute at napakabait na babae. Hindi nito kailanman minaliit si Darryl at sa halip ay naging magalang pa nang husto rito.“Queenie Garfield.” Ito ang dalawang mga salita na nakakapagpanginig sa buong katawan ni Darryl. Siya ang kaniyang bangungot. Sa bawat sandaling bumisita rito si Queenie, agad itong nagdedemand kay Darryl ng kahit na anong pagkain na gusto nitong kainin. At kung hindi niya ito mapagbibigyan, agad itong magtatantrum sa buong bahay.Pero wala nang nagawa na kahit ano tungkol sa bagay na ito si Darryl.Masyado ring naging makulit ang pinsang ito ni Lily. Mayroon pa ngang ilang beses na sinisi nito kay Darryl ang ilang mga bagay na nabasag nito sa bahay nina Lily. Pero wala pa ring nagawa rito si D
Isang napakalaking stage ang sinetup sa gitna ng mall. At tatlong mga babaeng may maiiksing mga damit ang makikitang nagpeperform sa stage, sila ang mga miyembro ng girl group na ETM.Makikita ring nakalatag ang mga barrier sa paligid ng stage para mapigilan ang paglapit ng mga fan sa girl group. Buong puso namang sumisigaw ang mga ito sa kanilang mga kinatatayuan.Parang naging isang full size concert na ang ginawang performance ng mga ito sa mall na iyon. Wala namang pakialam si Darryl sa mga artista mula noong maging presidente siya ng Platinum Corporation. Tao lang din naman ang mga artista kaya walang kahit na anong espesyal sa mga ito.Dito na nagawang makisiksik nina Queenie at Lily hanggang sa makarating sila sa harapan ng stage.“ETM!” Nasasabik na sigaw ni Queenie habang ikinakaway ang kaniyang mga kamay. Kasalukuyang nagpeperform ang tatlong mga babae sa stage kaya wala silang naging pakialam sa ginagawa ni Queenie.Kilala na grupong ito kaya sanay na sila sa mga sigaw,
Nabibiak ang puso ni Darryl sa bawat sandaling makita niyang umiiyak si Queenie.Pagkatapos niyang magasalita, isang napakalakas na tawanan ang sumabog sa kaniyang likuran. Nagawa siyang asarin maging ng leader na si Vivian Clark, “Magaling naman pala kung ganoon, kasasabi ko lang na wala kaming oras na magbigay ng autograph, hindi mo ba ito naiintindihan? Wala akong pakialam kung ikaw man o ang mga magulang mo ang humingi sa amin ng autograph. Hindi kami pipirma sa kahit na ano.”Huminga nang malalim si Darryl. Pinigilan niya ang kaniyang galit at sinabing, “Ako ang pre-““Wala akong pakialam kahit sino ka pa. Puwede bang umalis ka na sa daraanan namin,” Sabi ng naiinis na si Vivian. Katatapos tapos lang nito sa una nilang performance kaya nakaramdam na siya ng matinding pagod.Dito na biglang sumigaw ang isang tao sa likod ng, “Hindi ba siya ang nakikitirang manugang ng mga Lyndon?”“Paano naisip ng isang talunan na kagaya niya na magagawa niyang makakuha ng autograph sa ETM?”
“Huwag kang magalala, ikukuha kita ng autograph sa kanila,” walang pakialam na kaway ni Darryl.Malakas namang tumawa si Vivian habang sinasabi na, “Wow, marunong ka rin palang magyabang! Dahil kailangang kailangan mo ng autograph namin, bibigyan ko na ang pinsan mo nito kapalit ng pagyuko mo sa harapan namin.”Bakit naging ganito kabastos ang mga ito?Nagdilim ang mukha ni Darryl. Dito na niya kinuha ang kaniyang phone at nagdial ng isang numero.Sa loob ng tatlong segundo agad na sinagot ng kabilang linya ang tawag. “Mr. President, ano po ba ang maitutulong ko sa iyo?” sagot ni Pearl sa kabilang linya.Huminga nang malalim si Darryl habang nagtatanong ng, “Nagpeperform ngayon ang ETM sa Donghai City, anong kumpanya ang may hawak sa kanila?”Agad na nakaramdam ng nerbiyos si Pearl nang marinig ang tono ng nagsaalitang si Darryl, dito na siya mahinang sumagot ng, “Mr. President, nitong nakaraan ay gumawa ang ETM ng isang pelikula na may pamagat na The Three Golden Flowers. Narito
Nasabi ni Pearl na ang rason ng kanilang pagkansela ay dahil sa pagtanggi ng ETM na magbigay ng autograph sa presidente ng Platinum Corporation.Naguluhan dito si Vivian, tumingin siya kay Darryl habang sinasabi sa phone na, “Wala akong nabastos na kahit sino, President Lee! Mayroon lang isang lalaking gumagawa ng gulo rito, hindi lang niya nasira ang barrier, nagawa niya ring manghingi ng autograph habang nasa loob ng restricted area…”“Humingi ka ng tawad sa kaniya ngayundin hayop ka! Dalian mo!” Sumigaw si Lame Lee na para ng isang lunatiko. Mahahalatang punong puno na ito nang dahil sa nangyari. “Kilala mo ba kung sino ang lalaking iyan? Siya si Darryl Darby! Ang presidente ng Platinum Corporation! Si Darryl Darby ang main sponsor natin ngayon! Siya ang dahilan kung bakit ka nagkaroon ng aartehang pelikula!”“Ano?” Nanginginig na sinabi ni Vivian, sumagot naman ito ng, “Nagkakamali po yata kayo, nakasuot lang ang lalaki rito ng mumurahing mga damit.”“Mumurahing mga damit? Hind
Ngumiti si Darryl at sinabing, “Gusto mong patawarin kita? Hindi mo pa siya nabibigyan ng autograph hindi ba?”Mabilis namang sumagot si Vivian ng, “Pipirmahan na namin ito ngayundin.”Tumalikod siya para humingi ng ballpen sa kaniyang staff. Pero walang pakialam namang kumaway si Darryl para sabihin na, “Huli na ang lahat.”Natigilan dito si Vivian. Dito na siya nanginig sa sobrang takot.Walang pakialam na nagpatuloy sa kaniyang pasasalita si Darryl, tinuro niya ang stage at sinabing, “Gusto kong pirmahan ninyong tatlo ang stage floor. Kailangan niyong mapuno ang buong stage bago ko ito icheck bukas. Dahil kung hindi, kayo na ang bahalang magisip sa magiging kapalit nito.”Ano? Ang buong stage?Mukhang nagdadalawang isip dito si Vivian. Kasinglaki ng basketball court ang stage kung saan sila nagpeperform. Gaano ba katagal bago nila ito matapos?“Ano? Ayaw mo?” Sarcastic na ngiti ni Darryl.“Hindi! Hindi! Gagawin namin ito.” Agad na kumuha si Vivian at ang dalawa nitong mga ka