Share

Kabanata 2751

Penulis: Skykissing Wolf
’Talagang mainitin ang ulo ni Reddy. Kahit na napakaganda nito ay maiksi ang kaniyang pasensya, tila isang rosas na puno ng tinik. Binigyan ko sila ng ilang mga paalala at ngayon ay gusto na niya akong patayin? Napakayabang!'

Umiling si Darryl nang isipin niya ang tungkol doon.

Hindi pinansin ni Zoey si Darryl nang mapagtanto niyang hindi na ito nagsasalita. Tumalikod at naglakad ang babae palapit sa kwarto at nagsimulang maghanda ng medisina.

Si Zoey ang Sect Master ng Jade Sect. Mayroon itong kakaibang kakayahan sa medisina. Napaka-ayos ng paggamit at abilidad niya sa medisina. Mabilis na bumalot ang aroma ng medikasyon sa loob ng silid.

Medyo nakakalito ang pamamaran ni Zoey. Kailangan niya munang pakuluan ang medisina bago ito ipahid sa mga mata ni Sheryn. Matapos nitong mahigop ng mga ugat niya sa mata ay imamasahe niya ang mata nito para mabuksan ang nervous system nito at magkaroon siya ng paningin.

Nagsimulang lumiwanag ang pagtitig ni Sheryn at kuminang ito ng ilang minu
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Lino Pielago Salundaguit
wla nang trill basahin ung kwento
goodnovel comment avatar
Lino Pielago Salundaguit
masyado Ng corne ung kwento lagi nlang nag papanggap c Darelle Ng ibang Tao tpos sa huli npapamak sya badoy n Ng kwento
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 2752

    Sumigaw si Reddy. “Bakit nandito ka pa rin? Umalis ka na,”Labis itong hindi mapakali, at nang magpatuloy sa pagsasalita ng walang kabuluhan ang isang tao ay uminit ang kaniyang dugo.Mukhang walang pag-asa si Darryl, dahan-dahan itong nagsalita. “Ipinanganak si Sheryn na hindi maayos ang paningin; kailangan niya ng internal na enerhiya para mapagana ang kaniyang mga mata. Walang magagawa ang paggamit ng medisina.”Nagsimula siyang sermonan ni Reddy at ng mga alagad nito matapos niya iyong sabihin.“Nababaliw na ba ang taong ito? Sa tingin mo ba ay kailangan ng master ko ang turuan mo siya?”“Tama! Isa kang walang bilang na tao sa komunidad pero nagkukunwari ka bilang isang doktor.”“Papatayin ko siya kapag hindi ako pinigilan ni Master!”Galit nag alit si Reddy at malamig nitong sinigawan si Darryl. “Kung gagawa ka ulit ng kaguluhan ay huwag mo akong sisisihin sa mga magiging aksyon ko!”Hindi nagsalita si Zoey; tahimik nitong tiningnan ang mga mata ni Sheryn at lumalim ang ka

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 2753

    Nang sabihin niya iyon ay labis na nakaramdam ng kaguluhan su Zoey. Hindi nito hiniling na mangyari iyon pero wala siyang ibang magagawa. Hindi niya maaaring patagalin pa ang sitwasyon lalo na at ganito ang kalagayan ni Sheryn.Ano?Nanginig ang katawan ni Reddy at matindi itong nagulat. Akala niya’y nagkamali siya ng dinig sa babae.“Master, gusto ninyong pabalikin ko ang taong iyon?” Tanong ni Reddy.“Bilis!” Kalmadong nagsalita si Zoey pero naging blangko ang kaniyang mukha. Hindi malakas ang kaniyang boses pero matatag ito.“Masusunod po, Master!” Medyo nag-alangan si Reddy pero sumagot pa rin ito. Mabilis siyang naglakad palabas ng hardin para hanapin si Darryl!Hindi pa rin naintindihan ni Reddy kung bakit gustong pabalikin ng kaniyang Master ang taong iyon! ‘Halata naman na isang manloloko sa komunidad ang taong iyon. Anong kakayahan ang meron siya?’Nang sandaling iyon, sa labas ng trading center.Tumingin si Darryl sa mga abalang punong kalsada nang makaramdam siya ng

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 2754

    Tumango si Darryl pagtapos siyang bigyang bati ng babae. Natuwa at ngumiti ito nang sabihin niyang, “Sige, sasama ako sayo dahil seryoso ka.”Alam ni Darryl na lumala na ang kondisyon ni Sheryn kapag hinanap siya ni Reddy. Kahit na hindi niya gaanong kilala ang mga ito ay nanatiling nasa peligro ang kaniyang buhay.“Nandito na kami, Master!”Sumigaw si Reddy nang marating nila ang garden house; mabilis silang binigyang daan ng ilang babaeng alagad na nasa entrada.Naglakad palapit si Zoey at tiningnan nitong maigi si Darryl. “Mayroon kang paraan para tuluyang magamot ang mga mata ni Sheyn?”Tama!Tumango at naglakad palapit si Darryl. Sinuri nito ang kondisyon ni Sheryn. Nang sandaling iyon ay wala pa ring malay si Sheryn; mapula at namamaga ang kaniyang mga mata. Medyo nakakatakot ang hitsura nito.‘Sigh, hindi niya pinakinggan ang aking payo at ginamitan niya ng medisina ang babae!’Nang bumulong ito sa sarili ay kinausap niya si Zoey. “Maaari mo akong tulungan mamaya, gawin m

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 2755

    ”Bakit karapat-dapat kang magkaroon ng pustahan sa aming master?”“Huwag niyo nalang siyang pansinin, Master. Isa siyang manloloko.”Hindi pinansin ni Darryl si Reddy at ang iba pa. Ngumiti ito at tiningnan si Zoey. “Ano sa tingin ninyo, Sect Master Jenn? Makikipagpustahan ka ba sa akin?”“Sige na nga!” Bahagyang nagbuntong hininga si Zoey. Tiningnan niya si Darryl at tumango siya nang sabihin niyang, “Sige, makikipagpustahan ako sayo.”Hindi nag-alala si Zoey kung niloloko siya ni Darryl. Kung may problema man, malaki ang tiwala ni Zoey na papatayin niya kaagad si Darryl.Nang sandaling iyon ay hindi pa rin alam ni Zoey na sangkot sa mga kaguluhan ang lalaking nasa kaniyang harapan, ang Sect Master ng Elysium Gate na si Darryl Darby.Hindi nagsayang ng oras si Darryl. Naglakd ito palapit at kinarga si Sheryn para ihiga ng palapat ang babae sa sahig.Pagtapos ay nag-utos si Darryl na buksan ni Zoey ang kaniyang internal na enerhiya. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay at isinara

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 2756

    Oo!Tumango si Zoey.Ngumiti si Darryl at nagpatuloy sa pagsasaita, “Mabuti yan. Simple lang ang request ko, hayaan niyo akong sumali sa Jade Sect; gusto ko pumunta sa Supreme Conference!”Nagalit si Darryl nung nabalitaan niya ito sa trading center kanina, at nag-aalala din siya dito.Naframe siya ni Zhang Jue na hindi niya ginagalang si Chang Er; at kumalat ito sa buong Nine Mainland. Sa ganitong circumstances, hindi niya magagamit ang totoong identity niya para makagalaw sa community na ito.Maliban pa rito, ginamit ni Zhang Jue ang identity ni Chang Er para makapag-organize ng Supreme Conference. Paniguradong may intensyon ito.Iniisip ni Darryl na kapag sumsali siya sa Supreme Conference sa ilalim ng identity ng Jade Sect, maitatago niya ang mga bakas niya. Maiimbestigahan niya ang mga intensyon ni Zhang Jue. Yan…Nagsalubong ang mga kilay ni Zoey habang nag-isip ng malalim. Kailanman ay hindi niya naisip na ang taong nasa harap niya ay may request na ganito.Sila Reddy

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 2757

    Habang sa Raksasa Tribe station!Late na gabi na kaya dapat tahimik na ang buong station, pero nung mga oras na yun, biglang sumindi ang mga bonfires sa paligid. Maraming lalaki at mga babae, bata at matatanda, ang kumakanta at sumasayaw. Ang lugar na yun ay parang piyesta at sobrang saya.Hindi lang yun, maraming Raksasa soldiers ang nakisali din sa celebration!Ito ay isang importanteng festival para sa Raksasa Tribe. Ito ay ang Beast Festival. Mga ilang taon na rin kasi ang nakakalipas, simula nung pinatalsik ang Raksasa Tribe sa Wild Deserted Secret Region. Kinaharap nila ang teribleng environment na yun at mga naglipanang mga wild beasts; sobrang naghirap ang Raksasa Tribe.Paglaon, constant na inaatake ang Raksasa Tribe ng mga wild beasts. Kaya naman, nagsama-sama ang mga magkakatribo at tinalo ang mga wild beasts na ito. Simula nun, nastabilize na nila ang mga sarili nila sa Wild Deserted Secret Region. Ang Beast Festival ay ginawa para ihonor ito. Ang Beast Festival ay g

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 2758

    Sa kabilang banda…Sumama si Darryl kanila Zoey, Reddy at iba pa; pagkatapos ng kalahating araw sa daan, nakarating na rin sila sa wakas sa North Moana border.Nakarating sila sa tahimik na valley; inutusan ni Zoey ang lahat na magpahinga.“Wow!”Pagkatapos, may napansin si Reddy at emosyonal na sumigaw, “Master, tingnan mo—”Tumingin sila Darryl at Zoey at nagulat sila.Napansin nila sa di kalayuan, sa kailaliman ng valley, may mga pink na mga bulaklak at dami. Sa unang tingin, mapagkakamalan mong mga crystals ito dahil nagliliwanag ang mga ito.Crystal Fairy Grass?Kinilabutan si Darryl at naging emosyonal sa di alam na dahilan.Nakadocument sa Infinite Elixir Manual ang mga elixir production methods at ang maraming unusual na mga flora at fauna. Ang Crystal Fairy Grass ay isa sa mga mahirap mahanap.Ang lahat sa community ay narinig lang ang tungkol dito mga ilang daang libong taon na ang nakakalipas at kailanman ay hindi pa nakikita ito.Ito ay dahil kailangan harsh ang ti

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 2759

    Tumawa si Constantine habang sinasabi niya kay Zoey, “Sect Master Jenn, sobrang decisive mo talaga, pero ayokong saktan ka kasi sobrang ganda mo. Magcompete tayo tungkol sa ibang bagay!”Nainis si Zoey sa pananaw ni Constantine, pero sinabi niya pa rin, “Ano ba ang gusto mong paglabanan natin?”Ngumiti si Constantine na may halong sense ng evil. “Dahil related ito sa Crystal Fairy Grass, maglaban tayo sa elixir production.”Mukhang confident si Constantine nung sinabi niya ang huling sentence.Ang Longevity sect ay hindi lang excellent sa cultivation pero sa elixir production din. Masasabing ang lahat ng mga nagdaang sect masters nila ay may mga Elixir Masters, at si Constantine ay hindi exception dito. Kahit na wala pa siyang nakikilala mula sa Jade Sect, alam ni Constantine na hindi sila magaling sa elixir production. Kaya naman sinadya niyang imbitahan ito makipagcompete sa elixir production; gusto niyang takutin ito.Ito ay…Gaya nga ng inaasahan, nagsalubong ang mga kilay

Bab terbaru

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7050

    Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7049

    Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7048

    Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7047

    Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7046

    Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7045

    Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7044

    "Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7043

    Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin

  • Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat   Kabanata 7042

    Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status