’Hayop! SInong matapang ang gagalitin ang Sun Set Sect?’Ngunit kung sino man siya ay inantala nito ang seremonya ng pagsisimula ni Debra, nangangahulugang mainam ito para kay Darryl.Bang!Nag-iba ang ekspresyon ni Jackie nang hampasin nito ang lamesa at biglang tumayo. “Tara at tingnan natin!”Mabilis na lumabas ng main hall si Jackie.Kaagad na sumunod sina Darryl, Debra, ang Sect Master, at ang mga natitirang alagad.Di nagtagal ay malapit na sila sa Holy Lake at napansin nila ang nakaputing lalaki sa kalayuan. Kaharap nito ang ilang mga alagad na nagpatrolya at hindi ito tumitigil sa pagsigaw. “Maaaring magaganda kayong lahat, pero bakit hindi kayo resonable? Dumaan lamang kami ng asawa ko at napansin ang magandang tanawin kaya sandali akong huminto para tingnan ito, aalis din kami kaagad. Pero lahat kayo ay sinabing bawal pumasok sa lugar na ito at pinaalis kami. Anong kalokohan ito?“Napakalaki ng lawa, pero sinabi niyong pagmamay-ari ang lahat ng ito ng Sun Set Sect? Isa
Swoosh!Naging lubos na hindi komportable si Jackie sa pagtitig ni Zhu Bajie at lumabas ang nakakamatay na mga intensyon sa kaniyang puso.Tumitig si Jackie kay Zhu Bajie at nagsalita. “Saan nanggaling ang mayabang na taong ito? Sino ka para pumasok sa Holy Lake ng Sun Set Sect at magsalita ng hindi angkop. Baka gusto mong mamatay!”Siya ang Elder Master ng Sun Set Sect at ang Sect Master Illusion Sound. Ginagalang ito ng lahat pero bastos na pinagnasaan ito ng tao nasa kaniyang harapan!Napakunot din ang katabi nitong Sect Master habang galit at namumuhi itong nakatingin kay Zhu Bajie.‘Napakabastos ng taong ito. Hindi siya dapat mabuhay.’“Oh my, my.”Hindi nataranta si Zhu Bajie nang maramdaman nito ang nakakamatay na intensyon ni Jackie. Ngumiti at nagsalita ang lalaki. “Pinupuri lamang kita dahil maganda ka. Baktit nagagalit ka? Base sa mga mukha ninyo, iniisip niyo bang patayin ako? Sa tingin ko ay hindi kita kapantay kapag naglaban tayo. Sa tingin ko ay mapapahiya ka lang
Labis na natuwa si Darryl sa kaniyang puso nang maramdaman nito ang pag-aalala ng Sect Master.‘Nakakainteres. Nagsasalita pa siya kagabi na gutso na niya akong paalisin, pero bigla itong nag-alala nang ilagay ko sa panganib ang aking buhay.’Napangiti si Darryl habang naiisip iyon. “Magiging maayos ito.”Bahagya nitong tinapik ang kamay ng Sect Master para pakalmahin ang babae at kaagad itong lumapit kay Zhu Bajie.“Ikaw!” Labis na nag-alala si Jasmine nang tingnan nito si Darryl at pumadyak.Wow!Nagsimulang mag-usap nang may nagmamadaling tono ang mga nakapalibot na alagad nang makita nila ang sitwasyon.“Hahamunin ng Lord Master ang white-clad na lalaki?”“Napakalalaki ng Lord Master!”“Oo. Kahit na hindi siya ganoon kalakas ay ipaglalaban nito ang Sect Master sa ganitong sitwasyon. Nakakamangha ang kaniyang tapang!”“Hindi nakapagtatakang malapit sa kaniya ang Sect Master. Sinong hindi magugustuhan ang lalaking katulad niya?”Nag-usap usap ang mga alagad at pinuri ng mg
”Dude!”Kinausap ni Zhu Bajie si Darryl. “Anong gusto mo? Nandito ka ba para paalisin din ako?”“Ano sa tingin mo?” Nakangiting sagot ni Darryl.Hmm?Sandaling nagulat si Zhu Bajie bago nito makita ang kalmadong tingin ni Darryl bago kaagad na bumalik sa wisyo. Suminghal ito at nagsalita. “Pre, walang laban sakin ang lakas mo. Sa tingin ko ay dapat kang sumunod at gumilid bago kita aksidenteng mapatay.”Mayroong mapagmataas na ekspresyon si Zhu Bajie nang sabihin niya iyon, hindi nito alam na si Darryl ang taong nasa kaniyang harapan. Hindi manlang nito napansing tinago ni Darryl ang kaniyang kapangyarihan.“Tigilan na ang walang kabuluhan at gawin nalang natin.” Kalmadong sagot ng nakangiting si Darryl.“Sige! Mabuti naman!”Suminghal si Zhu Bajie. “Binalaan n akita pero hindi mo ka nakinig. Huwag mo akong sisisihin sa pagiging malupit dahil gustong gusto mong mamatay!”Itinaas nito ang kaniyang mga kamay at biglang lumabas ang dalawang liwanag mula sa mga ito!“Pre, isang k
Ngunit gustong makalapit ni Darryl kay Zhu nang oras na iyon kaya naman hindi nito iniwasan ang pag-atake ng lalaki at inilahad ang kaniyang palad para salubingin ang pag-atake nito.Nagsalubong ang kanilang mga palad at hindi ito naghiwalay!Wow!Biglang nagkagulo ang mga taong nasa lupa nang makita nila ang kaganapan.“Sinubukang makipaglaban ng Lord Master sa lalaking ito?”“Gusto niya bang mamatay?”“Tama, hindi maisip ang lakas ng nakaputing lalaki. Paano mananalo ang Lord Master?”‘Ang lalaking ito…’Nagulat din si Zhu Bajie nang patago itong suminghal.‘Sino siya para subukang kalabanin ako. Gusto niyang mamatay.’“Brother Zh!”Mahina at mahinahong nagsalita si Darryl matapos magdikit ng kanilang mga palad. “Ako ito, si Darryl.”Nasa gitna ng ere sina Zhu Bajie at Darryl. Napakahina ng kaniyang boses at tanging sila lamang dalawa ang makakarinig noon.‘Ano?’Biglang nanginig si Zhu Bajie at hindi ito makapaniwala nang tingnan niya si Darryl.‘Ang lalaking ito ay a
”Ok!”Mahinang nagsalita si Darryl matapos nito sabihin ang knaiyang plano kay Zhu Bajie. “Brother Zhu, oras na. Simulan na antin!”Hmm!Tumango at nagkunwaring mayabang si Zhu Bajie, sumigaw ito. “Tapos ka na, pre.”Malupit itong umatake gamit ang brutal na pamamaraan, pero hindi nito ginamit ang kaniyang internal na enerhiya.“Aray…”Nagkunwari si Darryl na nasaktan siya ng internal na enerhiya ni Zhu Bajie at natumba sa sahig. Nahirapan ito at humakbang ng isang dosena paatras.‘Ano?’‘Nabigo ang Lord Master?’Nagulat ang nakapalibot na Sun Set Sect nang kanilang makita ang nangyari. Noong una, akala ng mga ito ay may tiyansang manalo ang kanilang Lord Master, pero hindi inasahan ang pagkabigo nito sa huli.Wala pa ring malay ang lahat na umaarte lamang sina Darryl at Zhu Bajie.“Darryl!” Bumalik sa wisyo ang Sect Master makalipas ang ilang segundo. Mabilis itong lumapit at sinuportahan si Darryl habang nag-alalang nagtanong. “Anong nangyari? Ayos ka lang ba?”May pag-aal
Swoosh!Mabilis na naging hindi maganda ang ekspresyon ng mukha ni Jackie habang pinanood nito ang paglayo ni Zhu Bajie kay Debra. Matindi itong nagalit.Tinitingala ng mga cultivator ang nakakatakot na sektang Sun Set Sect, pero nakuha sa harap ng publiko ang isa sa kanilang mga alagad. Labis itong nakakahiya.“Bilis!”Hindi mapakali ang Sect Master nang mag-utos ito sa nakapalibot na mga alagad habang sinuportahan si Darryl. “Bilisan ninyong habulin ang lalaking iyon at iligtas si Miss Debra.”Matapos mag-iba ang tingin ng Sect Master kay Darryl ay kaagad nitong tinrato bilang isa sa kaniyang mga alagad ang mga kaibigan ni Darryl. Hindi ito mapakali nang makita niyang nakuha si Debra nang oras na iyon.Wala pa ring alam ang Sect Master na matindi itong pinlano ni Darryl.“Masusunod, Master!” Sumagot ang mga alagad at hahabulin na sana ng mga ito ang lalaki nang bigla silang pigilan ni Jackie.“Hindi na kailangan!”Makahulugan ang pagngiti ni Jackie at wala itogn buhay na nag
Medyp nagalit din si Darryl. ‘Anong mali kay Jackie? Tapos na ba siya?’Nang sumunod na segundo ay ngumiti si Darryl at kalmadong nagsalita. “Eldar Master, maaaring wala kang magiging laban sa akin kung aaksyon ka. Kung hindi ka naniniwala ay maaari nating ikumpara ang mga sulat at magkaroon ng kaunting paglalaban.”Nagsimula nang mainis si Darryl sa mga tanong ni Jackie at tinamid itong magpatuloy dahil nakaalis naman na si Debra.Siyempre ay hindi nagpadalos dalos si Darryl sa kagustuhan nitong makipaglaban kay Jackie, gusto lamang niya itong gawing oportunidad para makaalis sa Sun Set Sect.Wow!Nang sandaling iyon ay nagkagulo ang lahat. Hindi makapaniwala ang mga alagad habang nakatingin kay Darryl.“Uh…”“Anong problem ani Darren? Makikipaglaban ba siya kay Elder Master?”“Oon ga, tinanong lang naman siya ng Elder Master sa tunay niyang pagkatao pero naging sobrang sensitibo niya rito. Mukhang problemado siya.”Hindi napigilang lumapit ni Selena para pagsalitaan si Darry
Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal
Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an
Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i
Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata
Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati
Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s
"Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust
Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin
Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito