”Argh!” lumabas ang mga sigaw at dugo mula kay Eugene na nasa ere—naglikha ito ng ulan ngdugo. Lumipad ito nang ilang daang metrong layo bago bumangga sa mga puno.Nang lumapag iso sa sahig ay balot ang lalaki sa dugo—patay na ito.‘Ano? Isang galaw lang? Isang galaw para mapatay ang Chief?Ngulat ang mga natirang miyembro ng Whit Shirt Sect sa kanilang nakita—napahinga ng malalim ang mga ito!Napakalakas ng baliw na iyon!Pinagmasdan ng Cult Master ng Grandmaster Heaven Cult ang kapaligiran habang namumula ang kaniyang mga mata. Nagsalita ito. “Ang sino mang hindi ito nagustuhan ay maaaring lumapit para mamatay.”Thud! Thud!Nanginig ang mga natirang alagad nang lumuhod ang mga ito. Takot na takot sila.“Pakiusap, maawa ka!”“Awa…”Isang galaw lang at napatay nito ang kanilang pinuno; walang sino man ang nagtangkang lumaban.Nang oras na iyon ay napakunot ng noo si Monica habang nakatingin sa mga tao. Nagtaka itong nagtanong. “Base sa inyong mga damit, hindi kayo mukhang tu
Samantala, sa mansyon ng pamilya Box sa Mistloren.Pakiramdam ni Darryl ay nanggaling siya sa mahabang panaginip. Makalipas ang ilang sanali ay sobrang sakit ng ulo nito nang magising.‘Hayop, napakatapang ni Laura Hanson.’Patago itong lumapit at umatake. Halos mawala ang kalahati ng kaniyang buhay. Sinaktan niya rin ito nang maraming beses—balot ng sugat ang buong katawan ni Darryl. Nahimatay na ito nang lisanin ang ancestrall hall ng pamilya Box.Habang tahimik niya itong minumura ay minulat ni Darryl ang mga mata at napagtanto nitong nakahiga siya sa kwarto sa loob ng mansyon.Nakaupo si Tiffany Box sa upuan katabi ng higaan; mukhang nakasuot ito ng mahabang bestida. Nakapatong ang isang binti nito sakaniyang kabilang binti dahilan kung bakit mas nakita ang maganda hubog ng katawan nito.Pero magkahalong mapaglaro at magulo ang ekspresyon nito.“Gising ka na?” Mahinahong tanong ni Tiffany. Tapos ay tumayo ito at unti-unting naglakad palapit sa higaan. Tinuksa nito ang lalaki
Nang makita nito ang reaksyon ni Darryl ay napakunot ang noo ni Tiffany. “Bakit hindi ka mapakali dahil nanakaw ang kayamanan ng aming pamilya?”“Hi—“ Kinamot ni Darryl ang kaniyang ulo at mapait na ngumiti. “Matinding pagpapahirap ang naranasan ko. Siyempre ay hindi ako magiging masaya. Gusto kong makita na mahuli ang babaeng iyon.”Kinagat ni Tiffany ang mga labi. “Gusto mong maghiganti sa babaeng iyon? Sige, pero sa kakayahan mo, bakit hindi ka nalang manatili sa bahay mo at magpahinga?”Tumalikod ito at umalis ng kwarto.Habang nakikinig ito sa mga yapak ng babae na unti-unting palayo ay hindi mapakali si Darryl nang ilabas niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si Felix Blakely.‘Hayop, hindi ko pwedeng hayaan ang Dragon Essence sa mga kamay ni Laura. Kailangan ko itong maibalik kahit na anong mangyari! Isa pa, halos pinatay niya ako sa pagpapahirap. Kailangan niya itong pagbayaran nang sampung beses!’ Di katagalan ang nag konekta ang tawag.‘Pakiusap Felix, tulungan mo
Wanhai City, Hibiscus Club.Si Felix Blakely ang may-ari ng Club. Pero wala itong oras para i-manage ang club kaya nag-hire sila ng manager para rito.Mamahalin ang mga dekorasyon ng club. Hindi sila gumastos para rito kundi ang mga mainpluwensya mayayamang patron. Nang sandaling iyon ay nasa club ang magkapatid na Hanson.Mayroong deluxe na kwarto sa itaas na palapag ng club. Naroon si Matteo; maputla ito at mukhang medyo kabado.Mukha rin itong mahina; nawala ang maharlikang hitsura nito nang libutin niya ang mundo ng martial arts.Umupo si Laura sa kaharap na sofa nito. Kalmado ang maganda nitong mukha.“Kapatid!”Tumingin si Matteo sa labas ng bintana atnagtanong. “Ligtas ba talaga tayo dito sa loob ng club? Kinuha natin ang Dragon Essence at narinig ko na pinapahanap ka ng pamilya Box.”Nang marinig niya ito ay biglang napakuyom ng mga kamao si Matteo. Hawak nito ang isang makintab na kulay gintong bagay.Ito ang Dragon Essence!Tumawa si Laura at nagsalita. “Ang pinakad
Aakyat na sana ng hagdan si Darryl.“Anong nangyayari?” Nnags andaling iyon ay bumaba ng hagdan si Billy. Nang makita nito ang sitwasyon ay napakunot ang kaniyang noo at mapagmataas itong lumapit.“Managar, wala pong booking ang taong ito pero gusto niya pa rin pumunta sa VIP section.” Sabi ng babae.‘Walang reservation?’Tiningnan ni Billy si Darryl; hindi nito mapigilan ang inis. “Sir, pasensya na po. Kung wala kayong pinareserba ay hindi namin kayo pwedengpaglingkuran. Kung gusto ninyo ng mapaglilibangan ay kailangan niyong tumingin sa ibang lugar.”Ang lalaking nasa kaniyang harapan ay nakabihis pa ng uniporme sa paaralan; malinaw na estudyate ito ng Wanhai University.‘Hindi manlang nito kayang rentahan ang pinakamurang kwarto rito. Hindi ko kailangan maging mabait sa kaniya.Naisip ni Darryl, ‘Hayop, kahit saan ay may mga taong mapagmata sa kapwa!’Hindi siya maaaring maguluhan; wala siyang pasensyang tumingin kay Billy at nagsalita ito. “Ikaw ang manager hindi ba? Please
Nang sabihin ito ni Darryl ay nasa pangalawang palapag na ito.Nanginig ang greeter! Boss nito ang taong nasa kabilang linya ng tawag, Felix Blakely? Hawak nito ang phone habang nanginginig ang kaniyang buong katawan!‘Tinawag ng estudyanteng ito ang kaniyang boss sa pangalan nito?’“Ibigay mo sa akin ang telepono!” Sigaw ni Billy. Kinuha nito ang telepono mula sa babae at maingat na nagsalita. “Hello, Boss?”“Billy Wheeler, ikaw ba ang humarang kay Darryl? Isa kang bulag na aso!” Galit na sigaw ni Billy sa kaniyang tauhan. Makikita mo ang galit nitong hitsura kahit na ansa kabilang linya ito.“Boss, naka uniporme ng paaralan ang lalaki; hindi kaya’y nagkakamali kayo?” Mahinanong tanong ni Billy habang pinagpawisan ito.“F*ck you! Huwag kang manghuhusga ng tao base sa anyo nito! Hindi lahat ay katulad mo! Hindi dahil mayroon kang kaunting pera ay gagastusin mo na ito sa mga mamahaling damit! Maraming tao ang hindi mo maaaring saktan, at kaswal silang nakabihis. Hindi mo ba alam i
Suminghal si Darryl sa magkapatid. Tiningnan nito si Laura at nagsalita. “Laura Hanson, hindi mo ako mapipigilang patayin ito ngayon araw. Isa pa, naalala ko kung paano moa ko pinahirapan, pero pupunta tayo roon mamaya!”Pagtapos ay binuksan ni Darryl ang Seven Treasures Exquisite Pagoda. Nang biglang isa-isang lumabas ang mga anyo at mayroon itong mga malalakas na aura.Napakarami ng mga ito at lahat ay mga Martial Emperor!Kabilang sa mga ito ang Red Eye Warrior, Blazing Queen, Yuan Tiangang, at marami pang iba.“Pabagsakin niyo siya!” Galit na sigaw ni Darryl.Mabilis na pinalibutan si Laura ng mga bagong dating. Nang makita niya ang mga ito ay malamig na nagsalita si Laura. “Sa tingin mo ba ay magagawa nila akong pigilan?”Pagtapos ay binuksan ni Laura ang kaniyang internal na enerhiya at nakipaglaban sa mga ito.“Oo, maaaring hindi ka mahuli ng mga taong ito, pero walang magiging problema sa pagpapatagal sa iyon.” Walang emosyong sabi ni Darryl. Muling tumigil ang tingin ni
Kinagat ni Laura ang kaniyang mga labi. Siya ang Incandescent Sect Master—hindi pa ito nahahawakan ng isang lalaki! Nagalit ito nang kinurot ni Darryl ang kaniyang pisngi!“Papatayin mo ako?” Napangiti si Darryl. Mapula ang mga mata nito nang lapitan niya ang babae at malakas itong sinampal! Slap! Ginamit ni Darryl ang buong lakas sa pagsampal dito—natumba sa sahig si Laura.Hindi ito naawa sa babae at malamig itong nagsalita. “Sect Master, siguro naman ay naisip mo na kailangan mong pagbayaran ang pagpapahirap sa akin nang gabing iyon hindi ba?” Nagalit si Darryl nang maalala nito kung paano siya pinahirapan nang gabing iyon. Hayop yan! Hindi lamang siya pinahirapan, kundi ninakaw din ang kaniyang Dragon Essence. Kahit na nagawa niya itong maibalik ay hindi nito makakalimutan ang kaniyang sinapit.Nagulat si Laura sa natamong sampal, pero hindi nito inalis ang mga titig kay Darryl. “Patayin mo na ako. Kasi kung hindi, papatayin at pupulbusin kita!” Hindi lamang sinira
Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal
Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an
Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i
Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata
Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati
Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s
"Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust
Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin
Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito