Share

Kabanata 9

Author: Crazy Carriage
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Ang babae ay ang nakababatang kapatid ni Tommy at anak na babae ni Howard, si Megan Callahan.

Sa sandali na pumasok siya, napansin niya si Thea at James. Hindi niya mapigilan na titigan sila.

Tapos lumapit siya kay Lex at pinakita sa kanya ang article sa kanyang phone.

Nakita ni Lex ang litrato ni Alex na nakayuko kay Thea, ang kanyang kamay ay nakaunat. Siya ay nabigla.

Iyon si Alex Yates, ang chairman ng Celestial Group.

Sa Cansington, kahit ang The Great Four ay kailangan sumunod sa kanyang patakaran.

Kinuha niya ang kontrata sa lamesa at kinumpirma na ito ay talagang order para sa isang daang milyong dolyar. Siya ay tumawa. “Ha ha, mahusay, Thea. Ikaw ay talagang isang Callahan! Oras na para sa Eternality Group na sumikat!”

“Paano si James, lolo?”

“Ano? Si Joel Xavier ay nandito?” Isang may edad na babae ang pumasok.

Ito ay si Gladys, ang ina ni Thea.

Napansin niya si Joel sa sandali na pumasok siya at dumiretso papunta sa kanya, malaki ang ngiti sa kanyang mukha. “Ikaw siguro si Joel. Marami ang narinig ko tungkol sayo! Ano sa tingin mo kay Thea? Kung gusto mo siya, sayo na siya.”

“Mom.” Si Thea ay sobrang galit na pumadyak siya. Nakatingin kay Lex, siya ay halos mapaiyak. “Lolo, ginawa namin ang gusto mo. Nakuha namin ang order at kailangan mong sundin ang pangako mo.”

“Hmph.”

Mukhang nanlalait si Joel. “Ano ngayon kung meron kang kontrata? Tulad ng sabi ko, isang tawag lang ang kailangan para mapawalang bisa ang kontrata na ito.”

“Ang lakas ng loob mo…” Galit na tinuro ni Thea si Joel at tumingin kay Lex, nagmamakaawa sa kanya. “Lolo.”

Binaba ni Lex ang kontrata.

Hindi niya alam kung bakit si Alex Yates ay kailangan itong personal na asikasuhin.

Muli, hindi maitatanggi na ang Celestial Group ay malapit na partner ng mga Xavier. Kung mabastos nila si Joel, maaari na mawala ang kontrata. Higit pa dito, si Thea ito, hindi si James, na siyang nakakuha ng kontrata.

Humipak sa kanyang tobacco pipe, sinabi niya, “Thea, nakuha mo ang kontrata. Ito ay walang kinalaman kay James. Ganun pa din ang deisyon ko. Idivorce si James at pakasalan si Joel.”

“Tama iyan.” Si Joel ay mukhang mayabang na para bang alam niya na siya ay nanalo. Kapag si Thea ay sa kanya na, hahanap siya ng paraan para ligpitin si James.

Hindi siya naniniwala na si Lex Callahan ay babastusin siya para sa walang kwentang si James.

Kung mabastos nila siya, ang mga Callahan ay mahihirapan.

Masaya, sinabi ni Joel, “Matalinong desisyon, Mister Callahan. Ang ama ko ay magiging pinuno ng pamilya. Kung mapasaya mo ako, makukuha mo lahat ng order na gusto mo.”

“Honey…” Naiiyak na tumingin si Thea kay James.

Nakatingin si James sa kanya, tinatanong, “Ano ang gusto mo, Thea?”

Desidido, sinabi ni Thea, “Kasal na tayo ngayon. Asawa mo ako. Maliban kung patay ako, hindi tayo magdidivorce.”

Tumango si James at sinabi, “Tawagan mo si Alex Yates at ipaliwanag ang sitwasyon sa kanya. Tignan natin kung si Joel ay talagang totoo ng sinabi niya na kaya niyang ipawalang bisa ang kontrata. Kung si Joel ay merong ganitong kapangyarihan, kung gayon sa tingin ko mas magiging masaya ka kasama siya. Ano pa man ang kalagayan, mas mabuti ito kaysa sa manatili kasama ang mahirap na tulad ko.”

Ang mga Callahan ay tumingin kay James na may kaunting paghanga.

Ngumiti si Lex. “James, matalino ka. Huwag kang magalala. Tutuparin ko ang sinasabi ko. Matapos ang divorce, babayaran kita ng limang daang libong dolyar.”

Hindi alam ni Thea kung ano ang iniisip ni James. Nagaalala siya na si James ay nararamdaman na wala ng ibang pagpipilian pa.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni James. “Honey, huwag kang magalala. Sisiguraduhin ko na mananatili ka. Kung susubukan nila na itapon ka palayo, magpapakamatay ako.”

“Tawagan si Alex Yates.”

“Sige.”

Nilabas ni Thea ang kanyang phone at ang business card ni Alex.

Ng siya ay tatawag na, hinablot ni Gladys ang phone sa kanyang mga kamay. “Tama na ang kalokohan na ito! Ang basurang ito ay sumang ayon sa divorce! Bakit ang tigas pa din ng ulo mo? Anong mabuti ang mangyayari sa pananatiling kasama siya? Si Joel ay mas mabuti!”

Kinumpas ni Joel ang kanyang kamay, walang pakialam sa mundo. “Hayaan mo siya na tumawag para sumuko siya. Thea, tanungin mo kung ang Celestial ay gusto na makipagtrabaho sa mga Xavier o sa mga Callahan.”

Sumunod si Gladys at binigay pabalik ang phone kay Thea.

Si Joel ay mukhang siya na ang panalo.

Ang mga Callahan ay tanging second-rate na pamilya sa Cansington. Imposible ang Celestial na susuko sa partnership sa mga Xavier.

Ang tawag ay kumonekta.

“Mister Yates? Ako ito, si Thea Callahan. Nagpirmahan tayo ng kontrata kanina. Oo, ako ito. Sabi ni Joel Xavier na kaya niya ipawalang bisa ang kontrata na pinirmahan ko.”

Sa opisina ni Alex Yates.

Nagalit si Alex. Sumigaw siya, “Joel? Sinong Joel? Joel Xavier? Walang sino man ang may awtoridad para ipawalang bisa ang kontrata na pinirmahan ko.”

“Ang Megatron Group ng mga Xavier. Tinanong din ni Joel kung mas gusto mong makatrabaho ang mga Xavier o mga Callahan?” Nagsalita si Thea sa mahinang boses. Kung sabagay, ang mga Xavier ay parte ng The Great Four, at ang mga Callahan ay second-rate na pamilya.

“Okay, kalma, Thea. Hayaan mo na tignan ko at tatawagan kita kaagad pagkatapos.”

“Sige.”

Binaba ni Thea ang tawag.

Mukhang mayabang si Joel. “Kamusta ito?”

Sabi ni Thea, “Sabi ni Mister Yates na tatawagan niya ako muli.”

Matapos na binaba ni Alex ang tawag, kaagad siyang gumawa ng imbestigasyon.

Wala siya masyadong pakialam tungkol sa mga partnership ng kumpanya. Ang vice president ang madalas nagaasikaso nito.

Tinawag niya ang vice president, nalaman na ang Celestial ay pumirma ng kasunduan sa Megatron Group ng mga Xavier na hinayaan sila na mauna sa distribusyon ng mga order.

“Walton, tanggal ka na! Ligpitin mo ang gamit mo at lumayas!”

Inutusan ni Alex ang business department para kanselahin ang mga order ng Megatron. Simula ngayon, si Megatron ay hindi kailanman makukuha ang kanilang mga order.

Ng siya ay magawa ng kailangan paghahanda, tinawagan niya muli si Thea.

“Hi, Thea. Nakuha ko na ang lahat. Nakansela na namin ang lahat sa Megatron. Simula ngayon, ang Eternality Group ang merong unang prayoridad sa aming order. Masaya ka ba dito?”

Ang phone ni Thea ay naka loudspeaker.

Narinig ng lahat ang sinabi ni Alex.

Sila ay nagulat.

Tanging si Joel lang ang tumatawa. “Thea, sino ang tinawagan mo? Ang lakas ng loob niya, hindi ba? Ano ang tungkol sa pagkansela sa lahat sa Megatron at pakikipagtrabaho sa Eternality? Tanging hangal lang ang gagawa ng desisyon na ito. May binayaran ka ba para magpanggap bilang chairman ng Celestial?”

Malakas na nagsalita si Joel at ang loudspeaker ay nagpalakas ng boses niya. Malinaw na narinig ni Alex ang lahat.

Nawala ang kanyang pasensya. “Joel Xavier, tama? Simula ngayon ang mga Xavier ay tapos na!”

Matapos iyon, binaba niya ang boses niya at sinabi, “Thea, huwag ka magalala sa mga order. Walang sino ang magagawang magkansela sa kanila. Ang mga Xavier ay binigyan ka ng problema? Sandali lang. Aasikasuhin ko ito kaagad. Ang mga Xavier ay mababankrupt sa loob ng kalahating oras!”

Binaba ni Alex ang tawag.

Tapos, nagsabi siya ng ilang mga utos. “Wala akong pakialam ano ang gagawin mo. Gusto ko ang mga Xavier na mabankrupt sa loob ng kalahating oras!”

Si Alex Yates ang chairman ng Celestial Group.

Kahit na siya ay nagmula sa Capital, siya pa din ay makapangyarihang tao sa Cansington.

Kung gusto niya ang mga Xavier na mabankrupt, ito ay mangyayari.

Si James ay natuwa sa mga pangyayari. Nakatingin sa nalilitong ekspresyon ni Thea, ngumiti siya. “Thea, sa tingin ko si Mister Yates ay natutuwa sayo. Inaanak ka ba niya?”

Si Joel ay mukhang nababagot. Paano ang mga Xavier na mabankrupt sa loob ng kalahating oras?

Anong malaking kalokohan!

Sa sandaling iyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ama. “Ikaw g*go ka! Ano ang ginawa mo? Ang Celestial ay kinansela ang partnership sa Megatron!”

Si Joel ay walang masabi.

Kaugnay na kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 10

    Makasalampak sa sahig si Joel.Kinansela ng Celestial ang partnership sa Megatron.Paano ito naging posible?Tinawagan ba ni Thea ang tunay na chairman ng Celestial Group?Nakatingin kay Joel, alam ni Joel na ang Celestial ay kinansela ang kasunduan sa Megatron.Sa opisina ng director sa Megatron Group.Si Mark Xavier ay abala na sigawan si Joel. Sinabi ng Celestial sa kanya na ito ay nanggaling diretso mula sa chairman. Si Joel ay binastos ang taong sobrang importante.“Sir, sabi ng Celestial na ang kalidad na ating gamot ay nakompromiso. Kinasuhan nila tayo ng tatlong bilyong dolyar!”“Sir, ang bangko ay sinasabi na bayaran natin ang utang natin ngayon!”“Sir, isa sa ating pabrika ay pinasara ng kilalang awtoridad sa posibleng pagkasira ng kalidad!”“Sir, ang ating mga shareholder ay ibinebenta ang kanilang mga share. Ang share price natin ay pabagsak. Nawalan tayo ng milyong dolyar!”“Sir, ang Megatron ay nabankrupt! Lahat ng ating negosyo ay apektado. Marami sa mga ito a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 11

    "Moonlit Flowers on Cliffside's Edge..." bulong ni James sa sarili.Ang painting na iyon ang pinakamahalagang pamana ng kanyang pamilya.Bago namatay ang kanyang lolo, sinabi niya kay James na pwedeng mawala ang kanilang pamilya, ngunit hindi lang ang painting na iyon ang pwedeng mawawala sa kanila.Nanatili iyon sa isip ni James, kahit makalipas ang sampung taon."Humanda ka. Kikilos tayo mamayang gabi.""Sige." Tumango si Henry."Sige, umalis ka na. Paalis na sa trabaho ang asawa ko. Ayaw niya akong makisama sa mga sinungaling at masamang tao at halata naman sa itsura mo na hindi ka mabuting tao. Kung makita ka ng asawa ko, mapapagalitan nanaman ako."Bumagsak ang ekspresyon ni Henry.Medyo maitim lang ang balat niya. Paano siya nagiging masamang tao? Paano nito nagawa siyang masamang tao?"Huwag kang tumayo lang diyan, alis na." Sumipa si James papunta sa kanya. Tumalikod si Henry at umalis.Napatingin si James sa oras. Natapos na ang oras ng trabaho ni Thea. Maya maya l

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 12

    Walang magawang ngumuso si James.“Kunin mo ang damit sa closet ko,” sabi ni Thea, hindi siya pinansin. "May importanteng pagdiriwang ngayong gabi."Tumayo si James at naglakad papunta sa closet. “Alin, mahal ko?” tanong niya sabay bukas ng pinto ng closet."Yung puti, na may V-neck."“Hindi iyan pwede. Hindi mo maaaring ilantad ang sarili mo sa publiko ng ganyan. Mukhang maganda ang isang ito.” Kumuha si James ng itim na high-neck na damit at iniabot kay Thea. “Ah, tama. Para saan ang pagdiriwang?"“Si Rowena Xavier- ng mga Xavier- ay nagho-host ng isang banquet sa auction. Maraming magagandang bagay doon, kaya halos lahat ng dadalo ay magiging sikat sa isang paraan o iba pa. Palalawakin ko ang network ko habang nandoon ako."Napahinto si James nang marinig iyon, ngunit agad ding nakabawi. "Gusto mo bang ihatid kita?" tanong niya."Sasakay ako ng taxi.""Ah, sige kung gayon."Umalis si Thea pagkatapos magpalit ng damit.Hindi nagtagal ay umalis si James, binigyan ang kanyang

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 13

    Sa labas ng villa ng mga Callahan.Dose-dosenang mga jeep ang huminto habang ang mga sundalong sumakay sa kanila dito ay sumugod sa tahanan ng mga Callahan.Nagkaroon ng takot sa gitna ng mga Callahan. Muling bumangon si Lex na nakahiga na at lumapit sa mga sundalong naka suot ng pajama. "Anong nangyari, sir?" galit na galit na tanong niya sa pinuno, namumutla ang mukha."Kunin mo sila."Sa kanilang utos, hinawakan ng dalawang sundalo si Lex sa kanyang mga bisig at kinaladkad palayo.Yung iba, nahihilo pa dahil bagong gising, pilit ding hinihila papasok sa mga jeep.Samantala, isang malakas na putok ang sumabog mula sa bahay ni Thea. Biglang nagising sina Benjamin at Gladys nang pumasok ang mga sundalo at kinaladkad sila palayo.Sa basement ng Cansington Hotel.Nakatali si Thea sa lupa. Hindi nagtagal, dinala din ang kanyang pamilya. Ang kanyang lolo, si Lex Callahan; ang kanyang ama, si Benjamin Callahan; ang kanyang tiyuhin, si Howard Callahan; ang kanyang pangalawang tiyuhin

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 14

    Ang dalawang hiwa ay isang malaking kaibahan sa kanyang magandang balat. Patuloy na umaagos ang dugo mula sa mga sugat, na nagpapakulay ng pula sa kanyang leeg.Naging malabo ang kanyang paningin kasabay ng pagtulo ng mala-kristal na luha sa gilid ng kanyang mga mata, bumabagsak at humahalo sa kanyang dugo.Siya ay nahulog sa kawalan ng pag-asa.Sa pagharap kay Heneral Trent Xavier, natambak ang lahat ng kanyang kawalan ng pag-asa at kawalan ng pag-asa.Higit sa lahat, namumuo ang sama ng loob niya.Naiinis siya na tumakbo siya sa apoy dahil may narinig siyang humihingi ng tulong!Maaaring nailigtas niya ang isang tao, ngunit ang pinsalang idinulot sa kanya ay nagdulot ng kanyang sampung taon na pagdurusa! Sampung taon ng sakit!Naging katatawanan siya ng buong paaralan ng makuha niya ang mga paso na iyon.Kahit ang mga kaibigan na dating malapit sa kanya ay nilayuan siya!Itinuring siya ng kanyang mga kaklase na parang nagdadala ng mga salot, iniiwasan siya hangga't kaya nila

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 15

    ”Ako iyon!”Dalawang salita lang iyon, ngunit umalingawngaw ito sa bulwagan na parang kulog at umalingawngaw sa mga tenga ng mga naroon, na inaalis ang lahat ng iniisip.Maging si Trent na nasa stage pa lang ay natulala.Siya ay isang deputy commander na matatag sa labanan ng Western border. Siya ay nakipaglaban sa ilang daang mga giyera kasama ang Blithe King mismo, ngunit ang sigaw ni James ay ganap na nagpalamig sa kanya, na naging dahilan upang hindi siya makapag-react sa isang iglap.Nang sa wakas ay makagalaw na siya, nakita niya ang isang lalaki na naglalakad papunta sa hall.Ang tao ay nagsuot ng itim na maskara ng multo, at ang lamig ay nagmula sa kanyang katawan.Ang lamig na ito ay tila tumagos sa buong hall, na nagpababa ng temperatura ng ilang degree."Siya iyon?""’Iyan ang taong naka ghost mask na pumatay kay Warren Xavier!"Sa wakas ay nag react ang mga artista, namutla ang kanilang mga mukha sa gulat at takot habang nilalampasan sila ni James.Naalala nila a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 16

    Ang Cansington ay ang capital ng medisina, nagaambag sa 80% ng medisina sa mundo.Dito, merong mga pharmaceutical na kumpanya na nagkakahalaga ng bilyon, pati na ang libong medicinal processing na pabrika malaki o maliit.Ang mga pharmacy ang na sa paligid, ito man ay malaking kalsada o nakatago sa mga maliit na eskinita.Ang Nine Dragons Street ay magulo, komplikadong kalye sa gitna ng Cansington kung saan ang mga manloloko ay nagtipon. Merong mga antique store, bar, pub at masahista..Sa isang dulo ng kalye nakatayo ang isang clinic.Nakakita ng lugar si Henry dito.Dahil si James ay isang doktor, natuto si Henry ng ilang bagay mula sa kanya sa mga nakalipas na taon. Siya ay magaling sa paggamot ng flu, sipon at maliit na mga injury.Sa maliit na operating table sa Common Clinic.Tinignan ni James si Thea, na ang mukha ay nagdudugo. Ang kanyang tuhod ay nagasgas at ang kanyang laman ay batusok ng ilang mga bagay.Siya ay matinding napahirapan.Dahil siya ay nawalan ng maram

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 17

    Sumikat ang araw, maliwanag na kuminang sa mundo. Ang mga mamamayan ay nagising, naghanda at nagsimula ng bagong araw.Sa umaga, sa opisina ng chairman, sa gusali ng Celestial.“Mister Yates, merong malaking nangyari kagabi.” Isang maganda, nakakakit na babae ang nakatayo sa tabi ni Alex, inuulit ang nangyari sa auction ng mga Xavier kahapon.“Si Trent Xavier ay kinidnap si Thea at kanyang pamilya?” Si Alex ay napatunganga ng marinig niya ito. Sinundan niya ng, “Namatay ba si Trent sa huli?”“Opo, sir. Ayon sa pinagmulan ng mga balita, si Trent ay liligpitin ang mga Callahan bago ang Celestial. Bago pa man siya makagawa ng kahit ano kay Thea Callahan, isang lalaki na naka ghost mask ang lumitaw. Siya ang pumatay kay Warren Xavier, at siya din ang pumatay kay Trent.”Kinumpas ni Alex ang kamay niya. “Tama na.”Ang kanyang secretary ay umalis. Malagim na ngumiti si Alex, bumulong sa sarili, “Ang hawakan si Thea ay parang pagpapakamatay. Anong maganda sa isang deputy commander ng We

Pinakabagong kabanata

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3790

    Maraming malalaking kalawakan ang nag eexist sa loob ng nebula at mayroong hindi bababa sa isang daang bilyong planetang may nakatira. Napakalaki ng mga planeta at mayroong hindi bababa sa isang trilyong buhay na nilalang sa bawat isa sa mga planetang ito.May isang planeta sa loob ng nebula na ito na mayroong Tatlong Dimension—Mortal, Sage at Divine.Ang planeta ay dating tinatawag na Silent Realm ngunit kalaunan ay pinalitan ng pangalan ang Cassa Realm.Si James ay humakbang pasulong sa nebula at agad na pumasok sa isang kalawakan, na lumilitaw sa labas ng Cassa Realm. Nakatayo sa labas ng Cassa Realm, biglang nakaramdam ng liit si James, na para bang isa lang siyang maliit na butil.Ang planeta ay mula sa Thirteenth Universe. Ng pumasok siya sa Thirteenth Universe noong nakaraan, nasaksihan niya ang pagsilang ng Silent Realm nang nagkataon. Noon, isang dimension lang ang planeta.Ngayon, ito ay umunlad na sa isang pangunahing kaharian na may tatlong dimensyon.Hindi alam ni Ja

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3789

    Gayunpaman, ang mga nebula na ito ay isang maliit na bahagi lamang ng First Universe.Sa First Universe, marami pang ibang nebulae."Nakarating na rin ako sa Fist Universe.”"Ang haba ng buhay ng First Universe ay dapat na matagal ng natapos. Gayunpaman, pinagsama nila ang Ikalabintatlong Uniberso sa kanila at pilit na pinahaba ang kanilang habang buhay. Kung hindi, hindi na sila nag eexist."Nakatayo sa labas ng hangganan ng First Universe, naalala ni James ang ilang bagay tungkol sa Twelfth Universe.Lumakad siya sa hangganan at pumasok sa First Universe.Agad na pinakawalan ni James ang kanyang Divine Sense, na kumalat sa buong universe. Mabilis niyang nalaman na ang First Universe ay napakalaki. Pagkatapos nilang pagsamahin ang Thirteenth Universe, ang kanilang lugar ay naging dalawang beses sa laki ng Twelfth Universe.Ang Heavenly Path ng First Universe ay napakatatag at malakas din.Bumulong si James, "Tulad ng inaasahan mula sa First Universe."Biglang may ilang taong

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3788

    Si James ay hindi napansin na ang kanyang mga salita ay nagkumbinsi kay Mirabelle at sa Omnipotent Lord.Para siguruhin ang mga salita ni James, personal na nagtungo si Mirabelle sa Dark World para imbestigahan ang mga bagay na ito.Sa kabilang banda, inutusan ng Omnipotent Lord ang kanyang pinagkakatiwalaan na maglakbay sa ibang mga universe upang magtanong tungkol kay Yukia.Samantala, pumunta na si James sa Demon Realm para makipagkita kay Henrik.“Haha!”Matapos malaman na na-bluff ni James ang isang powerhouse ng First Universe, tumawa si Henrik at sinabing, “Nalaman ko lang na mas mahusay kang magsinungaling kaysa sa aking amo. Ang galing mo talaga. Ang First Universe ay tiyak na mag iingat sayo ngayon."Sinabi ni James, "Gumawa ako ng ganoong plano dahil nag aalala ako na ang negosasyon sa panahon ng conference ay hindi magiging maayos at ang First Universe ay susubukan na gumamit ng pwersa laban sa iba pang mga universe."Tumango si Henrik at sinabing, “Ito ay isang maga

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3787

    Gayunpaman, hindi sigurado ang Omnipotent Lord kung ilang powerhouse ang nakatago sa kailaliman ng Dark World.Nagtanong ang Omnipotent Lord, “Paano mo nalaman ang mga bagay na ito?”Sagot ni Mirabelle, “Ng makilala ko si Forty nine sa Twelfth Universe, sinabi niya sa akin ang tungkol sa mga kaganapang ito. Ang powerhouse na ikinasugat ng tatlong daang Ninth Stage Lords ay tinatawag na Yukia. Hindi niya sinabi sa akin kung ano ang kanyang cultivation rank. Gayunpaman, siya ay dapat na isang existence na nalampasan na ang isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God."“Haha!” Tumawa ang Omnipotent Lord."Ikaw ay isang Eighth-Power Macrocosm Ancestral God, Mirabelle. Naniwala ka lang ba talaga sa sinabi niya? Imposibleng lumampas sa isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Matagal na akong naging Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Sa totoo lang, isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God ang limitasyon. Imposibleng lampasan iyon. Maliban kung pagsasamahin natin ang ating mga universe, hi

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3786

    Natanggap ni James ang imbitasyon ni Mirabelle mula sa First Universe. Mayroon pa siyang sampung libong taon bago ang conference. Maraming oras iyon.Bumalik si James sa kanyang seclusion sanctuary sa Divine Dimension ng Human Realm.Sa una, binalak niyang makipagkita sa kanyang pamilya at mga kaibigan bago umalis patungo sa First Universe. Gayunpaman, nagpasya siyang hindi na makita ang mga ito pagkatapos ng ilang deliberasyon. Para sa kanila, isa na siyang patay na tao.Mas mabuting hindi na sila muling magsama dahil kailangan na naman niya silang iwan. Mas lalo lang siyang mami miss nito.Kaya, si James ay tumungo upang makipagkita kay Henrik sa halip.Bukod kay Radomir, si Henrik ang pangalawang pinakamalakas na tao sa Twelfth Universe. Nais ni James na hilingin sa kanya na tingnan ang Twelfth Universe at panatilihin ang kapayapaan habang siya ay wala.Samantala, pabalik na rin si Mirabelle sa First Universe.Bagama't ang Chaos ay walang hangganan, ang isang powerhouse na tu

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3785

    Naniwala si Mirabelle sa kasinungalingan ni James. Pagkatapos ng lahat, siya nga ay nagpakita ng nakakatakot na lakas.Imposible para sa isang ordinaryong tao na madaling pumatay ng Three-Power Macrocosm Ancestral God na may hawak ng Chaotic Treasure.Bukod dito, nakapasok na si James sa Ikaapat na Yugto ng Omniscience Path, na nalampasan ang kanyang kaalaman sa Omniscience Path."Hindi ko inaasahan na nilinang mo ang Omniscience Path. Maraming tao ang sumubok na ma cultivate ang Omnscience Path, ngunit walang sinuman ang nakalampas sa Third Stage. Paano mo nagawa?"Tinitigan ni Mirabelle si James ng may pagtataka, umaasang maliwanagan siya.“Kung wala kang ibang gagawin dito, umalis ka na. Tiyaking dadalo ako sa conference sa Ancestral Holy Site ng First Universe sa loob ng sampung libong taon."Tinaboy siya ni James palayo sa Twelfth Universe."Kung gayon, magkikita tayo sa First Universe."Hindi na nagsalita pa si Mirabelle.Nasa kanya na ang mga sagot sa kanyang mga tanong

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3784

    Matapos marinig na binanggit ni James ang Dark Strife, bahagyang nalito si Mirabelle.Gayunpaman, bigla niyang naintindihan na sinusubukan ni James na iparamdam na may kinalaman siya rito.Kaswal na tanong ni James, "Narinig mo na ba si Yukia?"May dalawang layunin siya. Isa, gusto niyang matuto pa tungkol kay Yukia. Alam niyang siguradong hindi taga Twelfth Universe si Yukia. Kaya, siya ay dapat na mula sa ibang universe.Mula sa timeline, malamang na mula siya sa isang universe bago ang ninth.Si Mirabelle ay mula sa First Universe. Kung si Yukia ay napunta sa ibang mga universe, dapat malaman ni Mirabelle ang tungkol sa kanya.Pangalawa, sinusubukan niyang lituhin ang First Universe.“Yukia?”Sandaling hinanap ni Mirabelle ang kanyang mga alaala. Pagkatapos, umiling siya at sinabing, "Wala pa akong narinig tungkol sa kanya dati."Ipinaliwanag ni James, "Sa panahon ng Dark Strife, si Yukia ay nagdulot ng matinding pinsala sa tatlong daang Ninth Stage Lords."Tinitigan ni Mi

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3783

    Inalis ni James ang imbitasyon at sinabing, “Sige. Tiyak na pupunta ako sa First Universe upang dumalo sa kumperensya sa loob ng sampung libong taon."Naglakad si Mirabelle papunta kay James na may matingkad na ngiti. Gayunpaman, dahan dahang umatras si James sa kanya.Napakalakas ng babaeng nasa harapan niya. Bagama't siya ay maganda at hindi nakakapinsala, tulad ng isang diyosa, ang aura na nagmumula sa kanya ay nag ingat sa kanya.“Hindi mo kailangang kabahan nang husto. Hindi ko pa nabisita ang Twelfth Universe. Ngayong narito na ako, paano kung ipakita mo sa akin sa paligid ng Twelfth Universe?"Si Mirabelle ay hindi nagpakita ng intensyon na umalis anumang oras sa lalong madaling panahon.Nais niyang manatili upang matuto nang higit pa tungkol sa Apatnapu't siyam at kung paano niya naabot ang ganoong mataas na ranggo ng paglilinang habang nananatili sa ilalim ng radar ng First Universe.Puno ng misteryo si James.Gayunpaman, tinanggihan siya ni James, na nagsasabing, "Mayr

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 3782

    Si Mirabelle ay isang pangunahing nilalang ng First Universe.Siya ay isinilang sa parehong panahon ng Omnipotent Lord at ang kanyang lakas ay nakakatakot. Sa First Universe, tanging ang Omnipotent Lord ang bahagyang mas malakas kaysa sa kanya.Gayunpaman, isang Macrocosm Ancestral God lang ang naramdaman niya sa Twelfth Universe. Ang taong nararamdaman niya ay ang Lord ng Twelfth Universe, si Radomir. Si Forty nine, sa kabilang banda, ay hindi matagpuan.Siya ay labis na naguguluhan.Ang tanging pagpipilian niya ay ilabas ang kanyang lakas para mapansin siya ng Forty nine. Naniniwala siyang Forty nine ang tiyak na magpapakita hangga't ikakalat niya ang kanyang lakas.Naalerto si Radomir sa sandaling ilabas niya ang kanyang aura sa buong universe.Gayunpaman, hindi siya nagpakita.Bagama't siya ang Lord ng Twelfth Universe, mayroong isang mas makapangyarihang tao kaysa sa kanya sa Twelfth Universe.Habang si James ay nakatutok sa pag cucultivate upang makahanap ng bagong path,

DMCA.com Protection Status