Share

Kabanata 948

Author: Crazy Carriage
Hindi na nagtanong pa si James dahil maliit na bagay lang naman ito.

“Sige na, magkita na lang tayo sa susunod.”

Nakipag-usap sandali si James sa Blithe King at kay Daniel. Pagkatapos ay umalis na siya.

Pag-alis niya sa military region…

Tinabingi ni Thea ang kanyang ulo. “Mahal, saan tayo pupunta? Babalik ba tayo sa mga Callahan?”

Bago pa makasagot si James, nagsalita si Maxine. “James…”

“Ano ‘yun?”

Lumingon si James at tumingin kay Maxine, na kasama pa ring naglalakad ni James.

Ang sabi ni Maxine, “Pinadala ako ni lolo para protektahan ka. Sa sitwasyon ngayon, malapit mo na akong maabutan ngayong nabawi mo na ang iyong cultivation base. Maliban doon, kasama mo rin si Thea, na isang grandmaster na nasa third rank. Wala nang dahilan para manatili pa ako sa Cansington. Oras na para bumalik ako sa Capital.”

“Ngayon na?” Dismayadong nagtanong si James.

Matalas ang kanyang isipan at maaasahan siya.

Malaking tulong si Maxine sa kanya. Hindi niya inasahan ang kanyang maagang pag-al
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 949

    Walang balak si Cynthia na mangialam sa personal na buhay ni James. Noong nakita niya si Thea, may gusto sana siyang sabihin ngunit hindi na niya ito tinuloy.Naglakad si Thea papunta sa sofa at umupo siya sa tapat ni Cynthia. Pagkatapos, tumingin siya kay James. "Mahal, ano nang balak mong gawin?" Umupo din si James. Umiling siya at sumagot, "Wala pa akong plano sa ngayon."Para siyang isang bulag na lalaki na hindi nakikita ang daanan sa harap niya. "Dito muna kami sa Cansington pansamantala at oobserbahan ko ang sitwasyon. Sa ngayon, wala akong ibang magagawa. Ang tanging magagawa ko lang ay linangin ang mga kakayahan ko at magpatuloy sa pagpapalakas ng sarili ko.”Minulat ni Maxine si James sa kung gaano siya kalayo sa lakas ng Ancient Four.Sa kalagayan niya ngayon, masyado pa siyang mahina upang maabot ang kahit ano.Wala siyang kwenta kumpara sa Ancient Four.Hangga’t hindi niya naaabot ang fifth rank, madali siyang mapapatay ng mga kalaban niya.Anuman ang rank niy

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 950

    Pagkatapos umalis ni James, lumapit si Luther at tumayo siya sa tabi ni Cynthia. Binuka niya ang kanyang bibig at pinaalalahanan niya siya. “Miss, maraming babae ang nakapaligid kay James. Sana hindi ka makialam sa buhay pag-ibig niya.”Inirapan ni Cynthia si Luther at ngumisi siya. “Masyadong malikot ang imahinasyon mo. Hindi ‘yun mangyayari.”“Pero magsasanay ka ng Dual Cultivation method kasama siya…”“Sige na, tama na ‘yan. Huwag ka nang magsalita. Bumalik ka na sa North kung wala ka nang gagawin dito.” Tumingin sa kanya si Cynthia ng may masamang ekspresyon.Tinikom ni Luther ang kanyang bibig.Hindi nakatulog si James nitong nakalipas na ilang araw. Hindi maiiwasan na makaramdam siya ng matinding pagod ng katawan at isipan kahit na may stamina siya na dala ng pagiging isang martial artist. Bumagsak siya sa kanyang kama noong makarating siya sa kanyang kwarto.Samantala, sa isang courtyard sa Capital.Ang courtyard ay mistulang isang makasaysayang bagay na ilang daang taon

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 951

    Inampon ni Tobias si Maxine.Si Tobias ang nagturo ng lahat kay Maxine sa larangan ng martial arts mula pa noong bata pa siya. Wala sa ugali niya ang suwayin siya.Walang pagdududa sa isip niya na darating ang araw na ito.Ngunit, masyadong mabilis ang mga nangyayari kaysa sa inaasahan niya.Sumandal si Tobias sa upuan at bumuntong hininga. “Ang unang engkwentro ko sa mga Blithe ay dalawangpung taon na ang nakalilipas noong pumunta ako sa Enchanted Forest para maghanap ng mga medicinal herbs. Ang tao na nakilala ko noon ay si Ezra Blithe. Naglaban kami para makuha ang isang hindi pangkaraniwan na medicinal herb, at doon ko nasaksihan ang kahanga-hangang galing niya…”Nagbago ang emosyon sa mga mata ni Tobias habang inaalala ang nakaraan.Muli niyang naalala ang laban nila dalawampung taon na ang nakalilipas.Kahit dalawampung taon na ang lumipas, malinaw pa rin ang alaala sa isip niya na tila kahapon lang ito naganap.“Ang First of Abomination ng mga Blithe ay tunay na napakagaling. Mu

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 952

    ”Ano pa ang sinabi sa iyo ni Lolo?”Itinagilid ni Thea ang ulo niya habang sinusubukan na alalahanin ang sinabi ng Lolo ni James. “Sinabi ni Lolo na ang tawag sa technique sa Medical Book Volume Two ay tinatawag na Invincible Body Siddhi. Kapag na-master mo na ito, hindi ka na tatablan ng bala at mga espada. Pero, kailangan itong aralin kasama ng Medical Book Volume One na magiging guide para dito.”“Noon, hindi natusok ni Julianna ang katawan mo sa Dragon Fountain Villa. Sinabi mo na ang suot mo na damit ay gawa sa espesyal na materyal pero malinaw na sa akin na binago mo ang cellular structure ng katawan mo gamit ang medicine.”Nahiya si Thea habang inaalala niya ang mga nakaraang mga bagay.Matapos mabasa ang ikalawang libro ng medical book, napagtanto ni James na sinusubukan nito ipakita ang ilang mga defensive na martial arts.Ngunit, hindi pa niya naiintindihan kung paano ito gamitin.Martial arts genius ang lolo niya at magaling din sa larangan ng medisina. Sapagkat nabasa na ni

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 953

    Sunod-sunod ang mga desisyon at utos ni Madelyn.Una, ipagpatuloy ang research sa lalong madaling panahon.Ikalawa, ang lahat ng pharmaceutical groups maliban sa Centennial Corporation ay dapat mawala.Ikatlo, Universal Hospital lang dapat ang nag-iisang medical hospital sa Medical Street.Nag-utos si Madelyn. Hindi na mahalaga ang proseso sa kanya. Ang gusto lang niya ay magkaroon ng mga resulta.“Ms. Gabriel…” nababalisang tumayo si Jonathan.Pinili niyang mabuti ang mga salita niya para hindi magalit si Madelyn. “Si James ay nasa Cansington at itinayo niya ang Messiah Corporation. Nakikipagtagisan ng galing ang kumpanya niya sa Centennial Corporation. Magiging maghirap ang pagtupad sa mga utos mo. Sigurado na magiging hadlang si James sa mga plano natin.”“James…” napabulong si Madelyn.Hindi pa siya umaalis ng Capital, pero narinig na niya at pamilyar siya sa pangalan ni James.“Sa tingin ba niya mapipigilan niya ang Centennial gamit ang Messiah? Marami tayong financial support. Sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 954

    ”P-Patunayan mo…! Yakapin mo ako ng mahigpit!”Huminga ng malalim si James at niyakap si Thea.Naging kumportable si Thea at isiniksik ang mukha sa dibdib ni James.Lumipas ang gabi ng ganito ang posisyon ng dalawa.Kinaumagahan…Maagang nagising si Thea.Sa oras na nagising siya, nakaramdam siya ng kamay na nakahawak sa dibdib niya. Namula siya at nagising agad ang diwa niya. Nahihiya niyang sinubukan na lumayo, pero mahigpit ang yakap ni James. Sapagkat hindi niya alam kung paano pipiglas, wala siyang nagawa kung hindi tumitig sa kisame.Hindi nagtagal, nagising si James.Nakaramdam siya ng bagay sa kamay niya, dahil dito, piniga niya ito.“Ah…”Nakarinig siya ng gulat na reaksyon sa tabi niya.“Anong ginagawa mo, James? Masakit iyon.”Agad na nagising si James noong napagtanto niya ang sitwasyon niya. Sa panic niya, itinulak niya si Thea at tumalikod para umupo sa kama.Namula siya bigla dahil sa itsura ni Thea. “Uhm, Thea… ano… hindi ko sinasadya iyon…”Hindi siya sinisi ni Thea sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 955

    Napagtanto ni Thea na dahil sa desisyon ng Celestial, Longevity at iba pa na malalaking mga grupo ang naging dahilan kung bakit naapektuhan ang kumpanya ng mga Callahan, ang Eternality.Hindi na nagpatumpik tumpik pa sina Thea at James. Umalis na sila agad.Hindi nagtagal, nakarating sila sa villa ng mga Callahan.Maaga pa, pero halos lahat ng miyembro ng pamilya ng Callahan ay naroon sa villa. Puno ng pagaalala at walang kasiguraduhan ang paligid.Agad na lumapit sina Thea at James sa kanila.Kumapit agad ang mga Callahan sa nag-iisa nilang pag-asa.“Thea, nagbalik ka na din sawakas!”“Thea, kailangan ka ng mga Callahan para mamuno sa sitwasyon na ito at iligtas kami.”Lumapit ang mga Callahan para magmakaawa kay Thea.Samantala, hindi nila binigyan ng pansin si James.Nagtanong si Thea, “Lolo, totoo ba na ang Celestial, Longevity at iba pa na malalaking mga kumpanya ay naganunsiyo ng withdrawal nila mula sa Cansington at pharmaceutical industry? Ipinatawag mo ba ako dahil naapektuhan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 956

    Matapos mag-isip ni Thea, nagsalita siya, “Huwag kayong magalala sa ngayon. Magpapatuloy pa din ang Eternality tulad ng dati. Nagdududa ako na kikilos ang Centennial Corporation para patalsikin ang lahat mula sa Cansington.”Nabigla si James at napatingin kay Thea.Nagbago na talaga ng husto si Thea. Kumapra sa noon, mas desidido na siya at may paninindigan.Bigla, tumunog ang phone ni Lex.Sinagot niya ito at nanlumo ang kulubot niyang mukha.Naintindihan agad ito ni Thea, “Anong nangyari, Lolo?”“Lumala na ang sitwasyon sa Medical Street.”“Ano?!” nabigla si Thea.“Ano ba talaga ang nangyari?” nagtanong siya matapos bigyan ng oras si Lex na kumalma.Huminga ng malalim si Lex at ipinaliwanag, “Gumawa na naman ng gulo ang Universal hospital. Pinapatalsik nila ang mga clinic at mga ospital mula sa Medical Street. Nakipag paligsahan sila sa mga ito at ang matatalo ay magsasara. Ipapasira nila sa mga gangster ang tumangi sa paligsahan.”BAM!Hinampas ni Thea ang lamesa at sumigaw, “Kabali

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4133

    Bukod dito, tinuruan din ni Soren si James ng ilang mahirap na inskripsiyon sa pagbuo.Si James at Wotan ay patuloy na naglakbay sa Planet Desolation. Sunud sunod silang lumitaw sa mga sinaunang guho. Sa bawat oras na lumitaw sila sa isang sinaunang guho, gugugol si James ng ilang oras upang sirain ang formation.Sa isang kisapmata, nahanap na nila ang sampu-sampung sinaunang guho at nabasag ang sampu sampung formation. Gayunpaman, walang anuman sa mga formation. Walang kahit isang disenteng elixir, pabayaan ang Palace of Compassion."Maraming nabubuhay na nilalang sa unahan."Sa tuktok ng isang bundok, tumingin si Wotan sa ibaba, at sa ilalim ng kanyang mga pandama, naramdaman niya ang isang malakas na pormasyon sa lalim ng bundok kung saan maraming nabubuhay na nilalang ang nagtitipon.Ang mga buhay na nilalang na ito ay mga powerhouse, kabilang si Prinsesa Leilani ng Angel race, si Wynnstan ng Doom Race at si Sigmund ng Devil Race.Nakilala silang lahat noon ni James, ngunit ma

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4132

    Walang pakialam si James na makipag-alyansa kay Wotan dahil gusto rin niyang makipag alyansa sa huli.Gayunpaman, bago sila mag alyansa, kailangan nilang pag usapan kung paano hatiin ang mga kayamanan."Pag usapan natin kung paano hahatiin muna ang mga kayamanan." Sa pagtingin kay Wotan, sinabi ni James, "Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa iyo, ngunit mas mabuti para sa ating dalawa sa ganitong paraan.""Paano kung hatiin ng pantay pantay?" Saglit na nag isip, sinabi ni Wotan, "Pagkatapos lumitaw ang mga kayamanan, kunin natin nang patas ang kailangan natin."Bahagyang umiling si James at sinabing, "Hindi.""Ano ang gusto mo kung gayon?"Sumagot si James, "Nasira ko ang formation at tiwala akong masisira ko ang anumang formation sa Planet Desolation. Kaya, hindi patas sa akin ang paghahati ng pantay. Dapat kong kunin ang higit pa nito at piliin muna ang mga bagay."Tunay na malakas si Wotan, ngunit sa mga mata ni James ngayon ay isa lamang siyang manlalaban.Ng marinig iyon,

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4131

    Tumingin si James sa ibaba. Sa huli, dumapo ang kanyang tingin sa isang sirang pormasyon.Paghakbang sa kawalan, naglakad siya pababa at lumitaw sa labas ng formation. Nakatutok siya rito.Malalim ang pagkakabuo. Kahit na ito ay isang sirang formation, mayroon itong kapangyarihang wasakin ang mundo. Kahit na ang isang Quasi Acmean ay nakulong dito, siya ay papatayin kaagad sa pamamagitan ng kapangyarihan nito.Gayunpaman, natutunan ni James ang Planet Desolation Formation Inscription. Naunawaan niya ang pinaka primitive na anyo nito.Gaano man kalalim ang isang pormasyon, ito ay hinango mula sa pinaka primitive na inskripsiyon. Ngayon, kailangan lang niya ng ilang oras para masira ang formation."Paano na? Masira mo ba ang formation?"Habang nakatitig si James sa formation, may boses na nagmula sa likod. Hindi na niya kailangan pang lumingon para malaman na si Wotan iyon.Nagmamadaling lumapit si Wotan at humarap kay James. Magkatabi siyang napatingin sa formation na nasa harapan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4130

    'Ang Compassionate Path Master? Sino ang taong ito?’ Walang ideya si James.Nakilala lamang niya ang makapangyarihang mga pigura sa Greater Realm sa kasalukuyang sandali, hindi ang mga lumitaw sa nakaraan. Gayunpaman, alam niya kung gaano kalakas ang isang Caelum Acmean. Ito ang kilalang tuktok ng cultivation. Walang sinuman sa Greater Realm ang nakarating dito.Ngayong lumitaw na ang pamana ni Caelum Acmean, maraming makapangyarihang tao ang nabighani. Maging ang mga galing sa sobrang lahi ay naakit sa pamana."Ang Compassionate Palace, huh? Saan 'yan?" Bulong ni James sa sarili.Ang nabubuhay na nilalang na nagsalita ay nagsabi lamang sa kanila na ang Palasyo ay nasa Desolate Galaxy, ngunit inalis ang mga detalye na nauukol sa lokasyon nito.Gayunpaman, dahil ang lahat ng nabubuhay na nilalang sa Kalawakan ay pinakamakapangyarihang mga pigura, ang paghahanap ng isang palasyo sa Stone Realm ay magiging isang madaling gawain, lalo na ang isang palasyo sa Desolate Galaxy.Binuksan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4129

    Isang pagsabog ang naganap sa abot-tanaw. Ang kamao na nilikha ni James ay hindi nakapinsala sa pagbuo. Sa halip, ang hindi magagapi na enerhiya ay nagkatawang tao mula sa abot tanaw at tumungo sa direksyon ni James.Mabilis itong naiwasan ni James. Pumalakpak! Isang napakalaking bangin ang lumitaw sa ibaba niya."Napakalakas ng pormasyon. Kung tumama sa akin ang napakalaking bola ng enerhiyang ito, napunit na sana ang balat ko. Kung nakaligtas ako, kumbaga." Huminga ng malalim si James.Hindi na siya nagtagal. Itinago niya ang sarili niyang aura at pumasok sa isang invisible mode, malapit sa core area.Sa Desolate Galaxy, ang bawat buhay na nilalang ay mayroon lamang tatlong libong taon upang mabuhay. Maaari lamang pumatay ng iba upang madagdagan ang kanilang buhay. Kung hindi, mabubura sila ng formation kapag tapos na ang kanilang limitasyon sa oras.Si James ay wala ring mahirap na damdamin. Siya ay tulad ng God of Death, umaani ng kamatayan mula sa mga buhay na nilalang habang

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4128

    Nakatakas si James. Nakuha niya ang Providence na nagtaas ng kanyang Omniscience Path at pisikal na kapangyarihan sa susunod na antas. Ngunit napakaraming buhay na nilalang at makapangyarihang pigura na kahit si Wotan, isa sa nangungunang sampung numero sa Chaos Ranking, ay maaari lamang silang pigilan sa loob ng sampung minuto.Nagtitiwala si James sa kanyang mga kakayahan, ngunit hindi sapat na mayabang upang labanan ang napakaraming makapangyarihang nilalang ng sabay sabay.Umalis siya sa bilis ng kidlat. Ginamit niya ang Space Path para umalis at binura pa ang mga bakas ng Path para hindi nila maramdaman ang kanyang lokasyon.Napakalaki ng Desolate Galaxy. Pagkaalis ni James, nagpakita ulit siya sa malayong lugar. Muli, pumasok siya sa isang masukal na kagubatan. Umupo siya sa isang malaking sanga ng puno na nakalagay sa lotus para maramdaman ang kanyang pisikal na kapangyarihan.Tunay na lumakas ang kanyang pisikal na kapangyarihan matapos isawsaw ang sarili sa limang kulay na

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4127

    Sa sandaling ito, naramdaman ni James na nasira ang Time Formation na kanyang itinayo. Ang pagkabasag na ito ng pormasyon ay sinundan ng isang malakas na haligi ng liwanag.Agad siyang pumasok sa Ikapitong Yugto ng Omniscience Path at naglabas ng puting liwanag mula ulo hanggang paa, na naging isang maliwanag na haligi. Umakyat ang liwanag na haligi, sinalubong ang nahuhulog na haligi.Clap! Nagsalpukan ang dalawang pwersa, na nagbuga sa mga tipak. Ang nagresultang produkto ng banggaan ay napakalakas na winasak nito ang buong lugar, na naging isang walang laman na lugar. Sa susunod na sandali, gayunpaman, lahat ay nakuhang muli.Lumitaw si James sa abot-tanaw. Ang malagim na sugat ay tumama sa kanyang buong katawan. Nabali ang isang paa niya. Nakatayo siya ng ganoon sa hangin, humihingal at nagha hyperventilate.“Kahanga hanga.” Hindi maiwasan ni Wotan na humanga sa lakas ni James. Ito ay pwersang pinagsama samang ginawa ng hindi bababa sa dalawampung Quasi-Acmeans, ngunit nagtagump

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4126

    Si Wotan ay medyo tiwala sa kanyang mga kakayahan. Gayunpaman, sa kasalukuyan ay isang bilang ng mga Quasi Acmean figure. Kahit gaano pa siya kalakas, halos sampung minuto lang niya kayang labanan ang mga ito.Buti na lang, sapat na ang sampung minuto para kay James, salamat sa Time Path na pinagkadalubhasaan niya. Maaari siyang manatili sa Time Formation ng napakatagal na panahon sa kabila ng pagkakaroon lamang ng sampung minuto sa outer realm.Ng makapasok na siya sa limang-kulay na lawa, naramdaman niya ang nakakatakot na ingay ng labanan sa labas. Hindi niya pinansin ang lahat ng ito at sa halip ay nagpatawag siya ng Time Formation.Ang tubig sa lawa ay napuno ng makulay na mga kulay. Ito ay mystical, dahil naglalaman ito ng napakalaking enerhiya. Sa sandaling makapasok siya sa lawa, bumukas ang lahat ng mga butas sa kanyang katawan, masiglang hinihigop ang enerhiya mula sa lawa. Ang enerhiya ay nagpalusog sa kanyang pisikal na katawan, na nagbukas ng pagbubukas ng kanyang mga pu

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4125

    Swoosh! Inihagis ni James ang kanyang kamao kay Wotan. Isang walang katapusang anino ang bumalot sa buong lugar, kabilang ang katawan ni Wotan.Patuloy na winawagayway ni Wotan ang kanyang espada, na naging sanhi ng walang humpay na pagkamit ng Sword Energy, na winasak ang mga anino sa paligid.“Sige.” Matapos durugin ang hindi mabilang na mga anino at makawala sa maraming pag atake ni James, tumigil si Wotan at tiningnan si James, na natatakpan ng mga pinsala at ang buhok ay gulo. Ngumiti siya, sinasabi, "Hindi na kailangang makipag away, alam ko na kung hanggang saan ang kakayahan mo. Kung magpapatuloy tayo, siguradong matatalo ka."Sinubukan ni James na ngumiti. Kung hindi dahil sa mga paghihigpit na ipinataw niya sa kanyang sarili at sa katotohanang hindi niya maipatupad ang Chaos Power, hindi siya magiging ganito kahina kapag kaharap si Wotan.Sa pagtingin kay Wotan, na hindi nasaktan at malinis pagkatapos ng labanan, binigyan ni James ng thumbs up si Wotan, na nagsasabing, "Na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status