Batid ang pagkabigo sa mukha ni James.Hinawakan ni Quincya ng kamay niya at pinakalma siya. “Huwag kang magalala. Mahahanap natin ito.”“Sana nga.” Tumango si James ng kaunti.Alam niya na walang kasiguraduhan na mahanap ito. Kahit na mahanap nila ito, maaaring wala doon ang hinahanap niya.Patuloy siya sa matiyagang paghihintay.Hindi nagtagal, gabi na.Nagbalik ang mga sundalo na nagpatuloy sa paghahanap sa loob ng cavern.Naghanap sila ng matagal pero wala silang nakita na estatwa o malaking bato na mahigit sa sampung metro ang laki.Patuloy ang apoy sa riverbank.Nagtanong si Daniel, “Anong gagawin natin ngayon, James?”Napaisip si James.Kahit ang dose-dosenang mga sundalo ay walang nahanap matapos ang buong araw na pagsuyod dito. Maaaring imposible na ito na mahanap sa pagkakataon na ito.Dalawang posibilidad lang ito—maaaring gumuho na ang estatwa sampung taon na ang nakararaan o naghahanap sila sa maling lugar.Kinuha muli ni James ang mapa, tinignan ang ilog sa harapan niya,
Ang balak sana ng Emperor ay patayin si James.Kahit na nalumpo na si James, sapat na ang katotohanan na buhay siya para manatiling kabado ang Emperor.Noon, hindi siya mailigpit ng Emperor sapagkat nasa kanya ang Blade of Justice. Kahit na nagresign na siya sa posisyon niya, iimbestigahan pa din ang pagkamatay niya.Ngunit, ngayon at sibilyan na si James at isinauli na ang Blade of Justice, wala ng may pakielam kahit na mamatay siya.Basta gawan ito ng paraan ng Emperor at pagtakpan ito ng husto, mananatili siyang ligtas.Dahil napagalaman niya na may hinahanap si James, nagbago muli ang isip niya.Maaaring may hinahanap na pambihira si James. Balak niya na agawin ito bago siya patayin.Ibinaba niya ang tawag pero nagaalala pa din siya. Matapos ang ilang sandali, may tinawagan siya muli.“Maaasahan ba ang tao na hiningan mo ng tulong?”Isang paos na boses ang maririnig mula sa kabilang linya. “Huwag ka magalala. Maaasahan siya ng husto. Mersenaryo siya noon sa abroad at naging katraba
Buong gabi nanatiling gising si Quincy, binabantayan ang tent niya.Habang si Thea, mahimbing ang tulog.Dumating na ang sumunod na araw ng magising siya.Nagpaikot-ikot siya sa kama at kinuha ang phone niya. Matapos makita na alas-otso na ng umaga, hinampas niya ang noo niya at minura ang sarili niya, “Thea wala kang kuwenta!”Agad siyang bumangon mula sa kama, inayos ang buhok niya, at lumabas ng tent.Sa labas, patuloy pa din ang pag-alab ng mga campfire.Nakaupo si James sa wheelchair habang minamasahe ni Quincy ang ulo niya mula sa likod.Lumapit si Thea at tinawag si Quincy, “Quincy.”Lumingon si Quincy at sumenyas na huwag siyang maingay.Lumapit si Thea at nakita na nakatulog si James sa wheelchair.Nakita niya ang pagod na itsura ni Quincy, at mahinang nagtanong, “Hi-hindi ka ba natulog?”“Sigh…” bumuntong hininga si Quincy ng mahina at sinabi, “Lumala ulit ang kundisyon ni James kagabi. Pagising gising siya ng dahil sa lamig o sakit. Pakiramdam niya nagyeyelo ang katawan niya
One-star general si Daniel at mataas ang awtoridad.Maliit na bagay lang para sa kanya ang pagkuha ng submarine.Matapos tumawag, lumapit siya kay James at ibinalita , “James, may tinawagan ako, at dadating na rin agad ang submarine. Ngunit, kailangan mo muna maghintay.”“Sige.” Tumango si James at umupo sa wheelchair niya.Matapos ang isang oras, dumating ang submarine.Isa ito na maliit na submarine na kasya ang limang tao.Pagkadating nito, kakagising lang ni Quincy mula sa iglip niya.Sa tabing ilog…Sa tulong ni Thea at Quincy, nakapagsuot si James ng wetsuit.Tinignan ni Quincy si James na may suot na wetsuit, habang nakasuot na rin ng wetsuit, at tinanong siya, “James, sigurado ka ba na hindi mo ako kailangan na sumama sa iyo? Mahina ka ngayon. Anong gagawin mo kapag may nangyari sa cavern?”Sinigurado siya ni James, “Walang mangyayari.”“Quincy, maghintay ka sa tabing ilog. Ako ang sasama sa kanya,” sagot ni Thea.Humarap si James kay Thea at sinabi, “Hindi ka rin maaaring suma
Agad na sinuri ni Daniel ang sitwasyon nila. Alam niya na kung pipiliin nila na lumaban, siguradong mapapahamak si Quincy, kahit na mapatumba nila ang lahat ng kalaban.Itinayo niya si Quincy at tumakbo.Bang! Bang! Bang!Patuloy ang putok ng mga baril sa kalayuan.Dehado sila sa mga armas ng kalaban.Kahit na mga sundalo mula sa special forces ang kasama ni Daniel, wala silang armas na may sapat na lakas para harapin ang mga kalaban, mga pistola lang ang dala nila.Hindi ito sapat para makipagsabayan sa mga kalaban.Hindi nagtagal, unti-unti nagtamo ng mga pinsala ang mga sundalo.Wala ng oras si Daniel para isipin ang kaligtasan nila at agad na tumakbo palayo kasama si Quincy.Matapos makita na tumatakbo sila, inutusan agad ni Dominator ang mga tao niya, “Habulin sila! Huwag ninyo sila patatakasin!”Agad silang hinabol ng mga mersenaryo.Ngunit, napatigil ang mga mersenaryo dahil sa mga sundalo na pumigil sa kanila.Itinutok ng mga mersenaryo ang mga baril nila kay Daniel.Mahigit sa
Samantala, nakarating na si James sa kweba sa undergrounf cavern.Nakarating na rin siya sa lupa, ngunit dahil sa wetsuit, hindi siya makalakad ng maayos, kaya hinubad niya ito."Naroon, James." Isang sundalo ang nagturo sa unahan nila.“Sige.”Tumango si James at sinabing, “Ituro ang daan.”"Honey, nandito ako. Ang kuweba ay mamasa-masa, at maraming lumot. Magingat ka,” inalalayan ni Thea si James at pinaalalahanan.Dahan-dahang umabante si James sa tulong ni Thea sa direksyon ng mga sundalo.Ang kweba sa ilalim ng lupa ay umaabot sa maraming direksyon. Sa kabutihang palad, nagpadala siya ng mga tao upang maghanap sa lugar nang maaga. Kung hindi, aabutin siya ng ilang araw at gabi.“Nandito na tayo.”Itinuro ng mga sundalo ang isang lugar sa harap.Inilawan nila harapan nila.Nakita ni James ang bukas na espasyo sa kanyang harapan, at sa gitna ay isang batong bato na may taas na sampung metro. Pinaliwanagan ng ilaw ang lugar, kaya lumantad ang estatwa ng ulo ng dragon sa ka
Nagsimulang mag-usap ang maraming sundalo sa mahinang tono.Nag-isip sandali si James at nag-utos, "Tingnan kung mayroong anumang bagay sa loob ng gumuhong tumpok ng mga bato.""Masusunod, sir." Tumango ang mga kawal.Bagama't nakakatakot ang lugar, hindi sila nangahas na sumalungat sa utos ni James.Si James ang kanilang idolo, ang Diyos ng Digmaan, at ang kanilang inspirasyon bilang mga sundalo. Natanggalan man siya ng titulo, hindi nito binago ang pananaw nila sa kanya.Naglakad ang mga sundalo patungo sa mga bato at nagsimulang maghanap.Ang estatwa ay gumuho sa mga durog na bato, na naging madali para sa mga sundalo na ilipat ito.Mabilis na naalis ang mga durog na bato.Lumapit si James na may hawak na flashlight. Inilawan niya ang lupa."Magbungkal pa ng kaunti," utos niya.“Masusunod.”Sinimulan ng mga sundalo na mungkalin ang maliliit na bato sa lupa.Itinaas ni James ang flashlight at inilawan ang lugar.Hindi nagtagal, may natuklasan siyang clue.Siya ay yumuko
"Sabay tayong aalis."Sa gayong mga kalagayan, paano sila makakaalis nang mag-isa?Kung iiwan niya ang mga sundalong ito, mamamatay sila.“Liam, mahina si James. Napakahirap para sa kanya na tumakas. buhatin mo siya sa likod mo." Sa dilim, isang boses ang nagbigay ng utos."Naiintindihan," agad na sagot ng sundalong nagngangalang Liam."Sabay na tayong umalis! Kung hindi tayo aalis ngayon, huli na ang lahat!" Nang makitang papalapit na ang mga ilaw ng mga kaaway, nagsimulang mataranta si James.“Liam, buhatin mo siya at umalis na! Ang natitira, maghanda para sa labanan!"Binuhat ni Liam si James, tumayo, at sinabing, “Ms. Thea, alis na tayo."Pagkatapos, binuhat niya si James sa isang balikat at hinila si Thea gamit ang kabilang kamay, nagmamadaling pumasok sa kweba.Pumikit si James.Alam niyang ang mga nanatili ay nakatakdang mamatay.Tumunog ang mga putok ng baril pagkaalis nila.Isa itong matinding palitan ng putok.Pagkatapos ng sampung minuto, tumahimik ang kweba.G