“Sige, bakit ba hindi? Marami naman na akong naipon noong nasa militar pa ako.”“Hindi ko hilig na gumastos ng pera ng lalaki.”“Sige kung yan ang gusto mo.”Wala nang sinabi pa si James pagkatapos nito.Kung gusto ni Thea na magtrabaho, hahayaan ko siya.Gayunpaman, nagpaplano pa naman siya, kaya hindi pa siya sigurado kung kailan niya ito magagawa.“Maghilamos ka na. Magbibihis lang ako.”“Sige.”Tumango si James at umalis ng kwarto.Walang tao sa may sala. Malamang ay umalis ang lahat.Dahil sa kakagising lang niya, naghilamos si James sa may banyo. Pagkatapos, hinintay niya si Thea sa may sala.Hindi nagtagal, lumabas si Thea sa kanyang kwarto ng nakabihis.Nakasuot si Thea ng crisp white shirt na may pencil skirt at high heels. Mukha siyang isang successful business woman.Maganda din ang katawan niya. Habang nakalugay ang kanyang mahabang itim na buhok sa kanyang likuran, nag mukha siyang isang mature at maabilidad na babae.“Ang ganda mo.”Pinuri ni James si Thea
Gamit ang kanyang electric bike, hinatid ni James si Thea sa malaking job fair sa malapit.Nang makarating sila, sinabi ni Thea, “Jamie, bakit hindi mo na lang ako hintayin dito sa labas? Ako na lang ang papasok sa loob ng mag-isa.”Pabirong sinabi ni James, “Bakit? Nakakahiya ba akong kasama?”Kaagad na nagpaliwanag si Thea, "Syempre naman hindi. Magiging matagal kasi ito. Nag-aalala ako na baka mabagot ka. May internet cafe sa may malapit. Bakit ka na lang kaya maglaro muna? Tatawagan na lang kita kapag tapos na ako." Malumanay na tinulak ni Thea si James. Bilang isang babae, marami na siyang nabasang libro tungkol sa relasyon kahit na wala pa siyang karanasan. Ang lahat ng libro ay sinabi na ayaw ng mga lalaki na gumala ng walang patutunguhan kasama ng babae. Ang totoo ay nag-aalala siya na baka mabagot ito. "Hindi ko alam kung paano maglaro. Sasama na lang ako sayo. Mag-aalala ako kung hindi kita kasama dahil ang ganda mo pa naman." Ngumiti si James. Naantig ang damdam
Nilapag ni Thea ang kanyang resume sa lamesa.Pagkatapos nun, tumingala ang lalaki.Nang makita nito si Thea, nagulat ito.“Sandali lang.” “Huh?”Aalis na sana si Thea matapos niyang ilapag ang kanyang resume, pero huminto siya at nilingon ang recruitment manager ng Ella Corporation. Tinanong niya, “May iba pa ba kayong kailangan?”Tinitigan ni Hank Wilson si Thea, at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Naging ganid ang kanyang ekspresyon. Ngayon lang siya nakakita ng isang napakagandang babae.Tinuro ni Hank ang upuan, habang sinasabi, “Maupos ka. Mag-usap tayo.”“Sige.” Umupo si Thea.“Anong posisyon ang inaaplayan mo?”“Nag-aaplay ako para sa posisyon ng fashion designer.”“Meron ka na bang kahit na anong karanasan na may kaugnayan dito?”“Wala pa.”Napasimangot si Hank, at sinabi, “Sweetheart, hindi to uubra. Alam mo ba kung sino kami at ano ang kinakatawan ng aming mga designer?”Habang nagsasalita siya, binasa nito ang resume ni Thea.“Grumaduate ka sa isang sec
Oras na para umuwi.Sinabihan ni Hank ang ibang mga aplikante na bumalik na lang bukas.Pagkatapos nun, niligpit na niya ang kanyang mga gamit at sinabi, “Thea, bakit hindi tayo bumalik sa lugar ko? Wala naman tao sa bahay. Pwede kong ipaliwanag sayo ang lahat doon ng detalyado.”“Ano?” Nagulat si Thea. “Sa bahay mo?”Nang makita niya ang gulat na ekspresyon ni Thea, mabilis na binawi ni Hank ang kanyang sinabi. “Mas malapit ang bahay ko kaya mas mainam. Kung hindi ka komportable dun, pwede naman tayong pumunta sa opisina ko na lang.”Si Hank ay ang human resource manager ng Ella Corporation. Dahil siya ang namamahala sa recruitment, meron siyang sariling opisina.May sopa sa kanyang opisina, na pwede na din tulad ng isang kama.Naisip na niya ito ng maigi. Ikakama niya si thea kahit na anong mangyari. Lalo na, sinabi ng media na siya ang pinakamagandang babae sa Cansington.Nasabik siya nang maisip niya ang tungkol seksi nitong katawan at magandang mukha nito.Nakahinga ng
Ang babae ay mukhang nasa edad bente-kwatro o bente-sais. Nakasuot siya ng itim na leather jacket at itim na leather pants na may mahabang itim na buhok na nakalaylay sa kanyang likuran. Ang kanyang damit ay binabalangkas ang malakas niyang pangangatawan.Nang makarating ito sa may underground parking lot, tumayo siya sa isang sulok at tinignan ang paligid, na para bang may hinahanap ito. Paunti-unti, may inabot siya sa kanyang likuran, at naglabas ng isang magandang pistol.Sa mga sandaling iyon, bigla siyang umikot at tinutok ang baril kay James.Nang makita niya na si James pala ito, nataranta siya. Mabilis niyang tinabi ang kanyang pistol at nautal na sinabi, “I-Ikaw?””Dahan-dahan na lumapit si James at sumandal sa isang batong poste, habang sinusuri ang babae kung inosente nga ba ito. Ng malumanay, sinabi niya, “Anong ginagawa mo dito? Bakit wala ka sa may hangganan ng southern Plains?”Nakita ni James ang babaeng ito noon.Siya ay isang mahalagang miyembro ng isang grupo
Ang puntod ng Prinsipe ng Orchid Mountain, ang treasure chest, ang susi, ang Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge, at si Black Rose? Tinignan ni James si Black Rose, na eleganteng nakasuot ng itim na leather jacket. Nakalimutan niya tuloy ang iniisip niya.Nagkataon lang ba ang lahat ng ito, o ang lahat ba ng ito ay parte ng isang malaking plano?“General, pakiusap at protektahan ninyo ako,” muling sinabi ni Black Rose, bakas ang pagmamakaawa sa kanyang mukha. Tinignan siya ni James. “Sabi mo sa akin ay may pumatay sa lahat ng mga kasamahan mo. Bukod sa hindi ka tumakas, sinundan mo pa ang umatake sa inyo dito sa Cansington. Ngayon naman, hinihingi mo ang proteksyon ko. Paano naman naging makatwiran yun?”Paliwanag ni Black Rose, “Ang taong paumaslang sa mga kasama ko na tumangay sa kayamanan ay hindi ang utak. Ang pumatay ay gustong sarilinin ang kayamanan, kaya hindi niya ito binigay sa may pakana nito. Sa halip, tumakas siya dito sa Cansington, at nagtatago. Ito ang dahilan ku
“Salamat.”“Oo nga pala. Thea, narinig ko na ang asawa mo ay pinili mismo ni Lex. Isa siyang ulila at isang retiradong sundalo. Bakit ka sumama sa kanya? Tiyak naman na mas magaling ka kesa sa kanya. Bakit hindi kaya pumili ka ng isang mayaman na binata?”Habang sinasabi niya ito, umupo ng diretso si Hank. “May kilala ako. Binata pa siya, isa na kaagad siyang manager sa isang malaking organisasyon na may buwanang sahod ng limampung libong dolyar. Meron na siyang sariling bahay at kotse. Bakit hindi kaya hiwalayan mo na si James? Bagay sayo ang kaibigan ko!” Ang kaibigan na tinutukoy niya ay ang sarili niya.Subalit, matalino siya para hindi ito ipahalata.Sinusubukan niya si Thea.Uminit ang pakiramdam ni Thea. Hinila niya pataas ang kanyang damit ng bahagya at pinaypayan ang kanyang sarili.Nang mapansin niya ang malisyosong tingin ni Hank, namula siya. Paglingon niya palayo, sinabi niya ng may mahinang boses, “Pasensya na, Hank. Medyo naiinitan ako.”“Hindi naman mainit. Nak
Sa may opisina.Hinubad na ni Hank ang lahat ng damit niya.Naglakad siya papunta ng banyo at tinulak ang pinto, para malaman na naka-lock ito.“Alerto siya,” malupit niyang sinabi. Habang kumakatok sa pinto, sinigaw niya, “Thea, buksan mo to!” Sa loob ng banyo.Patuloy na binabasa ni Thea ang kanyang mukha at pati na din ang ulo niya ng tubig. Basang basa na ang damit niya, at nakadikit na sa katawan niya at pinapakita ang kanyang kurba. Subalit, malakas ang bisa ng gamot. Hindi kayang labanan ng tubig ang epekto nito.Unti-unting uminit lalo ang kanyang pakiramdam.Pakiramdam niya ay parang may mga insektong gumagapang sa loob niya, na gumigising sa kanyang pagnanasa. Ngayon lang siya nakaramdam ng pagnanasa na ganito. Umupo siya sa lapag, habang hinihila ang kanyang damit at kinakamot at kanyang balat.Sa labas ng pinto, maririnig ang boses ni Hank. “Halika ka na, Thea, buksan mo na ang pinto. Gusto mo to, hindi ba? Sisiguraduhin ko na magiging maganda ang pakiramdam