Kailanman hindi nagkaroon ng kapatasan o hustisya sa mundo kung saan ang mga malakas ang namumuno. Para makaligtas sa mundong ito, kailangan na patuloy palakasin ng bawat isa ang lakas nila.Naniniwala si James dito. Mula sa mga tao ng Three- Thousand Sealed Realms hanggang sa mga tagalabas na pumasok sa Earth ng hindi iniimbitahan, inaapi nila ang mga tagalupa simula pa noong una. Kung hindi niya niresolba ang mga krisis gamit ang lakas niya, maaaring inalipin na ang mga tao sa Earth. Kaya, hindi siya kontra sa pagkuha sa War Order ng iba.Matapos pumasok sa lungsod, agad silang nilapitan ng mga tao.“James…” narinig niya ang isang boses.Tumalikod si James at nakakita ng mga pamilyar na mukha---sina Marcello at Jace ng Demon Realm’s Azurean Clan. Katabi nila ay mga hindi pamilyar na mukha. Ngunit, nagtataglay sila ng nakakatakot na aura. Malinaw na mga prodigy sila ng Azurean Clan.Mabilis na lumapit si Marcello at nagtanong, “Kumusta? May nakita kayong mga War Order?”Sa oras na nag
Nagsalita si Jace, “Tara na at umalis na tayo. Maraming mga makapangyarihang pigura ang tumungo na sa Mount Flames. Kung matatagalan tayo, makukuha na ng iba ang War Order.”Tumango si James at sinabi, “Kung ganoon, umalis na tayo.”Hindi pumasok sa lungsod si James. Matapos makasalubong sina Marcello, Jace at iba pa mula sa Demon Realm, tumungo siya sa Mount Flames kasama nila.Matapos lumipad ng kalahating araw, dumating na sila sa rehiyon ng Mount Flames.Ang Mount Flames ay bundok na nasusunog. Habang palapit sila sa bundok, nakaramdam sila ng matinding init.Itinuro ni Jacea ng bundok sa harapan nila bago sabihin, “Iyon ang Mount Flames. Base sa impormasyon ko, may kasaysayan ang bundok na ito.”“Oh?” tinignan siya ni James at sinabi, “Ikuwento mo.”Ipinaliwanag ni Jace, “Base sa impormasyon ng Heavenly Path, ang Mount Flames ay kakaiba. Ito ang Flames of Samadhi mula sa alchemy furnace ng Grand Holy Master sa Ancient Heavenly Court Age. Isang aksidente ang nangyari kaya natapon a
Ang apoy sa Mount Flames ay ang Flames of Samadhi. Kahit na hindi mabilang ang dami ng taon na lumipas na at kahit na hindi na kasing tindi ng apoy ang dati nitong lakas, nakakatakot pa din ito.Sa oras na pumasok si James sa apoy, agad siyang nabalot nito. Hindi siya mapakali sa tindi ng init na sumusunog sa katawan niya.Ngunit, maliit na bagay lang ito. Base sa kasalukuyang pisikal na lakas niya, kaya niyang indahin ang init ng apoy.“Hindi ko siya maaaring hayaan na makuha ang War Order kahit na anong mangyari!”Alam ni James na ang dami ng War Order sa mga labi ng Ancient Heavenly Court Age ay limitado. Mayroon lamang tatlumput tatlo nito. Sa pagkakataon na ito, masyadong maraming nilalang ang nagkukumpitensiya para sa tatlumput tatlong lamang na War Order. Kaya, ang mga makapangyarihan lang ang kaya makakuha nito.Ginamit ni James ang Sage Energy para protektahan ang katawan niya. Dahil sa layer ng Sage Energy na pumoprotekta sa pisikal na katawan niya, hindi na siya apektado ng
“T*ng ina!”Nagmura si Milo matapos makita na bumibilis si James.Sa oras na iyon, hindi na siya nagpigil at ginamit ang Sacrilegious Ascension, ang signature cultivation method ng Primordial Ape Race. Lumakas siya at isang protective barrier ang bumalot sa balat niya. Bumilis siya at nakahabol kay James.Sa oras na iyon, malapit na umabot sa rurok si James. Mas matindi ang init na sumusunog sa tuktok kung saan matatagpuan ang War Order na balot ng apoy.Sa oras na iyon, isang kulay lila na Divine Sword ang nagpakita sa kamay ni James.“Break!”Humiwa siya gamit ang espada. Makapangyarihan na Sword Light ang rumagasa sa ere at hinawa ang apoy. Pagkatapos, nagsidestep siya bago sinugod ang War Order at kunin ito.“Akin!”Isang sigaw mula sa likod ang narinig niya. Habang dumadagungdong ang sigaw sa paligid, isang pigura ang sumugod sa kanya at na nakataas ang palad para atakihin si James.Sapagkat pinanood ni Milo ang laban ni James at Yorick, alam niya kung gaano kalakas si James, lalo
Mayroong tatlumput tatlong War Order sa mga labi ng Ancient Heavenly Court. Base sa kalkulasyon ni Milo, balak niyang damihan ang mga War Order na makukuha niya at ibebenta ito sa may kailangan nito. Mayaman ang mga makapangyarihang mga pigura at mga prodigy na tumungo sa Earth na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng universe.Ngunit, si James ang nakakuha sa War Order sa pagkakataong ito. Sa loob lamang ng ilang araw, lumakas ng husto si James. Mas malaki ang mawawala sa kanya kung makikipaglaban siya kaysa isuko ang isang War Order.Samantala, naupo si James ng lotus position para magpahinga.Maraming nilalang ang nagtipon sa Mount Flames—sampung libo sila. Lahat sila nakatitig kay James.Ngayon at nasa mga kamay na ni James ang War Order, makukuha nila ito kapag natalo nila si James. Ngunit, hindi madaling talunin si James, halos imposible ito.Marami ang isinanatabi ang pag-iisip na ito. Kung may lakas sila para talunin si James, hindi sila magkakaroon ng problema na maghanap ng War Or
Ang naririnig lang na tunog ay ang dagalak.Tinignan ni James ang Mount Flames. Ito ang perpektong lugar para magcultivate. Ang Flames of Samadhi ay nakakatakot at napakaepektibo sa pagpapalakas ng pisikal na katawan niya. Bukod pa doon, nagtataglay ang apoy ng misteryosong enerhiya na kayang pataasin ang Sage Energy ng mabilis.Sa pagkakaintindi ni James, hindi ganoon kataas ang rank ni Milo. Nasa Sage Rank’s Tenth Stage lamang siya, samantala ang iba ay umabot na sa Fifteenth Stage. Bilang mga prodigy, stable at tunay ang rank nila.Kahit na ang pisikal na lakas ni James ay nasa Sage Rank’s Seventh Stage, ang lakas niya ay naiiba. Matapos makuha ang providence, nasa Sage Rank’s Fourth Rank Stage lamang siya. Kung hindi gagamit ng ibang mga bagay, wala siyang laban sa mga makapangyarihan na pigura.Matapos ang kaunting pag-iisip, pumasok siya sa apoy. Kahit na mukhang nakakatakot ang apoy, nagawa niyang indahin ang apoy sa paligid ng hindi gumagamit ng kahit na ano. Sa oras na nasa ka
Mas madali ang palakasin ang pisikal na lakas kung iisipin. Hanggat kaya indahin ang sakit ng katawan at tiisin ang pinsala, patuloy na lalakas ang pisikal na katawan.Sakit? Pinsala?Marami ng pinagdaanan si James. Ang pisikal na katawan niya ay patuloy na nasunog sa apoy. Ang pangkaraniwang mga cultivator ay hindi kakayanin ang tindi ng init. Ngunit, nasanay na si James dito. Kahit na ang balat niya ay mapula, hindi niya ito naging problema.Pagkatapos, ginamit niya ang Novenary Golden Body Siddhi para higupin ang apoy para mapalakas ang pisikal na lakas niya.Gayunpaman, mabagal ang paglakas ng pisikal niyang lakas.Sumailalim muli si James sa closed-door meditation ng limampung taon. Dito lamang umabot sa Sage Rank’s Eighth Stage ang pisikal niyang lakas.Isang araw at kalahati ang lumipas sa mundo sa labas. Kahit na hindi niya alam kung bumukas na ang Thirty-Three Stages Celestial Palace, alam niyang kailangan niyang lisanin ang closed-door meditation.Masasayang lamang ang lahat
Isang lalake ang mabagal na naglakad sa kalsada. Habang nakasuot ng itim na robe, may mahaba siyang buhok at guwapong mukha. Kalmado siya at nakangiti.Ito si James.Maraming nilalang ang nagtipon sa gate na labas pasok sa lungsod.Nagkaroon ng komosyon sa pagpapakita ni James.“Dumating na si James!” sigaw ng isa.Sa isang gusali sa lungsod, isang mabangis na lalake ang nakaupo sa upuan. Amg taong ito ay nababalisa.Sa oras na ito, isang lalake ang mabilis na lumuhod ng isang tuhod at binati siya ng magalang, “Master, dumating na po si James.”Noong narinig niya ito, tumayo ang mabangis na lalake at natutuwang nagtanong, “Totoo?”“Opo, dumating siya sa gate ng lungsod.”“Mabuti! Ipaalam sa lahat ng malalakas natin na mandirigma. Aatakihin natin si James para kunin ang War Order niya!”“Masusunod po.”…Sa nakalipas na isa’t kalahating taon na nasa closed-door meditation si James, hindi niya alam na maraming War Order na ang nagpakita. Sa bawat pagpapakita ay nagkaroon ng matindi at ma
Normal para sa medyo maliliit na mundo na ipanganak sa Chaos.Sa kabila ng pagiging isang magulong lugar ng Chaos, mabubuo pa rin ang maliliit na mundo sa paligid ng lugar. Gayunpaman, matatangay sila ng marahas na pwersa.Maging ang Nine-Power Macrocosm Ancestral Gods ay kailangang mag ingat sa lugar na ito. Kung hindi, ang isa ay madaling mahihila at masipsip sa mga black hole na ito.Gayunpaman, ang Heaven-Eradicating Sect ay nag-ugat sa lugar na ito sa mahabang panahon. Pamilyar sila sa kapaligiran at nakapaghanda na ng ligtas na daanan para maglakbay sa lugar.Pinangunahan ni Daegus si James at ang iba pang mga tao sa Chaos. Sa daan, nakita ni James ang maraming sirang universe. Matagal ng nalanta ang mga universe na ito at wala ng Empyrean Spiritual Energy. Kaya, sila ay patay na tahimik.Pagkatapos ng mahabang panahon na paglalakbay, ang malupit na kapaligiran ay humupa at naging mas matatag.Sa wakas, pumasok sila sa isang maliit na universe.Ang universe ay mayroon ding
Huminga ng malalim si James at hindi na ginagamot ang mga sugat niya.Sa panahong ito, nanatili si Daegus sa malapit upang bantayan siya.“Ayos ka lang ba?” Tanong ni Daegus.Bahagyang tumango si James at sinabi, "Naasikaso ko na ang mga pinsala ko. Kailangan ko lang na magpahinga ng sandali at para tuluyang makabawi."Pagkatapos, kinuha ni James ang kanyang imbakan na kayamanan at inilabas ang lahat ng kanyang naligtas mula sa piitan.Ng mapalaya ang mga taong ito, agad na tumulong si Daegus sa pagtanggal ng kanilang mga seal.Nailigtas din ang ilang nilalang mula sa iba't ibang lahi. Tiningnan ni James ang kanilang maingat na mukha, ikinaway ang kanyang kamay at sinabing, "Ligtas na kayong lahat. Sige na at umalis na kayo."“Salamat, Sir.”"Ako ay lubos na nagpapasalamat."Ang mga nilalang na ito ay mabilis na nagpahayag ng kanilang pasasalamat at umalis sa lugar.Hindi nagtagal, ang mga tao na lamang mula sa Heaven-Eradicating Sect ang naiwan sa kagubatan."Deputy Leader
"Elder, hahayaan na lang ba natin siya?" Nabigo si Hutchin."Ano pa ang magagawa natin? Matagal na natin siyang nakulong sa formation at inipon ang kapangyarihan ng buong Hopeless City para subukang patayin siya. Kung hahabulin natin siya palabas ng Soul Realm, hindi lang natin siya mapatay, ngunit maaari tayong magdusa ng malaking kaswalti."Galit na galit si Tobias.“Bukod dito…”Sinulyapan niya ang mga powerhouse na naroroon at malamig na sinabi, "Na deactivate niya ang aming formation at umalis. Sino ang nag leak ng impormasyon tungkol sa Formation Inscriptions sa kanya? Ang bagay na ito ay kailangang maimbestigahan ng mahigpit. Kung sino ang may pananagutan dito ay papatayin ng walang awa."“Nag uulat!”Sa sandaling iyon, lumitaw ang isang guwardiya mula sa Mount Carslegh at lumuhod sa lupa.Tanong ni Hutchin, "Ano ito?"Nanginginig na sinabi ng guwardiya, "Nailigtas na ang mga bilanggo sa piitan."“Ano?!”Nagulat si Hutchin at mabilis na tumakbo patungo sa piitan.Pag
Kaagad pagkatapos, lumitaw ang ilang mga blades sa loob ng formation at nagbigay ng nakamamatay na suntok kay James.Nasugatan na naman si James. Galit na galit siyang nagmura, "Bwisit."Alam niyang ang lugar na ito ang magiging libingan niya kung ipagpapatuloy niya ang pakikipaglaban.Sa sandaling iyon, naisipan niyang tumakas sa larangan ng digmaan.Hinimok niya ang lahat ng kanyang lakas, itinaas ang kanyang espada sa langit at sumugod na parang dart para basagin ang formation at lisanin ang Hopeless City.Ng malapit na siya sa hangganan ng formation, ilang mahiwagang salita at pattern ang lumitaw sa kanyang harapan.Itinusok niya ang kanyang tabak sa kanila at nagkawatak watak sila na parang mga alon ng tubig.Nabalewala kaagad ang kapangyarihan ni James."Anong kakaibang formation."Nadurog ang puso ni James. Alam niyang mahirap ang pagsira at pag alis sa formation gamit ang sarili niyang lakas. Ang tanging pagpipilian niya upang makatakas ay ang pag aralan ang mga inskri
Napakalakas ng swordsmanship ni James.Ang kanyang Sword Path ay naglalaman ng hindi mabilang na Sword Moves.Swoosh!Isang nakasisilaw na Sword Energy ang lumabas at bumaril kay Tobias.Si Tobias ay kalmadong lumutang sa hangin at nginisian, "Hmph."Itinaas niya ang kanyang kamay, at isang kakaibang pattern ang lumitaw mula sa kanyang palad.Isang vortex ang lumitaw sa gitna ng pattern, at ang Sword Energy ay nilamon.Agad na nawala ang Sword Energy ni James."Iyan ay medyo kamangha manghang."Mabilis na umatras si James.Gayunpaman, maraming powerhouses ang sumulpot sa kanya.Maraming Chaotic Treasures ang umindayog sa kanyang direksyon, na nagpakawala ng mga nakakatakot na pwersa.Sa sandaling iyon, hinimok ni James ang kanyang Karma Power at isinaaktibo ang One for All.Matapos niyang pinagana ang Supernatural Power, naging kakaiba ang kanyang Karma Power at agad na nagbalewala sa lahat ng pag atake ng Quasi Acmeans.Sa kabila ng pagkakaroon ng ilang Quasi Acmeans bil
“Alis!” Sigaw ni James.Parang kumukulog ang boses niya. Maging si Daegus ay natigilan sa kanyang sigaw.Pagkaraan ng ilang segundo, sumagot si Daegus, “Mag iingat ka.”Nawala agad sa paningin si Daegus matapos ipaalala kay James.Agad siyang hinabol ng mga powerhouse ng Hopeless City. Gayunpaman, pinutol ni James ang Malevolent Sword at hindi mabilang na Sword Energies ang nabuo upang bumuo ng sword net.Pansamantalang tinatakan ng lambat ng espada ang paligid.Ilang Quasi Acmeans ang nagtulungan at halos agad na nabasag ang kanyang Sword Energies.Noon, umalis na si Daegus sa Soul Realm at pumasok sa Chaos."Sapat na ang panatilihin ka rito."Humarap si Tobias sa harapan ni James at saglit siyang sinuri. Saglit niyang pinagmasdan si James ngunit hindi nagmamadaling kumilos. Nagtataka siyang tumingin kay James at nagtanong, "Kailan nagkaroon ng powerhouse ang Human Race na umabot sa Seventh Stage ng Omniscience Path?"Sa sandaling iyon, lumitaw ang iba pang mga powerhouse sa
"Imposible! Paano ko kayo maiiwan?"Nag aalala si Dahlia. Paano siya makakatakas ng mag isa sa ganitong sitwasyon?Sinabi ni James, "Nailigtas ko na sina Karglain, Bruce at ang iba pang mga tao. Tutulungan ko ngayon ang deputy leader ng iyong sekta. Kung iiwasan natin ang labanan, dapat ay madali tayong makatakas. Kung magpapatuloy ka rito, paano ka aalis kung tatatakan nila ang kanilang planeta?"Nakaramdam ng matinding ginhawa si Dahlia sa kanyang sinabi.Tumango siya at sinabing, "Sige, aalis muna ako sa Soul Realm at pupunta sa headquarters. Pagkatapos mong makipagkita kay Lolo, dadalhin ka rin niya doon."Pagkatapos niyang magsalita ay mabilis na umalis si Dahlia. Nakahinga rin ng maluwag si James ng makaalis na siya.Tumingin siya sa matinding labanan sa malayo, iniunat ang kanyang katawan at naramdaman ang isang malakas na pwersa na bumalot sa kanyang katawan. Pagkatapos, bumulung bulong siya, "Hindi pa ako lumaban simula nang pumasok ako sa Seventh Stage ng Omniscience Pa
Tumango si James.Wala siyang masyadong magagawa sa mga sandaling iyon. Sinundan niya ang nagtitipon na hukbo at nagmamadaling lumabas ng Mount Carslergh. Sa sandaling iyon, libo libong mga sundalo ang nagtipon na sa labas ng Mount Carslegh at nakapalibot sa isang tao.Ang tao ay isang matandang lalaki na nakasuot ng dilaw na damit. May hawak siyang horsetail whisk sa kanyang kamay at naglabas ng dominanteng aura. Kasabay nito, ang kanyang mga mata ay puno ng nakamamatay na galit. Paulit ulit niyang iwinagayway ang kanyang whisk at isang malakas na pwersa ang humampas pasulong, na napilitang umatras ang mga sundalo.Ang lahat ng mga powerhouse sa Hopeless City ay lumahok sa labanan, maging ang Nine-Power Macrocosm Ancestral Gods at Quasi Acmeans. Personal ding dumating si Hutchin para sumali sa laban.Ang matanda ay halos hindi nakakapagtanggol laban sa lahat ng kanilang mga pag atake. Gayunpaman, maliwanag na hindi na siya magtatagal at tuluyang babagsak.Biglang lumitaw ang isan
Ang piitan ay may pormasyon sa paligid nito, ngunit sinuri na ito ni James. Ngayon, madali niyang nabuksan ang pormasyon at tahimik na pumasok sa piitan.Ng malapit na siya sa piitan, pinigilan niya ang kanyang aura at nagtago sa kanyang paligid. Pagdating sa tarangkahan ng piitan, lumakad siya sa gilid at tahimik na sinimulan na idisassemble ang formation.Gumawa siya ng maliit na butas sa formation at pumasok sa piitan.Pagkapasok ni James sa piitan, naging malabong anino siya at mabilis na tinungo ang daanan. Saanman siya dumaan, ang mga guwardiya sa loob ng piitan ay babagsak sa lupa at manghihina.Ang mga guwardiya sa loob ng piitan ay medyo mahina at madaling itinapon sila ni James. Pagkarating ni James sa kaloob-looban ng piitan, nabasag niya ang kandado ng bakal na pinto ng selda.Maraming tao ang nakahiga sa loob ng madilim at malabong selda. Lahat sila ay naka seal sa kanilang mga cultivation base at nasugatan matapos pahirapan.Ikinumpas ni James ang kanyang kamay at i